Disclaimer: This chapter is a flashback on why Amy hates Kismo. Ipaalala ko na rin na NOT all women bleed sa first time nila. It's normal at virgin pa rin ang babae kahit hindi sila dinugo sa unang intercourse. I hope may malawak na pag-iisip ang mga readers about that matter.
CHAPTER 81 “Mare, may poging naghahanap!” sigaw ni Guiseppe nang makapasok ito sa bahay nila. Ang aga-aga ay nambubulahaw na naman at parang nagmamay-aring kumuha ito ng tinapay. “Daddy ku po iyon!” nagliliwanag ang mga matang wika ni Quin at tatalon pa yata pababa para tumakbo sa Daddy raw nito. Mabuti na lang at pinigilan ni Guiseppe at umupo sa tabi nito. “May daddy ka na, Baby? Kwentuhan mo si Tita. Mamaya ka na sumugod do’n.” Sunod-sunod itong tumango. “Dumating siya, Tita ko. May daddy talaga. He tucked me to bed last night.” Awtomatiko ang ginawang paglingon sa kanya ng babae. Tsismosa talaga! “Mars, hindi mo chinichika sa akin.” Hindi siya sumagot. Bakit niya naman ike-kwento rito, hindi naman sila magkaibigan. Isa pa, siya nga rin ay gulat sa pinagsasabi nito. At mas lalong gulat sa bigla na lang nitong pagsulpot matapos ang halos isang dekada. “Kwentuhan mo pa ako, Baby. Ayaw mag-
CHAPTER 82 “Ms. Principal. I want that kid out of this school. Hindi kami nag-i-invest ng asawa ko sa eskwelahan na ito kung makakasama lang ng anak ko ang isang bayolente at walang modong bata,” agad na reklamo ng ginang matapos paupuin sila ng punong-guro. Sumunod naman si Mrs. Olga dahil na rin siguro sa tingin ni Kismo kanina parang kahit anong oras ay handa nitong pilipitin at balian ng leeg. Ang lakas pa naman ng sampal ng babae. Patunay na namumula pa ang maputing pisngi ni Kien Massimo. “Mrs. Olga, we are not making decisions abruptly.” “No! No…” Kumumpas ito ng kamay. “Gusto ko ngayon na ora-mismo ay ma-kick out ang batang iyan.” “We have a process. Mrs. Olga. We still need to inves—” Hinampas ng ginang ang mesa ng principal na gawa sa salamin at walang kahiya-hiyang bumulyaw na talaga. “Hindi ka ba nakikinig? Wala akong pakialam sa proseso? At ano pa bang iimbistigahan mo kung nandito na ang ebidens
CHAPTER 83 Una niyang nalaman na buntis siya mahigit isang buwan matapos may nangyari sa kanila ni Massimo. Laman siya ng tsismis ng buong campus lalo pa’t tuluyan na raw talagang naghiwalay sina Trisha Mae at Kien Massimo. Galit na galit sa kanya ang babae, pinagpo-post siya sa university website nila. Naging laman siya ng tsismis ng mga estudyante. Siya ang sumalo ng lahat ng kahihiyan dahil wala na si Kismo sa bansa pati na rin ang pamilya nito. Naglaho na lang na parang bula at hindi niya na rin makontak. Umuwi siya sa Isla Molave at ganon na lang ang galit ng kanyang ama nang malaman na buntis siya at walang ama. Pinag-aral daw siya ng mga ito sa siyudad para maging maayos ang buhay niya, hindi para magdagdag ng bata sa bahay nila. Hindi siya tinanggap ng kanyang mga magulang sa bahay ng mga ito. Bagkus, ay muli siyang ipinabalik sa Maynila. Doon siya pinaglagi sa bahay ng kapatid ng kanyang ina. Subalit, mas naging mala
CHAPTER 84 Maluha-luha si Amelia habang nakatingin sa papel na naglalaman ng DNA test nina Quin at Kismo. 99.99% percent ang nakalagay sa tatlong paternity test. Isa ang pinaggawa ni Kismo habang dalawa ang kanya; ang isa ay palihim pa. Anak nga talaga nito si Quin at naiingit siya. Bumalik sa kanyang dibd ib ang sakit na kanyang naramdaman nang malaman niyang wala na ang bata sa kanyang sinapupunan. “Mommy, why po ikaw iiyak?” Mabilis niyang pinahid ang namamasang mga mata habang kukurap-kurap sa kanya si Quin. “Halika nga dito.” Lapit naman agad ang bata habang hawak-hawak nito ang bola. “Tapos ka na bang maglaro? Nasaan na ang mga kalaro mo?” Pinahid niya ng kamay ang dumi sa pisngi nito. Marungis ang bata, kung saan-saan na naman yata gumulong kasama ang ibang bata sa subdivision nila. “Uwi na pu. Ba’t ikaw iyak?” “Wala, napuwing lang si Mommy.” “Gu
CHAPTER 85 (PART 1) Kumunot ang noo ni Kismo nang makita ang pamilyar na kotse ni Giovanni Ivanovich na nakaparada sa harapan ng bahay nila. Sigurado siyang hindi siya ang pakay nito dahil nagkita pa lang sila kahapon. “Kismo, Baby,” agad na ssiyang sinalubong ng ina habang nasa mga labi ang malaking ngiti. Kumapit agad sa kanya ang mama niya, naglalambing. Akala yata ay madadala siya nito niyon para hindi niya sitahin ang bisita ng nag-iisang babaeng kapatid na si Nadya. Sino pa ba ang pupuntahan ni Ivanovich kung hindi si Nadia? Mag-iisip pa sana siya na ang daddy niya ang pakay nito subalit nakita niya na ang lalaki na nakaupo sa sofa. Parang pag-aari nito ang bahay sa klase ng pagkakabukaka nito, kumpyansang-kumpyansa sa sarili. Tingnan niya na lang kung makakaupo pa ito ng ganon kapag isinalaksak niya na sa bibig nito ang hawak-hawak na kulay violet na stuff toy at parihabang kahon na may tatak ng mamahaling brand jewelry.
CHAPTER 85 (PART 2) “Who is Nadia’s suitor?” Walang kainte-interes na itinaas ni Giovanni ang paningin nito mula sa laptop na nasa harap. “You were already glaring at me yesterday, Man. It made sense.” He sipped his coffee after getting back his eyes on the files that he was reading. Nagsalubong ang kilay ni Kismo at walang pasensyang isinara ang laptop nito. “Who is it, Man? I know it’s not you.” Nawawalan ng pasensyang inihilamos ni Giovanni ang kamay sa sariling mukha. “Just think it was me, Revamonte.” “F-ck you. I’ll break your neck if that sh-t hurt my sister.” Tumaas ang dalawang kilay kasabay ng pagtaas ng dalang kamay nito. Alam na alam na hindi siya nagbibiro kapag usapang mga anak na ng dalawang taong kumupkop at nag-alaga sa kanya. “Fine. Kick Gozar’s ass. Napag-utusan lang ako.” “Gozar? How dare that b-stard?! I will not allow him to drag my sister in that mafia sh-
CHAPTER 86 (PART 1) “You have a son?!” Napabalikwas si Amelia sa pagkakahiga sa backseat ng kotse nang marinig ang malakas na boses na iyon. Mag-isa na lang siya sa loob ng kotse. Nang sumilip siya sa bintana, nakita niya ang kumpol ng mga tao sa harap ng dalawang palapag na bungalow house. “Bakit hindi ko alam?” Napangiwi siya sa halos maghestirikal ng pamilyar na boses ng Tita Joana niya. “My, tinatakot mo naman si Baby Quin. Saka duh!, know mo naman na ngayon.” Nang balingan niya ng tingin si Quin, inosenteng kumukurap-kurap lang ito sa ina ni Kismo. Ngumuso si Tita Joana, inirapan ang mga anak bago itinaas ang dalawang kamay kay Quintano. “Hi, Baby ko.” That’s when Quin smiled at her. Agad na sumama sa lola nito at nagpabuhat. “Ang bigat ng baby.” “Hello pu.” Napangiti siya nang kinuha ng anak niya ang kamay ni Tita Joana at nagmano roon.
CHAPTER 86 (PART 2) Hindi na talaga bumalik si Quin sa kanya dahil parang tukong kapit na kapit ito sa lola. H umalik lang sa kanya ang bata bago nagpaalam na matutulog raw ito katabi si Tita Joana. Wala naman na siyang nagawa dahil alam niyang sabik rin ang batang maliit sa presensya ng lola. Simula kasi nang hindi siya tinanggap ng kanyang mga magulang nang mabuntis siya noon ay mabibilang na lang niya sa kanyang mga daliri na umuwi siya sa Isla Molave. Napatawad naman na siya ng kanyang mga magulang ngunit ang sarili niya ay hindi pa. Dala-dala niya pa rin ang bigat hindi lang sa disappointment na ibinigay niya sa mga ito kundi pati na rin sa pagkamatay ng kanyang anak. Hanggang hindi pa niya napapatawad ang sarili ay hindi niya kayang manatili sa islang kinalakihan na binalot siya palagi ng pagmamahal. “What are you doing?” bruskong tanong ni Kismo nang mapasukan siyang naglalatag ng kumot sa sahig. “Nag-aayos ng higaan.