Share

Chapter 3: Passed Out

HABANG tumatakbo ang limousine car na kanilang sinasakyan patungo sa mansion nila Kayden ay hindi maiwasan ni Raven ang tumanaw sa labas lalo pa at nasa tabi lamang ng kinauupuan niya ang bintana.

Napakalaki na ng pinagbago ng Maynila sa loob ng isang dekadang lumipas.

Para bang may kung ano sa kaniyang dibdib, her heart was beating so fast and she couldn’t stop crying silently.

How is everyone doing? Ang lahat ng mga taong importante sa buhay niya. Her parents, her relatives, her best friend, Loraine. How are they doing?

Sa mga taong lumipas, she always wondered in the silent late night...do the important persons in her life still remember her? 

Hinanap pa rin kaya siya ng mga ito at ninanais na muling makita gaya ng pagnanais niyang makauwi sa piling ng mga ito? 

She remains looking out of the car. Nasa ganiyang ayos siya habang si Kayden ay nakaupo sa tabi niya at matamang nakatitig sa kaniya.  

Kayden could see the tears streaming down her cheeks, at kung nakaharap lamang siya rito ay makikita niya ang guilt na nakadungaw sa mga mata nito.

Nalihis ang kaniyang isip nang marinig niyang hilingin ni Kayne kay Kayden na gumamit ito na restroom. Hindi na makatiis ang bata kaya nang mapadaan sila sa isang mall ay huminto sila roon at kasama siyang bumaba, sila ni Shanna.

PAGKARAAN ng medyo mahaba pang sandali ay sumapit ang sinasakyan nila sa tapat ng napa-kataas at napa-kalawak na gate.

Hindi niya alam kung saang lugar na sila naroroon, basta napansin lamang niya ay parang lumabas na sila sa city, sapagkat ang kalsadang tinugpa nila patungo roon ay napapaligiran ng matatayog na mga punong-kahoy.

Pumasok ang sasakyan nila sa awtomatikong tarangkahan kung saan nakasulat sa arko noon ang El Casa Residencia De Alcaraz.

Ang dalawang unipormadong guwardiya doon ay kapwa ngumiti at sabay pang yumukod ng bahagya habang pumapasok ang sinasakyan nila. 

Tumakbo ang sasakyan sa mahabang driveway at pagkaraan ng ilan pang sandali ay muling pumasok sa pangalawang tarangkahan na higit na mas maliit kaysa sa nauna.

Bahagya pang umikot ang sasakyan sa malaking water fountain bago huminto sa malawak na garahe na nasa harap ng napaka-rangyang mansiyon.

Napagala ang kaniyang tingin.

Higit na malaki ito sa mansion ni Kayden doon sa Isla Alcaraz.

Hindi niya sukat-akalain, wala siyang ideya na higit pa pala sa inaakala niya ang karangyaan na mayroon si Kayden at ng pamilya nito.

Unang bumaba ang kanilang mga bodyguards kasabay ang driver na nagmamadaling ipinagbukas sila ng car door.

Sandali lamang ay inaakyat na nila ang ilang baitang ng malawak at marmol na hagdanan bago sila pumasok sa malaking entryway.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang ay sumama ang kaniyang pakiramdam. Marahil ay sobrang napagod na siya sa biyahe nila.

Napaakbay siya kay Kayne, nanlalata ang mga tuhod niya at gusto niyang makabawi ng lakas ang mga iyon sa pamamagitan ng kaniyang anak.

“Are you alright, Raven?” Puna sa kaniya ni Kayden. “You’re pale.”

Hindi niya ito tinugon. 

Hinagod siya nito ng tingin bago nagpatiuna sa paglakad sa galleried hall.

Nakakailang hakbang pa lamang sila nang sa dulo noon ay sumulpot ang pamilyar na mukha ng matangkad at matikas na lalaki kasunod ang dalawang lalaki na sa tingin niya ay mga bodyguards nito.

Kaagad na tumuon sa kaniya ang mga mata ng lalaking ito.

Minsan lamang niya itong nakita. Sa loob ng isang dekadang pamamalagi niya sa Isla Alcaraz ay nabibilang sa mga daliri sa kamay ang pagkakataon na bumisita ito roon. Ito ang ama ni Kayden, si Karl.

“I’m glad you got here safely. I’ve been waiting, lalong higit ang Lola mo, Kayden!” masiglang sabi nito habang patuloy sa paglakad upang salubungin sila.

Kaagad nitong niyakap si Kayden at tinapik sa likod nang makalapit. Tapos ay kumalas dito at inilahad nito ang dalawang palad kay Kayne habang nakabukas ng malawak ang mga bisig.

“Come to hug your Lolo aking guwapong apo!” masayang sabi nito kay Kayne.

Malawak ang ngiti ng anak niya at pasugod itong dumulog sa dibdib ng Lolo nito.

Napahalakhak ang biyenan niya sabay yakap ng mahigpit kay Kayne.

“You’ve grown so fast, it’s like you’ve only just been a kid,” tumatawang sabi pa nito kay Kayne.

Matangkad at malaki si Kayne sa edad na siyam na taon, manang-mana ito sa ama nito.

Napalunok siya at pasimpleng sinulyapan ang mga kasama nilang tahimik lamang na nakamasid sa kanila, partikular si Shanna.

“Raven. . .” tawag sa kaniya ng ama ni Kayden pero dahil sa masamang pakiramdam ay hindi niya ito narinig.

“Raven. . .” boses ni Kayden na siyang pumukaw sa atensyon niya.

Parang wala sa sarili na napatingin siya rito.

“Tinatawag ka ni Daddy,” sabi ni Kayden sa kaniya.

Napakurap siya at napatitig sa mga mata ng asawa niya na titig na titig sa kaniya habang nakaakbay kay Kayne.

Tumingin siya sa biyenan niya na noon ay nakangiti sa kaniya na agad ding napalis kasunod ang pagkunot ng noo dahil sa nakitang ayos niya.

Gayunpaman ay humakbang siya palapit dito habang tinitiis ang masamang pakiramdam.

“Are you alright, Raven?” tanong nito sa kaniya ngunit hindi niya nagawang sagutin pa dahil sa biglaang pag-ikot ng paligid niya.

Napasinghap siya sabay sapo sa kaniyang noo. Pakiwari niya ay nauupos siya sa kaniyang kinatatayuan at kailangan niya ng mahahawakan.

Ang ama ni Kayden ang pinakamalapit sa kaniya pero hindi niya nais na makabawi ng balanse niya sa pamamagitan nito.

“Raven!?” boses ni Kayden na para bang napakalayo sa kaniyang pandinig.

Hindi niya ito tinugon. Pumihit siya upang humakbang palapit kay Kayne ngunit napasuray siya.

“Are you okay, Raven!?” nag-aalalang tanong ng biyenan niya na naging malayo na rin sa kaniyang pandinig.

Nasapo niya muli ang noo at napa-kurap-kurap dahil sa unti-unti niyang pagkahulog sa karimlan.

Naramdaman niya ang kaniyang paghilig, ngunit bago pa man siya bumagsak ng tuluyan ay nadama niya ang matitigas na mga bisig na maagang sumalo sa nanlalata niyang katawan.

“Raven, hija!” nag-aalalang tawag ng biyenan sa kaniya habang salo siya sa mga bisig nito. “Sa tingin ko, kailangan natin siyang dalahin sa ospital!” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status