Share

Love Detachment
Love Detachment
Author: SW_InBlueMoon

Chapter 1

"Mama?" tawag sa akin ng anak ko at tinignan ko siya. Parang may gusto siyang sabihin sa'kin.

"Yes, anak? May gusto ka ba?" tanong ko sa kanya habang palapit sa'kin at yinakap ako. Napangiti agad ako sa ginawa ng anak ko.

"Chocolate po." Matatas na sabi ng anak ko kaya lumuhod ako sa kanya para ma abot niya ako.

"Mamaya anak, punta tayong grocery." Pagkasabi ko nagtatatalon siya sa saya, minsan ko lang din siya pakainin ng chocolates. Bibili na rin ako mamaya ng kailangan dito sa bahay dahil out of stocks na kami pati mga in can na pagkain. Nagluluto naman ako ng ulam na gulay para masanay si Eros mag ulam ng gulay.

Narinig ko na may nagbubukas ng gate kaya napatingin agad ako kong sino 'yon. Nakita ko si Paul ang pumasok, matagal na kaibigan ko na si Paul since college. Kaya kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Bali apat kaming magka-kaibigan si Paul, Aya, Jill tapos ako. Bestfriends kami noong college hanggang ngayon.

Si Jill nasa ibang bansa kasi doon siya nagtatrabaho tapos si Aya nagtatrabaho sa isang mall. Manager na yata si Aya ngayon, tagal na rin naming hindi nagkikita.

"Bakit nandito ka?" tanong ko na pabiro sa kanya.

"Bawal ba?" pagkasabi niya nakita kong tumakbo palapit sa kanya si Eros at yinakap niya si Paul.

"Buti pa itong anak mo may yakap agad, ikaw wala?" I know joke lang 'yong sinabi niya pero para sa'kin may laman 'yong sinabi niya.

"Ninong! We are going to the mall! Sama ka po?" matatas na tanong niya kay Paul.

"Hindi ko alam kay mother earth mo, ayaw niya yata ako kasama." Natawa ako sa sinabi niya, pabebe pa siya.

"Abnormal ka talaga, sakto wala kaming kasama kaya kong gusto mo sumama ka." Pagkasabi ko nakangiti agad siya.

Napansin ko na may binigay siyang laruan sa anak ko kaya tuwang-tuwa nanaman si Eros. Kapag nagpupunta si Paul dito lagi siyang may pasalubong kay Eros na laruan. Kaya itong bahay namin sobrang kalat dahil sa mga laruan na binibigay ni Paul. Parang factory nga ang tinitirahan ni Paul dahil lagi siyang may dalang laruan.

"Wala ka bang balita sa tatay ng bata?" napatingin ako kay Paul at hinila siya sa kusina dahil baka marinig kami ng anak ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin na wala na akong pakialam 'don sa taong 'yon. Masaya na kami ng anak ko kahit wala siya." Sambit ko kay Paul.

"Pero hindi habang buhay itatago mo si Eros, Almira. Dadating din ang panahon na malalaman ni Adrian na may anak siya sa'yo." Napatigil ako sa sinabi ni Paul.

"Stop it, Paul. Ayaw ko maging topic 'yang taong yan." Seryoso kong sabi sa kanya at natahimik naman siya kaagad.

"Matagal ko na siyang kinalimutan at wala akong balak sabihin sa kanya. Alam ko din na pamilyado na rin 'yon." Dagdag kong sabi sa kanya baka nga may anak na 'yon sa babae niya dati.

Bigla ko tuloy naalala 'yong panahon na may babae siya. Nahuli ko sila sa condo na tinutuluyan namin noon. Nahuli kong nakapatong 'yong babae kay Adrian. Sobrang sakit 'non, dapat sasabihin ko sa kanya na buntis na ako nang isang buwan. Pero ganon na ang nangyari, nagbuntis ako si Mama ang kasama ko kundi sila Paul ang kasama ko. Every check up mga kaibigan ko ang kasama ko. Kinausap ko rin si Mama na wag niyang habulin o ipaalam kay Adrian na buntis ako. Galit na galit si Mama pero sinabi ko na kaya ko na ako lang mag isa.

Maselan din ako sa pagbubuntis ko kay Eros, lagi akong nahihilo at picky eater din ako. Ayaw ko sa malalansang ulam o pagkain. One time, dinugo ako akala ko mawawala sa akin si Eros buti nalang makapit siya sa akin. Sobrang alala ko noon sa kanya.

"Alis na tayo, Ma?" Eros said.

"Oo, anak." Pagkasabi ko nagmamadali siyang pumasok sa kwarto at alam ko na magbibihis na siya.

Limang taon na rin si Eros, kaya sobrang tatas niya magsalita. Tapos kapag sinasabihan ko siya sumusunod agad siya. Hindi ko siya ini-spoiled dahil ako rin ang mahihirapan. Minsan ko lang siya pinagbibigyan sa mga gusto niya para hindi siya masanay na nasusunod siya palagi.

"Tara na?" Paul's asked.

"Hey, bro? Are you ready?" ganyan sila mag ninong. Para silang magbarkada kapag nag-uusap. But I said to Eros na mag po at opo siya kapag kausap niya ay mas matanda sa kanya.

"Opo, ninong." He said at nakabihis na ang anak ko. Ayaw na rin niya magpabihis sa akin dahil big boy na daw siya.

Hindi na ako nagbihis dahil naka pantalon at tshirt na ako. Kinuha ko na agad ang bag ko para makaalis na kami.

"Manang, punta lang kami sa grocery. May ipapabili ka ba?" Tanong ko kay Manang Gina na kasama namin dito sa bahay.

"Wala naman, ingat kayo." Nakangiting sabi niya at tinuloy niya ang paghuhugas ng plato.

Nauna na sa kotse sila Paul at Eros, 'di halatang excited si Eros lumabas ngayon. Pagsakay ko, agad na kaming umalis.

Sobrang daldal ng anak ko, dalawa lang sila nag-uusap at nagkakaintindihan ng ninong niya. Buti nalang hindi nagtatanong si Eros if nasaan ang tatay niya.

Minsan, nagtanong na rin siya. Pero sagot ko nasa malayo na at hindi ko kilala. 'Yan lang tanging sagot ko sa anak ko.

"Mama...saan po tayo kakain?" I saw him na nakahawak sa tummy niya.

"Why, anak? Masakit ba tiyan mo? Nagugutom ka?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Tapos bigla siyang umutot ng malakas tapos tumahimik kaming tatlo. Si Paul nagpipigil ng tawa! Hindi na napigilan ni Paul na tumawa tapos tumawa na rin ako.

"Ang baho, anak!" Sabi ko tapos tawa ng tawa si Eros, napansin ko na binuksan ni Paul yung bintana ng kotse niya.

"May mabango po bang utot?" Eros asked,

Natawa tuloy si Paul sa tanong ni Eros, hindi na lang ako nagsalita pa. Alam ko na maraming tanong si Eros kapag sinagot ko ang katanungan niya. Na cu-curios kasi siya kapag ganon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status