Share

Chapter 4: The New Plan

GUMALAW ang talukap ng mga mata ni Raven hanggang sa tuluyan niya iyong buksan.

Kakaiba ang kisame na sumalubong sa paningin niya kaya naman kaagad siyang napabalikwas ng bangon habang iginagala ang mga mata sa kabuuan ng malawak na silid.

She was there alone on the wider bed in the middle of that luxurious bedroom. Everywhere she took her gaze there was nothing her eyes could see but flashy.

The interior design of this room was manly, naaamoy rin niya sa hangin na hinahatid ng air conditioner sa ilong niya ang pamilyar na amoy ng pabango so she instantly had an idea of ​​where she was. Naroon siya sa bedroom suite ni Kayden.

Napatingin siya sa glass-wall window at doon ay nakita niya ang madilim nang kalangitan, gabi na.

Kumilos siya at umibis sa kama.

Namimigat ang puson niya kaya hinanap niya ang pintuan ng bathroom doon.

Maraming pintuan sa silid na iyon pero hindi siya nahirapang hanapin kung alin sa mga iyon ang kaniyang hinahanap.

Bumulaga sa paningin niya ang mala-five star hotel na bathroom. Malawak iyon, mayroong maluwang na walk-in shower kung saan ay kanugnog ang malaking bathtub na nasa tabi ng malaking glass window na ang nagsisilbing kurtina ay ang mga nakalungyong kulay berde na hanging plant.

Sa countertop sink na naroon ay may mga live indoor plants din na nakahanay na mas nagbigay ng elegant looks sa light themed bathroom na ito.

Pumasok siya at tinungo ang kinaroroonan ng makintab na toilet bowl.

Naupo siya roon at inilabas ang lahat ng kailangan niyang ilabas buhat sa kaniyang puson.

Kumuha siya ng wet wipes na naroon lamang sa tabi noon at ginamit iyon sa pribadong bahagi ng kaniyang katawan.

Nang tumayo siya ay kusang nag-flush ang toilet bowl.

Matapos niyang ayusin ang sarili ay lumabas na siya roon upang puntahan si Kayne kung saang silid ito naroon.

Bahagya siyang natigilan nang makalabas sa bedroom suite ni Kayden.

Napalinga siya sa magkabilang dulo ng hallway. Parang gusto niyang isipin na nasa royal palace siya.

Napaka-artistic ng hallway wall décor at masarap sa mga mata ang liwanag doon.

Napabuntong hininga siya habang iniisip kung saang silid kaya naroon si Kayne.

Nakakaisang hakbang pa lamang siya palayo sa pintuan ng silid nila ni Kayden nang maagaw ang pansin niya ng bumukas na pintuan sa tapat ng silid kung saan siya galing.

Napahinto siya sa paghakbang at napatingin sa magandang babaeng lumabas doon.

Sino naman kaya ito?

Gaya niya ay natigilan din ang ito nang makita siya ngunit hindi gaya niya ay hinagod siya nito ng tingin, ang kabuuan niya.

Napalunok siya.

“Ikaw si Raven?” tanong nito sa kaniya.

Malayo ang pagitan nila kaya medyo tinaasan nito ang boses upang marinig niya ito.

Tumango lang siya bilang tugon.

Napatango rin ito. “Ako si Athena,” pakilala nito sa sarili habang lumalakad palapit sa kaniya. “Bunsong kapatid ni Kayden.” Inilahad nito ang palad sa harap niya.

‘Kapatid ni Kayden?’ tanong niya sa isip.

Hindi niya alam na may kapatid pa pala si Kayden. 

Bukod kay Athena at sa Lola nito, ano pa kayang hindi niya alam tungkol sa kaniyang asawa?

Napapaisip man ay agad siyang ngumiti at tinanggap ang palad ni Athena.

“You are prettier than I thought, kaya naman pala ganoon na lamang mabaliw sa’yo ang kapatid ko.” Napapailing ito habang nakangiti at nakatitig sa mukha niya.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin matapos marinig ang sinabi nito, kaya naman ngumiti na lamang siya.

Kusang naghiwalay ang mga palad nila.

“All right, magkita na lang tayo sa komedor for dinner.” Itinuro nito ng hinlalaki ang direksyon sa dulo ng hallway kung saan naroon ang malawak at paikot na hagdanan.

Tumango siya. “Sige.”

Napasunod siya ng tingin dito nang tumalikod ito sa kaniya at tinugpa ang koridor patungo sa hagdanan.

Nang mawala ito sa paningin niya ay malalim ang naging buntong hininga niya.

Napapaisip siya.

She has been next to her husband in bed for ten years but Kayden doesn’t even mention things about his family then he says that he loves her?

Kilala niya ang ama ni Kayden dahil isa itong business tycoon, pero bukod sa wala naman siya sa linya ng business dahil isa siyang doktor, hindi siya interesado para halukayin ang pagkatao ni Karl Alcaraz noon, pero kahit siguro mayroon siyang pagkakataon, hindi rin magiging madali na halukayin ang personal na buhay nito sapagkat kahit naman kilala ito sa mundo ng business ay nananatiling pribado ang personal nitong buhay, kaya nga hindi niya alam na anak pala nito si Kayden.

Marahas siyang napabuntong hininga bago luminga sa kabilang bahagi ng koridor habang iniisip pa rin niya kung saang silid kaya naroon si Kayne.

Sa pagtingin niya sa kabilang dulo ay nakita niya ang isang unipormadong kasambahay, kalalabas lamang nito sa isa sa mga pintuan na naroon, kahilira ng pintuang nilabasan ni Athena.

Lumakad siya at sinalubong ito.

“Hello po, Ma’am!” magiliw ang ngiting bati nito sa kaniya at hindi pa napigil na mapahagud sa kaniya ng tingin.

“Hello po!” ganting bati niya rito.

Medyo may edad na ito kaya gumamit siya ng paggalang dito.

“Ang ganda mo pala talaga, Ma’am, bagay na bagay ka po sa kagwapuhan ni Sir Kayden! Napakasuwerte n’yo po sa isa’t isa!” Bakas ang kilig at paghanga sa anyo at tinig nito habang hinahagod siya ng tingin.

Sinikap niyang ngumiti kahit pa nga tutol ang kalooban niya sa mga sinabi nito.

“Salamat po!” mahinang sabi lang niya rito.

“Mabait po iyang si Sir Kayden, Ma’am. Kaya hindi ka po nagkamali na pakasalan siya,” sabi pa nito na nagpasamid sa kaniya.

Tumikhim siya upang palisin ang bikig sa kaniyang lalamunan.

“Itatanong ko lang po kung nakita n’yo po ba kung saang kuwarto naroon ang anak ko, si Kayne po.” Inilihis niya sa usapan.

“Ah, opo, roon po.” Itinuro nito ang dulong bahagi ng pasilyo. “Iyon pong nasa kaliwang bahagi po ng pasilyo sa tapat ng master bedroom suite nila Sir Karl, doon po ang silid ni Sir Kayne.”

“Sige po, salamat,” wika niya at agad na itong iniwan upang hindi na makapagsalita pa.

Nakangiti itong napasunod sa kaniya ng tingin habang hinahagud siya ng tingin sa seksi niyang likuran.

Nagpatuloy siya sa mahinhing paglakad hanggang sa sapitin niya ang pintuang itinuro sa kaniya ng kasambahay.

Kaagad niyang pinihit ang siradura ng pintuan at marahang itinulak pabukas ang dahon noon para lamang matigilan.

Sumalubong kaagad sa pandinig niya ang malulutong na halakhak nila Kayne at Kayden.

Napakasaya ng mga ito.

“Anak talaga kita,” boses iyon ni Kayden sa pagitan ng pagtawa.

Kumilos siya at dahan-dahang sinilip ang mga ito sa loob.

At doon sa kama ay nakita niyang magkatabing nakaupo pasandal sa headboard ang dalawa at nakaakbay si Kayden kay Kayne.

Nasa harap ng mga ito ang laptop ng bata.

Nakita niya sa mga mata ni Kayne ang tuwa sa mga sandaling iyan, at hindi matatawaran ang tuwang iyon.

Parang gusto niyang manibugho, hindi pa niya narinig tumawa ng ganito ang anak na siya ang kasama.

Sumeryoso ang mga ito pagkaraan.

“Gusto mo bang sa susunod na school year ay dito na mag-aral? Para maranasan mo namang mag-aral sa loob ng eskuwelahan at hindi puro online lang. Saka matagal na iyong iniu-ungot ng Lolo mo,” kapagkuwan ay sabi ni Kayden dito.

“Yes, Dad, but what about Mom? Will she stay alone on the island while I study here? I’m worried for her because she’s sure to be sad when I’m not around!” malungkot lahat kay Kayne nang sabihin iyan.

Ngumiti ng manipis si Kayden at ginulo ang itim at makapal na buhok ni Kayne.

“That’s my good boy! I’m so pleased that you will always remember your Mom as I have always taught you. But, dude, you have nothing to worry about, because when you’re studying here, Daddy will be there more often.”

Nasapo niya ang dibdib matapos marinig ang sinabi ni Kayden.

Hindi, hindi nito dapat na makumbinsi si Kayne na pumayag sa panibago nitong plano. Ayaw niyang masolo siya ni Kayden sa Isla Alcaraz.

Maki-ama si Kayne, at madalas itong tumabi sa kanila sa pagtulog sa gabi kahit malaki na ito kaya naman kapag ganoong pagkakataon ay nakakaligtas siya kay Kayden, sa sexual needs nito.

Sa edad ni Kayden na trenta y otso ay masyado itong magana pagdating sa bagay na iyon.

“Pero mamimiss kita!” narinig niyang sabi ng bata.

“Mas mamimiss kita, dude!” Pinisil ito ni Kayden sa ilong. 

Nagkatawanan ang dalawa.

Yumakap si Kayne kay Kayden at ginantihan ito ng huli ng yakap.

“Dad, gutom na ako. I think we need to go downstairs for dinner,” si Kayne.

“Ohw!” Sumulyap si Kayden sa wristwatch nito. “It’s bang on seven, I think we’d really go downstairs for dinner,” malambing pa nitong sabi kay Kayne habang nakangiti.

“I love you, Daddy!”

“Me too, dude. I love you too more than I know!” Hinalikan ito ni Kayden sa ulo.

She smiled thinly and wryly before stepping back and carefully turning the door closed.

A few grains of tears fell down in her eyes.

Kayden was a good father to Kayne, she didn’t even admit or accept that to herself but that was the truth. Kaya naman napakalapit ni Kayne sa ama, bagay na ayaw sana niyang mangyari pero hindi niya mapigilan dahil wala siyang mahabang oras na makasama ang anak ng sarilinan.

Malaki ang mga hakbang niya pabalik sa silid nila ni Kayden.

Saglit siyang natigilan nang makitang masasalubong niya si Shanna sa hallway.

Napalunok siya bago nagpatuloy sa paglakad.

“Raven. . .” boses iyon ni Kayden buhat sa kaniyang likuran.

Napahinto siya sa paglakad bago dahan-dahang pumihit paharap sa kinaroroonan nito.

Kaagad na nagtama ang mga paningin nila. 

Nakita niya nang bumaba ang tingin ni Kayden at pinasadahan siyang hagurin ng tingin bago lumampas sa kaniyang likuran ang paningin nito.

“Shanna, pakisamahan si Kayne papunta sa komedor.” Utos nito.

“Yes, Boss,” wika ng inutusan na sinabayan ng paghakbang palapit kay Kayne na noon ay akbay ni Kayden at tahimik na nakamasid sa kanila.

“Mauna ka na sa komedor, anak. Kausapin ko lang sandali si Mommy, hah?” wika ni Kayden dito.

Tumango si Kayne. “Yes, Daddy.” 

Nang makalayo ang dalawa ay nilapitan siya ni Kayden.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” mahinahong tanong nito sa kaniya saka hinawakan ang kaniyang kamay at tiningnan ang palad niya.

Pasimple niya iyong hinila palayo rito.

Ibinaba nito ang tingin sa kaniyang kamay bago muling itinaas ang tingin sa mukha niya.

“Ang sabi ng doktor, masyado ka raw napagod kaya nag-pass out ka kanina.”

Tinitigan ng malalamig niyang mga mata ang artwork na nakasabit sa wall ng hallway upang ignorahin ang sinabi nito.

“Nakita na ni Lola si Kayne… hinahanap ka niya. Pagkatapos nating mag-hapunan ay dadalhin kita sa kaniya upang makita at makilala ka niya.” Hinawakan siya nito sa siko upang igiya patungo sa komedor pero pumiksi siya at tinangkang lumayo rito subalit hinigpitan nito ang hawak doon at patulak siyang isinandal paharap sa dingding.

Bahagya pa siyang napaigik nang mapadikdik doon ang dibdib niya at kanang pisngi.

Napaluha siya nang maramdaman ang paghigpit ng paghawak nito sa kaniya.

Napasinghap siya at napaawang ang bibig nang dakutin nito ang pagkababae niya buhat sa pagkakatalikod niya rito.

Napapikit siya nang pisilin nito iyon.

Hindi naman iyon masakit, ngunit hindi niya magustuhan ang pakiramdam na inihahatid noon sa kaniya.

“Shanna told me what you did earlier, so expect me to charge you with the guilt of your attempt…” paanas na sabi nito sa puno ng kaniyang taynga.

Napaluha siya nang maalala ang kasalanang ginawa niya nang dumaan sila sa mall kanina para gumamit ng restroom.

“Kayden...” boses iyon ng ama nito na noon ay kalalabas lamang sa pintuan ng master bedroom suite.

Kaagad siyang binitawan ni Kayden at bahagyang lumayo sa kaniya.

Iminulat niya ang mga mata at tiningnan ang biyenan na ng sandaling iyan ay nakatingin sa anak.

Hinintay niyang komprontahin nito si Kayden sa ginawa sa kaniya, pero nadismaya siya.

“Downstairs for dinner,” sabi nito sa kanila at lumakad, nilampasan sila na para bang wala itong nakita.

Tiningnan siya ni Kayden. "Tayo na sa komedor," wika nito at sumunod sa ama.

Napaluha siya sa sama ng loob habang sinusundan ng tingin ang mga ito.

Bakit pa nga ba siya umaasa na magri-react ang biyenan niya sa nakita? Hindi lingid sa kaalaman nito ang ginawa ni Kayden sa kaniya noon, pero imbes na ituwid nito ang anak ay kinonsente nito ito.

Oras na makatakas talaga siya, titiyakin niya na magkasamang mabubulok sa kulungan ang mga ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status