Share

chapter three/Painful

PALOMA

Ilang buwan na rin ang nakalipas nang maikasal kami ni Kenneth at hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Malamig pa rin ito sa akin. Na tila hangin pa rin ako sa kaniyang paningin at may pakinabang lang ako sa kaniya pagdating sa kama. Si mommy laging nangungumusta sa akin at kung naka adjust na ba ako sa buhay na may asawa. Kahit gusto kong umiyak at magsumbong kay mommy na hindi ako okay. Pero na natiling tikom ang bibig ko. Ayaw kong mapasama sa mga magulang ko si Kenneth.

Ngunit kahit sa kabila na hindi maganda ang trato nito sa akin masaya na rin ako dahil naibigay ko ang pangangailangan niya. Naibigay ko sa kanya ang responsibilidad ko bilang isang asawa. Na kahit na hindi pangalan ko ang binabanggit nito sa bawat pag-angkin nito sa akin. Ngunit may dulot pa rin itong kakaibang ligaya sa akin sa bawat haplos ng kanyang maiinit na palad sa hubad kong katawan ay nakakalimutan kong napipilitan lang siyang nagpakasal sa akin.

Oo, aaminin ko masakit. Sobrang sakit! Pero wala na akong magagawa pa dahil nandito na ako sa ganitong sitwasyon. At hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na sana dumating ang araw na matutuhan rin akong mahalin ng aking asawa. Hindi ako susuko, dahil mahal na mahal ko siya.

Alas singko pa lang ng umaga, bumangon na ako para maghanda ng pagkain. Araw ngayon ng Lunes at baka umuwi ang asawa ko.

Isa sa paborito niyang dish ang niluto ko ang chicken curry. Napangiti ako nang tikman ko iyon dahil sakto lang ito sa lasa. Excited na ako na makitang muli si Kenneth. Mag-iisang linggo na rin kasi itong hindi umuuwi. Pagkatapos nagmamadali akong pumasok muli sa aming silid para maligo, naghanda na rin ako sa mga gamit ko sa school.

Napabuntong hininga akong pinagmasdan ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Napasipat ako sa aking relong pambisig. Isang oras na akong naghihintay sa kanya pero hindi pa ito dumarating. Nag-isa na naman ako. Mabuti pa roon sa bahay namin kung hindi ko kasalo si Mommy at Daddy nandiyan ang mga katulong namin. Nagsimula na namang namumuo ang luha sa aking mga mata na mimiss ko na ang mga magulang ko.

Malumbay kong inilagay sa tupper ware ang mga niluto kong ulam at ibibigay ko na lang sa mga gwardiya dahil masayang lang mga pagkain. Hindi ko alam kung saan siya magpapalipas ng gabi, wala rin naman akong lakas ng loob na tanongin siya. Natatakot ako na baka mas lalo itong magalit aa akin.

Pinahid ko ang aking masaganang luha na kanina pa dumadaloy sa aking pisngi. At mabigat ang aking paa nanglalakad palabas ng bahay. Ngunit hindi pa man ako nakalabas ng gate ay natanaw ko ang kotse ni Kenneth na paparating.

Kahit paano nakaramdam ako ng tuwa at nagmamadaling pumasok ulit sa loob ng bahay. Saka na lang ako aalis kapag nakakain na siya. Wala na rin naman kaming gaanong gagawin sa first subject.

Nilagay ko sa oven ang mga pagkaing niluto ko kanina para mainit pa rin kapag kain ng aking asawa. Nagmamadali akong lumabas ng bahay at salubungin ito.

“Hmmp, naghanda ako ng pagkain. Kumain ka na ku–. I mean Kenneth,” Nag-alangan pa akong banggitin ang pangalan nito.

“And where do you think your going?” Matalim ang mga matang nakatingin ito sa akin. Kinakabahan na naman ako bigla. Natatakot sa bawat talim ng tingin ipinupukol nito sa akin.

“Sa eskwelahan, Monday po ngayon may pasok ako,” kinakabahan kong tugon sa kaniya.

“I know! Pero ang tanong ko sino ang nagsabi sa iyo na mag-aaral ka pa! Ito ang buhay na ginusto mo hindi ba? Gusto mong maging ulirang asawa sa akin. Puwes, starting today hindi ka na mag-aaral!” Matigas nitong saad.

“Pe-pero Kenneth hindi naman puwede iyon. Nangako ako kina Mommy at Daddy na magpatuloy pa rin ako sa aking pag-aaral kahit na mag-asawa na tayo. Ko-kung gusto mo a-absent na lang ako ngayon. Huwag mo lang akong pagbawalan papasok sa paaralan.” Nagsimula na akong napahikbi at halos nagmamakaawa na ako sa kaniya.

“I don’t care what you promised to your parents. You just follow what I want! And may I remind you, ha! Your just a wife on the paper! You're the only one who likes this shit! ”

“Pe-pero Ke–” Napatigil ako sa aking sasabihin nang mabilis nitong tinawid ang pagitan namin at mahigpit niyang hinawakan ang aking baba at buong lakas itong pinisil.

“Ang pinaka ayaw ko ay iyong hindi marunong sumunod sa akin! Wala kang karapatan magreklamo at sumuway sa sabihin ko. Dahil kulang pa ito sa ginawa mong pamimikot sa akin and make my life miserable! Now go to your room and change your clothes! At pagsilbihan mo kami ng mga kaibigan ko!”

Pabalang ako nitong binitawan at pagbagsak itong naupo sa sofa. Wala na akong magagawa pa kundi sundin ang kanyang nais. Dahil kahit maglupasay pa ako ng iyak at lumuhod hindi pa rin nito dinggin ang pakiusap ko. Problema ko pa ngayon ang idadahilan ko sa aking mga magulang kung bakit ako titigil sa pag-aaral.

Kinalma ko muna ang aking sarili upang pigilin ang aking mga luha. Makailang ulit akong nagbuga ng hangin para mawala ang bigat sa dibdib ko. Nang nakasigurado na akong okay na ako nagmamadali akong lumabas ng silid. Baka mas lalo itong magagalit sa akin.

Nasa hagdan pa lang ako narinig ko na ang tawanan ng kanyang mga barkada. Muntik na akong madulas sa pagbaba ng hagdan nang mapadako ang tingin ko sa aking asawa na ngayon ay matalim pa lang nakatingin sa akin.

“Oy, Brod! May chix ka pala rito.” Naka ngising saad ng isa ng kanyang barkada nang mapabaling nito ang tingin sa akin.

Binato naman siya ng unan ng isa niyang barkada.

“Kapag nalaman ito ni Tricia may binabahay ka pala rito. Malalagot ka na naman sa kanya. Alam mo naman under de saya ka no’n!” Napuno ng tawanan nilang lahat ang buong kabahayan. Samantalang ako nanghihina sa aking narinig. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na girlfriend niya ang tinutukoy nilang Tricia. Pero hindi ba mag-asawa na kami. Bakit pa niya itutuloy ang pakikipagrelasyon sa ibang babae?

“Paalala lang girl, pinakasalan ka lang pero hindi ikaw ang minahal,” paalala ng aking isipan.

“Shut your fucking mouth, Moron! Hindi ko siya chix at mas lalong hindi ko siya binabahay! Look at her! She’s not my type! A nerd! And she’s nothing compare to my Tricia!”

“Ouch!” Napahawak ako sa aking dibdib. Grabe ang sakit! Nanghihina akong napaupo sa huling baitang ng hagdan at hindi ko na malayan na kusa na palang tumulo ang luha ko. Ngunit bago pa man ako nakita ng iba niyang kaibigan ay mabilis akong tumakbo pabalik sa aking silid at dito ko ibinuhos ang sama ng loob ko kay Kenneth.

Hindi ko maiwasan na mapatanong kung bakit sa kanya pa napiling tumibok ang puso ko? Kasalanan ko ba na minahal ko siya? At mas lalong hindi ko kasalanan na maikasal sa kanya. Taliwas na lagi niya binibintang sa akin na pina-plano ko raw ang lahat ng ito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawang Paloma
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status