Share

Kabanata 9

Anna Luisa

"Aera puro nalang bagsak ang grades mo." sigaw niya sa akin, oo sa akin. Bakit nila ako sinisigawan di ko sila kilala? Oo konektado kami pero di ako si Aera, ako si Anna Luisa.

Pero ako nga ba talaga si Anna Luisa.

"Okay sorry, bakit kasi kailangan ko pa pumasok diba? We're rich I think that was enough." sagot ko, huh? Ako ang sumagot. Paano? Hindi ako si Aera. Hindi ako siya.

"Aera, makinig ka naman samin. Ginagawa namin to para sa future mo." sigaw ni Mommy sa akin, huh? Bat ako? Hindi ako si Aera.

"Future ko? Wow! Patawa ka mommy, eh ginagawa niyo nga yan para sa mga sarili niyo." natatawang sagot ko? sakanila. Eto ba ang ugali ni Aera eto na ba?

Hanggang sa maramdaman ko ang pagtapik sakin ng kung sino.

Napabalikwas ako ng bangon, at bumungad sakin sina Alonika at Julia.

"Ate Aera, okay kalang?" tanong nila sakin. Habang ako ay habol ang hininga.

"Okay lang ako nanaginip lang ako ng di maganda." sagot ko sakanila.

Kaya napatango-tango sila.

"Julia, kuha mo tubig si Ate Aera, pawis na pawis siya oh." utos ni Alonika sa kapatid at agad namang sumunod si Julia at lumabas ng kwarto ko.

Buti nalang nandito sila, naagapan yung nangyari sakin. Kung wala baka di na ko nagising.

Ano bang klaseng panaginip yun? O mas magandang tanong kung panaginip ba yun?

Matapos ang gabing yun ay napagdesisyunan ko ng itabi sila Alonika at Julia sakin, kung sakaling mangyari ulit yun ay mabilis nila akong magigising.

Mula ng araw na yun ay naging malapit na kami ni Ethan, sobrang saya niya kasama at di siya nawawalan ng mga biro na talagang napapatawa niya ako.

Di ko na nga napapansin na isang buwan na lumilipas mula ng dumating ako sa taon na to, at hanggang ngayon ay di ko pa rin mahanapan ng kasagutan kung bakit napadpad ako dito?

"Tulala ka na naman, Aera." sulpot ni Ethan sakin na may dalang ice cream, yun daw tawag dun eh.

At tsaka inabot sakin ang isa.

"Ah, Ethan. Naniniwala ka ba sa nagkapalit na katauhan?" bigla kong naitanong sakin kaya napatitig sakin at napaisip siya.

"Nagkapalit na katauhan, sa mga libro totoo siya pero sa totoong buhay. Never ko naimagine na may ganung pangyayari talaga." sagot niya sakin habang kinakain ang ice cream niya.

"Pero paano kung makasaksi ka ng ganun, anong gagawin mo?" tanong ko pa sakanya.

"Sa totoo lang di ko alam kung matatakot o mamangha ako. Kasi ang una kong maiisip nun siguro, anong ginagawa nila sa taon na to." nakatingin sa kawalan na sabi niya sakin. At napatango nalang ako, at napalingon naman siya sakin. "Bakit mo pala natanong?" tanong niya sakin.

"Ah, nabasa ko lang sa libro." pagpapalusot ko sakanya.

Matatanggap mo kaya pag nalaman mo Ethan, na hindi ang taon ko. At hindi ako dapat nandirito, sana pag dumating ang araw na yun ay matanggap mo yun.

Dahil kailangan kong bumalik sa taon ko, at masasagot lang lahat ng tanong ko pag nagbalik ako sa hacienda namin. Gusto ko pagbumalik ako dun ay mag-isa lang ako.

Matapos ang araw ng pagtuturo niya sakin sa pagmamaneho ay Lunes na ulit at papasok na naman ako sa klase. At kasabay ko dapat sila Catriona, Yuri at ang dalawa kong pinsan pero sinabihan ko silang mauna na.

At ngayong araw na to ay naisipan kong magsimula ng magmaneho ng kotse upang masanay na rin akong magmaneho.

Habang nasa biyahe ay di inaasahang sa isang kalye ay may madadali ako, kaya nagulat ako at naipreno ko ang kotse ko. At kabadong-kabado ako, di ko alam ang gagawin ko hanggang sa naisipan kong bumaba at tingnan ang nadali ko.

At pagbaba ko ay wala namang tao.

"Nasaan na yun?" kunot noo na tanong ko habang pilit hinahanap yung nabangga ko.

Hanggang sa..

"Iha! Ako ba ang iyong hinahanap?" sulpot ng isang matanda sa likod ko, kaya gulat akong napalingon sakanya na wala man lang siyang kasugat-sugat o dugo man lang.

"Lola, nandiyan po pala kayo. Pasensya na po ah." nakayukong sabi ko sakanya pero ningitian lang niya ako.

"Iha, okay lang ako. Nais ko lang malaman mo na magsisimula na ang pagtatama ng mga mali at nakadikta sa mga pangyayari. Kaya mag-iingat ka iha. Anumang oras ay magaganap na ang lahat at ang rason kung bakit naririto ka sa taon na to.." seryosong sabi niya kaya kinabahan ako ng matindi. Nagulat ako ng tapikin niya ako sa balikat at muling nagsalita. "..mag-iingat ka Anna Luisa tatambad sa harap mo ang katotohanan." dagdag pa niya at nanigas ang buo kong katawan ko sa mga sinabi niya. Magsasalita na sana ako ng mawala siya bigla.

Kaya natulala nalang ako at namutla, bakit bigla siyang nawala? Sino siya?

Bakit kilala niya ako?

Nanatili lang ako tulala hanggang sa biglang may tumapik sakin at napasigaw ako sa gulat.

"Ay miss, okay kalang ba?" tanong niya sakin kaya napatingin ako sakanya.

"Ah, oo anong kailangan mo sakin? At sino ka?" garalgal na sabi ko sakanya dahil kinakabahan pa rin ng matindi sa sinabi nung matanda kanina.

"Ah, napansin ko kasing tulala ka kaya bumaba ako para icheck ka, putlang-putla ka kasi. Oh taga PUP ka rin pala." sabi niya sakin kaya napatintin ako sakanya, parehas nga kami ng uniform.

Taga PUP nga siya.

"Ah salamat sa pag-aalala mo pero sino ka nga pala? Ngayon lang kita nakita." takang sabi ko sakanya.

"Ah ako nga pala si Maxwell Sarmiento. Ikaw ano pangalan mo?" nakangiting sabi niya, kaya ningitian ko din siya.

"Ah ako si Aenna Rana Bonifacio, tawagin mo nalang akong Aera." nakangiting pagpapakilala ko sakanya.

"Ganda ng pangalan mo, bagay sayo." pambobola niya sakin kaya tinawanan kolang siya. At tsaka ako napatingin sa relo ko.

At nanlaki mata ko ng makita kong alas siete na, huli na ko sa klase nito.

"Bakit? Anong oras ba klase mo?" tanong niya sakin.

"Ngayon na, sige na alis na ako ah. Baka mapagalitan pa ako eh." sagot ko sakanya.

"Hala sige, sabay na tayo pumunta sa school. Sana makita pa kita ulit." nakangiting sabi niya at ningitian ko nalang siya at dali-daling sumakay sa kotse ko at magkabuntot kaming nagmaneho ng kotse.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng eskwelahan at dali-dali kaming nanakbo papasok sa loob.

At pagtapat ko sa harap ng pinto ng classroom ay natatawang tiningnan ako nila Catriona at Yuri. At ang mga kaklase namin ay nakatingin sa likod ko, anong tinitingnan nila sa likod ko.

At ng lingunin ko ay halos manlaki mata ko, si Maxwell.

Kaklase ko pala siya.

"Magkaklase pala tayo, Aera." natatawang sabi niya sakin. Kaya napatawa nalang ako at sabay kaming pumasok sa room, swertehan kasing wala pa ang professor namin. Kaya nakapasok kami agad.

Grabe, di pa rin ako makapaniwalang kaklase ko si Maxwell. Pero di pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi nung Lola sakin kanina.

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status