Share

Chapter 7: Restroom

Chapter 7

Restroom

"Klara. Logan's ex, right?" Bigla akong napalingon at nagulat habang naghuhugas ng kamay ko. It's his fiancée, hindi ko kasi ito napansing pumasok dito sa loob ng banyo. "Well, I'm soon to be Mrs. Ellaine Sanchez Falcon," she says while raising her eyebrows at me.

So, she really knows me then?

Tinapos ko ang paghuhugas ng aking kamay at itinapat iyon sa hand dryer saka siya nilingon.

"Yes, I am his ex-lover, his ex-girlfriend. Then?" I also raise my eyebrows at her. Ayoko nang magpaapi, I'm done with it.

"Tama nga ang daddy ni Logan. You have nothing but only your face. Sabagay mga ganyang mukha sa pang-Exclusive Club nga nakikita, where my Logan found you, right?"

"Wow, thank you if that's a compliment. Ellaine right? By the way. Yeah, sa club nga niya ako nakilala noon. But I'm proud because he accepts me for who I am before, he loves me and I love him. May problema ba tayo sa kaalamang may nakaraan kami ng lalaking pakakasalan mo? Don't tell me you are feeling insecure because of me?" She scowls and grits her teeth.

"Wow. What a conceited prostitute. Proud ka pa sa lagay na iyan huh."

"Why not. I'm purely clean when he popped my cherry. Siya ang nakauna sa ‘kin, kaya nga ganoon na lang niya ako sobrang minahal at pinahalagahan noon." Nakataas noo kong pahayag rito, kahit ang totoo, kinakabahan ako. "Anyway, hindi naman ako ang iniwan Elaine, dahil ako lang naman ang nang-iwan sa kanya noon." A sarcastic smile form at the corner of my lips. Nakita ko ulit ang sobrang pangungunot ng noo niya at pagkalukot ng mukha niya.

"Don't you ever ruin our relation woman! Binabalaan kita," may pagbabanta nitong bigkas.

"Why? OhmyGod, don't tell me you are afraid now?" Ngumisi ulit ako dito. "Don't worry Elaine, hindi ko s'ya aagawin sa'yo," sabi ko dito. "Depende na lang kung magpapaagaw s'ya kahit wala naman akong ginagawang paraan para maagaw s'ya sa'yo."

"How dare you!"

"How dare me? Pwede bang ako ang magsabi niyan sa'yo? Look, wala akong ginagawa sa'yo, ikaw itong lumapit sa ‘kin at nanggulo."

"You-"

"May I suggest lock him to your life using your charm and heart Elaine, baka kasi mas maganda pa rin ako sa paningin niya ngayon. That's why your fiance can't resist staring at my goddess beauty. Aminado ka naman sigurong may ibubuga ako kesa sa'yo ‘di ba? Kaya ramdam kita. Pero sabi ko nga huwag kang mag-alala. Hindi ko kayo guguluhin. Well nice chitchatting with you Elaine Sanchez. See you when I see you. Bye." I wink then I step out from the restroom.

Poor Elaine...

__

Nagmamadali akong lumabas ng comfort room at naglakad palayo sa kinaroroonan ni Elaine. It's not because I'm afraid of that woman. Ayoko lang ng gulo, kaya kahit papaano ay iiwas ako sa gulo. And I am here for my profession not for Logan.

Pagliko ko ng hallway ay kamuntik pa akong mabuwal ng dahil sa may nakabungguan akong isang taong may malapad at matikas na dibdib. Mabuti at ang bilis ng galaw nito at agad akong nahawakan sa baywang ko.

"Oh. Thank you, and I'm sorry." Hindi agad ako nakatingin dito.

"You really haven't changed. You're still that clumsy woman that I know. Hindi ka pa rin pala nagbago." Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko ng mabosesan ko ang taong 'yon. Nag-angat ako ng mukha dito at parang napapasong kumalas at lumayo agad ako ng bahagya sa kanya. "Or it's your intention para lang magpapansin sa akin?" sabi nito na hindi ko mawari kung galit o hindi. "Are you that desperate Klara?"

Naikuyom ko ang kamao ko. Relax Klara, this is his territory. I sigh.

"Uhm. I'm sorry Mr. Falcon, hindi ko ho sinasadya. Nagmamadali lang kasi ako, kaya hindi kita napansin," mahinahong pagsagot ko dito.

Nang hindi ko na ito narinig magsalita ay saka ko na ito tinalikuran. Him being around me makes me uncomfortable to move and it's hard to breath.

"Ganyan ka ba makikipag-usap sa may-ari ng kompanyang ito? I am the boss here and I am also your boss now. So you think it's a good manner na talikuran ako habang nag-uusap pa tayo? Is this what you always do to your boss hm, Klara?"

Napalunok ako at bahagyang lumingon dito. "I..I said I'm sorry. W-Wala na naman kasi ho akong masabi pa sa inyo Mr. Falcon." Mahinahon pa rin ako kahit kinakabahan ako.

"Get rid of the formality when you are talking with me while we're alone Klara." Mariin at mabangis nitong singhal sa akin.

I sigh as I look at him. Napaisip lang ako na bakit ba kailangan kong mautal at nakatungo pagkaharap ko siya? We're almost even right? Ginamit na niya ako noong nakaraang linggo at wala akong hininging kapalit. Now, kailangan ko pa rin bang magpakumbaba sa kanya lalo?

Tama na, sumusobra na siya. Hanggang kailan ba ito magagalit sa akin? Sa mga nagawa ko noon sa kanya? Do I deserve to be treated by him like this?

I clear my throat before I let the true me burst out just like what I did to his fiancée. Taas noo ko itong tinitigan. "Ano pa ba ang dapat kong sabihin sa'yo? Look, nag-sorry na ako, nag-thank you pa dahil hindi ako nabuwal nang tuluyan. Ano pa ba ang gusto mo? Luluhod ako sa'yo to make you more satisfied? God naman Logan! Hindi na kita maintindihan, alam mo ba yon? Sana hindi mo na lang ako ni-required sa meeting na ito para hindi 'to nangyari. Para hindi mo na ako makaharap pa at magkaroon ulit ng utang na loob sa'yo. S-Sana hinayaan mo na lang din akong mabuwal." Nakita ko ang pagkunot ng noo nito sa tono ng pananalita ko.

"Hanggang dito ba wala kang sinasanto. Kumukuha ka na naman ng atensyon ng mga kalalakihan. You're flirting with my employees."

I sarcastically laugh and shake my head. "Again with your dirty accusations. Bahala ka kung ganyan na kadumi ang tingin mo sa pagkatao ko. Wala rin naman akong mapapala kung palagi ko 'yang maririnig sa'yo." I say while hiding the pain I'm feeling inside my chest. "Huwag mo na lang sanang ulit-ulitin dahil nakatatak na kasi 'yan sa utak at lalo na sa puso ko. Kaya ‘yong lahat na masasakit na pang-iinsulto mo, lahat ng 'yan ay baliwala na sa akin. Ikaw lang din ang mapapagod sa ginagawa mo. Isa pa, wala ka na naman sigurong pakialam kung tingin mo nagpi-flirt ako sa iba. Kasalanan ko ba kung gusto lang akong tulungan ng empleyado mo na mahanap ko ang CR dito? Iyan ang mahirap sa'yo. Masyado kang mapanghusga sa bawat konting galaw ko. At para sa'yo, lahat ng galaw ko, pananalita ko ay mali." I can rate myself 99% for my acting skills right now.. I act as if I'm okay and it doesn't really affect me para hindi niya makitang mahina ako pagdating sa kanya.

Being not affected and numb is also my only way to stand with my pride intact. ‘Yon na lang kasi ang mayroon ako ngayon. Pride.

"Wala ka na bang sasabihin? Kasi ako wala na. So, now, kung hindi nakakabastos na talikuran ka, pwede na ba akong umalis? Alam ko kasing naiirita ka lang pag nakikita mo ang pagmumukha ko. The same way I'm feeling when you're around me."

He clenches his jaw angrily while staring at me. "Anong sabi mo?" May diin nitong tanong.

"Do I have to repeat it again? Don't tell me, you didn't hear it o nagbibingihan ka lang, hm?" I raise my eyebrow.

Nakita ko ang paggalaw ng balikat at dibdib nito. "Ikaw pa ang may ganang mairita sa akin? You should thank me for the reason why you and your boss are here right now. Kung hindi dahil sa pagtanggap ko ng deal-"

"Oh, that? No thanks, Mr. Falcon. I shouldn't thank you on that part. Never! Kasi kung ako lang ang masusunod, hinding-hindi ako sisipot dito ngayon. Why? Because we're even! You already possessed me, tama na siguro ‘yong ginamit mo ako, ininsulto pa na walang kwenta at isang maruming babae. Now tell me, paano ako magpapasalamat sa'yo kung puro lang naman pang-iinsulto ang maririnig ko sa tuwing maghaharap tayo? How should I thank you if you're still repeating that harsh insults that I don't wanna hear from you, and how can I thank you if this is the start of my biggest heartache? Sa tingin mo masaya ako sa nangyayaring ito sa akin ngayon? Well, what do you think Logan? Manhid 'tong puso ko para hindi ako masaktan sa mga pinaparamdam mo?" I feel like my eyes are starting to get teary, but I stop myself from crying.

"You have no right to feel that. Dahil ang isang katulad mo ay wala naman talagang damdamin at walang kwenta! You're a kind of a woman without dignity because you are such-"

"A whore, a slut, a hooker, a digger, a desperate prostitute, a very dirty woman." Mapait akong ngumiti sa kanyang harapan. "Well thank you, kahit wala ka pang napatunayan sa akin ngayon na ganoon nga akong klaseng babae. I know you're just accusing me now because you are very mad," ngumisi ako, "..by leaving you before." Ngumisi ulit ako. "Huwag ganoon Logan, because you are making fun of me! Sa ating dalawa kasi, parang ikaw ‘yong nahihirapan na makamove-on." Nilakasan ko lang ang loob ko na sabihin iyon para kahit papaano naman ay naipagtanggol ko ang sarili ko sa kanya.

He smirks sarcastically. "Ako ba o ikaw? Oh, c'mon Klara. I admit, nasaktan ako ng totoo. But later on I've realized, mas nakakabuti pa pala ang pag-alis mo. Because at that time, I notice Elaine's existence and worth. Elaine is everything, she's perfect to be my wife, she is the love of my life. Sa kanya pala ako matututong magmahal ng totoo." Napapakurap ako at ang puso ko mas sumahol pa sa pagtibok niyon. "And I also realized na hindi pala kita minahal noon. It was only your body that I've always desired in bed. You are nothing to me, Klara! It's only your body. You are NOTHING but only my dirty fvck buddy. Kaya para sa ‘kin, isa ka lang laruan na pinagsawaan ko at napagkatuwaan ko noon sa buhay ko."

Hindi ko na mapigilang umigkas sa kanyang pisngi ang palad ko. Nanginginig ako at ang buong kalamnan ko sa naririnig ko sa kanya.

Hindi maproseso ng puso ko na hindi n'ya ako totoong minahal noon. So, he wants to make it clear na wala talaga akong silbi sa kanya noon? Ano ‘yong ipinakita niyang kabaitan, pag-aaruga at pagmamahal sa ‘kin? Ano ‘yon, biro-biro lang ba ang lahat ng iyon?

Fvck that! Fvck him! Fvck this feelings. Fvck him for making me feel useless, for making me feel worthless. Ang sakit naman. Sa lahat ng sinabi n'ya ay ito na ‘yong pinakamasakit sa lahat. And I can't bear it, ayaw tanggapin ng puso ko.

I bit my lips hard and I blink my eyes to stop my emotions. "W-Well." Ngumiti ako ng bahagya na puno ng pait sa ‘king mga mata. Hindi na rin ako makatingin sa kanya ng maayos at diretso kasi baka lumaglag na ang luha ko sa sobrang sakit. "I..I hope we're cleared about that now, Logan. Pasensya ka na huh, m-minahal kasi kita ng totoo noon nang walang halong biro. I'm sorry for assuming that you also love me like what I've felt for you just like what you're always doing for me to make me happy and contented. Sana, pala..." Lumunok muna ako ng mariin, I was holding back my tears to fall kahit alam kong namumuo na iyon sa gilid ng mga mata ko. "..sana pala hindi na lang ako lumaban noon, sana pala hinayaan ko na lang-"

"Klara?"

"Sweetheart..."

I didn't finish what I want to say, dahil may parehong tumawag ng pansin naming dalawa. On the left side of the hallway is my lady boss, and on the other side is his fiancée,  si Elaine na masamang-masama na nakatingin sa akin.

I gulp and make my face being emotionless. I smirk atthe jealous fiancée before I face him.

"Thank you for the information, Mr. Falcon. A-At least I already know now, anyway bye for now." Then I wink sweetly na alam ko ikinabigla niya.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Maricel Ambray
sakit sa heart.pero super ganda
goodnovel comment avatar
Maricel Ambray
Asus Logan ikaw.ang di.makamove on
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
hindi ka talaga mka move on logan grabe knaman author Mgpaiyak ng readers mo.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status