Share

Chapter 5

Magda-dalawang linggo pa lamang si Liana sa mga Enriquez, pero parang limang na taon na ang itinanda niya because of Henry. Bukod sa pagod at puyat, konsumisyon din niya ang lalaki.

May araw na uutusan siya nitong magplantsa ng kung ano-ano kahit hindi naman niya iyon trabaho. O di kaya naman ay ipalilinis nito sa kanya ang lahat ng tatlong kotse nito ng sabay-sabay kahit malilinis naman ang mga iyon.

Minsan, napapansin niyang sinasadya talaga nitong gawin iyon. Pero hindi siya nagrereklamo. Ipinapakita niya ditong hindi siya ang taong basta-basta na lang sumusuko.

Gaya ng gabing iyon. Henry was going to swim ng tawagin siya nito.

“Liana! Liana!” ang malakas na tawag nito kasabay ng mabibigat nitong mga yabag papuntang kusina. Naabutan siya doon ni Henry na naghahapunan kasabay nina Anji at Jam.

“Liana kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka sumasagot?” salubong ang mga kilay na tanong nito sa kanya.

Napatigil sila sa pagkukwentuhan ng makita ito. Mabilis niya itong nilapitan kahit hindi pa siya tapos maghapunan.

“B-Bakit po, Sir?” tanong niya dito sa mababang tinig.

Ano na naman kayang problema ng isang ito? Sa isip-isip niya habang naghihintay ng isasagot nito.

“There’s a cockroach on the pool. Di ba sinabi ko na sa ‘yong linisin mo iyon kanina”

Alanganing tumango siya rito.

“Then, what the hell happened!?” pasigaw na tanong nito.

Bigla namang napapitlag si Liana. Maging sina Anji at Jam ay ganoon. Nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata na hindi na makakain ang mga ito sa tindi ng takot na nararamdaman kay Henry.

“Eh… S-Sir… Baka ho lumipad?” wala sa loob na katwiran niya.

Ano bang magagawa niya kung biglang nagkaipis doon? Syempre may pakpak ‘yung insekto. Natural na lilipad iyon kung saan magustuhan.

Hindi naman niya hawak ang buhay ng l*nt*k na ipis na iyon na kung bakit doon pa nakuhang mag-swimming sa pool at inunahan pa si Henry. Nilinis naman niya iyon kanina dahil alam na niyang ganito nga ang mangyayari kung hindi.

“Huwag kang pilosopo.” Anito na naningkit pang lalo ang mga mata.

“Eh, ano po bang gusto niyong gawin ko, Sir? Lagyan ng kulambo ‘yung swimming pool para hindi makapasok ang mga insekto?” naiinis ng tanong niya dito.

Malapit na ring mapatid ang pasensya niya sa isang ito. Kundangan nga lang at napakabait naman ng ina nito kaya nakapagtatyaga pa siya sa ugali nito.

Narinig niya ang bahagyang pagbungisngis ng dalawa ni Anji at Jam. At hindi na halos maipinta ang pagmumukha ni Henry.

“Why don’t you try?” tila naghahamong tugon nito. Hindi talaga nito palalagpasin na maisahan niya.

“Ang alin ho, Sir?” maang-maangang tanong niya dito.

“Putting a mosquito net on the pool. Sige gawin mo." Sagot nito.

Nanlalaki ang kanyang mga matang tinigan ito. Seryoso ba ito?

“H-Ho?”

Humalukipkip ito at naghahamong tiningnan siya. Mukhang nasisiyahan na ito sa nakikitang reaksyon niya.

“Ano? Hindi mo magawa?” taas ang kilay na tanong nito.

Napalingon siya kina Anji at Jam na naaawang nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim at muling hinarap si Henry. Inilahad niya ang sariling palad dito. Napakunot-noo naman ito.

“What?” tanong nito.

“Pahingi ng pambili ng kulambo, Sir.” Tugon niya.

Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng dalawa nina Anji. Alam ng mga ito na lalo lang siyang pag-iinitan ni Henry dahil sa sagot niyang iyon.

At hindi nga nagkamali ang mga ito. Hinaklit siya nito sa braso at kinaladkad papunta sa swimming pool.

“Now, swim.” Utos nito sa malamig na tinig.

“P-po?” namimilog ang mga matang tanong niya dito.

“Ang sabi ko lumangoy ka and find your pest-friend.” Pagdiriin nito sa huling salita.

Awang ang mga labing napatingin siya sa swimming pool pagkatapos ay kay Henry. Wala na ba talaga itong ibang pagdidiskitahan kundi siya?

At tila wala itong balak umalis doon hangga’t hindi niya ito sinusunod, dahil prenteng naupo pa ito sa pool chair sa may gilid ng swimming pool.

Walang nagawa si Liana kundi ang lumusong sa napakalamig na tubig ng swimming pool. Oras na makita niya ang l*nt*k na ipis na iyon, hindi lang pagkalunod ang magiging kamatayan nito. She will break it into tiny little pieces. ‘Yung tipong abo na lang ito.

“Can you please hurry up?” ang maya-maya’y narinig niyang sabi ni Henry na ng lingunin niya ay isang nakalolokong ngiti ang iginawad nito sa kanya.

Kung ‘di niya nga lang niya naiisip na baka mas pahirapan pa siya nito ay nakatikim na ito sa kanya ng isang matinding irap.

Saksakan na yata sa buto ang kasamaan ng ugali nito. Kulang na lang dito dalawang sungay at pwede na nitong palitan si S*t*nas.

Patuloy lang sa paghahanap ng ipis si Liana. Mabuti na lang din at marunong siyang lumangoy, kundi baka naging isa pa rin iyon sa problema niya.

At ng sa wakas ay makita niya ang pahamak na ipis, agad niya iyong dinakma ng mga kamay. Hindi siya takot sa ipis kaya wala lang sa kanya iyon.

Pag-ahon niya ay nakita niyang tumayo si Henry at lumapit sa kanya.

“Bakit umahon ka na agad? Have you found it?” Sunod-sunod na tanong nito.

Inis namang ibinuka niya ang mga palad sa harapan nito. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito ng makita kung ano ang hawak niya.

“Sh*t! Would you throw that out? Kailangan pa bang ipakita mo iyan sa akin?” anito sabay iwas ng tingin.

“Tinatanong n'yo ho kasi kung nakita ko na, kaya ipinapakita ko lang sa inyo. Baka mamaya magduda pa kayo,” katwiran niya.

“Fine! Fine!” anito sabay hakbang ng isang beses palayo sa kanya. “Now, get that d*mned coackroach out of my face!” utos nito na hindi na maipinta ang pagmumukha. Napansin niyang lumikot ang mga mata nito.

Napakunot-noo siya. May kakaiba sa ikinikilos ng lalaking ito.

Napatingin siya sa ipis na nasa palad pagkatapos ay kay Henry. Pagkakuwa’y isang nakalolokong ngiti ang sumilay sa mga labi niya.

“Sir, ano nga ulit gusto ninyong gawin ko sa ipis na ito?” nang-iinis pang tanong niya dito, habang nilalaro-laro ng basang kamay ang ipis. Pinagbali-baligtad niya iyon na parang isang laruan.

Napansin niya sa gilid ng kanyang mga mata na ngumiwi si Henry, pagkatapos ay tila naduduwal ito.

“Will you stop doing that?” anitong tutop na ang bibig. “Get the h*ll out of here!” galit ng wika nito.

And when he realizes that she had no plan of leaving him, ito na mismo ang kusang umalis. Padarag na tinalikuran siya nito at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng mansyon at wala na yatang balak maligo.

Napahagikhik si Liana.

Ipis lang pala ang katapat ng mokong na iyon para tigilan siya. Kung nalaman niya iyon kaagad, baka matagal na niyang tinaanan ang pintuan papuntang kusina para hindi siya nito napagdidiskitahan araw-araw.

“Hmmm.. Sa susunod mas maganda kung buhay ka na. Tingnan natin kung ano ang magiging reaksyon ng masungit na iyon,” aniya sa sarili habang nakatingin sa isip na hawak.

Ngayon, parang ayaw na niyang durugin ang ipis. Parang mas gusto na niya itong alagaan, kaso patay na ito. Kaya ililibing niya na lang ng maayos.

Sa wakas, nakaisa din siya kay Henry!

At ngingiti-ngiting nagtungo sa likod bahay at doon ibinaon ang ipis. Nilagyan pa niya ito ng bulaklak.

**

“Liana, can you get Henry’s dirty clothes on his room. Ilang araw ng hindi niya ipinapakuha kay Jam ang mga damit niya. Baka mamaya mangamoy na ang kwarto niya dahil doon,” utos ni Mrs. Enriquez sa kanya ng puntahan siya nito sa kusina habang nagpupunas ng mga pinggan.

Kakatapos lang mag-almusal ng lahat at siya na ang naghugas ng pinggan. Namalengke si Anji at naglalaba naman si Jam, kaya sa kanya na ang mga natitirang gawain sa loob ng bahay.

Nakaalis na rin si Henry kaya payapa na ang kalooban niyang walang mangungunsumisyon sa kanya sa araw na iyon.

Nilingon niya si Mrs. Enriquez. “Pero sabi po ni Sir Henry huwag daw pong basta papasok sa kwarto niya ng walang pahintulot galing mismo sa kanya,” aniya sa nag-aalangang tinig.

Iwinasiwas nito ang kamay. “Don’t worry… Nasabi ko na iyon sa kanya, kaya may pahintulot ka ng kunin iyon.” Nakangiting sagot nito.

Tumango naman siya dito. “Sige po.” At umakyat na siya sa itaas upang puntahan ang kwarto ni Henry.

Pagdating doon ay marahan niyang itinulak ang pintuan. Ito ang unang beses na makakapasok siya sa silid ng binata.

Iginala niya ang paningin sa paligid. Malinis na malinis iyon. Parang hindi naaalikabukan samantalang wala namang naglilinis doon.

Dumeretso siya sa isa pang pintuan na nahinuha niyang pinakabanyo. Mabilis niyang nakita ang mga maruruming damit ni Henry na parang hindi naman talaga marumi dahil nakatupi iyon ng maayos.

Napailing siya sa sarili. Ganoon ba talaga ang masungit na lalaking iyon. Masyadong malinis! Daig pa nito ang babae.

Pero hindi naman iyon nakapagtataka dahil, nagmamay-ari ito ng hotel chains sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. At nasisiguro niyang ang hotel na pinagdalhan sa kanya nito ay isa lamang sa mga pag-aari nito.

Paglabas niya ng banyo ay napatigil siya sa gitna ng silid at pinagmasdan ang kama nito. Parang hindi iyon tinulugan ng nakaraang gabi. Walang kagusot-gusot.

Lalabas na sana siya ng mapansin ang nasa ibabaw ng side table. Isang frame iyon na nakataob.

Lumapit siya doon at dinampot ang frame. Nang tingnan niya iyon ay isang larawan ng napakagandang babae ang naroroon.

Matagal niya iyong pinagmasdan. Walang-wala ang kagandahan niya kung ikukumpara dito.

Napabuntong-hininga siya pamaya-maya. Bakit ba ikinukumpara niya ang sarili sa babaeng nasa larawan? Wala namang siyang pakialam kung sino ito sa buhay ni Henry.

Ibabalik na sana niyang muli sa ibabaw ng mesa iyon ng biglang may magsalita sa likuran niya.

“Who told you to meddle my things?” ang dumadagundong na tanong ni Henry.

Nabitawan ni Liana ang litrato at nagkadurog-durog iyon sa sahig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status