Accueil / Romance / Silakbo / Mga Distansyang Dapat Panatilihin

Partager

Mga Distansyang Dapat Panatilihin

Auteur: Anne Author
last update Date de publication: 2026-04-13 10:27:17

Elyse POV

May mga gabing kahit pagod ka na, tumatanggi pa ring manahimik ang isip mo.

Isa iyon sa gabing iyon.

Nakahiga ako sa manipis kong kama habang pinapakinggan ang ulan sa bubong ng apartment. Katabi ko ang maliit na electric fan na halos mas maingay pa kaysa malamig.

Sa kabilang kwarto, mahina nang naghihilik si Mira.

At ako?

Gising.

Nakatingin sa kisame.

Nakakainis.

Dahil alam ko naman kung bakit.

Napapikit ako at pilit na itinulak palayo ang alaala ng gabing iyon sa foundation.

Hindi naman espesyal ang nangyari.

Walang romantic.

Walang dramatic.

Late lang ako sa trabaho.

Nagkataong dumating si Gavin.

Nag-usap tungkol sa gala.

Tapos umuwi.

Simple.

Pero minsan, hindi naman ang pangyayari ang problema.

Kundi ang pakiramdam na naiiwan pagkatapos.

At iyon ang gusto kong iwasan.

Huminga ako nang malalim at bumangon para uminom ng tubig.

Maliit lang ang apartment namin.

Dalawang kwarto.

Luma ang tiles.

May bahagyang tagas ang kisame kapag malakas ang ulan.

Pero tahanan.

At mas gugustuhin ko ang simpleng lugar na ito kaysa sa magarbong bahay na walang init.

Napahinto ako sa kusina nang mapansin ang nakasabit na lumang litrato sa ref.

Ako.

Si Mira.

At sina Mama at Papa.

Mahigit walong taon na mula nang mawala si Papa.

At hanggang ngayon, may mga gabi pa ring namimiss ko ang boses niya.

“Hindi mo kailangang habulin ang mayaman, anak,” lagi niyang sabi noon habang inaayos ang tricycle niyang pasada.

“Humanap ka ng taong mabuti.”

Napangiti ako nang mahina.

“Wala naman akong hinahabol, Pa,” bulong ko.

Pero sa loob-loob ko, parang may kung anong kumontra.

Dahil hindi ba ganoon nagsisimula ang problema?

Hindi mo naman sinasadya.

Hindi mo naman hinahabol.

Hanggang sa bigla mo na lang napapansing tumatakbo ka na pala sa direksyong dapat iniiwasan mo.

Maaga akong nagising kinabukasan.

Field visit day.

Mas gusto ko ang mga araw na nasa labas kaysa nasa opisina.

Mas totoo.

Mas simple.

Walang social politics.

Walang gala guests.

Walang mayayamang taong gustong magpa-picture bago mag-donate.

Nagkita kami ng outreach team sa parking area ng foundation.

“Morning, Ate Elyse!” bati ni Karen, isa sa volunteers.

“Morning.”

“Ready ka na?”

“As if may choice.”

Natawa siya.

May dalawang van para sa medical outreach sa Bulacan. Kailangan naming i-check ang mobile clinic at distribution supplies.

Habang abala ang lahat sa paglo-load ng boxes, napansin kong may paparating na luxury SUV sa parking.

Hindi ko sana papansinin.

Hanggang sa bumukas ang pinto.

At bumaba siya.

Gavin.

Automatic, tumahimik ang ilang staff.

Hindi naman dahil may utos siya.

Ganito lang talaga kapag may taong sanay ang lahat na sundin.

Simple ang suot niya ngayon gray long sleeves, walang coat.

Mas casual kaysa dati.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang mas tao siya kapag hindi naka-business armor.

Lumapit ang operations manager.

“Sir Gavin.”

Tumango siya.

“Clinic preparations?”

“Ready na po.”

At pagkatapos, tumingin siya sa amin.

Hanggang sa huminto ang tingin niya sa akin.

Hindi matagal.

Pero sapat para maramdaman ko ang bahagyang awkwardness.

“Ms. Valencia.”

“Sir.”

Lumapit siya.

“I heard may shortage sa equipment shipment.”

Natigilan ako.

“Opo. Pero manageable.”

“Manageable doesn’t mean acceptable.”

Professional ang tono.

Trabaho lang.

Pero hindi ko maiwasang mapansin—nakikinig talaga siya.

Hindi iyong nakikinig dahil obligado.

Nakikinig dahil gusto niyang maintindihan.

“Delayed lang po,” sagot ko. “Temporary fix muna.”

Tumango siya.

“Show me.”

Napakurap ako.

“Sir?”

“The mobile clinic.”

Saglit akong natigilan bago tumango.

“Okay po.”

Kasama ko siyang naglakad papunta sa van.

At doon ko biglang naramdaman ang tingin ng ilang staff.

Curious.

Tahimik.

Ayoko ng ganoong tingin.

Ayoko ng mga assumptions.

Kaya agad akong nag-focus sa trabaho.

“Two units po sana ito,” paliwanag ko habang binubuksan ang equipment log. “Pero isa lang dumating.”

Tiningnan niya ang inventory.

“You handled this yourself?”

“Opo.”

“You do this often?”

“Kapag kailangan.”

Tahimik siya habang tumitingin sa supplies.

“Hindi ba dapat may operations team?”

“Meron.”

“Then why are you doing their job?”

Napatingin ako sa kanya.

Hindi accusatory ang tono niya.

Parang genuinely curious.

“Kasi minsan,” sabi ko, “kapag naghihintay ka ng perfect system, mas nauuna pang magkasakit ang mga tao.”

Tahimik siya.

Tapos dahan-dahang tumango.

Parang may iniisip.

Hindi ko alam kung bakit pero sa bawat katahimikan niya, parang may mas maraming sinasabi kaysa sa ibang taong sobrang daldal.

“Sir,” tawag ng staff.

Naputol ang usapan namin.

Lumapit ang coordinator.

“Need niyo raw po sa main office.”

Tumango si Gavin.

Bago siya umalis, tumingin siya sa akin.

“Good work.”

Simple.

Dalawang salita lang.

Pero hindi ko alam kung bakit parang matagal na mula nang may magsabi niyon nang ganoon kasimple.

Walang ulterior motive.

Walang drama.

Good work.

Tumango ako.

“Thank you, sir.”

At pagkatapos, umalis siya.

“Hoy.”

Napalingon ako kay Karen na may mapanuksong tingin.

“Ano?”

“Wala.”

“Karen.”

“Sir Gavin, ha?”

Napairap ako.

“Trabaho.”

“Sinabi ko bang hindi?”

Napailing ako.

“Stop.”

Tumawa siya.

“Relax. Gwapo lang naman.”

“Hindi iyon ang point.”

“O ano?”

Hindi ako sumagot.

Kasi hindi ko rin alam.

At ayoko ring isipin.

Bandang tanghali, nasa biyahe na kami papunta sa outreach site.

Masaya ang volunteers.

May nagkukuwentuhan.

May kumakanta.

At habang nakatingin ako sa mga bahay na dumaraan sa bintana, dahan-dahang humupa ang bigat sa isip ko.

Ito ang totoong mundo ko.

Hindi hotel ballroom.

Hindi luxury towers.

Kundi mga barangay roads at mga batang excited sa libreng check-up.

Pagdating namin, agad kaming sinalubong ng barangay workers.

May pila na agad ng mga nanay at matatanda.

At sa loob ng ilang oras, nalimutan ko ang lahat.

Abala ako sa registration.

Sa gamot.

Sa pag-aayos ng records.

Ganito ako pinaka-komportable.

Busy.

Useful.

Pero bandang hapon

may dumating na sasakyan.

At bago ko pa makita, narinig ko na ang bulungan.

“Si Sir…”

Napalingon ako.

Gavin.

Nandito?

Bumaba siya sa sasakyan kasama ang dalawang foundation representatives.

Mukhang may inspection.

Normal.

At wala dapat maging issue.

Pero hindi ko mapigilan ang maliit na pagkagulat.

Lumapit siya sa clinic area.

Hindi siya nagpapapansin.

Hindi rin showy.

Tahimik lang na nakikipag-usap sa doctor.

At sa hindi ko maintindihan na dahilan, ibang-iba siya rito kaysa sa ballroom world na bagay sana sa kanya.

Mas tahimik.

Mas observant.

May lumapit na batang babae sa kanya.

Siguro pitong taong gulang.

Maruming tsinelas.

May hawak na candy.

Nakita kong bahagya siyang natigilan nang iabot ng bata ang kendi.

“Para po sa’yo.”

Napahinto ako.

At sa unang pagkakataon—

nakita ko siyang ngumiti nang totoo.

Hindi iyong polite smile.

Hindi iyong para sa media.

Kundi totoong ngiti.

Maliit.

Pero totoo.

“Kahit isa lang ’yan?” tanong niya.

Tumango ang bata.

“Favorite ko po strawberry.”

Kinuha niya iyon.

“Then malaking bagay ’to.”

Umalis ang bata na nakangiti.

At hindi ko alam kung bakit

pero may kung anong gumalaw sa dibdib ko.

Hindi attraction.

Hindi pa rin.

Kundi realization.

Na minsan, mali rin pala ang assumptions.

Akala ko kilala ko na ang klase ng lalaking tulad niya.

Mukhang mayaman.

Mukhang untouchable.

Mukhang sanay sa privilege.

Pero iyong lalaking nakatayo ngayon sa putikan habang hawak ang mumurahing candy?

Hindi siya tugma sa image na nasa isip ko.

At iyon ang delikado.

Dahil mas madaling umiwas sa taong alam mong mali.

Mas mahirap umiwas sa taong unti-unti mong naiintindihan.

Palubog na ang araw nang matapos ang outreach.

Pagod na pagod ako.

Habang nag-aayos kami ng supplies, may humintong anino sa tabi ko.

“Long day?”

Napatingin ako.

Si Gavin.

“Opo.”

“You look exhausted.”

Napatawa ako.

“Salamat po.”

Bahagya siyang ngumiti.

“That wasn’t an insult.”

“Depende po.”

Tahimik kami sandali.

Naririnig ang ingay ng mga batang naglalaro sa paligid.

At pagkatapos, tumingin siya sa mobile clinic.

“You were right.”

“About?”

“Healthcare access.”

Hindi ko agad alam ang isasagot.

Tumingin siya sa mga taong nakapila pa rin.

“I read reports.”

Tahimik ang boses niya.

“But reports don’t look like this.”

Hindi ko alam kung bakit pero parang may lungkot na naman sa tono niya.

Parang may bagay siyang natututunang matagal na niyang hindi nakikita.

“Sir…”

“Gavin.”

Napatingin ako sa kanya.

“Sir pa rin po.”

Bahagya siyang natawa.

“Stubborn.”

“Professional.”

“Tingin ko pareho.”

Hindi ko napigilang ngumiti.

Maliit lang.

At doon ko biglang napansin

napakalapit pala namin.

Hindi sobra.

Pero sapat para maramdaman ko ang discomfort.

Automatic akong umatras.

Maliit lang na hakbang.

Pero napansin niya.

At sa isang iglap, bumalik ang distansya.

Professional.

Safe.

Tama.

Nag-ring ang phone niya.

Tumigil ang usapan.

Tiningnan niya ang screen.

At may bahagyang nagbago sa mukha niya.

Hindi ko nakita ang pangalan.

Pero alam ko.

Somehow, alam ko.

“Excuse me,” sabi niya.

Tumango ako.

Lumayo siya para sagutin ang tawag.

At habang pinagmamasdan ko siya mula sa malayo

may hindi magandang pakiramdam na dahan-dahang pumapasok sa dibdib ko.

Hindi dahil may mali siyang ginagawa.

Kundi dahil bigla kong naalala ang pinakamahalagang detalye sa lahat.

May asawa siya.

At kahit gaano pa kabait ang isang tao

kahit gaano pa siya ka-lungkot

may mga distansyang hindi dapat binubura.

At dapat ko iyong tandaan.

Bago pa maging huli ang lahat.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Silakbo    Mga Pangarap na May Sugat

    Pagkaalis ni Elyse sa hallway, parang may kung anong naiwan sa hangin. Tahimik. Mabigat. At mas lalong mabigat dahil naroon si Helena. Katabi ko. Tahimik ding nakatingin sa direksyong nilakaran ni Elyse. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya. O gaano karami. Pero kilala ko ang asawa ko. At ang katahimikan niya hindi iyon kawalan ng iniisip. Mas delikado. Iyon ang sandaling nag-iipon siya ng tanong. “Interesting employee,” sabi niya sa wakas. Napatingin ako. Neutral ang tono. Too neutral. “She’s good at her job.” Tumango siya. “So I’ve heard.” Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi niya. Hindi accusatory. Mas masama. Parang sinusukat. Ilang segundo kaming walang imik. Hanggang sa siya mismo ang nagsalita. “Dinner tonight?” Napakurap ako. “Dinner?” “At home.” Bahagya siyang ngumiti. “Unless may emergency trip ulit.” Mabigat ang hangin. At sa likod ng simpleng tanong may kung anong hindi ko mabasa. Pero tumango ako. “I’ll be home.” “Good.” At pa

  • Silakbo    Mga Taong Nagmamasid

    Gavin POV May mga araw na kahit gaano ka ka-busy, may isang bagay na paulit-ulit bumabalik sa isip mo. At buong araw si Elyse iyon. Hindi iyong alaala ng gabi sa lodge. Mas mabigat. Iyong paraan ng pagtanggi niya kanina sa hallway. Wag niyo po akong pahirapan. Simple. Pero parang may naiwan na sugat sa pagitan naming dalawa. Nakatayo ako sa loob ng opisina, nakaharap sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang makulimlim na langit ng Maynila. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakairita ang guilt? O ang katotohanang gusto ko pa rin siyang kausapin kahit alam kong wala akong karapatan. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Yes?” “Sir.” Mababa ang boses niya. Professional. Pero may kakaiba. “Update?” “About the access tracing.” Humigpit ang hawak ko sa telepono. “Talk.” “Someone has been requesting movement information.” Tahimik ako. “Media?” “Negative.” Malamig ang hangin sa office. “Then who?” May ilang segundong katahimikan. “At first, we thought internal curios

  • Silakbo    Mga Bagay na Hindi Na Maibabalik

    Elyse POV May mga umagang gusto mong paniwalaan na panaginip lang ang lahat. Na kapag dumilat ka mabubura ang gabing hindi mo maintindihan. Na may paraan para balikan ang isang sandaling pinagsisihan mo bago pa ito tuluyang mangyari. Pero paggising ko alam kong wala nang ganoong himala. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan habang pauwi kami mula sa outreach site. Tahimik. Masyadong tahimik. Nakatitig lang ako sa bintana habang mabilis na lumalampas ang mga puno at basang kalsada. Hindi ko magawang tumingin kay Gavin. Hindi dahil galit ako. Mas mahirap. Dahil natatakot ako sa sarili kong nararamdaman. At mas natatakot ako sa katotohanang kahit ilang beses kong ulitin sa isip ko na mali ang nangyari… hindi mabura ang alaala ng init ng mga yakap niya. At iyon ang pinakakinaiinisan ko. Humigpit ang hawak ko sa bag. Hindi dapat. Hindi dapat nangyari. Hindi ako ganoong babae. Hindi ako iyong madaling matangay. Matagal kong iningatan ang sarili ko. Hindi dahil mahin

  • Silakbo    Ang Katahimikang May Presyo

    Helena POV May mga umagang hindi mo kailangang tumingin sa salamin para malaman na may mali. Ramdam mo agad. Sa bigat ng dibdib. Sa sakit ng batok. Sa katahimikang parang may hinihintay na masamang balita. At iyon ang klaseng umagang bumungad sa akin. Maaga akong nagising. Madilim pa ang langit sa labas ng penthouse, nababalutan ng manipis na ambon ang salamin ng malalaking bintana. Humiga ako nang ilang segundo, nakatingin sa kisame. Tahimik. Masyadong tahimik. Paglingon ko sa kabilang bahagi ng kama walang tao. Bahagya akong napapikit. Hindi na bago. Matagal nang hindi pareho ang oras ng pagtulog namin ni Gavin. Minsan sa study siya natutulog. Minsan naman, madaling-araw na kung umakyat. Pero nakakainis aminin bawat pagkakataong wala siya sa tabi ko, may maliit na bahagi ng sarili kong napapagod nang umasa na babalik pa sa dati ang lahat. Dahan-dahan akong bumangon. Paglabas ko ng kuwarto, agad kong napansin ang ilaw sa kusina. Naroon si Gavin. Nakatayo sa har

  • Silakbo    Mga Linyang Hindi Dapat Tawirin

    Gavin POV Hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin ni Helena kay Elyse. Hindi dahil may karapatan akong mainis. Kundi dahil alam ko ang asawa ko. Kapag tahimik siya, mas delikado. At habang nakaupo ako sa opisina matapos ang meeting, hindi mawala sa isip ko ang imahe nilang dalawa sa café sa ground floor. Coffee. Conversation. Simple. Pero bakit parang may kung anong humihigpit sa dibdib ko? Humigpit ang hawak ko sa ballpen bago ko ito ibinaba. Nakakainis. Dahil wala akong dahilan para maapektuhan. Wala. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Sir.” “Update?” “Still tracing the access issue.” “Anything useful?” “May internal routing, pero hindi pa complete.” Sumandal ako sa upuan. “Keep digging.” Pagkababa ng tawag, naiwan akong nakatingin sa bintana. Sa ibaba, makapal ang ulap. Mukhang uulan ulit. At hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang gabing nasa driveway kami. Ang ulan. Ang halik. At ang paraan ng pag-alis ni Elyse. Parang may kung anong sumikip

  • Silakbo    Mga Bagay na Hindi Nakikita… Pero Nararamdaman

    Helena POV May mga gabi na kahit pagod ang katawan mo, tumatanggi pa ring matulog ang isip. At iyon ang klaseng gabi na mayroon ako. Mahina ang ulan sa labas ng penthouse habang nakaupo ako sa dining area, hawak ang malamig nang tsaa na matagal ko nang hindi iniinom. Alas-onse na. Wala pa si Gavin. Hindi naman bago iyon. Pero nitong mga nakaraang linggo, napapansin kong may pagbabago sa paghihintay ko. Dati, may inis. Ngayon may kaba. Hindi dramatic. Hindi hysterical. Mas tahimik. Mas mapanganib. Iyong tipong hindi mo maipaliwanag pero ayaw kang patahimikin. Tumunog ang elevator. Napatingin ako. Ilang segundo lang lumabas si Gavin. Bahagyang basa ang buhok. N*******d na ang coat at nakasukbit sa isang braso. Pero hindi iyon ang una kong napansin. Kundi ang mukha niya. Tahimik. At may kung anong magulo sa likod ng mga mata niya. “You’re late,” sabi ko. Huminto siya. “Power issue sa foundation.” Tumango ako. Possible. Normal. At bakit parang hindi sapat ang

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status