Share

Chapter 3

Maaga akong pumasok sa restaurant dahil may ipapakilala daw ang boss ng restaurant. I'm wearing white longs sleeve and I paired it with black skirt. Meeting raw sabi ni boss kaya ito na lang sinuot ko. Light make-up lang ang ginawa ko dahil hindi ako sanay sa makapal na make-up dahil hindi bagay sa'kin. Nag black heels na lang ako para bumagay sa suot ko.

"Parang walang anak ha? Ang sexy." Sabi ni Mama habang nagluluto ng umagahan.

"Meeting with the boss kasi, Ma. Syempre kailangan ko din um-aura." Sambit ko sa Mama ko tsaka hindi porket may anak na losyang na. Dapat need din mag-ayos 'no.

"Kumain ka na muna, anak." Aya sa'kin ni Mama kaso baka malate ako sa meeting. Lalo na't taxi ang sasakyan ko ngayon. Ayaw ko istorbohin si Paul para lang magpahatid.

"Doon na lang, Ma. Baka kasi malate ako dahil monday ngayon, alam mo na kapag monday. Traffic." Napatango na lang ang nanay ko sa'kin.

"Okay ngarod, ingat ka anak." The way she said 'ngarod' reminds me of Papa. Besides, ilocano word ang 'ngarod' laging sinasabi ni Papa 'nong buhay pa siya. The word 'ngarod' is expression of ilocano's.

"Oo, Ma. Si Eros pakainin mo pag gising niya, Ma. Alam mo naman 'yong apo mo, 'di kontento ang umaga kapag hindi nakakakain ng kanin." Hindi ko ba alam sa anak ko! Hindi siya mapirmi kapag walang kanin, dapat fried rice lagi ang breakfast niya.

"Sige, anak." Sagot ni Mama sa'kin.

"Alis na ako, Ma." Paalam ko at lumabas na.

Naghintay lang ako nang masasakyan sa harap ng bahay. Tapos sakto may huminto na taxi sa harap ko, buti nalang. Sumakay na agad ako at sinabi ko kung saan ako bababa.

Naalala ko namaman si Adrian, lagi ko nalang naaalala. Nagkataon pa na siya ang nakakita kay Eros. Sarap niyang saktan dahil sa ginawa niya sa akin na pangloloko. Sana hindi na kami magkita.

Tumigil na ang sinasakyan ko na taxi, nag abot na ako ng bayad sa kanya dahil nandito na ako sa harap ng restaurant namin.

Habang naglalakad ako kinakabahan ako, hindi ko alam kong bakit. Inhaile exhale lang ang ginawa ko para mawala ang kaba ko pero hindi umepekto. Pumasok na ako at binati ako ng mga empleyado, ganon din ang ginawa ko binati ko rin sila.

Kahit kabado ako kinakaya ko ngumiti sa kanila.

"Ma'am, nasa loob na po si boss." Sabi ni Ella na waitress ng restaurant namin. Nasa conference room na pala si boss, may conference room ang restaurant namin for meetings and seminars.

"Kanina pa ba?" I asked.

"Kadarating lang po." Sagot niya agad.

Kumatok ako bago pumasok, nakita ko ang boss namin na si Sir Allan. He is 40 years old, mabait siya sa amin kaya wala pang nagre-resign na empleyado niya.

"Good morning, Sir Allan." I greeted him at sakto dumating na ang HR namin na si Ma'am Liza. Also, I greet her.

"Aga natin ngayon ah?" Sir Allan and me both smiled sa sinabi ni Ma'am Liza.

"Alam mo na ba bakit nandito tayo, Miss Almira?" Ma'am Liza asked at umiling ako.

"No, Ma'am." I answerd.

"Sir Allan, why you didn't tell her?" napakamot na lang si Sir Allan sa ulo niya.

"Sorry, I forgot. We are here because I will introduce my business partner. He shared a lot of profits and also we all know we almost you know." Alam ko na ang ibig sabihin niya dahil muntik na kami ma bankrupt last month. Hindi namin alam bakit nangyari 'yon.

"He's here." Pagkasabi ni Sir Allan halos manghina ako sa taong pumasok na 'yon.

"He is Adrian Villanuevo, my business partner!" Sir Allan said at hindi ako tumitingin sa gag*ng 'to. Parang gusto ko umalis o magpalamon sa lupa.

"Greet him." Mahinang sabi sa akin ni Ma'am Liza at agad akong natauhan.

"G-good morning, S-sir." Sa isip ko napapamura ako, gusto ko siyang murahin! Kaso trabaho ko nga pala ang nakasalalay dito.

Nakatingin lang siya sa akin parang hinugusgahan niya pagkatao ko. Umupo agad ako sa pagkakatayo ko.

"Do you know her?" Sir Allan asked him.

"Y-yes. She's my ex-girlfriend." P*tang*ina! Bakit kailangan niyang sabihin? Ang dali lang isagot na 'no.!

"Wow! Miss Almira." Nakakahiya pati si boss nagulat sa sinabi niya.

"Sayang, hindi kayo nagkatuluyan?" I literally shock to Ma'am Liza said.

"It's my fault also, but I'm happy because she have her own family." I gulped, ang alam nila boss at ng HR single mom ako! Tapos habang sinasabi niya lumungkot siya sa tono ng boses. Wag niyang sabihin nagsisisi siya sa ginawa niya dati?

Pero teka? Himala? Aminado siyang kasalanan niya ang nangyari sa relasyon namin dati. Natameme na lang ako sa sinabi niya.

Buti na lang hindi na muli sila nagtanong.

"So, you know each other. Almira ipagtimpla mo ng kape si Adrian." Sabi ni boss kaya naman agad akong nag excuse at lumabas na.

Paglabas ko nakahinga ako nang maluwag, dumiretso ako sa kusina kung saan nagluluto nang mga pagkain. Ako na mismo nagtimpla at hindi ko na tinikman bahala na siya tumikim.

Agad akong bumalik sa conference room at napatingin sa akin si Adrian. Inilagay ko sa harap niya yung kape niya.

"Thanks." He said at parang ibang Adrian ang kaharap ko ngayon! Kailan lang sinabihan niya akong pabayang magulang. Sobrang bait niya ngayon tapos hindi siya mayabang kapag nagsasalita, naninibago ako sa kanya.

Nagsasalita na si Sir Allan at hindi ako makapag focus dahil kay Adrian na titig na titig sa akin. Lunok lang ako nang lunok ng laway. Dahil hindi ako maka-imik at pakiramdam ko yung lalamunan ko tuyot na.

Hanggang sa natapos na ang meeting at wala akong naintindihan. Nakipag kamayan na rin siya kila Sir Allan at Ma'am Liza hanggang sa ako na yung kakamayan niya.

Pagkahawak niya sa kamay ko ang tagal niyang binitawan parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. Like, first time noon na hinawakan niya ang kamay ko ganito ang nangyari.

I gulped, my heart racing. No. I need to stopped this feeling. Hindi tama ito. Remember, Almira. He cheated.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status