Share

Kabanata 6

ALIYAH'S POV

Panay ang tingin ko sa calling card na binigay sa 'kin ni Reid kagabi. Ilang beses ko ding inirapan 'yon, pilit tinatago ang interes na tawagan siya at yayaing mag-lunch.

If I call him now, that would only show that I am just one of the girls who can't resist him. Baka isipin pa ng walang hiyang iyon na mabilis lumipas ang galit ko. Well, lipas na talaga ang galit ko. The fact that he visited me here last night and apologized to me, that's an enough reason for me to forgive him. I just didn't like it when he speaks with full of arrogance.

I sighed heavily. Hinawakan ko ang sintido ko at bahagyang hinilot 'yon. I am just twenty-two, but this fixed marriage and my soon-to-be husband are both giving me headaches!

Ni wala pa ngang detalye na binibigay sa akin ang mga magulang ko. Kung kailan ang official announcement ng engagement. Kung kailan ang kasal. Kung tuloy ba ang kasal na 'yon, o umatras na ba si Reid dahil nakapagtanto niyang hindi kami bagay?

I cringed at my last thought. Noong una ay medyo interesado pa ako ng lubos sa kanya dahil challenging ang dating niya sa 'kin, ngayon naman ay interesado ako sa kanya dahil gusto ko siyang matauhan sa pagiging arogante niya. He's full of himself. Pakirandam niya ay isa siyang hari na hahabul-habulin ko. I'd like to see him being humbled because that's all he can do. Kung paano ay hindi ko pa alam.

* * *

Humagalpak ng tawa si Sydney nang ikwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Reid kahapon sa office niya. My face heated in shame. I was telling her what happened so I can get her sympathy but she ended up laughing at my story.

Sumimangot ako at nagsisi. I didn't like it when she's making fun of me. Kapag naaalala ko ang nangyari kahapon. Ang pagkapahiya at galit ko, sumasama pa din ang loob ko.

She sipped on her coffee and tried to control her amusement. Tumikhim ito at pilit na pinigil ang pagtawa.

"Walang nakakatawa, Sydney." inirapan ko ito at ininuman ang aking frappe.

"Sorry, Ali!" ngumisi siya at umiling. "Hindi lang ako makapaniwala na nangyari 'yon. I mean, I would understand if his secretary doesn't know the situation. Pero pati si Reid, hindi alam na may fiancée siya? That's weird! Baka sinadya niya 'yon!"

That's exactly what I've been thinking about. Pakirandam ko tuloy, hindi ako importante at isa lang laruan na magpapalago ng negosyo ng pamilya ni Reid. Pero, nag-sorry siya kagabi... He admitted that he forgot...

I don't even know if he's really telling the truth.

I shook my head. "Mukhang sasakit lang ang ulo ko sa lalaking 'yon. He isn't really nice like what I thought."

Sydney looked at me as if she's trying to read through my head. Naningkit ang mga mata niya habang pinag-aaralan ang emosyon sa mukha ko.

"Hindi naman lahat ng lalaki, makukuha mo agad ang ugali sa isang titig lang, Ali. He may be handsome and has an angelic face but you'll know his attitude once you see him twice or multiple times. Kung ako sa'yo, tatawagan ko siya at makikipag-date, just to test if he's just enough to be my husband. Alam mo 'yon? Kahit walang pagmamahal basta pareho kayo ng iniisip o nagkakasundo sa mga bagay, pwede na 'yon para matagalan niyo ang isa't-isa bilang mag-asawa."

Syd is probably right. Kinuha ko sa wallet ko ang calling card na binigay sa akin ni Reid.

I'm giving him the benefit of the doubt. What if he's just really arrogant because he doesn't know me yet? What if he's really a kind-hearted guy if I just get to know him more? Baka naman mabuti talaga siya at bunga lang ng sawing pag-ibig kaya gano'n kabastos ang ugali niya pagdating sa 'kin.

"Call him!" utos ni Sydney sa 'kin.

"Don't you think it's too fast if I'd call him now? Wala pang bente-kwatro oras nang mag-away kami, Syd..." I told her.

I just want to at least lie-low for forty-eight hours. Para lang hindi niya isiping naghahabol ako sa kanya. Ang hambog na 'yon, baka tumaas na naman ang pagiging proud sa sarili kapag tinawagan ko agad!

"You shouldn't be wasting time, Ali. Sa bawat oras na pinapalipas mo, nakakapag-isip si Reid. Hindi ka ba natatakot na baka magbago ang isip niya?"

Umiling ako. That's his decision to make. Basta ako, mahal ko ang pride ko!

Naningkit na naman ang mga mata ni Syd. "E, ang parents mo? Do you think they would accept it if Reid refuse to marry you?"

Natauhan ako sa sinabi ni Sydney. Umayos ako ng upo. Isipin ko palang ang pagkabigo sa mga mukha ng mga magulang ko ay nababarag na ang puso ko.

"See? Alam ko namang gusto mo talaga silang sundin. Ikaw na din ang nagsabi sa 'kin dati na alam mo na ang kapalarang binigay sa'yo ng parents mo. We both know how much they want this marriage to push through. And they would be disappointed if Reid  will refuse just because you love your pride that much," she added.

"So, are you saying that I have to make a fast move on him? Hindi ba ako magmumukhang desperada non?" I asked her.

She smirked at me, crossing her arms against her chest.

"Ali, ang mga magulang mo ang desperada. Hindi ikaw. 'Yon lang ang isipin mo..." makahulugan niyang sabi.

My forehead creased. Minsan talaga, masakit din magsalita 'tong kaibigan ko. She's right, though. I am not that desperate. Ang mga magulang ko lang talaga...

* * *

Nag-dadrive na ako pabalik ng bahay. After meeting Sydney at our usual place, kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

She's totally right. I should not waste my time spoiling my pride. Kailangan kong gumawa ng aksyon para maging maayos kami ni Reid. That's the least thing I can do so that even without love, our marriage will still last.

Iniisip ko lang kung anong mga aksyon ang dapat kong gawin. I was consumed by the thoughts of chasing Reid Alvedo discreetly and making him chase me desperately, when I accidently bumped into the car in front of me.

My lips ran dry. Biglang nanglamig ang buong katawan ko sa bilis ng pangyayari. Magkadikit na ang harap at likod ng mga kotse namin. Mula sa kinauupuan ko ay kita ko kung paano umusok ang likuran ng kotse sa harap ko.

Lumabas ang isang lalaking bigotilyo sa kotseng nabangga ko. Kita ko ang galit sa mukha niya habang palapit siya sa kotse ko.

Nanginginig ang mga kamay ko. Halos mapapitlag ako nang katukin nito ang bintana ng kotse ko.

"Lumabas ka! Tang-ina! Labas diyan!" sabi ng galit niyang boses sa maliit na tono dahil siguro nasa loob ako ng kotse.

Sa sobrang takot, ayokong lumabas. May mga taong tumitingin sa nangyari at may mga kotse ding walang tigil sa pag-iingay dahil nakakaabala na kami sa daan.

Shit.

What should I do?

My parents will kill me if I'd tell them what happened and make them come here to save me! I shook my head. Takot akong malagay sa kahihiyan ang parents ko!

Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko sa purse at ang calling card ni Reid sa wallet. Without even thinking a single second, I dialed his phone number immediately hoping that he would answer and save me from this mess.

"Please answer my call..." bulong ko, habang nakatingin sa malaking kamay na paulit ulit na kinakatok ang bintana ng kotse ko.

"Hello?" a baritone answered.

Finally!

"R-reid... This is A-Aliyah..." panimula ko sa nanginginig na boses. "I... I n-need help..." hindi ko napigilan ang pag-iyak. "P-please..."

"What happened, Aliyah?" his tone was cold and curious.

"N-na... nakabangga ako... p-please... help me..." hindi ko na napigilan ang paghagulgol lalo na nang mamataan ang mga pulis na palapit sa amin.

"Where are you?" now his tone sounded aggressive.

Sinabi ko sa kanya kung saang highway ako naroon. Naririnig ko ang malalalim na paghinga niya sa kabilang linya. Pakirandam ko ay mali ang ginawa kong pagtawag sa kanya. But I have no choice! My parents will kill me if they know about this!

Reid can just kill me after cleaning this mess!

"Stay inside your car. I'll be there in fifteen minutes." Utos niya sa akin.

"Reid, galit na galit 'yong may-ari ng nabangga ko. Natatakot ako..." humikbi ako. "Mababasag na 'ata ang bintana ng kotse ko... M-may mga pulis na din!"

Nagpakawala siya ng malutong na mura.

"Huwag kang lalabas ng kotse. Ako na ang bahala. I'm on my way," aniya.

"O-okay..."

He ended the call. Probably he's really on his way to save me.

"Lumabas ka diyan! Walang hiya!" galit na galit na sabi ng lalaking may-ari ng kotse at ngayo'y inawat na ng mga pulis.

Isang pulis ang kumatok sa bintana ng kotse ko. I am totally in fear when he asked me to go out and show myself to them. Umiling ako at yumuko. I am crying endlessly because of this mess I created.

Wala pang sampung minuto ay tumigil ang mga pagkatok. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Reid na nakikipag-usap sa mga pulis at sa lalaking nakabanggaan ko.

Nakahinga ako ng maluwag. Nanginginig ang labi ko habang pinapanood ang pakikipag-usap niya sa mga pulis. He remained calm even when the owner of the car I bumped into is throwing a fit.

Lumapit si Reid sa kotse ko at kinatok ang bintana. Binaba ko 'yon para makausap niya ako ng maayos. I am still crying when he looked at me.

"We'll fix this mess but we should come with them at a police station." ani Reid sa kalmadong tono.

I shook my head. "Ayokong makulong..."

"Ofcourse, I won't let it happen, Aliyah. Trust me. Halika." hinawakan niya ang pinto at hinihintay akong bumaba.

I am really hesitant to go out knowing there are three policemen waiting for me...

"Aliyah, don't worry. I won't let you get jailed. You have my word."

Should I really trust Reid Alvedo?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status