Ilang beses na lumunok si Henry upang pigilan ang pagpatak ng mga luha. Sa t’wing maalala niya lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na tatlong taon, hindi pa rin niya maiwasang hindi makadama ng galit sa sarili at panghihinayang. It was all his fault kung bakit dumaan sila sa ganoong pagbusok, kahit ang totoo hindi naman na pala dapat.Huminga siya ng malalim at marahang iginiya si Liana sa mismong puntod ng ina nito.“’Nay, kung nasaan ka man ngayon, I hope you could see us… I hope you were now smiling kasi natupad ko na ang gusto mong mangyari para sa amin ni Liana. In just month away, ikakasal na kami. Magkakaroon na ng buong pamilya ang apo ninyo, and I’ll promise to you na hinding-hindi ko na ulit sasaktan ang anak ninyo. I will love and cherish her every single day until our last breathe. Makakaasa kayo sa aking aalagaan ko sila pati na si Lester. And I would also want to thank you for everything you did… for your sacrifices na kahit naantala, masaya pa rin naman ang dadatnan
Night before their wedding at noon lang kinabahan ng todo si Liana. Hindi pa niya nakikita si Henry si mula kanina at nag-aalala siyang baka kung ano ng nangyari dito.Balisang palakad-lakad siya sa kanyang silid habang iniisip kung tatawagan ba o hindi ang binata nang biglang tumunog ang cellphone niya. Text message iyon mula kay Henry.Mabilis niya iyong binasa.Can we meet? Iyon ang nakalagay sa screen.Napaupo siya sa gilid ng kama at nagreply dito.Why? Reply niyaMuling tumunog ang cellphone niya.I have something to show you. Pero sa halip na sagutin iyon ay tinawagan niya na lang ito.“What is it? Alam mo namang bawal na tayong magkita di ba?” aniya ng sagutin nito ang kabilang linya.“Wala pa namang twelve midnight ah. May ipapakita lang ako sa ‘yo. Sandali lang tayo,” tugon nito na nasa tinig ang excitement.Sandaling nag-isip si Liana bago siya sumagot. “Sandali lang talaga ha? ‘Pag nalaman ni Mama at ‘Nay Perla na umalis at nagkita tayo malilintikan tayong pareho sa kanil
“Cely!”ang tumitiling wika ng isang bakla pagkakita sa amin ng aking ina. Tumitikwas ang mga daliri nito habang malanding kumekembot papalapit sa amin. Kaylapad din ng mga ngiti na para bang biglang nabuhayan ng loob.Pusturang-pustura ito at kung ano-anong anik-anik ang nakasabit sa leeg nito.“Mama Dhane!” masayang saad naman ng kanyang ina at sinalubong ang bakla ng isang mahigpit na yakap. Nagbeso pa ang dalawa habang nagtatawanan.Nasa isang mumurahing bar sila ng kanyang ina. Napilit siyang isama nito doon upang kahit papaano daw ay makatulong naman siya sa mga gastusin nila sa bahay.May pag-aalalang inilinga ni Liana ang paningin sa paligid ng maliit na parang opisina/dressing room na iyon. Nanunuot ang kakaibang amoy noon sa ilong niya na pinaghalong amoy ng spraynet at pabango.“My God Cely! Kanina pa kita hinihintay!” palatak ng tinawag na Mama Dhane ng kanyang ina pagkatapos nitong kumalas sa yakap ni Cely. “Maloloka na yata ako sa mga kasamahan mo ditey!” tumitirik ang mg
Tumigil ang sinasakyan nila sa isang napakagandang hotel na hindi mabilang ni Liana kung ilang palapag iyon. The building was too tall to look at.“Before we go down, let me just warn you. Don’t cause any scene. Dahil kapag ginawa mo iyon, you and everyone else on that goddamned bar will rot in jail. Understood?” Malamig ang tinig na babala ni Henry sa kanya.Para namang isang maamong tupa na tumango si Liana dito. Kaagad na umibis ng sasakyan si Henry at ipinagbukas siya ng pintuan.Pero para namang ipinako sa kanyang pagkakaupo si Liana. Hindi siya makagalaw at nakatingin lang siya sa kawalan.Maya-maya’y narinig niyang tumikhim si Henry na bahagya pa niyang ikinapitlag. Naiinip na ito.Nanginginig ang mga kamay na pinagsalikop niya ang mga iyon sa kanyang may kandungan. Pagkatapos ay sumulyap siya sa may entrance ng hotel, bago tiningnan ang lalaking nakakapit pa rin sa may pintuan ng sasakyan.Nanghinang ang kanilang mga mata. Nasa anyo nito ang matinding pagkainip habang siya nam
“’Nay, ano na naman ba ho itong pinasok ninyo?” nag-aalalang tanong niya sa ina ng mailabas ito sa selda ng pulis.Umirap ang kanyang ina sabay patong ng dalawang paa sa upuang nasa tabi nito. Animo’y reyna ito doon kung titingnan.“Pwede ba, Liana… kung wala kang sasabihing maganda, umuwi ka na lang. Sa halip na tanungin mo ako kung kumain na ako ‘yan agad ang ibubungad mo sa akin,” nanenermong wika nito.Humugot siya ng malalim na hininga sabay abot sa pagkaing dala. “Ito nga pala ho. Bumili ako ng pansit at ulam d'yan sa labas,” aniya dito.Ngumisi ang kanyang ina. “May silbi ka rin naman palang talaga kahit papaano,” anito sabay bukas ng plastic na may pansit at gutom na gutom na kinain iyon.Napapailing na tumayo na lang siya at ikinuha ito ng tubig.Nakukuha nitong magsugal ng napakatagal na oras ng walang laman ang tiyan. At hindi na siya magtataka kung ito man ay magkasakit din dahil sa ginagawa nito.“Kailan mo ako ilalabas dito?” tanong ng kanyang ina pamaya-maya habang puno
Kung nagulat ang babae, mas lalo naman si Henry. He looked at her unbelievably.Sino bang mag-aakala na ang babaeng hinahanap niya ay dito pa sa mismo sa pamamahay niya matatagpuan? Ang babaeng buong araw na lang ay lamang ng kanyang isipan.Hindi mawala-wala sa isip niya ang inosenteng anyo nito noong gabing iyon kahit nakasuot ito ng malaswang damit. Her dreamy eyes says a lot of things na tumatak na isip niya. Makinis ang balingkinitan nitong katawan, mahaba ang tuwid na tuwid at itim na itim nitong buhok.And her lips... Those rosy-red lips na parang isang prutas sa pagkakatamis ay hindi na yata niya pagsasawaan pang halikan. At naalala pa niya kung paanong halos madurog iyon sa mismong mga labi niya.Naramdaman niya ang mabilis na pagre-react ng sariling katawan sa iniisip.F*ck! Mabilis niyang mura sa sarili at tinitigang mabuti ang babae.Sinusundan ba siya nito? Naririto ba ito para pagbayaran ang pagkakasabit sa kanya, dahil hindi naman niya ito napakinabangan?Naniningkit an
Magda-dalawang linggo pa lamang si Liana sa mga Enriquez, pero parang limang na taon na ang itinanda niya because of Henry. Bukod sa pagod at puyat, konsumisyon din niya ang lalaki.May araw na uutusan siya nitong magplantsa ng kung ano-ano kahit hindi naman niya iyon trabaho. O di kaya naman ay ipalilinis nito sa kanya ang lahat ng tatlong kotse nito ng sabay-sabay kahit malilinis naman ang mga iyon.Minsan, napapansin niyang sinasadya talaga nitong gawin iyon. Pero hindi siya nagrereklamo. Ipinapakita niya ditong hindi siya ang taong basta-basta na lang sumusuko.Gaya ng gabing iyon. Henry was going to swim ng tawagin siya nito.“Liana! Liana!” ang malakas na tawag nito kasabay ng mabibigat nitong mga yabag papuntang kusina. Naabutan siya doon ni Henry na naghahapunan kasabay nina Anji at Jam.“Liana kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka sumasagot?” salubong ang mga kilay na tanong nito sa kanya.Napatigil sila sa pagkukwentuhan ng makita ito. Mabilis niya itong nilapitan kahit hi
Tila ipinako sa kanyang kinatatayuan si Liana. Hindi siya makagalaw ni makapagsalita. Nakikita niyang nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Henry, kaya’t mas lalo siyang kinabahan. Hindi siya makatingin ng deretso dito. Niyuko niya ang larawan at pira-pirasong bubog sa kanyang may paanan. Akmang dadamputin niya iyon ng inilang hakbang lang ni Henry ang pagitan nila at hinaklit siya nito sa braso. Kaagad siya nitong kinaladkad palabas ng kwarto nito dere-deretso pababa. “S-Sir… Henry… nasasaktan ho ako…” aniya sa nanginginig na tinig. Pilit niyang binabawi ang braso dito ngunit hindi iyon makahulagpos sa pagkakakapit ni Henry. Tikom ang mga labing tuloy-tuloy lang ito sa pagkaladkad sa kanya hanggang sa may gate. Nagtataka namang sinundan sila ni Mrs. Enriquez na nasa sala ng mga oras na iyon. “Henry ano bang nangyayari?” nag-aalalang tanong nito ng makita ang takot na nakalarawan sa mukha ni Liana habang pilit pa ring pinakakawalan ang sariling braso sa kamay ng anak. “My goodness