Share

Chapter 2

Wearing my so tight red dress and red stilletos. Sinabayan ko pa ng pulang lipstick ay dahan-dahan akong bumaba sa kotse ko dala ang resume na kahit kailan ay hindi ko pa nagagamit. Dalawang taon na simula noong nagtapos ako ng pag-aaral pero ngayon ko lang naisip na maghanap ng trabaho. Salamat sa ubod ng bait kong Daddy na hindi pa rin tinitigil ang pagtustos sa akin kahit hindi pabor sa akin ang pamilya niya.

I smiled when I saw the tall building in front of me.

"Big catch," I said. Sobrang taas ng building at kung siya nga ang may ari nito ay talagang napakayaman niya. My dad is rich and he's just a doctor. Ano pa kaya kung CEO na hindi ba?

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa entrance. Hindi pa ako tuluyang nakapasok sa loob ay nakuha ko na ang atensyon ng lahat. Taas noo akong naglakad papunta sa front desk saka matamis na nginitian ang babae doon.

"Good morning, Ma'am. What can we do for you?" she warmly said with a big smile.

"Hi, I am here for a job inteview. Mag-aapply ako ng trabaho," I explained and she nodded.

"Sa fifteenth floor po ang interview, Ma'am. Goodluck," Kinindatan ko lang siya bago ako pumasok sa papasara ng elevator.

"Pasingit," natatawang sambit ko sabay ayos ng buhok ko na maganda ang natural na kulot. Hindi ko maiwasang tingnan ang repleksyon ko sa pinto ng elevator.

I have a weary natural looking make-up, well except that my lipstick is bloody red. My eyes were almond shape and my nose were cute and pointed. Namana ko ang mukha ko sa isang Amerikana kong ina na hindi ko man lang nakita dahil namatay ito pagkasilang sa akin. I even have some freckles without this make up on. At kay Daddy ko nakuha ang mataas na height kaya maraming kumukuha sa akin na mga modeling agencies pero hindi iyon ang plano ko sa buhay.

I just want to chill and travel. Well, hindi na muna sa ngayon. Let's try our luck here in Cane Corporation, the top leading oil refining and marketing company here in the Philippines. I did my research last friday night before going here. Nakita ko na mas matanda pa sa akin ang negosyong ko. So aparently, Isaac Falkerson is an heir. Salamat kay Ashley na isa ring nagapagmana kaya nakakuha kaagad ako ng bakanteng trabaho dito.

Hindi nagtagal ay nakarating ako sa naturang floor. Kaagad akong namataan ng isang babae kaya mabilis siyang tumayo. Ako naman ay kaagad na lumapit doon para magtanong.

"Hi, can I ask where's the interview for applicants?" tanong ko sabay ngiti. Pinasadahan muna ako ng tingin ng babae bago niya ako giniya sa malaking pinto sa hindi kalayuan. Sobrang tahimik ng floor na ito pero marami namang mga empleyado.

"The Ceo is already inside, Ma'am. Goodluck," she said causing my smile to get wider.

The Ceo, I want that.

"See you soon," sabi ko sa babae bago ako dahan-dahan na pumasok sa loob. I'll make sure that I will get this job. I don't accept failures. Ang buhay ko mismo ay kamalian kaya dapat tama lahat ng landas na sinusubukan ko.

Kaagad kong nakita ang lalaking pakay ko. He's busy watching his computer screen but I know he saw me. Dahan-dahan akong lumapit sa table niya habang hindi inaalis ang malaking ngiti sa mga labi ko.

"Good morning, Sir. I am here for the interview," sambit ko kaya dahan-dahan siya napalingon sa akin. Nagpigil pa akong mapakagat sa ibabang labi ko dahil sa mukha niya. He's indeed the most handsome guy I've ever seen. Mas magandang lalaki pa siya kaysa sa mga international model na pumuporma sa akin.

"Take a seat," pormal na sambit niya kaya umupo naman ako sa silya sa harap ng table niya at dahan-dahan na pinatong ang resume sa itaas ng mesa na kaagad niya namang kinuha.

He's so formal. Nakalimutan ko tuloy ang gagawin ko.

"Why did you apply as a data analyst in this company?" tanong niya habang nasa resume ko ang tingin.

"Well, I want the best for me and this company is surely the best. As you can see I have no any experiences when it comes to this but I am a good follower, and a good listener so hiring me will help you a lot," I confidently said.

"We don't accept newbies here," Dahan-dahan akong napalunok sa diretsong pagsabi niya ng mga katagang iyon. Pero hindi ko pa rin tinanggal ang matamis kong ngiti lalo na noong mapatingin siya sa akin.

"I graduated two years ago so I am not a newbie po," I said but he shows no emotions at all.

"We'll call you—"

"I'm not hired yet? I graduated valedictorian during my elementary and highschool and I am a cum laude at UP. Isn't that enough reason to hire me?" pag-alma ko dahil mukhang tagilid pa akong makapasok.

"We need the skills not the awards," he coldly said. Pero imbes na ma-turn off ay mas lalo pang nadagdagan ang kagustuhan kong mapalapit sa kanya.

A man with principles. Celine is lucky, but she's also unlucky because this man will be mine.

"Then hire me and let's try my skills. I am good at anything, Sir," nasabi ko at nakita ko ang pag-igting ng panga niya na nagbigay sa akin ng lakas ng loob.

"Like what you've said earlier. We are the best company here in the Philippines. And you think we'll hire someone who doesn't have any experience about this?"

What a terror Ceo.

"Yes because experiences won't define someone's skills and knowledge. Hindi ibig sabihin na wala pa akong background sa pagtatrabaho ay hindi na ako matatanggap hindi ba? Paano niyo malalaman ang kakayahan ko kung una pa lang ay rejected na ako kaagad?" hirit ko pa kaya dahan-dahan siyang napasandal sa swivel chair niya pero hindi naaalis sa akin ang tingin.

"I said we'll call you—"

"Ganiyan ang mahirap dito sa Pilipinas dahil hindi niyo kami dinidiretso. Aasa na lang kami? Just tell me if I'm hired or not so I could find another company to work with," Hindi ko na napigilan pa ang inis sa boses ko.

I am attracted to him but d *mn. Ang tigas.

"That is not a good attitude of an applicant, Miss Glea Natasha Rodrigo," he slowly mentioned my name so I rolled my eyes.

"Just tell me if I'm hired, Sir. What? Aasa na lang ako sa tawag niyo na hindi naman darating? Let's get this done," sabi ko na parang ako pa ang may-ari ng kompanya sa aming dalawa.

"Leave," matigas na sambit niya kaya inis akong tumayo pero hindi ako aalis. Hindi ako papatalo. Dahil sabi ko nga, hindi ako tumatanggap ng pagkatalo.

I seductively smile at him. Mas lalong naging malamig ang mga mata niya nang dahan-dahan ko siyang nilapitan.

"Why? Why won't you hire me? I am starving a lot. Wala na akong makain. Mamamatay na ako," pag-arte ko sabay upo sa mga hita niya. Naghintay ako ng reaksyon sa mukha niya pero nanatili lang iyong kalmado at malamig.

Dahan-dahan kong inayos ang pagkakaupo ko habang nakangisi sa kanya. Umayos siya ng upo at nagulat ako nang hawakan niya ako sa baywang na para bang ayaw niya akong mahulog.

"I could call a security," he said so I pouted a bit.

"Oh, you can?" panunuya ko habang nilalapit ang dibdib sa dibdib niya.

Dahan-dahan kong nilapit ang labi ko sa leeg niya. Sininghot ko muna ang amoy niyang nakakahalina bago ko siya marahan na kinagat sa leeg. Wala siyang sinabi niya napatawa ako ng mahina at muling inulit ang pagkagat.

"You like me. I am better than Celine," I said before looking into his eyes. Nakita ko ang inis sa mga mata niya kaya ngumiti ako lalo.

"Stand up," utos niya pero dahan-dahan akong umiling.

"No way, not until you say that I'm hired," I said seductively before playing with his hair.

"Sa ginagawa mo mas lalo kang hindi matatanggap," sabi niya pero nagkibit balikat lang ako. I stroke his hair using my one hand and my other hand is caressing his hard chest.

"Kaya nga tanggapin mo na ako," sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

Hindi lingid sa kaalaman ko na tumataas na ang damit na suot ko at wala akong cycling ma suot kaya kaunti na lang ay kita na niya ang panty ko. Bahagya akong gumalaw dahilan para mas tumaas ang damit ko at kita kong umigting ang panga niya dahil doon.

"Mr. Falkerson, I need this work. I need this so much," dahan-dahan na sambit ko bago ko nilapit ang mukha sa mukha niya. The tip of my nose touches his. At kapag hindi pa siya bumigay ay siguradong lalampas na ako sa linya.

Paano nakuha ni Celine ang lalaking 'to? Hindi sila bagay.

Mas bagay kami.

"You are hired so get out," inis na sabi niya kaya natatawa akong umalis sa pagkakaupo sa hita niya. I winked at him before fixing my dress.

"Thank you so when can I start?" masayang tanong ko pero tamad lang niyang binaling ang tingin sa computer niya.

He's not affected? D*mn, paano ko ba 'to mapapalambot sa akin?

"Tomorrow," sabi niya ng hindi tumitingin sa akin kaya parang tumalakpak ang tainga ko sa tuwa.

"Thank you, Sir! You won't regret this! See you tomorrow! And goodbye, aagawin pa kita," natatawang sabi ko pero hindi niya ako tiningnan kaya napailing na lang ako bago lumabas ng opisina niya.

Hindi maalis ang laki ng ngiti ko habang papalabas at kitang-kita iyon ng mga tao sa labas. Napalingon kaagad ang mga kalalakihan sa akin pero wala akong pinansin dahil mabilis lang akong naglakad patungo sa elevator.

Habang nasa loob ng elevator ay tinawagan ko si Ashley para ibalita ang naging resulta.

"Hey, guess what?" masayang sambit ko. Narinig ko kaagad ang tawa niya sa kabilang linya kaya alam kong alam niya na nagtagumpay na naman ako.

"Oh I know that you can do it. Beware, mukha lang iyang tahimik pero matinik din 'yan. Baka bumaliktad ang sitwasyon at ikaw ang mapaglaruan," panunuya niya kaya napairap ako.

"I like the matinik part," sabi ko kaya natawa na lang kaming pareho.

Kausap ko si Ashley habang nasa elevator at nagpasya akong patayin ang tawag nang makababa na ako sa ground floor. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Everything is a competition. And I want to win in everything. Back in college, Celine always try to replace as the most beautiful girl in the campus. Inahas niya ang mga manliligaw ko at nakipag kompetensya rin siya sa academics.

And me being a competitive didn't allow her to succeed. Kung magaling siya ay mas magaling ako. At ipapakita ko kung gaano ako kagaling sa pamamagitan ng pag-agaw sa boyfriend niya.

It's her fault though. Kung hindi gwapo ang boyfriend niya ay hindi ko naman papakialaman pero pinili niya kasi ang mala diyos kaya aagawin ko talaga.

After thirty minutes I found myself inside my favorite restaurant because I'm hungry. Pero maglalakad palang sana ako palapit sa bakanteng table nang matigilan ako sa nakita. Biglang nawala ang ngiti at saya na nararamdaman ko kanina habang tinatanaw ang masayang pamilya na kumakain.

My eyes watered and I clenched my fist while watching them.

"Ang saya mo, Dad. Nakalimutan mong may isa ka pang anak," mapait na sambit ko bago dahan-dahan na tumalikod para umalis sa lugar na iyon dahil hindi ko gugustuhing makasama sa isang lugar ang ama ko at ang pamilya niya.

Hindi ko na nagawa pang ngumiti nang makabalik ako sa kotse ko. Napuno na ng sakit, inis at galit ang puso ko dahil sa nakita.

Behind those laughters and smile, I am hiding something inside of me because I don't want everyone's pity. Glea Natasha Rodrigo is an illegitimate daughter. I am all alone, I have no one so I need to make myself happy because no one would do it for me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status