Share

Kabanata 2

ALIYAH'S POV

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay narandaman ko ang pagvibrate ng iPhone ko mula sa aking purse. Kinuha ko iyon at nakita ang text galing kay Sydney.

Syd:
Handa ka na bang maglaway?!

Napailing ako. I smirked a bit when I saw her text. Hindi pa din talaga ako kumbinsido sa mga sinabi niya noong nakaraang gabi. Gusto ko pa sana isearch ang itsura ng Alvedo na iyon sa internet pero naisip ko na makikita ko naman ng personal, hindi iyong edited.

Huminto ang limo sa Manila Peninsula Hotel. Riley, Papa's secretary assisted me in the place. Ang magarbong chandelier kaagad ang nakita ko nang pumasok kami sa lobby ng hotel. May iilang tao ang naroon at napapatingin sa akin. Dinadaga man ang dibdib ay nagawa ko pa ding maglakad ng maayos at sumunod kay Riley.

Tumulak kami sa dining place na nireserve ng mga Alvedo. Nagsusumigaw ang karangyaan ng lugar ngunit tahimik ito. Iisang tao lang ang nakita doon.

Nanatili ang mga mata ko sa kaisa-isang lalaking nakaupo sa table na nasa gitna ng dining. He's wearing a white v-neck shirt inside his black coat. A dark pants and black shoes. His brown colored hair is almost hiding his eyes. Ang mga mata ay mapupungay, singkit ng kaunti. Matangos nga ang ilong kagaya ng sabi ni Syd at ang labi ay natural na mapula.

He is like a demigod living in a modern era. Maamo ang mukha ngunit kita pa din ang pagiging marahas base sa emosyong nasa mga mata nito. I would say that he's perfectly created by someone above. For a moment, I found myself admiring this guy as I haven't seen any man as beautiful as him.

Natauhan lang ako nang makita ang iilang bote ng alak sa mesa na sa tingin ko'y ininom niya. He looks tipsy but still managed look at me with this menace in his eyes. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa paninitig niyang iyon.

"That's Mr. Reid Alvedo, Miss Aliyah." ani Riley sa gilid ko.

"Iwan mo na kami," utos ko dito at pagkatapos ay narandaman ang pag-alis niya.

Taas noo akong naglakad palapit sa table kung saan nakaupo ang Alvedo na sinabi ng tauhan namin. Habang naglalakad ako ay hindi nawala ang nakakatakot na titig niya sa akin. Pakirandam ko ay lalabas na ang puso ko sa aking dibdib pero hindi ko pinahalata iyon.

Umupo ako sa upuang kaharap niya. He smirked at me that sent shivers down my spine. I tried to smile despite how nervous I am right now. Pakirandam ko ay kinakain ako ng karahasan ng presensya niya.

"Aliyah Venice..." he said formally.

Kahit ang boses niya ay perpekto. Karaniwan lang ang pangalan ko pero nang bigkasin niya ay parang naging kakaiba ang dating para sa akin.

"Good evening, Mr. Alvedo–"

"Call me Reid." wika niya.

"O-okay, Reid..." I said softly.

Huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti. Unang beses akong nahiya sa lalaki. Ni wala akong masabing kahit ano matapos ko siyang batiin. Nakakaakit ang mga mata niya habang patuloy ang paninitig sa akin.

Sydney is absolutely right... I want to curse! This man affects me already! He's getting into my system and it makes me weak in a different way.

Huminga siya ng malalim at sinalinan ng alak ang wine glass. Isang inom lang at naubos niya agad iyon. Nakarandam ako ng pag-aalala dahil parang nalalasing na siya.

"Uhm... M-madami ka ng nainom..." alanganin man ay sinabi ko pa din ang nasa isip ko.

"You can eat, young lady. Don't mind me." he said in a cold tone.

Nagulat ako doon. Lalo na sa una niyang sinabi. Kung ganoon, bata ang tingin niya sa akin? I feel offended...

"I'm already twenty-two years old. I'm not young anymore," depensa ko.

"You look sixteen to me. I apologize," he smirked once again.

Nawala ang pasensya ko. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng isang kilay. Umangat ang gilid ng labi ko at tinignan siya ng deretso sa mga mata.

"Please don't talk to me that way. My name is Aliyah Venice Monterde, your fiancée..." I told him coldly.

He was surprised for a moment but then flashed his devilish smile at me. Now, I think I won't escape.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status