Share

Chapter 8: Lunch

Chapter 8

Lunch

Tinalikuran ko na ito sa ngayon at nilapitan ang boss ko na papalapit sa aming direksyon. Kumaway na lang si Mrs. Salazar sa dalawang big boss ng company. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanila. Ayoko na dagdagan pa ang patuloy na pagdurugo ng damdamin ko.

I sigh as I start driving my car to the exclusive cuisine, where Ma'am Salazar's invited me to have our lunch before we go back to her company. Patanghali na rin kasi kaya inimbitahan n'ya muna akong sabayan siyang kumain. And it's her treat for the success of her company.

Dapat nga pala akong matuwa at magsaya sa mga blessings na kumakatok at pumasok sa buhay ko. But for this very moment, biglang nawala ‘yong kasiyahan kong iyon at ang buong bilib ko sa aking sarili.

How can I appreciate it kung siya pala ang dahilan ng promotion kong ito ngayon! Damn it!

"Let's order some foods, Klara. Please choose whatever you want to eat," sabi sa ‘kin ni Mrs. Salazar, ng inabutan niya ako ng menu book.

"Thank you, Ma'am," tanging naisagot ko na lang dito.

"Anyway hija, papunta pala dito ang anak ko ngayon. On the way na s'ya. I also invited him to have lunch with us. Malapit lang kasi ang office niya dito. Mabait ‘yon Klara kaya huwag kang mailang doon sa unico hijo ko."

"Uhm. O-Okay ho," pagsang-ayon ko na lang dahil wala naman akong karapatang humindi.

We are talking about our new project with the Falcon Industrial Company. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala na magtatrabaho ang company nito sa kompanya ni Logan. She's really excited to start. Napapailing na lang ako.

Kung pwede lang ipasa ko na lang sa iba ang trabaho ko ay gagawin ko. Para hindi ko na lang makaharap si Logan ng halos araw-araw sa site nito, at marinig ulit ang kanyang paulit-ulit na mga insulto.

But, speaking of him. Napasulyap ako sa pagpasok nito at ni Elaine sa restaurant na iyon. Elaine is holding his arms and they are talking. Jealousy consumes me. Agad akong nag-iwas ng tingin ng napasulyap at napatitig sa akin si Logan.

I sigh and curse when they choose to occupy the table near from our table. In my peripheral vision I can see Logan's seat where I'm in front of his direction. Ngunit inignora ko na lang ito at ginawang busy ang sarili ko sa sarili kong phone at pakikipag-usap kay Mrs. Salazar.

"Oh, there he is Klara. Mami-meet mo na talaga ang unico hijo ko sa wakas." Nakangiting pahayag nito habang nakalingon sa entrance ng restaurant. Napalingon na rin ako doon.

Then I can see a tall dark man in his black suit. Tama nga si Ma'am, her son is handsome in person. Pero para sa ‘kin, ordinaryo ang itsura nito kumpara kay-. Oh,' shit! Why am I comparing the two? At bakit nasali pa s'ya sa iniisip ko. I shake my head to stop what I'm thinking.

"Hi, mom." The guy kisses his mother's cheek.

"Hello, hijo." Tumayo si Ma'am at tumayo na rin ako. "Anyway Makki, s'ya nga pala ‘yong gusto ko sanang ipakilala sa'yo noon pa. She's Klara Santos, ‘yong ikinukwento ko sa'yo na isa sa empleyado ko."

He faces me. "Hi Ms. Santos. I'm Makki Salazar." He smiles and politely extends his hand at my direction.

"Hi, Mr. Salazar." I formally greet and accept his hand. But I gulp in a sudden when he kisses the back of my palm.

"Bakit ba ang formal n'yong dalawa. Pwede namang first name basis lang ah." Magkasabay pa kaming lumingon sa mommy nito.

"It's okay with me mom, walang problema sa ‘kin. But I don't know about Ms. Santos."

Pareho silang mag-inang lumingon sa akin.

"H-Huh? Uhm, o..okay lang naman sa akin. Wala ring problema," sabi ko habang napalingon ng bahagya sa kamay nito na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Really? Can I call you by your first name?"

Namumula kong hinila ang kamay ko sa palad nito. I feel awkward at his smile, and also I feel uneasy because of Logan. Kanina ko pa kasi ito nararamdamang nakatitig sa akin habang nakikipag-usap ako sa anak ni Mrs. Salazar.

"S-Sure."

"Then it's Makki. First name basis is nicer," he says.

"I agree. So let's be seated. Our foods are ready to be served I think."

Naupo naman kaming tatlo. Saka rin dumating ang mga in-order naming pagkain.

Habang nag-uumpisa na kaming kumakain ay bahagya pa rin ang kwentuhan ng mag-ina. Habang ako ay tahimik lang, sasagot kung tatanungin, tatahimik kung kinakailangan.

Hanggang sa ang diwa ko ay napalingon sa kinaroroonan ni Logan at ng kasintahan nito. Again, I witness Elaine's sweetness to her fiancé. Masyado itong maasikaso na katulad ko noon.

I sigh and gulp when Elaine look at my direction. Nakataas ang kilay nito at parang ipinagmamalaki pa sa akin ang ginagawa niyang pag-aasikaso kay Logan.

Nag-iwas na lang ako ng tingin sa mga ito. Ramdam ko pa rin kasi ‘yong mga sinabi ni Logan sa akin.

Ellaine is everything, she's a perfect soon to be wife, his wife, she is the love of his life.

Hindi pala kita minahal noon. It's only your body that I always desire in bed. You are nothing for me, Klara! It's only your body. You are NOTHING but only my dirty fvck buddy!

Fvck him! How could he hurt me as hell like this!

Kalaunan ay natapos din kaming mag-lunch sa halos isang oras. Ma'am excuses herself to the comfort area.

"Klara, pagpasesyahan mo na si mommy huh. Pasenya rin kung napakakulit niya."

"O-Okay lang ‘yon sa ‘kin," tipid kong tugon.

I heard him sighs. "To be honest Klara. I like you."

"H-Huh?" Hindi ako nakapaniwalang tumingin sa kanya.

"The moment I saw you on my mother's social media account, nagustuhan na agad kita," seryoso ang pagkakasabi nito, he even holds my hand which is on top of the table at masuyo iyong dinama. "I know I'm being too quick to let you know about my feelings. Gusto ko lang talaga magpakatotoo sa damdamin ko at nararamdaman ko para sa'yo."

I didn't say anything, kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi nito. Lalo pa't ngayon lang kami nito nagkakilala at nagkita.

"U-Uhm..." Nahagip ng mga mata ko ang mga tingin ni Logan sa mga kamay naming magkadikit sa itaas ng mesa. "I'm sorry to say this, pero-"

"Will you let me court you, please Klara?" Nagsusumamo ang tinig nito.

"H-Huh?" Agad kong nahila ang kamay ko dito. "Makki, Uhm, masyado kang mabilis." Tanging nasabi ko.

"I'm willing to wait. Just give me time to prove it by courting you."

Ingay nang nalaglag na kutsara ang narinig ko sa kabilang mesa. Ayon na naman ang nalingunan ko. ‘Yong matiim na mga mata niyang nakatitig sa akin na tulad kanina, pati na ang masamang tingin sa akin ni Elaine ay nahagip ng mata ko.

What's wrong with this couple? Bakit ba ang sasama na lang lagi ng tingin nila sa akin simula pa kanina?

I sigh then I look at Makki again. Ngumiti pa ako ng bahagya dito.

"W-Wala namang masama kung manliligaw ka. Pero sa ngayon pa lang magsasabi na ako ng totoo sa'yo to be fair sa feelings mo for me Makki. Uhm, h-hindi pa kasi ako handang makipagrelasyon sa ngayon. I hope you understand. Hindi pa ako handa."

Mairisian

A/n: Hello everyone, I hope you enjoy the story. Please, don't forget to comment and vote. Salamat po. 🤗 Stay tuned!

| 5
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Yna Emelo Mallari
sobrang ganda!!! gawin movie to!!
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
nku halo2 emosyon ko habang ngbabasa npakaganda talaga
goodnovel comment avatar
Naty Esmabe Magbag
ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status