Share

Chapter 1: Present

Chapter 1

Present

"HELLO Ma'am?"

["Klara. Are you already at the meeting place now?"] tanong sa akin ng boss ko sa kabilang linya.

"Yes ma'am, kaka-park ko lang ng kotse ko."

["That's good. So, good luck and impress Mr. Falcon to your presentation, hija. Please convince him, Klara. May tiwala ako sa kakayahan mong makuha ang deal na 'yan."]

"I-I'll try ma'am. Don't worry," bigla akong nautal nang marinig ko na naman ang apeyidong iyon.

["Sige… bye Klara. Balitaan mo agad ako mamaya."]

"S-Sure ma'am. Bye."

I hardly breathe when I end the conversation with my boss.

I inhale and exhale for many times. I want to be calm all the time.

God! Bakit ngayon agad? Oh, it’s been four years since the last time I saw him. And now, I'm here and I have to show up. I hope he already forgiven me kung galit man s'ya. I hope he's waiting. Sana hindi pa huli ang lahat.

Lumabas na ako nang tuluyan sa kotse ko.

Am I ready? Yes! No! Hindi ko alam.

But I have to face him, even though I'm not yet ready for our first meeting. I'm afraid. Apat na taon din kaming hindi nagkita at ang huli pa naming pag-uusap at magkasama ay 'yong araw na nag sinungaling ako sa kanya. Dahil kailangan.

I feel that he's mad. At walang kapatawaran ang pang-iiwan ko sa kanya noon.

Kumislot nang malakas ang aking dibdib nang makita ko na nang malapitan si Logan. I'm seriously looking at his back, I'm even observing him like he's a small object in my sight.

He’s still the same like the old times. Matikas pa rin ang pangangatawan niya. Napakagwapo pa rin kahit nakatalikod ito sa akin. That's the reason why I can't easily forget him. Ito kasi ‘yong pinakamamahal ko noon at nag-iisang minamahal ko hanggang ngayon.

His broad shoulders, manly features, and his dark and beautiful aura, lahat ng iyan ay kinababaliwan ko ng todo-todo noon.

I hardly breathe again when I'm finally moving to his facade. Agad kong nakita ang pagkaawang ng mukha nito nang mapatingin ito sa akin. I gulp at nanliit ako sa sarili ko. Bigla ding napalitan ang expression ng mukha nito na kanina lang ay maaliwalas.

Nag-isang linya ang makapal na kilay niya at biglang tumigas ang bukas ng gwapong mukha nito habang nakatitig sa akin.

"WHAT---"

"Good evening, Mr. Falcon." I greet him with my calm warm voice, but my hands, it doesn't stop trembling.

"Why- What are you doing here? Why you're here?" Kumislot ang puso ko sa tono ng pagtatanong nito. The way he talks, alam kong galit ito.

Napalunok ako. I’m trying my best to stay calm and to relax. "Uhm…" my legs are shaking kaya umupo ako kahit hindi pa niya ako inanyayahang maupo sa tapat niya, "you expecting Mrs. Salazar right?" Hindi ito sumagot, bagkus tinapunan lang ako ng masamang tingin. "Uhm. I'm here for my Lady Boss’, replacement. She can't attend the meeting. Kaya ako ang inutusan niyang humarap sa’yo ngayon." I say, still keeping my voice warm.

He shakes his head like he's disappointed to see me. "I don't need you! Umalis ka na! And kindly tell your boss, I cancelled the meeting, dahil ayokong makipag meeting sa pinadala niyang tao ngayon dito."

Kumirot ang puso ko sa hayagang pag-ayaw nito sa akin.

Napabuntong hininga ako. I don't want to show him that it affects me. He's mad. Wala akong magagawa doon. Pagpapasenyahan ko na lang muna siya, because I need to close the deal with him for my boss’ company.

"I don't need you? It's the wrong choice of words, Mr. Falcon. I'm not here to be needed by you. Nandito ako para sa trabaho ko. So, shall we start the meeting now?"

He frowns at my words. "You don't understand? I said GO. Hindi ako makikipag meeting sa'yo," marahas at may diin nitong pagkakasabi.

"Please be professional, Mr. Falcon. Huwag mo idamay ang trabahong ito sa anomang galit... uhm, I mean, I'm here for my job. Hindi para sa’yo o sa ano pa man na galit mo."

Mas lalong nangunot ang noo nito sa sinabi ko. "Why did you appear now, Ms. Santos? Magkano kailangan mo para umalis ka sa harapan ko? Money, right? That's what you’ve always wanted?" Umiwas ako sa tingin niya at ayokong pansinin ang nang-uuyam niyang tanong.

Yeah. Money is the main reason. Siguro puro mali na naman ang information ng ama niya sa kanya. That's why he's badly mad at me.

"I don't need your money. May pera ako, at mayaman na rin ako." Kahit mahirap ay nagsinungaling na lang ako just to cover up the pain I’m feeling inside my chest.

"After me, may nauto ka pa pala? Wow, not bad, Klara. You still have your very lovely body, looks, and you have your way to seduce rich businessmen using your angelic face. Malamang pati filthy DOM hahabulin ka at papatusin ka kahit saan ka pa nanggaling. Pagtatiyagaan mo rin, for the sake of money. That's you. right? Money first."

Nasaktan ako sa paratang niya. Yes, I have everything, kung sa katawan at pagmumukha lang. Pero pera wala ako no’n. And I'm not that desperate to become a rich woman at manloko ng kalalakihang may yaman. Isa lang naman ang dumaan sa buhay ko. Walang iba kundi siya lang. Kaya masakit para sa akin na akusahan ako ng taong minahal ko ng lubos na isang babaeng bayaran para lang yumaman.

"That's not a necessary topic to talk about. Past is past. You need to move on from me, Logan, just like what I did to forget you and moved on with my life without you." Nadagdagan na naman ang pagsisinungaling ko. Kasi ang totoo ay hindi ako naka move on sa kanya. Maybe like him, I'm a bitter person. Hindi ako masaya. Not now, not ever. "Please, huwag kang magpaka bitter sa akin," dagdag ko pa rito

"Hm. Who told you I'm feeling bitter, Klara? Look at this." Itinaas nito ang kaliwang kamay. Then there’s a ring on his finger. "I'm getting married to the woman I love. Babaeng hindi mukhang pera na katulad mo. So, who's bitter?" Ngumisi ito sa akin.

What? Why I doesn't even know that he is getting married? I’m stalking him. Pero bakit wala man lang akong nabalitaang ikakasal siya.

"C-Congrats." Hindi ko pinahalata ang panglulumo ng puso ko.

He's getting married now. Paano pa ang balak ko na bumalik sa kanya? How can I claim him kung may nagmamay-ari na pala sa kanya. He doesn't love me that much? Sabagay, bakit pa ba ako aasang makikinig s'ya at maghihintay sa pagbabalik ko.

"K-Kung ayaw mo makipag meeting sa akin. Okay, I'll better go now." Tumayo na agad ako para hindi nya mahalata ang panibugho ko sa aking nalaman.

Tumayo ako at aalis na sana nang maramdaman ko ang kamay nitong nakapigil sa braso ko. Nakatayo na rin pala ito sa tabi ko. Bumaba ang mata ko at napatingin sa mainit na kamay nitong nakahawak sa aking braso. I immediately haul my wrist to his touch.

He sighs. "Sit down, lady. Let’s proceed to the meeting. Ayokong masayang ang oras natin pareho. So, be sure to amaze me by your presentation. Huwag na huwag mong sayangin ang buong oras ko," seryoso at madilim ang mukha nito.

I look down. Ayokong salubungin ang galit niya sa akin. I want to apologize and beg him to forgive me. But how? Parang magsasayang lang ako ng oras. Ayaw nga niyang sayangin ko ang oras niya. Do I need to explain my side now? Pero ikakasal na siya. Paano na?

Pero gusto ko pa rin makamit ang kapatawaran niya. Para matahimik din ang puso ko. Gusto kong itama ang lahat. But I think, this is not the right time to talk about it. I know hindi niya ako pakikinggan pero sana bigyan niya ako ng pagkakataong magpaliwanag.

"Sure. Let’s proceed now." I say and sit in front of him again.

Inilabas ko ang dalawang folder na naglalaman ng mga papeles. I gave him the other files. Nakita ko na binuklat niya iyon at ginawa ko rin ‘yon.

I clear my throat para makuha ko ang atensyon niya dahil magsisimula na ako sa aking proposal plan. I gulp when he focuses his gaze to my direction. Kahit naiilang ako sa mga madidilim na titig niya ay nagsimula pa rin akong magsalita sa harapan niya.

"Is that all?" I nod. "Lahat ng sinabi mo ay narinig ko na rin sa iba. Walang bago. Hindi mabentang proposal. Overall, your proposal is too simple and not convincing. Walang dating. Parang ikaw lang din. Boring, walang taste at napaka-plain at mumurahin." Napatingin ako dito ng masama at matalim.

I did my best for this proposal. Ilang ulit akong nag-practice just to make it presentable and perfect. Mrs. Salazar will promote me kung makuha ko ang deal na ito. But I think, I have failed her. Wala man lang akong nakuhang magandang komento dito. Puro panlalait at panghihiya lang ang ginawa nito. He bases my presentation to my character. It is what he wants? Humiliate me? Underestimate my worth? My job? Even myself worth?

Enough!

Ang hirap pala na minsan ka lang magkasala. Kasi kahit pa gumawa ka ng tama, marumi ka pa rin sa paningin nila. And I’m so damn hurt because of this reality.

So, enough! Hindi ko kailangang tanggapin ang pang-aakusa niya.

Pain really consumes my whole sense. Huminga ako ng malalim. "Know what Mr. Falcon? Tatanggapin ko sana kung FAILED na lang ang sinabi mo. Pero nanlait ka pa e. Buong pagkatao ko ang binabastos mo. Pati ba trabaho ko? ‘Yan ba ang hindi bitter? Tell me, ano pa ang tingin mo sa akin? Para isahang laitan na lang sa pagkatao ko. Tell me, dagdagan mo pa?" Nagpakatatag ako, pero ang totoo gusting-gusto ko nang magalit ng sobra at umiyak sa lahat ng masasakit na salita niya.

"You're a slut, a whore, cunning bitch and let me add, you are a gold digger bitch. Manggagamit at nakakahiya ka. Pinagsisihan kong nakilala kita," diretsyahang saad nito sa akin.

I bit my lip at mapait akong ngumiti. He is blindly mad. Mahirap paliwanagan ang mga klaseng taong sobrang galit. "That's all? Okay. Thank you," mahinahong saad ko kahit puputok na ako sa sakit ng mga sinasabi nito.

Kinuha ko ang files na nasa harapan niya. Inayos ko na lang iyon gamit ang nanginginig kong kamay. Walang dahilan para mag-stay ako sa harapan niya. Makakarinig lang ako ng mga masasamang pangbibintang. Siguro tama lang ‘yong ginawa niya para mas lalong masaktan ang puso ko. Pero sana makatulong na iyon na makalimutan ko na siya sa buhay ko.

He's really mad at me. Baka nga isinumpa pa niya ako sa nagawa ko noon.

"By the way. Thanks for your time, Mr. Falcon, even if you’re not paying attention, I appreciate it. Maybe hindi ako magaling para sa'yo, but I did my best to impress you. Pasensya huh, hanggang ganito lang talaga ang galing ko. Inaamin ko naman, cheap ako, mukhang pera, maruming babae at manggagamit. But to tell you. Ginawa ko ‘yon kasi kailangan ko. Accuse me again and again if that will make you happy. Go, hahayaan kita. Again, thanks for your time, and have a nice evening." Tumayo na ako at agad iniwan itong mag-isa.

Isa-isa namang nagsisiunahang mahulog ang mga luha ko pagkapasok ko pa lang sa kotse ko.

That is foul. Lahat ng sinabi niya ay sobrang tagos sa puso ko. Sobrang sakit. Walang katotohanan ang lahat ng iyon. Yes, I admit I’ve accepted the money before, but its because I need it. Wala akong ibang choice noon. Kung alam lang sana niya.

Kung alam lang sana niya.

Logan, I'm sorry. Masakit din para sa akin ang paglayo ko noon. Oo, lumayo ako dala ang kapalit na pera ng daddy mo. Pero nagawa ko lang talaga dahil kailangan ko. At sana balang araw maintindihan mo rin ako. Masakit lang kasi dahil sobra ka naman kung manghusga sa pagkatao ko. Nasasaktan din ako, nasasaktan din ang puso ko...

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
grabe ka nman author tumutulo luha ko ng basahin ko ang chapter na ito, tagos sa puso ang sakit
goodnovel comment avatar
Ezel Malibong Carmen
grabe naman ung linyahan 1st chapter pa lng nakakasakit na .
goodnovel comment avatar
Cheramie Generalao Valle
I love the story. Surely babasahin ko to. .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status