Share

Kabanata 5

ALIYAH'S POV

Nagpupuyos ang damdamin ko sa galit nang umuwi ako ng mansyon. Padabog kong sinarado ang pinto ng aking kwarto at doon nagsisigaw sa sobrang inis at galit.

That Reid Alvedo is a proven arrogant and bastard!

Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay idineny ako, hindi ng magulang o kaibigan ko kung hindi ng fiancé ko sa harap pa ng ibang tao! Ayos lang naman sa akin kung ayaw niya makasal sa akin pero ang pagmukhain akong tanga ay hindi katanggap tanggap!

I had a good motive, I wanted to know him so bad and see if things between us will work out. I wanted to try and see how it will go if I get to know him. I just wanted to at least learn more things about him so I can decide if I'll proceed with this agreement or will abandon the promise I made to my parents.

Kaya lang sa ginawa niya sa akin kanina, parang umurong na ang lahat ng interes ko para kilalanin siya at sang-ayunan ang kasal na iyon!

Natural ang pagiging arogante sa mga mayayamang katulad niya. He has everything. Kaya niyang makuha ang lahat ng gusto niya sa isang pitik. Nga lang, hindi ko inaasahan na abot impyerno ang pagkasama ng ugali niya.

Hindi ko gustong mag-isip ng masama sa kapwa ko kaya lang ay paano ko namang mapipigilan ang sarili kung harap harapan niya akong binastos? Not even once! He did it to me twice already and I know he will do it again the next time we see each other!

Buo na talaga ang loob ko! Hindi ko na siya papakasalan! Iyon nga ang magandang gawin, Ali! Matulog ka na lang kaysa isipin ang lalaking iyon!

Nga lang, nagising ako kinagabihan dahil sa paghihisterya ni Mama.

"Aliyah! Aliyah, wake up!"

"Mama?"

Napilitin akong idilat ang mga mata ko dahil sa pagkakayugyog sa akin ni Mama. Pansin ko ang suot niyang formal attire. Mukhang kakauwi niya lang galing sa trabaho. What time is it? Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas siete na ng gabi.

"Oh, my goodness, sweety! Ano'ng ginawa mo? Bakit nandito si Reid?! He's waiting for you! What did you do?!" ani Mama sa nababaliw na boses.

Tila nilayasan ako ng antok sa narinig. Bumalikwas ako ng bangon at laglag pangang tinignan ang aking inang naghihisterya na.

"Wh-what did you say, Mama? S-sinong nandito?"

"Reid Alvedo is here, hija! Ano'ng ginawa mo? He told us something happened earlier between the two of you? What did you do?!"

Ngayon ay nang-aakusa ang mga titig sa akin ni Mama. Sumimangot ako. Wala nga akong ginagawa sa matandang iyon! Siya nga ang umaway sa akin!

"Ma, wala akong ginawa sa kanya!"

Nasapo ni Mama ang kanyang noo.

"Mama, I didn't do anything wrong! Siya nga itong may kasalanan sa akin!" giit ko pa.

"My goodness, Aliyah! Magbihis ka at harapin mo ang fiancé mo sa baba!"

Napairap ako nang iwan ako ni Mama sa kwarto ko. Bakit siya nandito? Ano'ng kailangan niya sa akin? Bumisita ba siya para sabihin sa pamilya ko na hindi niya ako papakasalan? Pwes, sige!

Akala niya siguro ay uurungan ko siya, ah! Hindi na ako nag-abalang magbihis ng maayos na damit. I put my hair in a bun and washed my face. Hinayaan ko na ang suot kong itim na racer back at faded shorts. Lumabas ako ng kwarto at huminga ng malalim.

Pababa palang ako sa spiral na hagdan ay rinig ko na ang pag-uusap ni Papa at ni Reid. Si Mama naman ay sumasali din sa kanila. Naabutan ko sila sa may tanggapan namin ng bisita sa malawak na sala.

Nasa huling baitang na ako ng hagdan nang bumaling ang mga mata sa akin ni Reid. Ang mga matang kanina ay nakaangil sa akin ay ngayo'y blangko na ang emosyon. Hindi galit pero hindi rin naman masaya. Tumayo ito dahil sa presensya ko.

My mother groaned a bit when she saw me wearing something informal in front of my visitor. Hinayaan ko iyon at simangot na tinapunan ng tingin si Reid.

Hindi ako lumapit sa kanila. I was standing at the edge of our stairs. Ni hindi ko kayang lumapit kay Reid dahil sumasama pa din ang loob ko.

"What are you doing here?" I asked him lazily. Kunwari'y hindi interesado na makita siya at nagpipigil ng pagtataray.

He licked his lowerlip. Saglit itong tumingan kay Papa at pagkatapos ay bumaling muli sa akin.

"Aliyah Venice..." bulong ni Mama, wari'y pinagbabantaan ako.

"I just want to check on you, Aliyah." ani Reid sa marahan na tono.

Hmmn, nasaan na ang aroganteng Reid Alvedo? Kumunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan ang pagiging maayos ng pananalita niya sa akin.

"I-I'm fine, as you can see."

"I also want to apologize," he said softly. "I didn't mean to be that insensitive earlier."

Hindi ko inaasahan iyon. Napakurap ako at pinroseso ang mga sinasabi niya.

He just apologized to me. This isn't a dream, right? Ano'ng nakain nitong lalaking ito? Bakit bigla siyang bumait?

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Papa, dahilan para makuha niya ang aking atensyon. Si Mama naman ay panay ang nguso sa akin at gusto yatang may sabihin ako kay Reid na kahit ano.

"A-anong kailangan mo sa akin ngayon?" tanong ko, naguguluhan sa nangyayari.

"Can we talk?"

Mabilis akong umiling. Dismayado niya akong tinitigan.

"Aliyah," si Papa.

"Don't be so rude, hija!" ani Mama sa muli'y nababaliw na tono. Lumapit ito sa akin at hinila ako palapit sa kung nasaan sila.

I pouted my lips. Alam kong nakatingin si Reid sa akin pero pinili kong yumuko. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari.

Okay na sa akin na nagsorry siya. Kaya ko siyang patawarin sa ginawa niya kanina. Kaya lang bakit gusto niya pa kaming mag-usap? Hindi ba dapat ay hinahayag na niya ngayon sa pamilya ko na hindi niya ako papakasalan?

"Pwede ko po ba makausap si Aliyah nang kami lang pong dalawa?"

Parehong tumikhim ang mga magulang ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Blangko pa din ang emosyon sa mga mata niya. Sa huli ay pumayag ang mga magulang ko na iwan kami dito sa sala. Sinundan ko sila ng tingin habang papasok ng office ni Papa.

Nang magsara ang pinto ng office ay bumaling ako kay Reid.

"What do you need?" kunot noo kong tanong sa kanya.

He smiled a bit. Nagpamulsa ito at lumapit sa akin.

"Galit ka pa din."

"Pake mo!"

Tinalikuran ko ito at humalukipkip.

Naku, Aliyah. Kaunting pasensya! Nandito ang mga magulang mo. You won't like what might happen next if they hear you yelling at this guy.

I heard him chuckle. Ano'ng nakakatawa? Kanina lang para siyang maamong tupa sa harap ni Mama't Papa, ah! Hindi makabasag pinggan!

"I'll make my employees aware that I have a fiancée," aniya sa marahan na boses.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Talaga bang gagawin niya iyon? Teka, hindi siya aatras?!

Nilingon ko siya. He's looking at me with his amused eyes. Suminghap ako.

"Akala ko ay nandito ka dahil hindi mo na itutuloy ang gustong mangyari ng mga parents natin..." halos manliit ang boses ko.

Umangat ang dulo ng kanyang labi. Tila aliw na aliw siya habang tinititigan ako. Ngayon, nakikita ko na ang pagiging arogante ng mga mata niya.

"Sabi mo ay gusto mo akong makasama mag-lunch. I can make time for you, tomorrow."

"Huh?"

He shook his head while smiling, "Wala pa akong balak umatras sa gustong mangyari ng mga pamilya natin, kung iyon ang iniisip mo."

"B-bakit naman?"

"Makakatulong ang kumpanya niyo sa amin..." simple niyang sagot sa akin.

Napaisip ako. Sa isang tanyag na kumpanya na nagmamay-ari ng ilang daang hotel at restaurant, talagang kakailanganin nila ng kumpanyang nagpoproduce ng mga suavéng furnitures. Nga lang, sa dami ng woodwork companies ay bakit kami ang napili ng pamilya nila? Kahit na ba gusto ng Mama't Papa ko na maging kasosyo sa negosyo ang mga Alvedo, dahil mas angat sila ay may kakayahan silang pumili.

Baka talagang malapit ang mga magulang namin sa isa't-isa?

Kung ganoon ay hahabulin ako ni Reid dahil kailangan niya ang kumpanya namin? Wow, malaking kalokohan.

"Oo nga. Nakalimutan ko na pawang dahil sa negosyo ang lahat," tanging nasabi ko.

Tumango ito, "This is how we work for business, Aliyah Venice."

"Okay..."

He's right. And since I am the daughter of Pascual and Luz Monterde, I am obliged to help my parents achieve their goals. Alam mo na ito, noon pa man, Aliyah. This kind of set up has been introduced to you even before you didn't have any idea about it. Simula noong bata pa. Naging mas detalyado na nga lang ng magkaisip ka na.

"Galit ka pa din?"

Umiling ako, "Hindi na."

"Then I am waiting for your apology," marahan ang kanyang boses ngunit may diin sa huling salita.

I scowled at him. Hindi ako makapaniwala! Bakit ako hihingi ng tawad sa kanya? Naningkit ang mga mata niya. Naging buhay ang nakakainis niyang ngiti. Tila hinahamak na naman ako!

"Am I a fucking loser for you?"

I frowned. I suddenly felt ill... Aminado ako sa mga masasakit na sinabi ko dahil siya naman ang nauna! Kaya bakit ako hihingi ng tawad?

"You also slapped me."

Dapat lang iyon! Ikaw nga, dineny mo ako!

"Na dapat lang na iniiwan ako?"

Nahimigan ko ang pait sa huli niyang sinabi. I bit my lowerlip. Dalawang hakbang ang ginawa niya palapit sa akin. Para akong naestatwa dahil gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa.

Pakirandam ko ay nasa panganib ako. Kung kanina ay magaan lang ang presensya niya, ngayon naman ay mabigat ito't naninindak. Nagsimulang kumalabog ang puso ko.

Magsosorry na ba ako?

Pero siya naman ang nauna!

"I didn't expect your guts because you're too young," halos ibulong niya iyon sa akin. "Iyon ang unang beses na sinampal ako."

Nagulat ako sa sinabi niya. Kung ganoon ay hindi pa siya nasasampal kahit kailan? Kahit ni Cassandra Lim? Umawang ang labi ko, magsasalita sana ngunit hindi ko naman alam ang sasabihin.

"You remind me of someone..." aniya sa matabang na tono.

Huminga ako ng malalim. Lakas loob ko siyang tinitigan. Ang mga madilim niyang mata ay nangungusap, nagbabanta. Para bang may kakalagyan ako kung uulitin ko ang ginawa ko sa kanya kanina.

"Ikaw ang nauna, Reid. Hindi ako hihingi ng tawad. Kung maayos mo akong hinarap, hindi tayo hahantong sa ganon..."

His jaw clenched. Halata ang pagtitimpi sa kanyang mukha. I stepped back, trying to save myself from the intensity of his dark aura. He smirked and shook his head once again.

Nilabas niya ang kanyang wallet at may kinuha doon. Lumapit siya sa akin ulit na halos ikataranta ng puso ko. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang itim na maliit na card.

"I owe you a lunch," wika niya sa malumanay na tono. "Kung hindi ka na galit, pwede mo akong tawagan. You can also visit my office. I'll make sure they are aware that you are my fiancée so you won't be embarrassed again." He chuckled, "I'll keep reminding myself that I have a young fiancée too. Hindi ko na kakalimutan, Aliyah..."

My jaw literally dropped on the floor. Halos napatid ang paghinga ko nang higitin niya ako at halikan sa pisngi.

"I have to go. I hope you have a good night," he said coolly.

Natulala ako. Isang ngiti pa ang binigay niya sa akin bago ako bitiwan. Hanggang sa makaalis siya ay tulala pa din ako, hindi makabawi sa mga sinabi't ginawa niya.

Clueless and feeling dumb, I whispered a cuss.

"Shit head, Reid Alvedo..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status