Share

Chapter 24: Unexpected

NAKAUPO sa gilid ng hospital bed si Asher at nakatulala sa puting dingding.

Nasa private room siya ng isang ospital, doon siya dumiretso matapos niyang magtungo sa himpilan ng pulisya at mag-file ng police blotter.

Hindi niya alam kung sino ang pangahas na nagtangka sa buhay niya na nagawang makapuslit agad bago pa makadalo ang iba niyang kasama sa simbahan kanina.

Hindi niya nakita ng hantaran ang mukha nito dahil sa full facemask na suot nito.

Subalit hindi siya dinaraya ng kaniyang mga mata, natitiyak niya sa pigura nito na isa itong babae.

Gustuhin man niyang pagbayarin ito sa ginawang kapangahasan ay wala siyang magawa. He could not identify any suspect who possibly did this to him.

Hindi niya maaaring basta na lang tukuyin o pagbintangan si Kayden dahil lamang sa komplikadong isyu sa pagitan nito at ni Raven.

Isa pa ay hindi naman nila naipa-blotter nitong nakaraang araw ang tungkol sa pagtakas ni Raven buhat sa poder nito sapagkat plano na nilang magsampa ng kaso sa piskalya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status