Share

Chapter 2

 Gabriel POV

Dalawang linggo na ang lumipas ng magkita kami ni Luigi, madalas niya akong binibisita at dinadalhan ng pagkain. Sinabi niya din sa akin na mawawala siya ng ilang linggo dahil aalis sila at pupunta sa ibang bansa.

Kung iisipan ay ang ganda na talaga ng buhay ng kaibigan ko, pero mukhang hindi ko kayang gawin ang ginawa niya dahil ang pagkakaalam ko ang ibang mga gano’n na tao ay may mga pamilya kaya hindi ko maitim na may masira ako.

Iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang bagay na ‘yon, mas gugustuhin ko na lang na mangalakal kaysa gamitin ang ibang tao para sa sariling interes lang.

Kinuha ko na ang mga gamit ko na palaging dinadala at saka nagsimula ng mangalakal, saan lang ay makarami ako ngayon para naman makauwi ako ng maaga at makapag pahinga.

Habang naglalakad ako ay hindi ko napansin ang humaharorot na sasakyan, mabuti na lang at nakapag preno ito. Agad naman na bumaba ang may ari nito.

“Hoy! Kung magpapakamatay ka huwag mo akong idamay!” galit na sigaw nito sa akin.

“Pasensya na po, hindi ko napansin ang kotse niyo.” hinging paumanhin.

“Talagang hindi mo mapapansin dahil tatanga tanga ka. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng sasakyan ko? Paano kung magasgasan ‘to may ipambabayad ka ba? Palibhasa mga hampaslupa.”

“Humingi na po ako ng paumanhin at hindi naman nagasgasan ang kotse mo, kaya sana huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan dahil kahit mahirap lang po ako ay marunong naman akong tumanggap ng pagkakamali ko.” saad ko.

“Sumasagot ka pa! Akala mo kung sino ka, kung ipakulong kaya kita. Wala kang respeto!”

“Wala po akong ginagawa sa inyo at walang nangyari sa sasakyan niyo kaya bakit niyo ako ikukulong? Mahinahon akong nakikipag usap sa inyo pero kayo itong galit na galit. Kung gusto niyong irespeto kayo ay dapat matuto kayong rumespeto. Mayaman nga kayo pero masama naman ang ugali na meron kayo.” wika ko.

“Aba’t gago ka ah!” sigaw nito at susuntukin sana ako ng may isang boses na biglang nagsalita.

“You don’t have any rights to hurt him young man, nanghingi na siya ng pasensya sayo siguro naman ay sapat na ‘yon dahil hindi naman napaano ang kotse mo.” seryosong turan ng isang babae, base sa kanyang itsura ay malaki ang tanda nito sa akin.

At dahil sa sinabi niyang ‘yon ay tumalikod ang lalaki para bumalik sa kanyang kotse at umalis.

Tumingin naman ako sa matanda na tumulong sa akin. “Maraming salamat ho.” saad ko.

Ngumiti naman ito sa akin. “Walang anuman, ayaw ko lang nakakita ng mga taong ng agrabyado. Ano ‘yang mga dala mo?”

“Ah ito po? Mga kalakal, ibebenta ko kasi para may pambili ako ng pagkain.” sagot ko sa kanya.

“Saan ka nakatira?” 

“Doon lang po sa ilalim ng tulay.” anas ko na ikinataka niya.

“Ang mabuti pa ay sumama ka muna sa akin.”

Nang una ay nagdadalawang isip ako dahil hindi ko naman siya kilala kaya bakit ako sasama sa kanya at isa pa mukha siyang mayaman paano kung natulad niya din ang lalaking kanina?

“Huwag kang mag alala, hindi kita sasaktan.” saad niya na ikinanuot ng noo ko.

“P-po?”

Natawa naman siya. “Halata kasi sa mukha mo na nagdadalawang isip ka.” 

Pilit naman akong ngumiti sa kanya, wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kanya dahil mukha naman wala siyang gagawing masama sa akin.

Napansin kung huminto kami sa tapat ng isang restaurant at nakita kung bumaba ang kasama ko pero nanatili ako sa loob ng kotse. 

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto. “Ano pa ang hinihintay mo? Halika na.” saad niya sa akin.

“Ano pong gagawin natin diyan?” tanong ko sa kanya.

“Kakain muna tayo dahil tanghali na at alam kung hindi ka pa din kumakain.”

“Kayo na lang po, nakakahiya naman kung sumama pa ako sa loob dahil tingnan niyo naman ang itsura ko.” ani ko. Mukha kasing mamahalin ang restaurant.

Hinila niya naman ako kaya wala na akong choice kung hindi ang lumabas. “Hindi ka dapat mahiya dahik tao ka naman, huwag kang mag alala dahil isa ito sa pagmamay ari ko.” paliwanag niya.

Nang makapasok na kami ay dumiretso kami sa kanyang opisina sa restaurant na ito, nagpadala lang siya ng pagkain dahil ang sabi niya ay do’n na lang kami kakain para hindi ako mahiya at mailang.

Mayamaya pa ay dumating na ang mga pagkain, amoy pa lang ay masasabi mong puro masarap ito.

“Kumain ka lang at huwag mahiya, hindi ko ipapabayad sayo ‘yan.” saad niya.

Tumango naman ako at nagsimula ng kumain at gano’n din ang ginawa niya. Nakakahiya naman kasi kung tatanggihan ko dahil siya na nga itong nag magandang loob sa akin.

“Hindi ka ba nag aaral?” tanong niya sa akin sa kalagitnaan ng pagkain.

Umiling naman ako. “Hindi po, masyado kasing mahal ang pambayad at hindi ko ‘yon kaya. Okay na akong ganito marunong magbasa at magsulat. May mga libro din kasi akong nakita sa pangangalakal ko kaya kahit papaano ay natuto ako.” sambit ko.

“Mag isa ka lang ba? Nasaan ang mga magulang mo?

Tumango naman ako. “Bata pa lang ako ay namatay na ang mga magulang ko kaya maaga akong naulila. Kaya ako nangangalakal para may makain araw araw.”

“Kaya pala, mabuti at nakita kita kanina kung hindi ay baka pagbayarin ka ng tao na ‘yon.”

“Siguro po ‘yon, kahit na wala naman akong nagawa sa kanya at hindi ko naman nagasgasan ang kotse niya ay alam kung pwede siyang magsinungaling sa mga pulis lalo na’t mayaman siya kaya madadaan niya sa pera ang lahat. Pero magsasayang lang siya ng oras kapag ginawa niya ‘yon dahil wala naman akong pambayad sa kanya.” sagot ko naman.

“Hindi naman lahat ng mayaman ay gano’n iho, sadyang meron lang na gustong manlamang sa kapwa nila.”

“Tama po, mahirap na nga tapos gigipitin pa nila.” pagsang ayon ko.

“Hindi ba at sabi mo ay mag isa ka na lang sa buhay? May i offer ako sayo.” 

Agad naman akong napatingin sa kanya ng sabihin niya ‘yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status