Pabagsak na binuksan ni Vernice ang pintuan na siyang ikinagulat ng dalawang taong nagtatalik. “V-Vernice?” Nauutal na sambit ni Marjorie na halos magkulay suka na ang mukha nito, natataranta na hinila nito ang kumot upang takpan ang kanyang kahubdan. Mabilis na lumapit si Vernice sa kama at walang salita na sinuntok nito ang n*******d na si Alex. Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa matinding galit at ang tanging nasa isip lang niya ay patayin ang lalaking nagtangkang humalay sa kanya at umagaw sa pinakamamahal niyang babae.Pinaibabawan niya si Alex at wala siyang pakialam kahit pa nakikita niya ang pagkalalaki nito. Walang habas niya itong sinuntok sa mukha hanggang sa naramdaman niya ang bawat talsik ng dugo nito sa kanyang mukha.Sinikap na gumanti ng suntok si Alex ngunit hindi na iniinda ni Vernice ang sakit ng suntok nito dahil mas iniinda niya ang matinding sakit na idinulot ng pagtataksil sa kanya ni Marjorie.“Vernice! Pakiusap, tama na!” Umiiyak na sigaw ni Marjorie ha
Nanatiling nakatitig sa isa't-isa ang dalawa hanggang sa umangat ang mga paa ni Vernice mula sa sahig dahil binuhat siya ni Zac. Imbes na tumutol ay yumakap ang mga braso nito sa leeg ng binata bago ibinaon ang luhaan niyang mukha sa pagitan ng leeg ni Zac.Buhat ni Zac si Vernice na pang bridal style ng lumabas sila ng bar at walang pakialam sa atensyon na nakukuha nila mula sa mga tao sa kanilang paligid. Habang lulan sila ng sasakyan ay tahimik na umiiyak si Vernice sa balikat ni Zac, dahil sa pinaghalong emosyon at matinding kalasingan ay hindi maawat ang dalaga sa kanyang pagtangis. Labis na pagkahabag ang nararamdaman ni Zac para sa kanyang fiancee, hindi niya ito kayang makita na nasasaktan habang patuloy na sinisisi ang sarili sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Mahigpit niya itong niyakap habang masuyong hinahagod ang likod nito.Vernice Point of view Dahil sa labis na pag-iyak ay hindi ko na namalayan na nasa loob na pala kami ng kwarto ni Zac at natagpuan ko na lang ang ak
Vernice Point of view “Nagising ako na masakit ang buong katawan lalo na ang aking ulo ko, mukhang marami yata akong nainom kagabi at wala akong maalala sa mga nangyari. Dahil tinatamad pa akong bumangon ay nanatiling nakapikit ang aking mga mata, nagbago ako ng posisyon at niyakap ko ang unan sa aking tabi. Nagulat ako ng gumanti ito ng yakap bago kinabig ang aking katawan saka mabilis na inangat nito ang kaliwa kong hita at ipinatong sa kanyang baywang. Sa pagmulat ng aking mga mata ay kasabay ng pagbaon ng isang bagay sa aking kaselanan. Ganun na lang ang panggigilalas ko ng tumambad sa aking paningin ang mukha ni Sir. Zac, bigla akong napabalikwas ng bangon ngunit mabilis ako nitong kinabig at sa isang iglap lang ay nasa ibabaw ko na siya. “Ano ba, umalis ka nga d’yan!” Galit kong sigaw sa kanya, nakalimutan ko na ang sakit ng aking katawan dahil sa matinding galit ko sa kanya. Bumwelo ako upang itulak ito ngunit bigla akong natigilan ng isubo niya sa kanyang bibig ang dulo ng k
Vernice Point of view “Hi, babe.” Bati ko sa isang magandang babae habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa mapula kong mga labi. “Oh, hi, who are you? You’re so cute.” Natutuwang sagot sa akin ng dalaga kaya naman lalong naningkit ang aking mga mata ng tumawa ako, nakita ko na amaze ito ng lumitaw ang dalawang beloy ko sa magkabilang pisngi.“I’m Vern.” Ani ko sa klasikong boses upang lalo itong maimpress sa akin, hindi lang lugar ang maganda sa bansang Europe pati ang mga babae dito ay maganda sa aking paningin. “Oh, hi Vern, I’m Trisha, and it’s my pleasure to meet the most gorgeous person like you. Malamabing niyang sagot bago siya kumindat sa akin. Pakiramdam ko ay nahulog na yata ang puso ko, kung sakaling maging girlfriend ko ito siguradong kaiinggitan ako ng lahat dahil naka jackpot ako.“Vernice!” Galit na tawag sa akin ni Zac kaya naudlot ang akma kong paghawak sana sa kamay ng dalaga at halos sabay pa kaming napalingon nito sa direksyon ni Zac.“Tsk, kahit kailan t
Vernice Point of view “Saan ba kasi tayo pupunta at kailangan pa talaga na couple shirt ang suot natin?” Nagmamaktol kong tanong habang hila-hila ni Zac ang aking kanang kamay.“It’s our last night here in Europe so let’s enjoy this night.” Nakangiting sagot ni Zac na tila walang pakialam sa nakasimangot kong mukha at sa walang humpay na kakareklamo ko. Tinatamad kasi ako na lumabas ngayon at gusto kong matulog kaso mapilit ang isang ‘to kaya wala na akong nagawa ng hilahin na ako nito at hindi ko alam kung saan kami pupunta.Nawala ang inis ko ng tumambad sa akin ang malawak na karagatan at ng mga oras na ito ay nagtatakip silim na kaya nagsabog ang kulay kahel sa buong kalangitan. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim kaya natural na romantic ang dating ng buong paligid.Literal na umawang ang bibig ko dahil sa labis na pagkamangha, ito kasi ang unang pagkakataon na nasilayan ko ang paglubog ng araw mula dito sa dalampasigan. “Do you like it?” Masuyong tanong sa akin ni Zac habang pare
“”What a face? Hmmm…” naglalambing na tanong ni Zac ng makita niya na malungkot si Vernice habang nakatanâw mula sa himpapawid. Kasalukuyan silang lulan ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Lumingon sa kanya ang nobya saka nang-aasar na ngumiti.“Iniisip ko ngayon sa pagbabalik natin sa Pilipinas ay kung ano ang iisipin ng mga tao sa ating dalawa at kung sino ang bakla sa atin?” Anya bago nag taas-baba ang kaliwang kilay. “It doesn’t matter, Sweetie, because the important thing is me and you.” Nakangiting sagot ni Zac bago ginagap ang palad ng dalaga.“Tsk, it’s weird, because until now ay hindi ko pa rin matanggap na pumatol ako sayo.” Namamangha na pahayag ni Vernice bago tumingin sa mukha ng kanyang nobyo.“Hm, maybe because I’m handsome? Kaya patay na patay ka sa akin?.” May pagmamayabang na litanya ni Zac bago nito hinalikan ang kamay ni Vernice. “Hell, NO!” Mariing tutol ng dalaga na siyang ikanatawa ng malakas ni Zac, hindi maikakaila ang matinding kasiyahan sa mukha nito sa t
“Three thirty na ng hapon at kasalukuyan kaming nakatambay sa tindahan ni aling Chona. Bakit ganun? Maingay naman ang buong paligid dahil sa mga tunog ng sasakyan at sigawan ng mga tao. Ngunit, bakit pakiramdam ko’y napakatahimik pa rin parang walang buhay ang maghapon ko.“Huh!” muli ko na namang narinig ang malalim na buntong hininga ni Josh kasalukuyan itong nakaupo sa aking tabi na tila wala sa kanyang sarili. Well, pareho lang kami dahil halos nagpa-paligsahan kaming dalawa sa pagpapakawala ng mabigat na buntong hininga habang nakatingin sa kawalan.Tulad ko ay may kinakaharap din siyang problema dahil iniwan na siya ng kanyang ka live in partner. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng trabaho habang ako naman ay namomroblema kung ano ang kailangan kong gawin para tuluyang mawala sa buhay ko si Zac.Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa trabaho dahil sa kakaiwas ko sa kanya at hindi ko rin sinasagot ang mga tawag nito hanggang sa nalowbat na lang ang cellphone ko. Nagyaya si Josh
Habang naglalakad ay panay ang bilang ni Vernice sa kanyang mga daliri bago tiningnan ang calendar mula sa kan’yang cellphone.Bigla siyang kinabahan ng maalala na katatapos lang ng tatlong linggo ay hanggang ngayon hindi pa rin siya dinadatnan ng kan’yang buwanang dalaw. Para makasigurado kung tama ang kanyang hinala ay bumili siya ng pregnancy test. Pagdating sa kanilang bahay ay kaagad niya itong ginamit at ganun na lang ang panlulumo niya ng makita ang dalawang pulang linya mula sa maliit na device.“Ang tanga mo Vernice! Bakit ko ba nakalimutan ang posibilidad na maaari akong mabuntis? Ano ng gagawin ko ngayon? Paano kung babae ang magiging anak ko? Ano na ang mangyayari sa aming mag-ina? Siguradong tuluyan na akong itatakwil ng aking angkan sa oras na malaman nila ang tungkol sa ipinagbubuntis ko dahil malalagay sa matinding kahihiyan ang buong pamilya ko.” Tuluyan ng napahagulgol ng iyak si Vernice dahil mga katanungan na naglalaro mula sa kanyang isipan. Hindi pa nga niya alam