Share

Chapter 1: Punishment

NANATILING nakatitig sa puting kisame si Raven habang sinisikap na hindi kumawala sa lalamunan niya ang mga ungol habang papalapit sa kaniyang kasukdulan.

Habang si Kayden ay abala ang balakang sa pagitan ng kaniyang mga hita.

Ito ang parusang binibigay nito sa kaniya sa mga paggawa niya ng kasalanan o tuwing sasalungat siya sa gusto nito.

Napakagat-labi siya nang kusang kumislot ang kaniyang balakang kasabay ang pag-arko ng katawan niya habang gumuguhit ang nakababaliw na kiliti sa loob ng kaniyang puson at pagkababae.

“Ahhh…ahhh…” magkasunod na ungol ni Kayden at mas binilisan pa ang paggalaw ng balakang nito habang tila ba nababaliw.

Nadama niya ang init ng inilabas ni Kayden sa loob ng kaniyang impis na puson, kasunod niyan ay ang unti-unting pagbagal ng paggalaw ng balakang nito.

“Ahhmm…” nanlalatang ungol pa ni Kayden bago tuluyang huminto sa pagkilos.

Humihingal itong bumagsak sa kaniyang tabi, naliligo sa sariling pawis at nanlalata.

Kaagad siyang kumilos at umibis sa kama.

Hubo’t hubad niyang tinungo ang bathroom at ini-lock ang pintuan noon.

Kaagad niyang pinisil ang kaniyang puson habang lumalakad papasok sa walk-in shower.

Lingid sa kaalaman ni Kayden ay ginagawa niya ito tuwing gagamitin siya nito upang ilabas ang ipinunla nito sa kaniyang puson. Ipinagpapasalamat niya na tila mayroon itong bisa sapagkat hindi siya nito nagawang mabuntis sa loob ng mga lumipas na taon.

Wala siyang pagkakataon upang gumamit ng birth control maliban doon dahil kailanman ay hindi siya nagkaroon ng tiyansa upang makaalis dito sa isla to buy herself the things she needed, isa pa ay tiyak na hindi siya hahayaan ni Kayden na gumamit noon.

PRIBADO ang Isla Alcaraz at pag-aari ito ni Kayden. 

Walang ibang laman ang isla na ito kun’di ang marangyang mansion nito na nasa ituktok ng malaking bato kung saan natutunghayan ang maasul na karagatan, maliit na parke, kapilya, gas station, grocery store na para sa kanila lamang, paliparan kung saan lumalanding ang private plane ni Kayden, at rampa ng yate nito.

Ang nag-iisa nilang karatig isla na tinawid niya kanina kasama si Kayne upang tumakas ay pag-aari rin pala mismo nito, kaya naman pala ipinagkanulo sila rito ni Dave, ang nakatalagang bantay sa lighthouse at cellular base station sa isla na iyon, na nilapitan nila upang hingan sana ng tulong. 

Gamit ang telephone sa lighthouse ay nagawa niyang makatawag sa 117 hotline kanina para humingi ng tulong ngunit walang dumating gaya ng ipinangako ng 117 dispatcher. Natitiyak niyang may kinalaman doon si Kayden.

Isang bagay lamang ang lubos niyang napatunayan at pilit na tinatanggap. Dito, no one has the right to decide kun’di si Kayden lamang. Bawat salita nito ay batas doon sa buong isla, no one can break it.

Noon pa man ay ipinagbabawal na nitong gumamit siya ng kahit na anong devices na maaaring magamit niya sa pakikipag-komunika. Hindi niya magawang makapuslit sa paggamit noon sapagkat bantay-sarado siya ng close-in bodyguard niya na si Shanna.

Sa loob ng napakahabang panahon, hindi na niya halos mabilang, ay sa ganiyang sistema siya nabuhay dito. Labis na nakalulungkot, nakababagot.

Mabuti na lamang at nariyan si Kayne, ang kanilang anak. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ninanais pa niyang mabuhay at patuloy na gumising sa bawat pagdungaw ng masiglang araw sa silangan.

WHEN she thought she had released all of his semen, binuksan niya ang shower at itinapat ang kaniyang sarili roon.

Mahabang sandali rin siyang nanatili roon habang nakatulala at dumadaloy ang masaganang mga luha buhat sa malalamig niyang mga mata, mga luhang tila hindi nauubos at patuloy pa ring dumadaloy sa bawat pagkakataong gaya nito.

Natapos siya sa pagligo.

Binalot niya ang sarili sa bathrobe at kumilos na palabas doon.

When she came out of the bathroom, she saw Kayden who seemed to be asleep in a king sized bed.

She sat on the edge of the bed and her pair of cold eyes looked out of the glass-wall window and gazed at the starry sky.

Ilang sandali rin siya sa ganoong ayos bago nilingon si Kayden.

Tumayo siya at lumigid sa kama.

Inangat niya ang kamay at maingat na hinila ang drawer sa bedside cabinet sa side ni Kayden mismo.

Napalunok siya at napatitig sa baril na naroon.

Her right hand trembled as she picked it up.

Sinikap niya iyong maikasa at itinutok sa nahihimbing na asawa.

Natutop niya ang kaniyang labi before tried to pull the trigger of the gun but she couldn’t pull it completely bagkus ay tahimik siyang napaiyak datapuwat nanatiling nakaumang dito ang hawak na baril.

Everything was in such a situation when Kayden suddenly opened his eyes.

She was shocked and immediately backed away simultaneously holding the gun with both hands, tightly.

“Raven!?” nabiglang tawag nito sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya. “Put the gun down,” tapos ay mahinahong utos nito.

Tigmaok sa luhang umiling siya.

“Just die, Kayden! Just die, please…!” paanas pero mariing sabi niya sa pagitan ng kaniyang pag-iyak.

Ito naman ang napailing kasabay ang  pagguhit ng pait sa mukha nito habang nakatitig sa kaniya.

Dahan-dahan itong bumangon buhat sa pagkakahiga sa kama.

“I did everything sa loob ng maraming taong lumipas para lamang tanggapin mo ako kahit hindi sa puso mo pero at least hopefully as your husband, Raven, but why can’t you!?” bakas sa tinig ang pait na tanong nito.

Umaangat ang kaliwang kilay niya. 

“Dahil kahit anong gawin mo, bali-baliktarin mo man ang mundo hinding-hindi kita kayang tanggapin sa buong buhay ko, Kayden!” mapait ngunit madiin niyang sabi. “Kaya please, h’wag mo na akong hayaang pumatay ulit sa ikalawang pagkakataon. Nakuha mo na ang gusto mo sa akin, nakuha mo na ang katawan ko gaya ng tanging nais mo!” Napahibi siya matapos iyang sabihin.

“You hypocrite, Raven! Why don’t you admit to yourself that you see how much I love you and—”

“Gusto kong patunayan mo sa akin, Kayden.” Putol niya rito kasabay ang pagdiin ng hawak sa baril. “If you really love me, let me go. Matagal mo na akong ikinulong dito, dito sa tahanan mo that has seemed like a cage for me for so long!” nanginginig at garalgal ang boses na sabi niya sa pasigaw na paraan.

Hindi ito nagsalita bagkus ay hubo’t hubad na humakbang palapit sa kaniya.

“Hanggang d’yan ka lang, Kayden. Kung gusto mo pang mabuhay, don’t even try to take another step closer to me.” Pagbabanta niya na sinikap patatagin ang anyo at tinig upang ipakita rito na desidido siya sa kaniyang sinabi sakali mang ipilit nitong lapitan siya.

Subalit hindi ito natinag.

“Pull it, Raven, if you can. Pull the trigger!” mapait at madiing utos nito sa kaniya.

Napasaltik ang mga bagang niya lalo na nang makitang hindi ito humihinto sa paghakbang palapit sa kaniya.

Napapikit siya sabay kalabit sa gatilyo ng baril subalit agad siyang napamulat nang hindi iyon pumutok at tanging lagitik lamang noon ang kaniyang narinig.

Namasa ang mga mata ni Kayden dahil sa masidhing galit.

Tiim bagang nitong hinablot ang baril sa kamay niya pero hindi lang iyan, ikinagulat niya nang isuntok nito ang kamao sa wall hibla lamang ang layo sa kaniyang mukha.

Malakas ang pagsuntok nito roon dahil umugong at lumagapak iyon sa kaniyang pandinig.

Hindi naman dumapo sa mukha niya ang kamao nito ngunit damang-dama niya ang sakit sa kaniyang dibdib, para iyong dinudurog.

Mabalasik ang anyong tinitigan siya nito.

“Leave if that’s what you want, but you can’t take Kayne with you, kung susuwayin mo ulit ang sinabi ko, ako mismo ang gagawa ng libingan para sa inyo.” Padarag nitong ibinalik ang baril sa drawer tapos ay hinataw ng suntok ang lampshade.

Tumilapon iyon at nabasag. 

Nanlalamig ang mga palad at talampakan niya dahil sa takot.

Akala niya ay tuluyang iiral ang nakakatakot nitong volcanic temper, pero pasalamat siya sapagkat kumilos ito at padabog na lumabas doon sa kanilang silid.

Nasapo niya ang kaniyang leeg. Pakiwari niya ay sinasakal siya sa tindi ng emosyon na bumabalot sa pagkatao niya sa mga sandaling iyan.

Ang tahimik na pag-iyak niya kanina ay nagkaroon ng bahagyang ingay ngayon.

‘Asher!’  wala sa loob na tawag ng kaniyang puso sa pangalang iyon.

DUMIRETSO sa home mini bar si Kayden nang lumabas siya at iwanan si Raven sa kanilang master bedroom suite.

Gusto niyang malasing upang kahit sandali’y makalimot sa sakit.

Alam naman niya na hindi talaga siya mahal ni Raven ngunit, hindi pa rin niya matanggap-tanggap kapag paulit-ulit nito iyong pinapamukha sa kaniya.

Kumuha siya ng alak sa wine credenza at nagsalin noon sa wine glass. Pinuno niya iyon ng laman tapos ay tinungga, sinaid.

He clenched the wine glass as he set it down on the counter bar.

Tinitigan niya ang dumudugo niyang kamao kung saan ay hindi niya nadarama ang sakit, kun’di sa kaniyang puso.

Sa mga sinabi ni Raven kanina, wala na sigurong mas sasakit pa sa isip na kayang-kaya pala nitong kitilin ang kaniyang buhay.

Mabuti na lamang talaga at naging ugali na niyang i-unload ang kaniyang baril kapag naroon sa Isla Alcaraz mula nang araw na iuwi niya roon si Raven.

Napabuntong-hininga siya at tiningnan ang wedding ring na nakasuot sa kaniyang daliri.

Napatiim bagang siya habang pinamimintanaan ng kapaitan ang kaniyang mga mata.

Siya si Kayden Alcaraz, anak ng isa sa mga makapangyarihang tao sa bansa, mayroong kayamanang hindi mauubos, kaya niyang makuha ang lahat ng gusto niya, ngunit bakit hindi ang puso ng kaniyang asawa?

Wala sa loob na mapait siyang napaluha.

He’s in love with Raven every day, hindi niya kakayaning mawala ito sa kaniyang tabi, sa buhay niya. Mababaliw siya kapag nangyari iyan.

Kahit malamig pa sa patay ang pakikitungo nito sa kaniya lalo na pagdating sa kama, wala siyang pakialam. Ang importante lamang ay kaniyang-kaniya ito, wala ng ibang p’wedeng umangkin pa.

‘Raven…’ bulong ng puso’t isip niya sa pangalan ng kaniyang asawa.

Muli siyang nagsalin ng alak sa wine glass at nagpatuloy sa pag-inom ng mag-isa.

MARARAHANG yugyog sa balikat ni Raven ang gumising sa kaniya.

Ang medyo maedad ng mayordoma na si Elisa ang namulatan ng kaniyang mga mata.

“Pasensya ka na, Ma’am Raven. Inutusan ako ni Sir Kayden na gisingin ka. Please prepare your belongings and you will fly to Manila today with Sir Kayden,” mahinahong sabi nito bagama’t maramot ngumiti.

Upon hearing what Elisa said, she immediately turned to stand up and she almost fell on the couch where she slept all night after what happened last night, dahil sa sobrang tuwa.

“Sa Manila?” hindi pa makapaniwala na tanong niya rito.

“Opo, Ma’am. Malubha raw ang karamdaman ng Lola ni Sir Kayden at hinihiling na makita kayo ni Kayne,” tugon at pagpapaliwanag nito sa kaniya.

Natigilan siya at napamata rito.

Ngayon lamang niya nalaman na may Lola pa pala si Kayden, kung hindi pa pala ito nagkaroon ng malubhang karamdaman ay hindi niya malalaman.

When they got married here, no one else attended but Kayden’s parents and only few friends of him para maging saksi sa kanilang kasal.

Alam niyang ginawa iyon ni Kayden upang matiyak na walang ibang makakaalam na tinangay siya nito roon at sapilitang ikinasal dito.

Noon bumukas ang pintuan at pumasok si Kayden. Malamig ang anyo nito.

“Kung matapos ang forty minutes at hindi ka pa nakahanda ay maiiwan ka rito.” Dire-diretso itong lumalakad patungo sa walk-in closet nang sabihin iyan.

Kaagad siyang tumayo at tinalikuran si Elisa ng walang paalam.

Tinungo niya ang bathroom at dali-daling itinapat ang sarili sa shower.

Ito na ba? Ito na ba ang pagkakataong matagal na niyang hinihintay upang makawala sa pagkakagapos sa kaniya ni Kayden?

She was in such a state of mind when she was startled by the sudden opening of the glass door doon sa walk-in shower.

Tumingin siya sa glass door at nakita niyang nakatayo roon si Kayden.

She stared at him who was then staring at her as well.

“I can hear what your mind is saying even though I’m out of this bathroom, Raven.” Kumilos ito at inalis ng isa-isa ang mga kasuotan nito.

Napalunok siya at naiiwas ang tingin buhat dito.

Nasusuka siya kapag nakikita ang kahubaran nito kahit pa nga mala-adonis ang pangangatawan nito.

Matikas at talaga namang napakaguwapo nitong si Kayden, at tiyak na maraming nahuhumaling na babae rito, ngunit hindi siya.

Napopoot siya rito, iyan lamang ang tanging nadarama niya para sa lalaking ito.

“You can’t do what you’re thinking as long as I’m breathing.” 

Narinig pa niyang sabi nito habang kumikilos palapit sa kaniya.

Hindi siya kumibo.

Napaluha siya nang maramdaman ang paghapit nito sa maliit niyang baywang buhat sa kaniyang likuran.

Nadama niya ang boner nito sa pagitan ng kaniyang pang-upo.

Hinawi nito ang buhok niya at dinala sa kaniyang kanang balikat, tapos ay tumunghay upang maabot ng labi nito ang kaliwang balikat niya.

Nadama niya ang mainit, malambot nitong labi at dila na masuyong lumalapat doon.

Naipikit niya ang kaniyang mga mata hindi dahil nagustuhan niya ang ginagawa nito kun’di muli ay nilalamon ng paghihimagsik ang kaniyang buong pagkatao.

Gusto niya itong patayin sa mga sandaling iyan ngunit gaya ng maraming beses na niyang pagsubok, alam niyang mabibigo lamang din siya at mag-aaksaya ng lakas at pagod.

Blackbelter at sharpshooter si Kayden, napatunayan na niya iyan noon pa.

Napasinghap siya at napamulat nang maramdaman ang pagdapo ng mapula at mainit nitong dila sa puno ng kaniyang tainga at masuyong naggagalugad doon.

Dumapo ang isa nitong kamay sa sikmura niya at papisil na humaplos doon paibaba hanggang sa marating ang impis niyang puson.

Napalunok siya sapagkat tinatraydor na naman siya ng kaniyang katawan. 

Napakalmot na lamang siya sa marble wall at wala nang nagawa pa nang magpatuloy pa ito sa ginagawa sa kaniyang katawan.

Ipinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata habang binubuo sa isip ang panibagong plano. Kapag nasa Manila na sila ay titiyakin niyang makakawala na siya sa mga kamay nito.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Love Morgan
Hindi k p rin nagbabago
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
kakaiba k tlaga mgparusa Kayden...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status