▪Steve Pov▪Ilang taon na ang lumipas pero hindi na namin siya muling nakita. Ilang taon na mula noong huli ko siyang nakita. Pero, walang nagbago. Araw-araw naiisip ko siya, araw-araw hinahanap ko siya. Binago ko lahat sa'kin, inayos ko ang sarili ko. Kinalimutan ko ang bisyo ko, kinalimutan ko ang masasamang gawain ko. Lahat 'yon ay ginawa ko para kung sakaling bumalik siya. Alam kong walang kasiguraduhan na mabawi siya, lalo pa ngayong nalaman ko na mahal din siya ng kapatid ko.Siya ang babaeng matagal nang gusto ng kapatid ko. Ang nagpapasaya sa kapatid ko noon kahit sa tingin lamang.Naisip ko, siguradong wala akong laban kung siya ang kasabayan ko. Napakabait nito, Doctor, at walang masamang bisyo. Naging malapit din sila noon sa isa't-isa, kaya hindi malabo na siya ang piliin nito.Pero hindi ako basta susuko, hindi ko siya basta isusuko.Four years still her... And unexpected happened. Sila pala ng kaibigan niya ang may ari ng AB Constraction Company kung saan kami makikipag
“Buntis ako!” masiglang balita ko sa asawa ko pagkarating nito sa bahay. Ngunit ang maganda kong ngiti ay unti-unting nabura dahil sa reaksiyon nito.“Paano mo nasigurado na akin 'yan?” malamig nitong tanong sa akin.Literal na natigilan ako sa narinig. Paano n'ya natanong ang ganitong bagay? S'ya ang asawa ko, kaya malamang s'ya ang ama!“Dahil ikaw ang asawa ko, hindi ba?”“Pero hindi naman ako sigurado na ako lang ang nakakagalaw sa iyo.” Umismid pa ito at tiningnan ako na para bang nakakadiring bagay. “Ilang araw kang paalis-alis, and do you expect me to believe that? Are you kidding me?!” Nilampasan ako nito at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.“Hindi ibig sabihin na umaalis ako ay nakikipagkita na ako kung kanino! Ikaw ang ama nito!” naiiyak kong saad.“Puwede ba, Brianna, tigilan mo ako sa kaartehan mong 'yan?! Sa dami kong nâikama, ni isa wala akong nabuntis! Tapos ngayon, babalitaan mo ako na buntis ka?! Ginagago mo ba ako?!” galit nitong tanong sa akin.Oo, alam ko a
“Look, Brianna...” kinikilig na tawag sa akin ng kaibigan kong si Amirah. May kalakasan ito dahil nasa party kami ng ka-batchmate namin.“What?!” sagot ko tapos ay lumagok sa bote ng alak na hawak ko. Medyo umaalon na ang paningin ko.“Your crush is here, too!!! Oh my goodness, girl! Retouch! Bilis!”“Nasaan ba?” Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nagkalat ang mga tao sa malaking bahay, at karamihan ay lasing na.“Gaga! Ayon, oh!” Hinawakan ako nito sa panga at iniharap sa gawi kung nasaan daw ang crush ko. At nanlaki naman ang mga mata ko dahil nandoon ang crush ko. Nakikipagtawanan sa kausap nito at halata mo rin na nakainom dahil namumula na ito.“T*ng*na! Hindi mo agad sinabi!” bulyaw ko sa kaibigan at nagmadaling kinuha ang aking pouch. Naglagay ako ng liptint at nagpulbos, nagsuklay din ako dahil medyo gulo na ang buhok ko.“Ang taray! Parang hindi lasing, pucha ah! Nagpupuso ang mga mata mo, girl!” pagbibiro ni Amirah.“Siyempre naman, girl! Panahon na siguro para humarot na
Paglabas ko ng banyo ay wala na si Steve. Hirap pa akong maglakad dahil medyo masakit pa ang maselang bahagi ko. Tapos tumakbo pa ako kanina papunta sa banyo, kaya para akong napunit!“Excited naman s'ya masyadong makipag-usap sa parents ko. Iniwan ba naman ako rito! Ang hirap kayang maglakad. Bwisit!” reklamo ko habang maingat na naglalakad palabas ng kwarto. Panay ang ngiwi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.Kahit pagbaba ng hagdan ay nahihirapan ako. Bakit ganito?! Kangkang na ako, punyeta!Naabutan ko ang parents ko sa sala nina Rose, at seryoso ang mga mukha. Nandoon na rin si Steve na nakaupo sa tapat nina Daddy habang hinihilot ang kaniyang sintido. Hang-over siguro.Pinilit kong umayos nang lakad nang tumingin na sa gawi ko sina Daddy.Umupo ako malapit kina Daddy at Mommy. Narito rin si Rose. Nasa trabaho siguro ang parents n'ya kaya wala rito. Mabuti naman kung ganoon dahil mas nakakahiya.“Are you my daughter's boyfriend?” my Dad asked Steve. Walang emosyon namang tum
“Girl!!! True ba ang tsismis mo?” bungad agad ni Amirah pagkarating n'ya sa Casa de Cafe kung saan kanina pa ako naghihintay.“Tss. Ang tagal mo! Kanina pa ko rito!” naiiritang sabi ko naman sa kaibigan.“Ito naman! End of the world na ba dahil naghintay ka nang matagal? Ilang taon ka bang naghintay?”“Ewan ko sa iyo!”“So, ano nga? True ba? Magpapakasal kayo ng crush mo?” ngiting-ngiting tanong nito, parang may kislap pa sa mga mata niya.“Oo,” walang gana kong sagot bago bumuntonghininga.“Oh my gosh! Malandi ka! Usapan, gagahasain mo lang, girl! Grabe ka! Nagahasa mo na, pakakasalan mo pa?! Prayer reveal naman diyan!” Sobrang saya ng mukha n'ya. Siguro, kung tulad lamang noon. Baka kinikilig na rin ako, kaya lang, may buhay na nasira. Buhay naming pareho, at relasyon nila ng dyowa niya.Unti-unting nabura ang masayang awra ng kaibigan ko nang mapansin niyang problemado ako.“B, may problema ba?”Ikinuwento ko ang buong pangyayari, pati na rin ang galit sa akin nina Mommy at Daddy
Ngayon ang araw kung kailan ang lunch kasama ang family ni Steve. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin sa'kin ng parents niya. Malamang alam nila na hindi naman ako 'yong inalok niya ng kasal, pero ako ang pakakasalan. Kahit na labag sa loob ko ay naligo at nag-ayos pa rin ako ng akibg sarili. I'm dressed in a black bodycon dress and black pumps. I simply pinned a cute hairpin near my ear to the side of my hair. I look like I'm on my way to a funeral. However, the reality is, pinagluluksaan ko na ang mga natitirang sandali ng buhay pagkadalaga ko.Bumaba ako sa sala at doon naabutang naghihintay sina Mommy at Daddy. Tumaas ang isang kilay ni Daddy habang tinitignan ang kabuuan ko na nababa ng hagdanan. Pagkarating ko sa gawi nila ay bigla itong umismid.“Hindi masyadong halata na nagluluksa ka sa pagpapakasal, Czes. Let's go...” ani Daddy.Sumunod lamang ako sa kanila palabas. Gustuhin ko man na kausapin si Mommy, hindi ko magawa. Ito na agad ang naiwas kapag malapit na ako sa gawi ni
Sumakay ako ng taxi papuntang mall, habang nasa taxi ay pinunasan ko ang aking mukha. Pagkarating ko ay pumasok ako sa loob at naghanap ng coffee shop. Hindi naman ako nahirapan maghanap, umorder agad ako at tinawagan ang aking kaibigan.“Amirah...” Basag na boses kong tawag sa pangalan niya. Nagsisimula na naman manubig ang aking mga mata.[B! Hey... Are you crying? Where are you? Are you okay? Please tell me where are you, I'm coming.]Napangiti naman ako sa sunod-sunod nitong tanong sa'kin. Pangalan pa lamang niya ang sinasabi ko, sobrang nagaalala na s'ya.“A-Are you free today?” Tanong ko habang nagpipigil na maiyak dahil ibinaba na ang order kong coffee at bread.[I'm always free for you B, you know that...] Oo, ni minsan hindi niya ko tinanggihan. We're best friends since ten years old kami. Bagong lipat sila sa subdivision namin noon dahil friends pala ang mga parents namin. “Can you pick me up?”[Of course! Where?] Mabilis nitong sagot.“Mall, I'll text you where exactly I
Ilang araw na akong namamalagi sa rest house ni Amirah. Pareho naming pinatay ang mga phone namin para walang istorbo. So far, I feel relax because of the ambiance and because of the sea. Pero, hindi naman ako gano'n kasama para hindi isipin kung nagaalala ba sila sa'kin. Lalo na si Mommy, baka nai-istress na. Pero kay Daddy? Alam ko namang hahanapin n'ya lamang ako dahil sa pag merge ng company nila ni Mr. Harrison.“Girl! Halika rito dali!!!” Sigaw ni Amirah mula sa baba, dahil nakatambay ako sa veranda ay nakatingala ito sa'kin.“Bakit?” “Basta! Ngalay na batok ko pisti ka! Bumaba ka na lang!!” Tinawanan ko naman ito bago napag pasyahan na bumaba.Pagkababa ko ay may mga kasama na ito. “Come here B, I want you to meet this beautiful family!” Masiglang sabi ni Amirah at hinila ako palapit sa pamilyang tinutukoy nito.“A... Baka mamaya maisumbong tayo n'yan kina Daddy...” Bulong ko rito.“Gaga! Hindi nila kilala 'yon!” Nakangiti na ang mga ito sa'min, mag-asawa ito na may dalawan