INICIAR SESIÓN“Cass, lasing ka na. Umuwi na tayo para makapagpahinga ka,” sabi ni Zion.Umiling si Cassandra. Kumapit siya sa kuwelyo nito, mahina pero desperado.“Zion, sagutin mo ang tanong ko,” aniyang basag ang boses. “May pag-asa ba ako sa puso mo? Kahit konti lang?”Natigilan si Zion.Parang may humigpit sa dibdib nito habang nakatingin sa mga matang punong-puno ng luha. Hindi siya nagde-demand. Nagtatanong lang. Nanghihingi lang ng kahit maliit na puwang.Napangiti si Cassandra nang masakit. “Kasi kung meron… kahit konti lang… maghihintay ako.” Nanginginig ang labi niya. “Hindi kita mamadaliin. Hindi kita pipilitin. Basta sabihin mo lang na may lugar ako. Na may nararamdaman ka kahit katiting para sa akin.”Hindi nakapagsalita si Zion.Sa likod nila, inaalalayan naman ni Thess si Fiona na halos hindi na makalakad.“Careful,” sabi ni Thess.“Thess… bakit parang ang strong mo? Ni hindi ka nalasing,” bulol na sita nito.“Ihahatid na kita sa inyo.”***Pagdating sa bahay, kalahati lang ang naala
Fiona leaned back, tipsy na rin, pero mas honest kaysa kanina.“Basta ako, first love ko si Zion. Magkababata kami. Kaya dapat kami ang end game.”Cassandra smiled faintly through her tears.“End game?”“Oo. Ako ang nauna. Kami ang bagay. Ako ang kilala ng pamilya. Tapos dumating ka. Okay, legal wife ka. Tanggap ko na kahit masakit. Pero ngayon may Chelsea pa?” Fiona pointed at nothing, drunk and dramatic. “Hindi. Dapat nating mapatalsik ang haliparot na ‘yon.”Thess raised a hand. “Suggestion lang, baka pwedeng hayaan nating magpaliwanag si Zion.”Fiona glared. “Kampi ka ba sa kanya?”“Kampi ako sa kapayapaan.”“Hoy Thess, baka akala mo nagtitiwala ako sa’yo. ‘Yang mukha mo, parang nakita ko na talaga,” ani Fiona.“Oo, nga eh. May kamukha, parang nagtatrabaho sa Silver Lining,” susog ni Cassandra.“Sobrang ganda ko lang talaga. Kakampi ninyo ako, sige. Sugurin at kalbuhin si Chelsea!”Cassandra laughed softly.Pero nauwi rin sa luha ang tawa niya.Uminom siya at kumanta pa.Hindi na
Hindi lang ito kwento ni Fiona. Hindi lang ito malisyosong litrato. Nasa loob mismo ng bahay ang picture. Nakadisplay.May nabasag sa dibdib ni Cassandra.Hindi siya umiyak o sumigaw.Mas malala.Napangiti siya.Yung ngiting ginagawa ng taong ayaw bumagsak kahit wasak na ang puso.Fiona stood beside her.“Sinabi ko sa’yo,” mahina nitong sabi.Hindi na alam ni Cassandra kung paano niya naibalik ang picture frame sa shelf.Parang may kamay na hindi sa kanya ang gumalaw. Maingat pa niyang itinuwid iyon, na para bang may karapatan siyang ayusin ang litrato ng asawa niya at ng babaeng hindi niya kilala.“Cassey…” mahina ang boses ni Thess mula sa likuran niya.Hindi lumingon si Cassandra.Kung lilingon siya, baka makita ng mga ito ang sakit na hindi na kayang itago.“Girls,” sabi ni Thess, halatang pinipilit maging kalmado, “kailangan na nating umalis. Trespassing tayo.”Tahimik pa rin si Cassandra.Si Fiona naman, ay hindi rin agad nakapagsalita. Tumingin ito sa picture frame, pagkatapos
Natigilan si Thess. “Baka kahawig ko lang.”“Actually, iniisip ko din kung sino ang kamukha sa Silver Lining ni Thess,” ani Cassandra.Nasamid si Thess. “Porke maganda, madami ng kamukha?”Nagtawanan sila.Nang sumakay sila sa kotse ni Fiona, ito ang nagmamaneho, kalmadong-kalmado na para bang hindi sila papunta sa bahay ng babaeng pinaghihinalaan nitong ibinabahay ng asawa ni Cassandra. Si Thess naman ay nasa tabi ni Cassandra, panay ang ayos ng scarf at sunglasses kahit gabi na.Habang umaandar ang kotse, tahimik si Cassandra.Sa tabi niya, palihim na kinuha ni Thess ang phone.Mabilis itong nag-type.“Sir, malapit na po kami. Repeat, malapit na po kami. I am losing control of the women. Send help.”Bago pa nito ma-send, napatingin si Cassandra.“May tinetext ka?”Mabilis na itinago ni Thess ang phone sa bag.“Bible verse.”Fiona glanced at the rearview mirror. “Bible verse?”“Oo. For protection.”“Anong verse?” tanong ni Fiona.Thess smiled with panic. “Thou shall not stalk.”“That
Pumasok si Theo sa opisina ni Zion na parang may bitbit na bomba.Hindi ito kumatok nang maayos. Hindi rin ito nagbiro gaya ng nakasanayan. Hawak nito ang cellphone sa isang kamay, habang ang mukha ay halatang nasa pagitan ng takot at pagsisisi sa trabahong napasukan.“Sir!”Hindi tumingala si Zion. “Ano?”“Tumawag si Mrs. Saavedra. Sa akin. Sa number ko.”Doon lang huminto ang kamay ni Zion sa papel.Mabagal niyang itinaas ang tingin. “Why?”Napalunok si Theo. “Girl mission daw po.”“What girl mission?”“Hindi ko po alam. Hindi po sinabi.”Hindi siya nagsalita agad. Pero sa loob niya, may kung anong bumigat.Bigla niyang naisip si Cassandra.Hindi pa niya nasasabi ang tungkol kay Chelsea. Hindi pa niya nasasabi kung bakit kailangan niyang tulungan ang babaeng iyon.At ngayon, tinawagan nito si Thess.Dahan-dahang tumayo si Zion.“Theo.”“Opo?”“Makipagkita ka. Mag-transform ka.”Napapikit si Theo. “Sir, this is harassment,” madamdaming sabi nito.“This is employment.”“May hazard pay
Hindi agad nagsalita si Cassandra.Nakatitig lang siya sa phone ni Fiona, sa litratong inilagay nito sa mismong harap ng mukha niya.Si Zion, nakatayo sa harap ng isang bagong gawang bahay.Sa tabi nito, isang babae.Simple ang babae pero maganda. Mahinhin at hindi mukhang palaban.“Hinanap ko pa talaga ang angle na hindi masakit,” sabi ni Fiona, habang dahan-dahang ibinaba ang phone. “Pero kahit saan tingnan, masakit talaga.”Dahan-dahang inangat ni Cassandra ang tingin. Ramdam niya ang lamig na gumagapang sa dibdib niya, pero pinilit niyang tumayo nang tuwid. Hindi niya bibigyan si Fiona ng kasiyahang makita siyang gumuho.“Hangga’t hindi nakikita ng dalawang mata ko, hindi ako maniniwala.”Napakurap si Fiona. Pagkatapos, natawa ito. Half-mocking. Half-annoyed.“Hay, Cassandra Rosales, ngayon ko lang nalaman na martir ka pala.”Nanigas ang panga ni Cassandra.Ayaw niya sa salitang iyon.Martir.Parang babaeng walang sariling isip. Parang babaeng pipikit na lang kahit niloloko. Paran
Amoy semento at bakal ang paligid. Si Jenny ay naroon upang i-check ang site report na iniwan ng project engineer. Nagpilit siyang bisitahin ang site. Baka makakita siya ng ebidensya.Bigla siyang napansin ang kakaibang kulay at amoy ng bagong dating na cement mix. Kinuha niya ang sample at inamoy,
“Imbes na suspendihin si Mr. Tuazon, na magmumukhang pag-amin sa publiko, imungkahi kong maglunsad tayo ng full independent investigation, pinamumunuan ng third-party safety at forensic team. Transparent at bukas sa media ang magiging resulta,” ani Jenny.Nagkatinginan ang mga board member. Nagpatul
Sa maliit na kubo, maririnig ang marahang pagpatak ng ulan sa pawid na bubong, tila musika na lalo lamang nagpapainit ng gabi. Nakaakbay si Sebastian kay Jenny habang nakaupo sila, hawak-hawak ang baso ng alak.“Ang ganda ng gabi, kahit umuulan,” mahina niyang bulong habang nakatitig sa mga mata ni
Paano kung totoo ang iniisip niya? Paano kung pamalit lamang ang turing sa kanya ni Sebastian? Mga tanong sa isip ni Jenny.Humiga siya sa kama, hawak ang unan na parang doon ibinuhos ang sakit at lungkot.Kinuha niya ang cellphone sa bag. Ilang linggo na siyang hindi nakakapagbukas ng social media







