Se connecterAyan ha! TINANNONG KAAAAAAAA
Halos tinakasan ako ng lakas ng makaakyat sa unit ko.Pumasok ako sa loob, isinara ang pinto. Hindi ko muna binuksan ang ilaw. Ang tanging nagbibigay ng liwanag sa loob ng sala ay ang maliit na lamp na nakalimutan kong patayin kanina, at ang maputlang liwanag ng buwan na tumatagos mula sa bintana.Masyadong mabigat ang katawan ko. Pagod ang utak ko sa bilis ng mga pangyayari. Pagod na pagod na akong maging laruan ng magkapatid na Vladefiero.Unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko, mga luha ng matinding galit at kawalan ng pag-asa.Ngunit bago pa ako makahakbang papunta sa kwarto ko... natigilan ako.May kakaibang presence akong naramdaman.Bago pa man ako makakapa sa switch ng ilaw, sumoksok sa ilong ko ang isang amoy na nagpatindig ng lahat ng balahibo ko sa katawan.Ang pamilyar na mamahaling pabango ng lalaking kilalang kilala ko.Nanlaki ang mga mata ko. Sa liwanag na nagmumula sa maliit na lamp, nakita ko ang isang malaking bulto ng tao na nakatayo sa gitna ng sala ko.Na
Nanatili akong tikom ang bibig sa loob ng sasak’yan. Ayaw kong magsalita at wala akong ganang magsalita.Nakasandal ako sa malamig na bintana ng itim na Bentley ni Zion pero ang utak ko ay bumabalik parin sa lahat ng narinig at nalaman ko kanina sa VIP lounge.“Nakita mo ba ang mukha ni Zian kanina? Nakakatawa talaga siya!”Binasag ni Zion ang katahimikan. Tumawa pa siya ng mahina.“I never imagined na gano’n siya katinamaan sa’yo, Bab—”“Don’t call me babe at hindi ako natutuwa sa’yo! Sa inyo!” sagot ko!Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumagot, naiinis na talaga ako sa lalaking ‘to. Nandidiri ako sa sarili ko na kailangan kong umupo sa tabi niya kanina at hanggang ngayon!At si Zian, may lakas pa siya ng loob na magpaliwanag sa akin kanina!Kaya pala siya nagpapagamot sa’kin! Kasi kailangan niyang makabuntis dahil kailangan niyang manatiling CEO. Kailangan niya ng tagapagmana. At dahil hindi gumagana ang pagkalalaki niya sa ibang babae, kailangan niyang makuha ang loob ko. Kailan
71:“The only woman who can touch me is YOU!”Natigagal ako, hindi ko inasahang sasabihin niya iyon kahit pa nasa labas lang ang babaeng papakasalan niya. For corporate cover man o hindi, ikakasal parin sila.Seryosong-seryoso talaga siyang nakatingin sa akin. Ang labi ko, naghihintay ng sagot, naghihintay na maniwala ako sa kan’ya.Unti-unting bumababa ang mukha niya. Habang ang mga mata ay naniningkit na naka tingin sa akin, ni hindi siya kumukurap.Napalunok ako.Ano bang nangyayari sa akin? Bakit pakiramdam ko gusto kong pumikit. Gusto kong magpadala sa init ng katawan niyang nakakulong sa akin.Ngunit bago pa man maglapat ang aming mga labi, isang matinis at nakakabinging tunog ang bumasag sa tensyon.Ring. Ring. Ring.Ang cellphone ko sa loob ng maliit kong clutch bag.Awtomatikong nanlamig ang buong katawan ko. Parang binuhusan ako ng yelo. Ang pangalang nag-flash sa screen ng isip ko ay sapat na para ibalik ako sa malupit na reyalidad. Si Zion.Ang demonyong ginamit ang sex ta
Si Zian.Nakatukod ang isang kamay niya sa pader sa gilid ng ulo ko, kinukulong ako sa pagitan ng malamig na tile at ng nag-aapoy niyang katawan.Ang kabilang kamay niya, ang kamay na ginamit niya para takpan ang bibig ko, ay may nakapulupot na puting panyo na ngayon ay basang-basa na ng mapulang dugo.Ang mga mata niya... God, ang mga mata niya. Nagliliyab ito sa isang pinaghalong galit, selos.Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko, ngunit hindi siya umatras. Ang mukha niya ay ilang pulgada na lang ang layo sa mukha ko. Ang mabilis at mabigat niyang paghinga ay tumatama sa mga labi ko.“Why?” Isang tanong. Paos, basag, at punong-puno ng hindi ko mabasang emosyon. “Tell me why the fuck are you with him, Hyacinth?”Nanginig ang mga labi ko. Bakit parang hinihila ang katawan ko na yumakap at maghanap ng kanlungan sa kan’ya.Gusto kong isumbong sa kaniya na blina-blackmail ako ni Zion, na hawak ng kapatid niya ang reputasyon naming dalawa.Pero hindi pwede. Kung malalaman n
Explosive. Parang bombang sumabog sa mismong pagkatao ko ang lahat ng nangyayari. Ang blackmail. Ang mga sex tape na hawak ng demonyong katabi ko.“He... he surprised me,” pilit na pilit kong sago pero hindi ko pinahalatang nanginginig ako. Naramdaman ko ang kuko ni Zion na bumaon sa hita ko, isang paalala na kailangan kong galingan ang pag-arte. “It was... something I couldn't say no to.”“See?” Zion chuckled, bringing my hand to his lips and kissing my knuckles. “She's so completely mine. Hindi niya ako kayang tanggihan. Tell them, baby. Tell them how happy you are in my arms.”Gusto kong isuka ang mga salitang kailangan kong bitiwan. Tiningnan ko si Zian. Ang mga mata niya ay nagtatanong, naiinis, at nagliliyab sa selos at galit.Ikaw lang ang gusto ko, Hyacinth. Ang mga salita niya noon ay bumalik sa isip ko.Pero ano ang magagawa ko? Kung magsasalita ako ng totoo, sisirain ni Zion ang buhay ko, pati na rin ang kay Zian.“I’m... happy,” mabilis kong pagbigkas, iniiwas ang tingin k
Pakiramdam ko ang lamig sa loob ng VIP suit ay isang nakakapasong init, sobrang init ng pakiramdam ko dahil hindi ko maintindihan ko ano ang agenda nitong si Zion para magkaroon ng isang double date.Hindi lang basta double lang, double date nil ani Zian? At itong si Ms. Karson…Ngunit ang mas malala ay ang katahimikan na bumalot sa aming apat.Nakaupo ako sa tabi ni Zion.Ang kaniyang malaking kamay ay mahigpit na nakapatong sa hita ko sa ilalim ng mesa, ang mga daliri niya ay mariing nakabaon sa utak ko ang sinabi ni Zion.Just pretend a happy date... I want you to agree in everything I say tonight.Madali lang naman ang pinagagawa niya kumpara sa ibang blackmails na karaniwang ginagawa ng mga blackmailer, mag papanggap lang akong masayang nakikipagdate sa kan’ya.Pero bakit parang ang hirap gawin?Lalo na’t sa harap ni Zian?Nakatitig ito sa akin. Ang kaniyang panga ay igting na igting, at ang kaniyang mga mata ay madilim at nanlilisik.Walang bakas ng lalaking may ED, para nga sil







