Share

Chapter 3

CHAPTER 3

            Mabait sa kanya ang mga magulang nang katatapos pa lang ng kasal nila ni Castiel. Akala niya natural iyon dahil kahit mina-manipula ng mga ito ang buhay ng kakambal, hinding-hindi ng mga ito magagawang saktan ang babae.

            Jonelyn is the favorite child.

Kahit minsan noon ay hindi ito napalo.

Siya itong palaging nahahagupit ng sinturon, kinukulong sa bodega, hindi pinapakain, hindi binibigyan ng baon sa eskwela kapag may nagawa siyang hindi nagustuhan.

Pero marami yata talagang hindi niya alam simula nang maglayas siya. Ilang buwan matapos ang kasal, narinig niya si Mrs. Cassandra Revamonte na pinapatigil ang pagdirekta ng mga produkto sa Interino’s supermarket dahil may mga pinaghihinalaan daw na anomalya ang ginang.

Iyon na ang simula ng pagranas niya ng kagaspangan ng ugali ng mga ito bilang si Jonelyn.

Nang unang beses siyang batuhin ng ginang ng vase ay nang puntahan niya ang mga ito sa bahay. Mabuti na lang at mabilis niyang naharang ng kanyang kamay at dumugo lang.

Nasampal din siya ng ama at dala ng pagkagulat, nasapak niya rin ang lalaki. Itinulak siya niyon at bubugbugin sana kung hindi dumating si Castiel na sumunod pala sa kanya. Alam niyang nagduda na ang mga ito nang panahon na iyon kaya pinilit niya ang sariling maging si Jonelyn sa harap ng mga ito.

Hindi lumalaban ang kapatid niya at nagagalit siya sa ideyang iyon. Nang tanungin niya si Jonelyn, ang tanging sagot lang nito ay sasabihin nito sa kanya pagbalik at tiisin na lang.

Bumalik lang talaga ang kakambal niya, may kalalagyan ang dalawang iyon. She’s been keeping her patience for some time now. Hindi na niya itinuturing na magulang sina Lucia at Marcos dahil nawalan na rin ang mga ito ng pakialam sa kanya simula nang maglayas siya. Lalo na nang pumunta siya sa Canada para mag-aral.

“Mama,” sigaw ni Kismo na tumatakbo palabas ng bahay.

Napangiti siya sa matambok na pisngi ng batang lalaki. Kinuha niya ang robot na laruan sa backseat at saka bumaba ng sasakyan.

Nag-squat siya at idinipa ang kamay para salubungin ang pamangkin. Halos matumba pa siya nang dinamba siya nito.

“Mama, miss kita.”

Tumawa siya at gigil na hinalikan ang magkabilang pisngi ng pamangkin. “Miss you too.”

Pogi ang anim na taong gulang na si Kismo. Hindi niya alam kung sino ang ama nito dahil hindi kamukha ni Jonelyn o ni Luis ang bata.

“Mama, akala ko di ka na uuwi. Akala ko galit ka ulit sa akin katulad ng dati.” Ang kumukurba nitong bibig ay nagpabigat sa dibd ib niya.

Nang minsang makausap niya ang bata, nabanggit nito na sinasaktan ng kakambal niya ang anak.

“Of course not. Marami lang akong inasikaso kaya hindi ako masyadong nakakapunta rito.”

Nalukot ang mukha ng bata at ngumuso. “Huwag kang mag-english, Mama. Di ko alam English.”

Natawa na talaga siya at binuhat si Kismo. “May pasalubong ako, oh.”

Tuwang-tuwa si Kismo at pinaghah alikan siya sa pisngi. Inaya siya nitong pumasok ng bahay kahit kapit na kapit ito sa kanya at ayaw humiwalay.

“Kismo!”

Ang walang emosyong mukha ni Luis ang nakita niya nang lumingon siya sa tumawag.

“Papa, may pasalubong sa akin si Mama. Love niya na talaga ako.”

Maingat niyang ibinaba ang pamangkin sa sofa at sinalubong ang tingin ni Luis. Alam nitong hindi siya si Jonelyn.

Wala siyang ideya kung bakit tila galit sa kanya ang lalaki sa klase ng tingin nito sa kanya. Nang una niya itong makita ay pilit na inilalayo sa kanya si Kismo kahit kapit na kapit sa kanya ang bata.

Nang umatungal ng iyak ang pamangkin ay hinayaan na lang ng lalaki na maglalapit sa kanya. Kay Luis niya rin nalaman na anak pala ni Jonelyn si Kismo at sa tono ng lalaki, parang sinisisi siya nito sa hindi niya malamang dahilan.

Nagsisigaw sa tuwa si Kismo nang makita ang robot na laruan. Nagtatakbo ito patungo sa kwarto para kunin ang iba pang laruan na dati niyang mga pasalubong.

“Bakit ka balik nang balik dito?” mahina man ngunit may kariinan ang boses ng lalaki.

“Gusto ko lang makita ang pamangkin ko.”

Mapangutyang ngumisi si Luis. “Sana naisip mo rin ‘yan nang nabuo siya at pinagbubuntis.”

“Hindi ko alam.”

“Wala ka naman talagang alam!”

Ilang sandali siyang natahimik bago bumuga ng hangin. Bakit ba parang galit ang lahat sa kanya?

“Tama ka. Kaya bakit hindi mo sabihin sa akin ngayon ang mga alam mo? Jonelyn doesn’t tell me anything. Ano bang nangyayari? Why my sister has a son? Why it seems that my parents are abusing her? At bakit itinatago niyo si Kismo sa mata ng lahat? Is Jonelyn abusing him too?”

“I’m taking care of Kismo. He’s my child.”

Hindi na siya nakaimik dahil lumabas na si Kismo mula sa kwarto nito at hinila siya pabalik sa sofa para makipaglaro sa kanya.

Ilang sandali lang nanatili si Luis sa loob ng bahay bago nagpaalam sa bata na aalis muna. Hindi yata kinakaya ang presensya niya.

Maganda rin isipin na kahit hindi si Luis ang ama ng bata ay parang sariling anak kung ituring nito.

“Mama, ba’t di na kayo nagki-kiss ni Papa?” inosente nitong tanong at kumandong pa sa kanya.

Tama nga ang teoryan niyang may relasyon pa rin si Luis at ang kapatid niya. “A-Ano kasi… Teka gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?”

            Ayaw niyang malungkot si Kismo kapag sinabi niyang hindi siya ang ina nito. Nang minsang sabihin niya ay buong araw itong natahimik at narinig niyang nagsabi kay Luis na baka raw ayaw talaga ni Jonelyn dito.

            She had a good time playing and watching TV with her nephew. Hindi niya namalayan ang oras at pagtingin niya sa labas ay gabi na pala. Alas-sais nang silipin niya sa wall clock.

            Nagpaalam siya sa bata na bagaman ay nalungkot, hindi naman umiyak.

            Nang maiparada niya sa harap ng Ancestral House ng mga Revamonte ang sasakyan, si Castiel ang agad niyang nakita. Nakasandig ito sa gilid ng front door habang nakahalukipkip. Seryoso ang tabas ng mukha, kanina pa yata siya nito hinihitay.

            Inihanda niya ang masiglang ngiti katulad ng kadalasan niyang ngiti rito simula nang magkasundo sila.

            “Hi!” Malapad niyang ibinuka ang mga kamay para yakapin ito.

            Tumingkayad siya para h alikan ito sa pisngi.

            “Where have you been?”

            “Kina Mama at saka sa Mall.” Parang kuting na ikiniskis niya ang pisngi sa matipuno nitong braso.

            Halos hindi bumukas ang bibig ng asawa nang magsalita ito. “Pumunta ka do’n pero sandali lang. You leave the Mall before lunch.”

            Tiningala niya ito at lumabi, dinadaan na naman ang lalaki sa pagpapa-cute niya.

            Subalit sa halip na madala, suplado lang itong umismid. “Tatanungin ulit kita. Saan ka galing?”

            “Diyan lang.”

            “Saan?”

            “Ba’t tunog dominante ka?” reklamo niya at saka binitawan ang braso nito.

            “I was just asking.”

            “Hindi. Tunog dominante ka talaga. Akala mo naman hawak mo ang buhay ko.” At siya pa itong galit ngayon.

            Nagtatanong lang naman talaga si Revamonte, gusto niya lang ilayo ang usapan dahil paniguradong hindi nito magugustuhan na marinig na galing siya kina Luis. O baka alam na nito na galing siya roon.

            Assuming man, parang nagseselos ito!

            Wala naman masama roon dahil mag-asawa sila. Kaya lang may duda na nagseselos nga ito dahil bukod sa pagiging kaswal na pakikitungo at intimate sa kama, wala siyang narinig sa bibig nito kahit simpleng ‘I Like You’ man lang.

            Iniwan nya ito sa pinto at tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig. Nandoon ang Auntie Clara nito na nagluluto ng hapunan.

            “Mabuti nandito ka na. Kanina pa ‘yan parang may saltik ang asawa mo. Sabi ko naman kasi sa kanya na hindi ka niya maikukulong sa bahay na ito. Ayun, pinasundan ka na naman,” wika ng babae matapos niyang h alikan sa pisngi.

            “Ano naman daw nakita niya, Auntie?”

            Natawa ang ginang. “Pumunta ka raw do’n sa ex mo.”

            Napangiwi siya sa reaksyon ni Clara. Masyadong prangka ang babae katulad niya. Tanda niya pa na harap-harapan siya nitong iniisnab nang bagong kasal pa lamang sila ni Cast. Iritado ang babae sa pagiging mahiyain ni Jonelyn noon.

            Nang magsimula siyang ipakita ang totoo niyang ugali, doon na sila nagkasundo ng aunt-in-law niya. Paano ba naman kasi pareho silang bungisngis at halakhak kung halakhak.

            “May dinalaw lang naman ako.”

            “Sino? Iyong Luis?” singit ni Castiel na nakasunod pala sa kanya. “Wala akong nakikitang rason kung bakit pinupuntahan mo pa ‘yon. What? Are you not satisfied with me that you want other men to bed you?”

            Kung siya si Jonelyn, malamang iiyak siya sa sinabi nito.

            Inilapag niya ang baso sa sink at marahas na hinarap ito. “Oo, bakit? Sa hindi ako nagalingan sa ‘yo eh. Magagawa mo?”

            Umirap siya at humagikhik si Clara.

            Castiel’s nose flared!

            Bago pa man ito makapagsalita ay itinaas niya ang kamay sa mukha nito. “Talk to my hand. Pangit mo!”

            Humampas ang kanyang pinakulayang itim na buhok sa mukha nito nang mag-flip hair siya.  

            Lumabas siya ng kusina at napakaripas na ng takbo paakyat ng hagdan nang makitang nanghahamon ang mga mata ni Castiel pasunod sa kanya.

            Tumili siya nang maagap na naharang ni Castiel ang papasarang pinto. Hinagip nito ang baywang niya at lumagapak ang pasara ang pinto kasabay ng pagsiil nito sa kanya ng h alik.

            One thing leads to another and she found herself again on his bed… n aked.

            Ang bagay na wala sa usapan nilang magkambal.

           

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Leila Cañonero Bar
Ang galing ng author naaamaze ako sa kwento .
goodnovel comment avatar
Maw Kuri
Ang cute ni kismo.
goodnovel comment avatar
Ravenjane Milagan Nakila
Ang ganda ng kwento, huhuhu Sana magka daily update na.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status