Share

Chapter 3 Ate CC (Raizel’s POV)

NAPANGIWI ako nang makaramdam ng malakas na sapak mula sa likod ko. Nakainom na ako at nakakahilo ang impact ng sapak na iyon!

“Ikaw ha? Hindi kapatid ang turing mo kay Ravi? Isusumbong na talaga kita sa parents mo!”

Kinamot ko ang ilong sa inis. Sisingit na lang sa usapan, mali pa ang pagkakaintindi.

“Pwede ba, Bella, kung wala kang alam, manahimik ka na lang?”

Umikot ako paharap sa kanya. Nagtama pa ang ilong namin dahil sa sobrang lapit niya. Napatitig ako sa kanyang mata. Her pair of protruding eyes seem to be inviting me to look deeper in her soul.

Mayamaya ay tila may tumulak sa kanya dahilan para ang mga katawan naman namin ang maglapit. Is this how she get her boyfriends? Getting all touchy and such?

“Nakailang boyfriend ka na?” wala sa sariling tanong ko.

“B-Bastos!” sigaw niya sa mukha ko at sinundan pa ng malakas na sampal.

“Nakakarami ka na!” sigaw ko sa kanya pabalik.

Sapo ko ang pisngi ko. Ramdam ko na rin ang pagguhit ng init at sakit noon. Sa barako rin ang kamay ng babaeng ito. ‘Tαng ina, ni hindi nga ako nakaranas ng matinding palo sa nanay ko, sa kanya lang pala ako mabubugbog?

She just smirked at me. And yes, she’s happy that I finally raised my voice at her. Dahil ito ang palatandaan niya na napipikon na ako sa kanya.

“I’m your big sister, Raizel. At obligasyon ko na ituwid ang baliko mong dila, on behalf of Tita Ellyna!”

“Ang sabihin mo, gusto mo lang ako kaya ang clingy mo,” I said in resignation and drink on my glass. “Big sister, pweh!” dagdag ko pa.

“Ate CC, dito ka na lang sa tabi ko. Sira na ang gabi niyan ni Raizel kasi may nakasuntukan.” Tawag-pansin ni Meirin kay Bella.

“Kaya pala amoy dugo iyong mukha. Bakit hindi na lang tinuluyan? May reward sa akin kung sino may gawa niyan kay Rai.”

I snort when I heard her say things she had no idea about. Kapag sinabi rin namin na siya ang dahilan, magpapaka-ate na naman siya, mangangaral na animo’y mali ang ginawa ko roon sa lalaki na nambastos sa kanya. Pag-umpugin ko sila, eh.

Hindi ko na lang siya pinansin.

Nasanay siya na palagi siyang tama, palaging binibigay ang gusto, at palaging pinakikinggan. Tita G spoiled her too much. Kaya magkasundo rin sila ng kapatid kong si Raveia, parehong feeling entitled.

“Hoy bata, nakasimangot ka na naman. Sorry na po.”

Piningot ni Bella ang matangos kong ilong at hindi nakakatuwa iyon!

“Bakit ba palaging bata ang tawag mo sa akin? I’m at the legal age now. I can fuvk you if you asked me to prove it.”

“Bata, hindi naman tama iyang sinasabi mo sa girlfriend ko, ano?”

Isang malamig na kamay ang umakbay sa akin, maging ang baritonong boses nito ay naghatid ng takot sa buong pagkatao ko.

“Brice, stop it. Nagbibiro lang si Raizel. Tαrantado lang talaga iyan.” Awat ni Bella pero hindi nakatulong.

Humigpit ang hawak ni Brice sa balikat ko at ramdam ko na ang pamimilipit noon.

“Brice, let go. Lumpuhin pa naman si Raizel. Malalagot ako kay Tita Ellyna kapag umuwi kami na may pilay ang anak niya.” Pinipilit na ngayon ni Bella na hilahin ang boyfriend niya palayo sa akin.

“So you were living together?” Lalong humigpit ang hawak niya sa balikat ko.

“Y-Yeah…”

Fuvk it. Ramdam ko na ang malaking agwat ng edad at experience namin ng lalaki ni Bella. So this is one of the reasons why she keeps on calling me “bata.” I can’t fight back. Nakikipagbugbugan ako pero sa mga kaedad ko at alam kong kaya ko lang talunin tulad ni Eugene kanina.

“C-Come on, Brice. He’s just an idiot who runs his mouth. Kaya palagi akong nakabuntot sa kanya para sapakin ang bibig niyang walang preno. Binilin din kasi siya sa akin ng parents niya. Ako lang ang makakaintindi sa batang iyan.”

Stop it, Bella. I don’t want to be protected by you. Para ko na ring pinatunayan na kailangan kita bilang ate sa buhay ko.

Humugot ako nang malalim na hininga. Bahagya ko ring tinapunan ng tingin si Migz at Meirin. When they shook their head, I knew I am at disadvantage here.

Brice is not alone.

“I’m sorry, Ate CC,” I uttered in defeat.

“S-See? Nag-sorry na siya. Bitawan mo na.”

“Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo, bata. Not around my girl,” bulong ni Brice bago tuluyang bitawan ang balikat ko. “CC, come on.”

Nang makalayo sila, nakahinga ako nang maluwag. Pinagitnaan na rin ako ng kambal at ramdam ko sa hawak nila sa balikat ko ang panginginig nila. Namilipit din sa sakit ang balikat ko nang masagi iyon ng kamay ni Meirin.

“Grabe, akala ko katapusan na natin. Ang lalaking tao nila, Raizel!” ani Meirin. “Mukhang mga miyembro ng isang gang ang mga iyon. Ok lang kaya si Ate CC? Sana hindi nila gawan ng masama.”

“Let’s worry about ourselves first, Meirin. Baka hindi tayo makalabas nang buhay dito.”

Hindi ko magawang sumagot at sabihin na magiging ok din kami. Sikat na tαrantado at tinitingala kami ng block namin dahil kahit na palagi kaming uma-absent, kaming tatlo pa rin ang nag-aagawan sa top three. Pero hindi kami tinitingala dahil sa pakikipagbasag-ulo namin.

And tonight is different. Tulad ng sabi ni Meirin, malalaking tao ang kasama ni Brice.

I dialed Tito Brix’ number. I have no choice but to ask for back-up.

[Yo kiddo! Base sa background, alam ko na sumunod ka sa yapak ng tatay mo.]

“Stop it, Tito. Huwag mo munang sirain ang image ni Dad.” Tumawa siya sa kabilang linya. “Tito, I need your help. Bella is in danger—“

[Sinong Bella? Girlfriend mo? Bakit hindi man lang nagsasabi eh ‘di sana may guys’ party nang nagaganap ngayon. I take back my words. Mas mabilis ka pa sa tatay mo. Biruin mo, thirty-five years old na nagka-girlfriend. I mean, kasal agad. Ikaw, eighteen years old pa lang, may babae na. Ipakilala mo na sa Mommy’t Daddy mo.]

Nakainom ba si Tito? Ang daldal.

[Stop it, Brix!]

Oh crap! He’s with Dad! Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng mga kaluskos mula sa kabilang linya.

[Raizel, anong problema?] tanong ni Mom.

At mukhang nasa bahay pa sila. Ngayon si Mom naman ang kailangan kong kausapin.

“Mom, look. I need Tito’s royal guards. Bella is with these odd-looking men. May kasama naman siyang ibang babae pero nakakabahala pa rin.”

[Hayaan mo na ang Tita Mia mo na i-rescue ang anak niya. Don’t worry about her, Raizel!] sigaw ni Tito Brix.

Alam kong masyadong carefree si Tito, na sana nakuha ko, pero hindi nakakatulong!

Binaba ko na ang tawag nang hindi nagpapaalam kay Mom. Bahala sila!

“Ano daw?” nag-aalalang tanong ni Meirin.

“Ikaw na tumawag sa daddy niyo. Baka pumunta. Babae ka pa naman,” sagot ko.

Hinanap din ng mata ko kung nasaan na si Bella. She was still with Brice.

Nasa sulok sila at medyo madilim sa pwesto nila. May mga usok din.

Tita G, get your daughter out of here!

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status