Share

chapter 4 true beauty

Nagising si Paloma dahil sa malakas na tunog nang pagbagsak nang pintuan. Kahit nanghihina ang kanyang katawan pinipilit niyang iminulat ang mga mata. Bahagya pa niya itong kinusot-kusot. Tumambad sa kanya ang galit na anyo at nagbabagang titig ni Kenneth. Sinipat niya ang bilog na orasan na nakasabit sa dingding gayon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata. Alas nuebe na ng umaga.

“Bumangon ka riyan! Huwag kang feeling senyorita, wala ka sa pamamahay mo! This is my house, kaya nararapat lang na babayaran mo ang pagpapatira ko sa iyo!”

Nanghihinang tingnan niya ang binata. Kahit gustuhin man niyang bumangon pero hindi niya magawa dahil sa talagang nanghihina ang kanyang katawan, sumasakit ang ulo niya gawa siguro ito sa pagpapalipas niya ang nanggutom. At mukhang lalagnatin pa siya ngayon.

“Ano? Tutunganga ka lang ba r'yan? Tirik na tirik na ang araw nakahilata ka pa riyan! Get up and cook something. Hindi pa ako kumakain at mamaya darating si Tricia!”

Napalunok si Paloma sa narinig. Naninikip ang kanyang dibdib. Nagsimulang uminit ang sulok ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha. Bakit kailangan umabot pa na dalhin ni Kenneth ang kanyang ex-girlfriend sa kanilang pamamahay?

“Pe-pero Kenneth, hi-hindi ba mag-asawa na tayo? Ba-bakit mo di-dinala rito si-si Tricia?” nauutal niyang saad dahil sa natatakot siya sa binata. Ang lalaking matagal na niyang pinangarap ngunit iba na ito sa dating Kenneth na kanyang minahal. Ang dating Kenneth na magiliw sa kanya, at ang lalaking dating tinuturing siyang Prinsisa. Pero malaki na ang pinagbago ngayon ng lalaki, he is not the same man that she used to love. Nawala na ang dating pag-aalaga nito sa kanya dahil ngayon salot at kamalasan lang ang hatid niya para sa buhay ni Kenneth.

Impit na napahiyaw sa sakit si Paloma dahil sa paghablot sa kanyang braso ni Kenneth. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi na niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya akalain na ganito ang maging kapalaran niya sa kapiling ng lalaking pinakamamahal. Kaya hindi niya maiwasang maitanong kung ito ba ang naging kabayaran sa pagmamahal niya sa lalaki.

“Bullshit! Tigil-tigilan mo ako sa kakaiyak mo! Naiirita na ako sa’yo! Kaasalanan mo ito lahat. Ginusto mo 'to. Kaya wala kang karapatan mag-iinarte!” pagkatapos sabihin ’yon ni Kenneth pabalang siya nitong binitawan. Napaigtad siya nang malakas nitong ibinagsak ang pintuan.

Marahang pinahid niya ang luhang muling rumaragasa sa kanyang pisngi. Kahit nanghihina ay pinipilit niyang bumangon. Dahil kung magtagal pa siya sa loob baka hindi lang masasakit na salita ang ibabato nito sa kanya.

Baka tuluyan na siya nitong saktan. Ngunit parang balewala na lang niya ang physical na sakit kumpara sa mga masasakitmi na binibitawang salita ng kanyang asawa.

Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil nahihilo pa siya. Tinungo niya ang banyo. Naghilamos na rin siya at nag-tooth brush. Itinukod ang dalawang kamay sa lababo habang pinagmasdan ang sarili. Sa ilang buwan niyang nanatili sa bahay ni Kenneth malaki ang ibinawas ng kanyang timbang. Halat ito dahil masyado ng litaw ang buto sa kanyang neck line. Mainit ang kanyang katawan kaya pinili niyang isuot ang floral blue spaghetti dress na bigay ng kanyang ina. Walang pakialam niyang itinali ang kanyang nakalugay na buhok. May mga iilang hibla pang nakatakas mula sa kanyang pagkakatali.

Nagmadali siyang lumabas ng silid at kaagad bumaba ng hagdan. Ngunit muntik na siyang nalaglag mabuti na lang maagap siya at nakakapit sa may railings ng hagdan. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod dahil sa hindi na kaligtas sa kanyang paningin kung paano siya tinitigan ni Kenneth. Mga titig ito na puno ng pagnanasa. Hindi humiwalay ang tingin nito sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang nakababa.

Bigla siyang nakaramdam na nag-iinit ang kanyang mga pisngi dahil sa hiya. Ito ang unang pagkakataon na nagsuot siya ng revealing na damit. medyo may kaluwagan man ang suot niyang spaghetti dress ngunit lumilitaw pa rin ang kurba ng kanyang balingkinitang katawan. Hindi rin niya napansin na nakasilip ang cleavage niya sa suot. Nakalimutan rin niyang isuot ang kanyang salamin sa mata. Kaya kitang-kita kung gaano kaganda ang hugis nito. Brown ang kulay ng kanyang mga mata na napapalibutan ng malalatik na pilik mata na mas lalong nakapagpatingkayad sa kanyang kagandahan.

Hindi makapaniwala si Kenneth sa kanyang nakikitang kagandahan ng asawa. Noon pa man alam niyang may ang aking ganda si Paloma ngunit nakatago iyong sa pang manang niyang suot. Unang beses niyang nasilayan ang ganda nito nang gabing inangkin niya ito sa kanyang silid. At ngayon lamang ulit nasilayan ang tunay na kagandahan nito, mas lalo itong gumaganda sa kanyang paningin nang malapit na ito sa kanya. Kagandahan na hindi nakakasawang tingnan bagkus lalo lamang itong gumanda habang tinitigan ng matagal.

Nakaramdam ng init sa kanyang katawan si Kenneth at unti-unting pagkabuhay ng kanyang alaga nang mapadako ang tingin niya sa nakausling malulusog na dibdib ni Paloma. Bahagyang umaalog pa ito sa bawat hakbang na ginawa nito. Pakiramdam ni Kenneth nanunuyo ang kanyang lalamunan at matinding pagkauhaw. Uhaw na hindi kayang wakasan ng isang basong malamig na tubig. Kundi uhaw na tanging si Paloma lamang ang makakapawi.

Akmang lalagpasan na niya ang kanyang asawa para magtungo sa kusina. Ngunit napatili siya ng biglang hablotin ang kanyang kanang braso dahilan na napadagan siya sa ibabaw nito na nakaupo sa may sofa bed.

“Are you trying to seduce me, Bitch?” nanakalokong ngiti ang nakapinta sa labi ni Kenneth. Mabilis siyang umiiling-iling. Hindi niya nais na maulit ang nangyari sa kanila noong karawaan ng ina nito. Wala siya sa tamang suhistiyo nang ibigay ang kanyang sarili kay Kenneth. Na impluwensiya ng alak kaya ganoon na lamang siya kadaling bumigay sa mga haplos nito. Akmang aalis siya sa pagkakadagan niya sa asawa ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso para pigilan siyang umalis.

Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang dibdib. Nakatitig siya sa mainit na kamay ng kanyang asawa na nakakapit sa kanyanv braso. Ilang beses din siya napalunok sa sariling laway dahil sa manipis lamang na tela ang nakatabon sa kanyang kaselanan kaya ramdam niya ang unti-unting pagkabuhay sa alaga nito.

“Pa-pasensiya na Kenneth. Hindi ko intensiyo—” hindi naituloy ni Paloma ang kanyang sasabihin dahil sa sinilyohan na ng halik ni Kenneth ang kanyang mapula at malambot na labi. Nanlalaki ang kanyang mga mata hindi niya akalain na hahalikan siya ng binata dahil sa pagkakaalam niya nandiri ito sa tuwing mapapalapit ito sa kanya.

Nagpupumilit itong pumasok sa kanyang bibig ngunit isinara ng maigi ni Paloma ang kanyang mga labi. Naiiritang inilayo ni Kenneth ang kanyang mukha sa kay Paloma.

Natatakot siya na baka magalit na naman sa kanya si Kenneth kaya siya na mismo ang kusang humalik sa kanyang asawa. Kusha rin niyang ibunuka ang kanyang mga labi para hindi na mahirapang pasukin nito ang kanyang bibig.

“Uhm, ahh!” impit na ungol ang kanyang pinakawalan nang s******n ni Kenneth ang kanyang dila. Mahigpit siyang napakapit sa suot na t-shirt dahil sa tila tinatakasan siya ng kanyang lakas. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod at nanghihina ang mga tuhod.

Napaigtad siya nang sumayad ang maiinit na palad ng kanyang kasawa sa kanyang tagiliran. Hindi man lang niyang namalayan na nakapasok na pala ang kamay nito sa loob ng kanyang dress. Mapait siyang napangiti nang pinagmasdan niya ang mukha ni Kenneth na nakapikit. Sarap na sarap ito sa pagsipsip sa tuktok bg kanyang bundok. Masaya na si Paloma na nakikitang napapaligaya niya ito.

Nasa kaligitnaan sila ng kanilang pagpapaligaya nang biglang bumukas ang main door at iniluwa ang matangkad na babae. Ash Blonde ang kulay ng medyo kulot na buhok at may bitbit itong maleta. Nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Paloma.

“Hayop ka, malandi! Nilalandi mo ang boyfriend ko!” galit na sigaw ni ng babae.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Anong boyfriend mo Asawa ni Paloma SI Kenneth
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status