Share

Chapter 4

Gabriel POV

Isang linggo ng lumipas ng makapag desisyon ko na tanggapin ang tulong ni Ma’am Veronica sa akin, ng una ay nagdadalawang isip ako dahil sumasagi pa rin sa isipan ko ang tungkol sa ginawa ng naging kaibigan ko na si Luigi. At kahit na sinabi niya na wala siyang hihingin na kapalit ay hindi ko pa din tinanggap agad.

Hindi kasi ako naniniwala na may magkukusang loob na tumulong sa mga kagaya ko ng walang kapalit lalo na kapag mga mayayaman ang mga ito. At ng makapag isip na ako ng maigi ay saka ako nagpunta sa opisina ni Ma’am Veronica para ipaalam sa kanya na pumapayag na ako.

Bakas sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan, marahil ay na mimiss niya lang ang kanyang anak dahil ang sabi niya sa akin ay kasing edad ko lang ito.

Nang matapos kaming mag usap ay isinama niya ako sa isang mall, nagtaka pa ako ng una dahil hindi ko naman alam kung ano ang gagawin namin do’n at ang akala ko ay may bibilhin lang ito pero ‘yon pala ay ipapamili niya ako ng mga damit, ilang beses ko na din sinubukan na sabihin sa kanya na huwag na pero sadyang mapilit ito kaya hinayaan ko na lang. Nagpunta din kami sa isang salon para paayusan ako.

Pagkatapos ay kumain lang kami saglit at agad ng umuwi kung saan ang bahay niya, ilang beses ko din siyang tinanong tungkol sa kanyang anak dahil ayaw ko naman na magkaroon ng problema dito pero ang sabi niya ay siya na ang bahalang magsabi dito.

Nang makarating kami sa kanyang bahay ay halos lumuwa ang mata ko dahil sa laki at ganda nito, hindi ko maintindihan kung bakit pa kailangan lumayo ng kanyang anak kaysa makasama ang ina nito gayong mayaman naman na sila.

At ng makapasok na kami sa loob ng bahay ay inutusan niya ang isang katulong nila na samahan ako sa magiging kwarto ko dahil may kakausapin lang ito, tumulong naman ako sa pagbitbit ng mga gamit na pinamili para sa akin.

Nang maituro sa akin ng katulong kung saan ang magiging kwarto ko ay nagpaalam din ito agad at umalis. Naupo naman ako sa kama, hindi ako makapaniwala na malambot na ang mahihigaan ko.

Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto at ng buksan ko ay nakita ko si Ma’am Veronica na nakangiti.

“Kamusta naman ang kwarto mo? Komportable ka naman ba?” tanong nito sa akin.

“Opo, maganda at maaliwalas ang kwarto. Hindi ako makapaniwala na dito na ako matutulog, parang pakiramdam ko ay nanaginip pa rin ako.” saad ko.

“Mabuti naman at nagustuhan mo, at isa pa sanayin mo na ang sarili mo dahil simula ngayon ay hindi ka na mabubuhay sa lansangan.”

“Maraming salamat sa tulong mo Ma’am.” anas ko.

“Sinabi ko na sayo na huwag mo na akong tawagin ng Ma’am. Oh siya, magpahinga ka na dahil alam kung pagod ka. Kapag may kailangan ka ay magsabi ka lang.” 

Tumango naman ako. “Sige po, magpahinga na din kayo.”

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ganito ang nakasanayan ko, inayos ko lang ang kama na tinulugan ko at agad na bumaba at pumunta ng kusina. Naabutan ko ang isang katulong na nando’n, base sa kanyang itsura ay mas matanda din ito sa akin.

“Magandang umaga po.” bati ko dito.

Tumingin naman siya sa akin. “Hello iho, ang aga mo naman yata nagising.” saad nito sa akin.

“Nakasanayan ko na kasing maaga gumising.” wika ko.

“Pagtitimpla na muna kita ng kape.”

“Naku huwag na ho, ako na lang ang magtitimpla. Hindi niyo naman dapat na pagsilbihan ako.” sambit ko.

“Huwag kang mahiya sa amin iho, lalo na kay Ma’am Veronica dahil mabait na tao ‘yon at isa pa mahilig talaga siyang tumulong sa ibang tao at nataon na ikaw ang nakatadhana na tulungan niya.”

Ngumiti naman ako sa kanya. “Oo nga po eh, no’ng una ay nagtataka pa ako dahil hindi niya naman ako kilala tapos inalok niya ako ng tulong.”

“Marahil ay na mimiss niya lang Klaus.”

“Sino po ‘yon?” tanong ko.

“Hindi niya ba nabanggit sayo? Si sir Klaus ay ang nag iisang anak niya.”

“Sinabi niya ang tungkol sa anak niya at na sa ibang banda pero hindi ang pangalan.” saad ko.

“Ah gano’n ba? Matagal din kasi kung umuwi ang isang ‘yon dahil busy sa trabaho.”

“Bakit kailangan niya pang lumayo? Mayaman naman na sila pwede naman na dito na lang siya magtrabaho o kaya hawakan niya na lang ang business nila, makakasama niya pa ang ina niya.” mahinang turan ko.

“Iba kasi si Klaus iho, gusto niya muna maging independent at hindi umaasa sa pera na meron sila.”

Hindi na ako nagsalita pa at ininom na lang ang kape ko, mayamaya pa ay nagpaalam na muna ako sa kanya na lalabas lang ako sa garden. Gusto ko kasing diligan ang mga pananim do’n.

Nang makalabas ako ay inilibot ko ang mga paningin ko, hanggang ngayon ay sobra pa din akong namamangha sa bahay ni Ma’am Veronica at ang ganda ng garden niya pero mukhang hindi masyado nabibigyan ng pansin kaya ngayon na nandito na ako ay aalagaan ko na lang ito, kapalit man lang sa tulong na binigay niya sa akin.

Napakaswerte ni Klaus dahil ang ganda ng buhay niya at biniyayaan pa siya ng mabait na magulang.

At dahil wala naman akong gagawin kaya napag isipan ko na lang na ayusin ang mga halaman sa garden at pagkatapos ay diligan sila para naman maging maayos ang lugar na ito, tiyak na matutuwa si Ma’am Veronica kapag gumanda ito lalo na kapag nagsimula ng mamulaklak ang mga tanim.

Inubos ko na muna ang kape na dinala ko ng lumabas at pagkatapos ay nagsimula na akong mag ayos sa garden, nilipat ko muna sa mga paso ang ibang namumulaklak na habang ang iba naman ay ginupitan ko para magkaroon ng hugis. At pagkatapos ay inilipat ko din ng pwesto ang mga ito kung saan mas maganda silang tingnan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status