PHOENIX"Hey! Kanina pa ka pa ngumingiti d'yan. Maya-maya mapupunit iyang bibig mo!" Natauhan ako nang umugong ang nayayamot na boses ni Nicola. Malakas niyang tinapik ang balikat ko saka tinulak ako.Nasa KTV bar kami ng kaibigan ni Beaumont. Dinali kami rito dahil relaxing daw kaysa sa Disco Night Club na puno ng mga bangag at lulung sa alak. Sapagkat kami'y matanda na kaya nararapat kami rito. Tsk! 35 pa lamang ako... ang sama talaga ng tingin ng mga Gen Z ngayon. "Ano ba problema mo?! Ba't di ka na lang umuwi sa mag-ina mo kesa mambwesit sa akin!" singhal ko. Inayos ko ang sarili matapos kong umigtad sa kinauupuan ko.Tumaas ang dulo ng labi niya sabay turo sa dulo ng KTV. "Hindi mo ba nakikita ang isang iyon? Malala pa 'yan sa bodyguard ko kung makabantay." Tinuro niya si Chandria—ang asawa niyang mabilis mapikon—na nakikipagkwentuhan sa asawa ni Mikhael. Nandito kami magpipinsan maliban kay Kendrix dahil may problema sila ni Elara. Nandito kami para i-celebrate ang Father's d
FREYA XYLLANilipat ko ang tingin kay Phoenix. Abala siya sa pagsubo ng pagkain kay Aiyanna. Nararapat talaga sa kanya ang titolo best dad in the world. "Pwede bang pumunta ng banyo, saglit?" lisensiya ko. "May masakit ba sa iyo?" tila nag-aalala niyang tanong.Pinipigilan ko ang pagbaligtad ng sikmura ko dahil sa nakakalunod na tensyon sa loob ng dining room. Gusto kong lumanghad ng sariwang hangin—rason ko lang ang pumunta ng banyo—ang totoo ay gusto kong maglakad-lakad sa hardin, tutal patapos na kami sa pagkain. Mabuti na umalis ako rito kasi parang hindi ako welcome.Malakas akong napabuntong hininga nang makaapak sa hardin. Sariwa, malamig at presko ang hangin sa gabing ito. Tamang-tama para ma-relax ko ang mga kaugatan ko na kanina pa tensyonado sa pangyayari.Wow! Para akong nanaginip dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na muling umapak sa pamamahay na ito. Tama iyong sinasabi nilang kainin mo ang sinabi mo.Umupo ako sa rocking chair na nandoon. Sumandal at tumingala sa lan
FREYA Sunod-sunod akong napabuntong hininga habang nakatayo sa harap ng pintuan ng bahay ni Phoenix. Ito ang lumang bahay niya kung saan ako nanirahan dati ng limang taon. Bahay ito ngayon ng mga magulang niya.Lumambot ang tuhod ko kasabay ng paglakas ng tibok ng puso. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba."Ate Freya hindi po ba kayo papasok?" malamyang tanong ni Phoebe. Nakasuot siya ng makintab na casual dress at nakatali ang buhok. "P-Pasok ako. Pasens'ya na," sagot ko. Umani 'yon ng namamanghang tingin.Dadalo lang kami ng family gathering sa gabing ito. Nauna kami ni Phoebe na dumating dito dahil inasikaso pa Phoenix ang dalawa. Hindi pa nga kami nakakarating ay na dumihan ang suot ng dalawa. Kasalanan niya dahil binigyan niya ng ice popsicle ang mga bata."Let's go!" Si Phoenix , nasa tabi kk na siya. Kalong niya ang kambal. Nalaglag ang panga kasi imbes ma formal ang susuotin ay naka-pajama sila. Hindi ako mapag-sermon dahil late na kami. Sumimangot na lamang ako. Naka
FREYAI'm not a special guest here, but an hostage.... Gusto kong isigaw iyon sa mukha ni Kendrix."Long time no see sister in-law," he drawled mockingly. "And I'm proud of my brother because he finally caught you. Mahirap pala hulihin ang mga hybrid."Humagikhik siya. Samantala sumimangot ang kasama niyang babae. "Oh my darling, Elara, meet your in-law. Bigatin ang isang iyan. Parehas talaga kayo," sabi niya rito. Malamang ito ang asawa niya. Kilala si Kendrix na babaero at tuso kaya himala na magsto-stick sa isang babae. Saka astig ang asawa niya, may malaki siyang bicep na halatang suki ng gym, kaya kung sakali man pagtaksilan ng ay sigurong i-a-arm lock niya.Magaan ang loob ko kay Elara kasi tila nararamdaman ko na pareho kaming may pasanin sa buhay. Nahalata ko sa likod ng ngiti niya na may tinatago siyang hinanakit kay Kendrix."It's my pleasure to meet you, Elara. I'm Freya Xylla, Phoenix's former wife," inosente kong pakilala.Namilog ang mga mata niya saka kinurot ang tagil
FREYA Mahina kong sinarado ang pinto pagkaapak ko ng mansion. Makapal at mabigat ang tensyon sa hangin. Walang ibang ingay maliban sa malakas na kabog ng dibdib ko. Kanina pa umalis ang mga katulong. Natapos din sa paghapunan ang mga nakatira rito at ang malaking kasalanan ko ay nawili ako sa spa kanina kaya ginabi ako.Lumunok ako.Pasado alas Nwebe na.Kumislot ako nang masipat siya.Nag-iisang nakaupo sa single dark sofa si Phoenix, tanging maliit na liwanag ng dim lamp at namamatay na liwanag ng sigarilyo niya. His face was mostly shadow-except for the gleam of his eyes. Hindi muna siya nagsalita pero hiyang-hiya ako.Hinintay niya ako. At mas masakit ang katutuhanan sa inaasahan. Parang nasa peligro ako at sinasadya niya 'yon. Gusto niyang malaman ko na bawat segundo na sinasayang niya ay may kabayaran."You're late," pakli niya sa mababa at kalmadong boses.Subalit hindi ako tanga. Nakakubli sa ilalim non ang inis niya sa akin. Umaastang mabait pero nasa loob ang kulo.Nag-isi
FREYA"Come to Papa," tawag ko sa mga anak ko. Kanina ko pa sila tinatawag na lumapit sa ama nila subalit naiinis sila."Ayoko!""He's not my Papa!"Protesta nila.Agad silang lumayo sa akin matapos ko silang tawagin.Bumuntong hininga ako sabay baling kay Phoenix na nasa tabi ko. Nasa sala kami, nanonood ng paborito nilang cartoon animation. Pinipilit ko silang lumapit sa ama nila kaso walang epekto.Inabot ko sa kanya ang paboritong cookies ni Alec. Nagtaka siya at hindi alam ang gagawin. "Ibigay mo dali!""Paano?" Tinulak ko siya. Muntik pa matisod nang lumapit sa anak niya. "Alec," tawag niya. Ayaw sana nitong tumapit pero nang makitanang paborito niyang cookies ay hinablot niya ito. Pinigilan kong ngumiti."Alec, ano ang sasabihin?" sabi ko sa kanya."Thank you..." pakli niya. Sinimulan niyang kainin ang sugar cookies."Thank you, Papa," pagtatama ko.Nilunok niya muna ang kinakain, napairap siya sa akin at bumaling siya sa ama niya. "Thank you, Papa."Para akong nabunutan ng t