"M-mark!" Patuloy siya sa pagkawag kahit pa nakakainom na siya ng tubig dagat. Mahapdi na rin ang kanyang mga mata pero patuloy pa rin siya pag singhap at nakaramdam ang pagkagulilat. Tuluyan na siyang lumubog sa dagat at napapikit, nagdasal. Isang sandali pa lamang ay naramdaman niya ang paghapit sa kanyang baywang at iniahon siya sa pagkakalubog."Ellie?" natataranatang puna ni Mark at mahinang tinampal-tampal ang mukha niya. "Ellie! Wake up... Oh, please... don't do this to me!"Dahan-dahan iminulat ni Eselle ang mga mata at natarantang nanguyapit kay Mark gamit ang mga braso at binti."Fuck! I'm sorry, Ellie. Nakalimutan kong hindi ka pala marunong lumangoy.""No, it's okay..." Umiling-iling siya at pinalis ang mga luha. "As long as you're okay, I'm okay, Marky." Mas humigpit ang pagkapit niya dito. "Akala ko nawala ka na sa akin," Doon na siya tuluyang napahikbi. "You just came back to me, Marky. You can't leave... You can't leave unless I say so.""Ellie, I would never leave you
HINDI makapag-pokus si Eselle sa nilalarong beach volleyball nang masipat niyang may mataimtimang kausap si Mark sa di gaanong kalayuang sa bench. Sa pagkakaalala niya ay classmate iyon ni Mark na malapit din sa kaibigan, Shiela Sayson ang pangalan na napalapait sa kaibigan noong third year high school. Salubong ang mga kilay na umirap siya sa mga ito. Hindi niya mawari kung bakit bigla na lamang ring uminit ang kanyang ulo na marahil ay naging dahilan rin upang lumakas ang pag hampas niya sa bola.Nang malaman nitong siya ang lalahok sa beach volleyball ay ipinagbawalan siya nitong mag suot ng two-piece bikini at tinakot na hindi nito ibabalik ang yate sa daungan kapag hindi siya sumunod. On her side, it was unfair. Sumunod siya dito sa pagsuot ng itim na rash guard habang pinaglandakan naman nito ang pang-itaas na katawan sa mga kababaihan.Umingos siya nang sandaling nagtama ang mata nila ng kaibigan. It was an ace when she served the ball. Naghiyawan ang mga kanyang mga classmate
MALAMYANG nagpatumba pahiga sa kama si Eselle at tumitig sa kisame ng ilang minuto, nag-isip. The date with Billy wasn't boring nor exciting. But she can pinpoint that it was too formal. Pakiramdam niya ay hindi siya mababagay sa nakaugaliang buhay ng manliligaw sa kadahilanang may pagkakatulad sila ng ugali. She wasn't that outgoing person, yes, but she could be carefree when she wants to. Ngunit imposible ata iyong mangyari kapag si Billy na ang kaharap. Ngayon pa lamang ay parang nahuhulaan niya na ang kahahantungan ng sarili kapag naging kasintahan niya na ito."Hay nako! Tara nga at mag happy hour," alo niya sa mga kaibigan. "Parang gusto kong maglasing ngayon."Lumungkot ang mukha ni Marielle. "I can't. Patay ako pag nalaman ni Fuentabella na nag-inom ako.""Ay. sige, huwag na pala, Mari. Baka mapatay pa ako no'n. Ikaw, Via?""Napagod ako sa laro kanina, Es, eh. Hindi ako nagpa-sub," tanggi ni Olivia sabay himas sa mga binti. "Bukas na lang go ako.""Hindi ako niregla ngayong ar
PRENTENG nakahiga si Eselle habang nakakubaw sa kanya si Mark. Nakahilig ang ulo nito sa kanyang tiyan habang nakapulupot naman ang hita niya sa likod nito."I need to go, Marky. Mag tatanghalian na at tiyak na nag-aalala na sila Mari sa akin." aniya nang maalala ang mga kaibigan.Mahigpit na yumakap ito sa kanyang baywang at umiling na parang bata."Marky...""Don't go, please...""I can't stay. Kasi kapag nanatili ako. I know we would end up moaning each other's name, again!" natatawang puna niya, tinampal ng mahina ang noo ng kaibigan. "Alam ko'ng nagpapahinga ka lang matapos mo akong angkinin ng three times straight."Naiiritang pumalatak ito. "Magkikita na naman ba kayo ni Billy ngayon?"Kunot-noong sinalubong niya ang tingin ng kaibigan. "Ano ba'ng problema mo kay Billy? Mabait naman yung tao, ah.""Mabait my ass! Ah, basta. Stay here. Kung ayaw mo dito. Doon na lang tayo sa yate. Let's enjoy the beach, okay? Check out na tayo lahat tomorrow, 'di ba?""Okay, Let's sail," Nanunuk
Dikit ang kilay na umupo si Eselle sa sofa at pasimpleng umiyag upang makuha ang atensyon ng kaibigan. Inawang niya pa ng bahagya ang bibig matapos tumungga ng beer saka mapang-akit na ipinagkrus ang mga hita. Nakita niyang lumingon ang kaibigan sa kanyang gawi makaraan ang ilang segundo at kung paano tumaas ang mga kilay nito."Eselle, may problema ka ba sa likod?" nag-aalalang tanong ni Billy, sinuri ang kanyang likod.Pasimpleng napaderesto siya ng tayo at ngumiti kay Billy. "Ah, wala. Wala naman. Nag-iinat lang ako."Umingos siya nang wala man lang natanggap na kung anong pagtutol na reaksyon galling sa kaibigan at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho sa kalagitnaan ng dagat. Umalon-alon ang yate at sumalubong ang maalat na hangin sa kanilang mukha. Ang kanyang mga kaibigan naman ay nagging abala sap ag-instagram live, tiktok at facebook sa isang sulok habang ang manliligaw naman ay naging abala sa paglalaro ng Mobile Legend.Nang matapos na sa pagmamaneho si Mark ay umupo na ito kasa
KUYOM-KUYOM ni Eselle ang mga palad habang tinatahak pabalik ang kuwarto kasama ang kaibigan. Gustuhin niya mang magpaiwan sa yate upang makasama pa si Mark ay hindi maari dahil malamang ay aasarin na naman sila ng mga kaibigan. Pasado alas-otso nang matapos sila mag hapunan at mag night swimming. Siyempre, hindi siya naligo sa dagat sa kadahilanang hindi siya marunong lumangoy. Habang naaaliw ang iba ay pasimpleng naghahawakan sila ng kamay ni Mark ng patago.Nang makapag-paalam na si Shiela at Billy ay minabuti na lang nilang bumalik na lamang sa kuwarto para makapag-empake para sa check-out. Sapagkat sa loob-loob niya ay gutso niya pang makasama ng matagal-tagal ang kaibigan sa yate. Tumigil sa paglalakad si Eselle matapos makapagdesisyon. "Wait..." Mahigpit na hinawakan niya ang cell phone. Sabay na nagsilungunan ang mga kaibigan na nagtatanong ang mga mata. Ano nga ba ang sasabihin niya... Ano nga ba ang idadahilan niya?Nang bigla tumunog ang messenger ay napatingin siya sa apa
Naestatwa si Eselle nang bigla itong yumapos sa kanyang baywang ng sobrang higpit. Sobrang dikit ng katawan nila na naririnig niya na ang bawat pag pintig ng puso ni Mark. Kasabay iyon ng pag pintig ng kanya.Mas isikniksik niya ang katawan dito. Ako din, Marky. Gusto ko ikaw lang. "Matulog na tayo."SINUKLAY ni Eselle ang buhok ni Mark nang matapos niyang maitali ang buhok ng kaibigan. Tinirintas niya iyon at sobrang guwapo na itong nakahapit ng mahigpit sa kanyag baywang."Oh, hayan..." Marahan tinampal niya ang mga pisngi ng kaibigan. "Ang pogi mo talaga!"Pinagsiklop nito ang kanilang mga kamay at mabilis na hinalikan ang kamay niya. Pagkatapos pabigla siya nitong hinipit sa baywang saka malambing siyang niyakap. "Can't you stay?""I can't," Sumulyap siya sa relong pambisig. "It's already eight, Marky. Isasalansa ko pa ang mga gamit ko. Napag-usapan na naman natin 'to, 'di ba?"Nagbuntong-hininga ito at iginiya na siya palabas sa yate. Magkahawak pa rin ang kamay nilang humiwalay
NAG-ANIMO takas mental si Eselle nang magising siya kinabukasan na abot-tainga ang ngiti sa mga labi. Hindi niya maalis ang mga mata sa mukha ng kaibigan. Parang kumiskislap ito sa paningin niya at ito lamang ang nahahagip ng kanyang mga mata. Mark must have been really hit her hard on the chest to do beyond her limits, this kind of limits. Kung adik nga ba ang tawag doon ay iyon na malamang ang tawag sa kanya sa kasalukuyan. Adik na adik na siya sa kaibigan. Sa isang oras na marahil kakatitig sa mukha ni Mark ay para bang nasaulo niya na ang magagandang pagmumukha nito. From his dreamy eyes to his thick brows, to his crooked nose down to his full lips. Overall, he was damn too perfect to not fantasize.Tumayo na lamang si Eselle nang kumalam na ang tiyan. Nginitian niya ng nakakaloko ang natutulog ng bulto ni Mark bago isinuot ang itim na t-shirt ng kaibigan. Ika pa nga ng iba, a way to a man's heart is through his stomach so she decided to cook for him. Maingat na lumabas siya ng pa