Share

BILLIONAIRE’S NERD WIFE
BILLIONAIRE’S NERD WIFE
Author: Jimsheen28 GN

chapter one/heart break

PALOMA

“Wow! You look so beautiful, Anak. Mas lalo ka pang gumaganda, bagay na bagay sa iyo ang suot mo!” Papuri sa akin ni Mommy. Pero ako tila uod na pinuputolan ng buntot hindi ako komportable sa suot kong fitted red dress na above the knee ang taas at may malaking hakab sa aking likod. Pakiramdam ko kakabagin lang ako nito. Maging ang suot kong four inches red heels ay kinakabahan pa rin akong humakbang natakot ako na baka matapilok pa ako nito.

“Mom, do I need to wear this kind of dress?” reklamo ko sa kanya habang hinihila ko ang manggas ng aking suot pababa. Masyado na kasi itong maiksi.

“Ofcourse hija, kailangan nilang makita ang tunay mong ganda. Walang tulak kabigin, you’re so beautiful at siyempre mana ka sa akin.”

“Huwag mo ng hilahin. Baka masira pa ’yan.” Tinapik ni Mommy ang kamay ko kaya natigil ako sa aking ginagawa.

Kung hindi lang ako bina-block mail ni mommy na magtatampo siya sa akin ’nungka na susuotin ko ito.

Ito ang unang pagkakataon na magsuot ng ganitong klaseng pananamit. Na sanay kasi ako na palaging mahahabang saya o hindi kaya bestida ang suot ko. At minsan lang din akong magsuot ng jeans at kung magsuot man ako laging maluwang at pang-itaas ko ay turtle neck o ’di kaya sweet shirt.

.Hindi ko alintana ang mga pangkukutya at pambu-bully sa aking mga kaklase. Walang nais kumakaibigan sa akin dahil sa pagiging old fashion ko. Nakadagdag pa sa palagi kong pagsuot ng malaking salamin dahil sa malabo ang mga mata ko. At lagi rin nakapusod ang ayos ng aking buhok kaya ang tawag nila sa akin wierdo o hindi kaya nerd. Wala naman akong pakialam kung ano pa ang itawag nila sa akin ang mahalaga wala akong ginawang masama sa kanila.

Ilang taon akong nasa puder ng aking tiyahin na si Antie Meldred Isa siyang madre kaya nahawa ako sa pagiging old fashion nito pagdating sa pananamit. Maging si Mommy ay naiinis na rin sa akin dahil sa hindi ko isinusuot ang binili niya sa akin na mga sexy at usong dress ngayon ng mga millenial. Para daw akong forty years old sa awra ko. At hinihikayat din ako ni Mommy na palitan ang suot kong salamin ng contact lense and again I said no to mommy.

Sinubukan ko naman pero hindi ako comfortable sa contact lense masyadong na i-irritate ang mata ko.

“Okay, let’s go. Malapit ng mag start ang party ng tita Gracia mo.”

Wala na akong nagagawa pa nang hilahin na ako ni Mommy pasakay sa sasakyan. Abot-abot ang kaba ko nang malapit na kami sa mansiyon ng mga Mercado. Hindi ako mahilig makipag socialized at uma-attend ng mga party pero this time pinagbigyan ko na lang si mommy. Kahit sa totoo lang iniiwasan kong mapang-abot ang landas namin ni Kuya Kenneth ang lalaking lihim kong iniibig.

Si Kuya Kenneth Mercado ang nag-iisang anak nina Tita Gracia at Tito Fernando. Anim na taon ang agwat nito sa akin. But then, hindi iyon rason para hindi ko siya magustuhan at habang tumatagal palalim nang palalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Matagal ng magkaibigan ang pamilya namin kaya present ang bawat pamilya namin sa kahit na ano’ng okasyon. Sa totoo lang magkasundo at malapit kami sa isa’t- isa ni kuya noon.

Yeah, you heard right. Pero simula nang mabasa ni kuya ang diary ko nagsimula na siyang lumayo sa akin. Humugot ako ng mamalim na hininga at pagkatapos pinakawalan ko iyon. Nagsimula na naman bumigat ang dibdib ko. Nang maalala ko ang huling tagpo namin ni Kuya.

“Stop liking me, Paloma! Tanging nakababatang kapatid lang ang tingin ko sa iyo. And besides hindi kagaya mo ang tipo kong babae! Nerd!” for the first time naranasan kong masaktan kahit hindi naman dapat kasi wala namang kami. Halos isang buwan ko rin iyong iniyakan. Kahit sino ba naman ang ma-reject sa taong mahal mo. Hindi ko lang maintindihan kong bakit ganoon na lang kadali para sa kaniya na saktan ang damdamin ko.

Ipinilig ko aking ulo dahil nagsisimula na naman uminit ang sulok ng aking mga mata. Ayaw kong mag-aalala si Mommy sa akin.

“Anak, ayosin mo 'yang mukha mo. Paparating na ang Tita, Gracia mo.”

Napilitan akong lawakan ang aking ngiti nang tuluyang nakalapit sa amin ang mommy ni kuya.

“Happy birthday, Gracia. As always, you look so georgous."

“Thank you, Amega. Bakit ako lang? Ikaw rin naman wala pa rin kupas 'yang ganda mo. No wonder, na masyadong inlove si Miguel sa'yo.”

“Hija, Paloma. Oh, my! Hindi kita nakilala sobrang ganda mo! Dapat ang gandang 'yan 'di tinatago.” baling sa akin ni Tita Gracia.

“Sa-salamat po, Tita. Happy birthday po.” Tipid ang ngiting pinakawalan ko, naasiwa ako sa tinuran nito hindi ako sanay na may pumupuri sa akin na ibang tao except sa aking mga magulang at lola.

Buong ingat akong naglalakad na nakasunod nila mommy at tita. Napansin kong nakatoon ng mga mata ng mga iilang bisita sa akin. Ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat ang pagtitinginan ng ibang mga tao.

Dinala kami ni Tita sa table kasama ang kaniyang mga kamag-anakan at mga business partner nila tito Fernando. Nakahinga ako ng maluwag dahil ilang minuto na ang nakalipas hindi ko pa rin na pansin ang presensiya ni Kuya Kenneth. Ngunit hindi ko rin maiwasan ang mangungulila sa kaniya. Nais ko pa rin masilayan siya kahit na sa malayuan man lang.

Natapos na akong kumain nang nagtungo ako ng wash room. Kabisado ko na ang loob ng mansiyon dahil nakailang balik na rin ako rito kaya diri-deritso lang ako sa loob.

Ngunit pakalabas na ako ng washroom. Nalampasan ko na ang entertainment room nang maulinagan kong may nag-uusap. Pamilyar sa akin ang isang tinig. Hindi ko alam kung dala ng curiosity. Dahan-dahan akong humakbang pabalik at nagkubli para marinig ang pinag-usapan nila.

“Bro, are you serious when you told us na papakasalan mo na si Tricia?” tinig ni kuya Del. Kilala ko siya kasi minsan na siyang pinakilala sa akin ni Kuya Kenneth. Halos hindi ako humihinga gusto kong marinig ang kasagutan ni Kuya.

“Ofcourse, Bro. I know Tricia is the right one. And I love her so much kaya wala ng rason para papatagalin pa hindi ba?” tila tumigil sa pag-inog ang aking mundo sa aking narinig. Mahinang nabayo ko ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit. Kusang tumulo ang aking mga luha. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha at mabilisan na nilasan ang lugar. Pagkalabas ko ng mansiyon kaagad ko hinahanap si Mommy. Gusto kong magpaalam sa kanya na maunang umuwi. Ngunit sabi ni Tita Gracia nauna na raw umuwi si Mommy.

Nanghihina akong naupo. Tinawag ko ang waiter na may bitbit na alak. Akmang lalagayn nito ang wine glass nang pinigilan ko ito at hinihingi ang isang bote. Wala na ako sa tamang pag-iisip ang gusto ko lang ang maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Sigurado po ba kayo, Ma'am?” tila nag-aalangang tanong ng waiter sa akin. Tinaasan ko siya ng aking kilay. Kaya sa huli ibinigay rin nito sa akin ang alak.

Mabilis ang mga hakbang ko nagtungo sa bench habang tinungga ang bote ng alak. Napangiwi pa ako ng sumayad ang mapait na lasa ng alak sa aking lalamunan. Malawak ang harden ng mga Mercado kaya rito madalas idinaraos ang bawat okasyon ng kanilang pamilya.

Pabagsak akong umupo. Medyo malayo na ito sa venue ng party. Kaya malaya akong napahagulhol ng iyak. Ibinuhos ko lahat ng sakit ng aking nararamdaman na kahit hindi naman dapat. Walang kami, wala akong karapatan masaktan. Pero tanga kasi itong puso ko. Bakit sa taong hindi naman ako gusto tumitibok. Porke't ba hindi ako maganda? Hindi ako sexy magsuot ng damit ayaw na niya sa akin?

Hindi ko namalayang naubos ko na pala ang isang bote ng alak. Feeling ko umiikot na ang buong paligid. Tinanggal ko na ang suot kong heels at binitbit ko na lang ito papasok ng bahay. Mabuti na lang walang nakakita sa akin. Kaya nagtuloy-tuloy na ako sa silid. Isinirado ko ang pinto at kaagad tinanggal ang aking suot. Tanging panty na lang ang natira sa akin. Ito ang nakasanayan kong matulog ang maghubad dahil hindi ako makakatulog ng mahimbing kapag magsusuot ako ng damit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status