Share

Chapter 8 : The Wrath

"KAYDEN!" tawag sa kaniya ni Athena na noon pala ay sumunod pa sa kaniya kasama si Myrtle.

Huminto siya sa gagawing pagsakay sa kaniyang sasakyan at nilingon ang dalaga.

"Gusto ko lang siyang maaliw," napapaluha na sabi nito sa kaniya.

Pumihit siya at humarap dito ng tuwid kasabay ang pagngisi.

"Hindi kita kailangan para aliwin ang asawa ko. She's not permitted to leave the property. Ngayong alam mo na, leave my wife alone!" paasik at mariing sabi niya kay Athena bago tiningnan si Myrtle na niyan ay namumula ang mga mata dahil sa pinipigil na luha.

Kumilos siya upang sumakay na ng tuluyan sa sasakyan.

"Kayden!" tawag sa kaniya ni Myrtle na siyang nagpahinto sa pagkilos niya. "Naging masaya ka naman ba, ha!?" mapait na tanong nito sa kaniya.

Tiningnan lang niya ito pero hindi siya nagsalita bagkus ay sumakay ng kotse at pabalabag na isinarado ang car door.

Kinalampag ni Myrtle ang car window.

"Alam kong hindi ka masaya, Kayden, and you deserve what you're going through!" umiiyak nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status