Share

10. FAMILY 2

Agrianthropos City

January 2018

TRACE

Idée Fixe (Lev’s Club)

Pumalakpak ako sa nakitang pambubugbog ni Lev sa kawawang senador na biktima nito. Plano ko pa naman ikwento rito ginawa ko kay Rodillo pero huwag na at iba na ang epekto ng droga sa akin. Kailangan ko na ng babae. 

Ang mga gagong sina Raj at Apollo na kasama ni Keros kanina sa casa ni Chase ay nakita ko na bumibira ng droga, bagong produkto raw at baka gusto ko raw subukan. My mind is dead tired sa sunod-sunod na pangyayari sa linggong nagdaan. Nagbyahe ako papuntang Salvacion para makipag-away sa tatay ko, sinundo si Paige sa Baguio, bumalik sa isla dahil sa drama ni Lev, at simula nasa isla ako ay sunod-sunod rin ang mga inintindi ko. Pinaliguan ko pa isa-isa ang mga pusa ko. Kagabi nga lang ako nagka-time sa mga angels ni Chase hanggang kaninang umaga na ginulo pa nina Paige at Lev.

Nang lapitan ko na si Lev ay mas mukha pa siyang bangag sa akin dahil mukhang nasa ‘no touch’ mode na naman pala ang gurang. There was a problem with Lev, kapag nagalit ay gustong pumatay agad. Psychotic nga naman... ay mali! Sociopath pala. Hindi naman ako gano’n, medyo subtle ang way ko kapag pumatay at may rason ako. 

I only kill kapag alam ko na dapat ko nang dispatsahin ang tao, dahil istorbo na sa katiwasayan ng grupo ng Foedus, dahil sinira ang mga transakyon ko, dahil kinakalaban ako, o dahil nagbabanta ng hindi maganda para sa kaligtasan ko at ng mga taong pinapahalagahan ko. 

Mainitin ang ulo ko, at aminado naman ako. Actually ay normal na yata iyon sa aming pito. Lahat naman yata kaming founders ng Foedus ay madaling magalit. But usually ay pumapatay lang ako kapag matino ang lagay ng utak ko, iyong walang drugs sa sistema ko na gawang kemikal, weeds lang ang pwede, iyong kahit alak ay hindi ako apektado. 

My way of killing is part of my happiness, not the happiness like psycho killers felt. Katuwaan lang sa akin na tipong pakiramdam ko ay tama lang na alisin ko sila sa mundo. Example ay kapag may nalaman akong nakapasok sa isla na may hindi magandang motibo ay siguradong papatayin ko na lang agad kaysa makaperwisyo pa. Ayaw na ayaw ko ng alalahanin, at kailangan din naman ng kalaro ng mga alaga ko paminsan-minsan. Dahil din sa Doze kaya natutuwa ako kapag may mga malalakas ang loob na pasukin ang isla, nangangahulugan lang kasi iyon na may magiging kalaro sila. 

My big cats won’t eat anyone unless I said so. Hindi naman totoo ang kwento sa isla na tinuturuan ko ng kung ano-ano ang mga alaga ko. I won’t do that dahil kung tuturuan ko ang mga alaga ko ay baka maubos na ang mga miyembro ng Foedus, baka pati mga co-founders ko ay lapain na rin. I can’t do that to them. Foedus is my family. 

“Anong tinira mo?” tanong ni Lev sa akin, mukhang asar pa rin sa binugbog niya.

I laughed. “Babae o drugs? Paki-klaro.” 

“You know what I mean. Damn it!” badtrip na sabi ni Lev.

Lalo lang akong natawa at napangisi sa kaartehan ni Lev. Para itong nasa menopausal stage sa kasungitan. Hindi ko na ito inintindi at naglakbay ang isip sa droga na tinira ko kanina.

Ang sabi ng mga siraulong kasama ko kanina ay maganda ang drugs para hindi ako tablan ng antok. Okay naman at gising na gising na nga ang diwa ko at nagawa ko pa nga kunin ang belt bag na nakita ko kanina sa nagtitinda ng yosi. Nagtataka nga ako kung kaninong tao ‘yong nagtitinda ng yosi, pero naawa naman ako ng kaunti kasi nataakot siya sa akin. At happy pill yata ang drugs na tinira ko at kanina pa ako parang masaya, puro positive nasa isip-ko. 

Papatayin ko nga sana si Manong Yosi kasi hindi ko kilala at natakot pa agad pero dahil sa  belt bag niya ay naisalba siya. At saka mabait naman kausap iyong manong kaya okay na siya sa akin. Aalamin ko nga bukas ang pangalan ng tindero na iyon. 

“Boss Trace, ba’t ho amoy isda ‘yan?” tanong ni August sa ‘kin na tinutukoy ay ang belt bag na suot ko. Si August ang kanang-kamay ni dramatic actor Lev.

I smelled it, mukhang may diperensya ang ilong ko sa kakasinghot kanina o baka naman nawala pang-amoy ko dahil sa drugs nina Raj. Puta! Inamoy ko ulit. Tangina naman talaga… parang amoy… isda nga!

“Tangina… Naisahan ako doon ah!” natatawa kong sabi na lang. Pupuntahan ko talaga bukas ang nagtitinda ng yosi. Bakit amoy isda? Putangina niya! Dapat amoy yosi. 

Badtrip naman si Lev na iniwan kami ni August at natawa na lang ako. Nabitin siguro sa babae si Lev kaya drama ng drama. Sign of aging na talaga. 

“Pikon ng amo mo, August! Kanina nga lang nakita ko ang matambok na puwet n’yan. Panay giling ‘kala mo gigolo,” natatawa kong kwento kay August at tumawa rin ito. 

Alam ko na pikon na naman si Lev sa akin pero balewala. It won’t matter. Lev is Lev. Praning. Pero sino ba ang hindi praning sa amin? 

I was about to follow Lev when I saw a new woman na ngayon ko lang nakita sa isla, I stared at her at napailing. Nilalaro na naman ako ng paningin ko. Unang tingin ko ay parang mukha no’ng nakabangga ko na teenager sa airport ang nakita ko. Ipinilig ko na naman ang ulo ko, lakas na talaga ng tama ko at hindi ko rin maunawaan ang sarili kung bakit ko laging nasa isip iyong teenager na iyon. Baka sign na kailangan ko na siyang hanapin.

“Tangina!” napamura na lang ako sa sarili ko. Para na akong gago na sigeng kaisip sa isang minor. 

I can’t let myself be haunted by the teenager’s face. Mukhang nilalaro lanag naman ako ng imagination ko dahil sa droga. Iniwan ko na si August at sumunod na kay Lev. Samahan ko  na nga lang muna magdrama at baka may kung anong nangyayaring kabaliwan sa utak niya. Psychotic pa naman kadalsan ang gurang na ‘yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status