Share

Chapter 2

Nandito na kami kaya nauna na kami bumaba ni Eros sa kotse. Hinintay lang namin si Paul dahil ipa-park niya lang yung kotse. Habang hinihintay namin siya parang kinakabahan ako. Napahawak ako sa kamay ng anak ko, sa tuwing hina-hawakan ko ang kamay niya I feel the calmness.

"Let's go?" hindi ko namalayan na katabi na pala namin si Paul. Pumasok na kami sa loob ng mall at hawak ko lang ang kamay ng anak ko habang naglalakad.

"Grocery?" Paul's asked then I nodded.

Kumuha agad si Paul ng cart at sinakay si Eros, talaga namang magkasundo sila. Nilabas ko na ang listahan para sa mga bibilhin ko. One month stock na rin kapag nag gro-grocery ako para hindi ako labas ng labas. Lalo na't wala pa kaming kotse, kaya todo kayod ako para makabili ng sariling sasakyan.

Isa akong manager sa Restaurant na pinagta-trabahuan ko. Ilang taon din ako naging empleyado hanggang sa na promote ako bilang manager. Pinaghiran ko rin 'yon makuha.

"Mama, chocolate po." Napatingin ako kay Eros na pinaalala ang pinapabili niya.

"Sure, anak. Tara na sa chocolate section." Aya ko kay Paul at dumiretso na kami sa chocolate section.

"Kumuha ka nang gusto mo, anak ." Pagkasabi ko bumaba na agad siya sa cart tapos tinulungan siya ni Paul makababa.

Nakita ko kumuha lang siya ng isa.

"Anak? Bakit isa lang kinuha mo?" Napatingin sa akin si Eros.

"Just one only, Ma. Baka magkaroon po ako ng cavities." I smiled when he said that. Talagang nakikinig siya sa akin dahil sinabi ko dati na wag kumain masiyado ng matamis. Kasi magkakaroon siya ng cavites o bukbok na ngipin.

Napatingin ako kay Paul na may iniinom na energy drink. Hindi pa nababayaran! Although, okay naman sa grocery magbukas ng pagkain basta babayaran sa counter.

"Bayaran ko mamaya." Sabi niya, parang nambubudol nanaman siya. Ganyan si Paul noong highschool kami. Babayaran daw pero hindi pala.

"Scam ka! Kilala kita, Paul!" parehas kaming natawa tapos pagtingin ko kay Eros wala na siya sa tabi namin!

"Si Eros?!" Alalang sabi ko tapos nag panic na agad ako! Hinanap namin agad si Eros, sobrang kinakabahan ako!

"Tara 'don!" Turo ni Paul kaya napatakbo nalang kami kahit tulak pa ni Paul ang cart.

Napatigil kami sa pagtakbo at nanginginig ang kamay at paa ko. Nakita ko na papalapit sa amin si Eros kasama si...Adrian. Kasama niya ang mga dating kaibigan niya, laman ng cart nila ay puro alak.

"I-is this your son?" Adrian asked at nakahawak lang si Eros sa kamay ni Adrian.

Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko! Nanginginig ako sa galit, pero nagpipigil ako. Yung anak ko...nakita na ang tatay niyang manloloko.

"Y-yes, a-anak namin ni...Paul." Napatingin agad si Paul sa akin. Kinuha ko kaagad si Eros kay Adrian.

Nakatingin lang sa akin si Adrian tapos lilipat ang tingin niya kay Eros. Agad ko namang itinago sa likod ko si Eros.

"Next time, watch your son. Irresponsible parents." Umalis na agad sila at naiwan kami ni Paul na natameme.

"Tarantad* 'yon ah?!" Paul's said.

Nagpipigil ako umiyak dahil sa masakit niyang sinabi. Irresponsible? Gusto ko siyang sampalin o saktan pero pinipigilan ko lang dahil nandito ang anak ko. Sobrang init ng dugo ko sa kanya! Siya ang iresponsableng tao na nakilala ko. Lahat ng ginawa niya sa akin naalala ko lahat nang makita ko siya.

"Mama? Are you okay?" tanong ng anak ko at tumango ako. Hinawakan ni Paul ang likod ko at tinignan niya ako .

"May araw din siya." Pagkasabi niya ngumiti siyang pilit sa akin.

"Tara na? Akin na yung listahan mo para matulungan na kita." Inabot ko sa kanya yung listahan at siya na rin nagtulak ng cart. Hawak ko si Eros at hindi ko na binibitawan.

"Mama? I'm sorry po kasi ang kulit ko po." Piniga ko unti ang kanyang kamay at nginitian ko siya.

"Don't be sorry, anak ko. Okay lang po." Sagot ko habang nakangiti, medyo nawala rin ang inis ko dahil sa ngiti ng anak ko.

Tinulungan ko na si Paul mag grocery, tahimik lang siya habang kumukuha ng pagkain na nasa listahan. Hindi ko na muna siya kinausap dahil alam ko malalim iniisp niya kapag tahimik siya.

Hanggang sa matapos kami mamili nagbayad na ako at buti na lang walang masiyadong pila sa counter. Inaantok na si Eros kaya binuhat ko na siya . Napatingin sa akin si Paul at ngumiti.

"Pa'no ba yan? Sinabi mo sa kanya na ako ang ama ng bata?" kaya pala siya tahimik dahil sa sinabi 'nong gag*ng 'yon.

"Hayaan na natin, para atleast malinaw na sa kanya na may anak na ako." Hindi siya kumibo sa sinabi ko. Tulak niya lang yung cart hanggang sa makarating kami sa parking area.

Inilagay niya yung mga pinamili namin sa compartment ng sasakyan niya. Isinakay ko rin si Eros sa passenger seat sa likod dahil tulog na siya, sumakay na rin kami ni Paul.

"Wag mo na isipin 'yon. Sorry, kasi wala na akong masabi kanina. Ayaw ko rin talaga na ipaalam sa kanya na may anak kami. Kilala mo ang pamilya niya, Paul. Marami silang pera at ayaw ko dumating sa punto na pati anak ko idadaan nila sa pera." Seryoso kong sabi sa kanya at sana maintindihan niya kaya ko nasabi 'yon.

"Sorry, kung nabigla talaga kita." I added.

"I understand, Mira." Ngumiti siya sa akin at ganon din ang ginawa ko.

"Thank you." Sambit ko.

Pagdating namin sa bahay sinalubong kami ni Manang Gina. Matagal na sa amin si Manang Gina, simula 'nong nanganak ako kay Eros nandito na siya sa'min.

"Narito pala ang iyong Mama." Pagkasabi niya nagising si Eros at tumayo. Nagulat ako dahil walang pasabi si Mama na uuwi siya dito galing Pangasinan.

Binaba na lahat ni Paul, kaya pumasok na kami sa loob.

"Hello, Tita Sol!" agad na bati ni Paul kay Mama. Takbo agad si Eros kay Mama at nagmano siya sa Lola niya.

"Ma, bakit 'di ka nagsabi na uuwi ka? Sana sinundo ka namin sa terminal." Sabi ko.

"Hindi na anak. Tsaka sumabay ako sa kaibigan ko, anak. Libre rin pamasahe." Mama' s said habang natawa.

"Kumain naba kayo? Nagluto kami nang pinakbet ni Gina. Kain na tayo, dito ka na kumain...Paul, anak." Alam ko na hindi makakatanggi si Paul dahil paborito niya ang pinakbet ilocano ni Mama.

"Sure, Tita." Sabi ni Paul na nakangiti, sarap ng ngiti niya ah!

"Kamusta ang apo ko? Halika at susubuan kita apo." sabi niya kay Eros habang hinalik-halikan niya.

Ang saya nila tignan ng Lola niya tapos nakita ko na sarap na sarap si Paul sa pagkain niya. Kasabay na rin namin kumain si Manang Gina dahil hindi namin siya tinatrato na iba. Pamilya na rin ang trato namin sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status