Share

Chapter 7

Author: Gixxserss
last update Huling Na-update: 2021-03-08 09:01:11

Nang makarating kami ni Darrel ng Condo ay nauna na naman siyang naglakad. Nakasunod lang ako sa kaniya habang nakayuko. Hanggang sa makarating sa unit ay hindi padin kami nag kikibuan.

Nalimutan ko hindi pala talaga kami nag uusap. Hayyss. Bahala siya sa buhay niya.

Pagkapasok na pagkasok namin ay dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis. Naisipan kong kausapin siya kaya pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto.

"Hindi pa yata siya lumalabas," bulong ko. 

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya para tawagin siya.

"Darrel." Tawag ko.

"Pwedi ba tayong mag usap?" tanong ko mula sa labas ng pinto. Kumatok padin ako. "Darre--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto.

"What do you want?" malamig niyang tanong habang nakakunot noo.

"Pwedi ba tayong mag usap?kahit saglit lang?" napayuko ako habang nagsasalita. Hindi ko naman gusto na palagi kaming ganito.

"Sige, magbibihis lang ako." 

Pumunta na akong living room at umupo sa malambot na sofa. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya galing kwarto na na suot ang kulay itim niyang sando. Umupo siya sa harap ko na sofa at blangko akong tiningnan.

"Tungkol sana sa'tin."

"Wala namang meron sa'tin." Malamig niyang sambit. Alam ko naman kailangan pa talagang ulit-ulitin?

"Hindi 'yan, puwedi bang magkasundo tayo kahit magkaibigan lang? Palagi ka nalang kasing galit minsan hindi na ako nakakakain kasi hindi ka nakapag luto, hindi ako marunong. tapos hindi mo din ako hinintay papuntang school, minsan mo na akong iniwan mabuti nalang nakita ako ni Yohan." Sunod-sunod kong sabi gamit ang malumanay kong boses pero hindi man lang siya nagsalita. Nagsimula na akong magdamdam. Lahat ng sama ng loob na naipon ko dahil sa kanya.

"Darrel, hindi ko din naman ginusto 'to." Sabi ko habang naluluha na. "Kung ayaw mo talaga nito, ako nalang ang hahanap ng paraan para hindi matuloy ang kasal." Tumulo na ang mga luha ko at dali-dali kong pinahid ito.

"Kasi hindi ako sanay na ganito ang trato sa'kin," napahikbi ako.  "Oo wala naman talaga akong kaibigan maliban kay Yohan, siya lang 'yung nagpapasaya sa'kin, siya 'yung laging nandyan." Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Ang sama lang talaga sa loob.

Nakita kong tumayo siya. Akala ko aalis na siya pero lumapit siya sa'kin at pinahid ang mga luha ko. "Sorry, Pen." Pinatayo niya ako at niyakap. Hinimas niya ang buhok ko.

"Ano ba kasi ang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya.

Bigla siyang kumalas at umalis sa harapan ko. Nagalit ba siya? 

Pumasok siya sa kwarto niya at naiwan akong umiiyak sa sala. Hindi ko siya maintindihan. Nakakabobo siya.

Akala ko hindi na siya babalik pero bumalik siya at dumeretso sa kusina.

"Come here, I'm gonna cook for our dinner." Sabi niya. Bumalik muna ako sa kwarto para mag hilamos. Tiningnan ko ang mga mata ko sa salamin.

"Namaga yata siya kakaiyak.  Sorry my beautiful eyes." Bulong ko. Lumabas na agad ako at dumeretso sa kusina.

Umupo ako sa stool at tiningnan siya habang nagluluto. Ang seryoso naman niya. Mabait naman siya 'pag magkakasama kaming lahat ng fans club niya. Sadyang hindi niya lang talaga ako gusto. Tama.

"Dar, ano ang lulutuin mo? Bakit ba kasi wala tayong maid." Tanong ko sakanya habang nakasimangot.

"Hindi na natin kailangan no'n.  Marunong naman ako." Sagot niya. 

"Eh kasi kapag galit ka hindi ka nagluluto." Napanguso ako. Hindi tuloy ako makakain. Kingina ka!

"Sorry, hindi ko na uulitin. Lagi na akong magluluto mula ngayon." Ngumiti ako sa sinabi niya. "Hindi pa ba alam ni Yohan na nasa iisang bahay lang tayo?" nagtataka niyang tanong.

"Hindi, baka kasi magalit ka. Hindi mo nga pinapakita sa iba na magkasama tayo eh." Asik ko sakaniya.

"Pagkatapos nalang ng kasal natin." Nilagay niya ang pagkain sa mesa. Kung tutuusin parang nasa simpleng pamumuhay lang kami.

"Gusto mo ba talagang magpakasal sa'kin? Puwedi ko namang sabihin na hindi ko kaya para 'wag kang masisi." Ayaw ko kasi na napipilitan lang siya.

"Okay lang, hindi naman masama, para din naman sa'tin 'to, nahirapan lang talaga akong tanggapin." Sabi niya habang naglalagay ng pagkain sa pinggan. "Pero 'wag mong asahan na magbabago ang trato ko sa'yo."

"Akala ko magiging magkaibigan na kami, loko-loko talaga." Bulong ko.

"Naririnig ko." Sabi niya. Napakagat nalang ako ng labi baka magalit na naman. 'Wag mong painitin ang ulo Pen.

"Suplado talaga."

Pagkagising ng umaga ganun padin ang routine. Muntikan na akong iwanan ni Darrel. ang bilis niyang mag lakad shemmay.

Pagdating sa school syempre nauna siyang maglakad at sumunod ako. Hindi din naman kami nag uusap pag nasa klase. Minsan tumititig siyang naka kunot ang noo pag tumatawa kami ni Yohan ng malakas. Naiirita yata siya sa boses ko o naiingit siya dahil laging maarteng babae ang kausap niya?

"Pen, may tugtog kami bukas ah?Ang sinabi mo sa'kin ka susuporta." Tumawa siya habang dinuduro ako.

"Mabuti na lang at pinaalala mo,  muntik ko ng malimutan, hala! magpapagawa pa pala ako ng tarpaulin." Natataranta kong sabi habang nakahawak ang isang kamay sa bibig. Nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"Gumawa ka nalang ng banner sa cartolina. Puwedi din naman 'yun. Konti pa ang gastos." Kumindat siya at ngumiti. Ang lalaking 'to talaga oh.

"Ah, siya nga pala may practice kami mamaya. Ilalakad nalang kita hanggang parking lot, Okay?" tiningnan niya ako sa mata at pinisil ang pisngi ko.

"Aray naman. Bibili pa naman ako ng gagamitin." Sabi ko. Ngumiti ako ng may maalala ako.

" Ano ang isisigaw ko bukas? Ganito ba?" natatawa kong tanong kumuha ako ng buwelo at sumigaw.

"GO YOHHAANNNNN, ANG GALING MONG GUITARIST, IDOL NA TALAGA KITA WOOOO." Matching taas-taas ng kamay.

"Okay naba 'yun?" hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang tinitingnan ako.

Napansin kong tumahimik ang buong klase na tumitingin sa'kin. Nanlaki ang mata ng iba sa sobrang gulat. Napa peace sign nalang ako at tumawa kaming dalawa ni Yohan. 

"'Yang bibig mo talaga penn, parang nilagyan ng megaphone." Sabi niya habang tumatawa.

"Kaya pala bigla silang tumahimik." Tawa padin kami ng tawa.

"Ehemm.. nagkakaplema yata ako ah?" sabi ni Darrel. Hindi ko mapigilang ngumiti sakanya. 

"Bro, may tubig ako dito gusto mo? Kakanta ka mamaya at bukas kaya ingatan mo ang boses mo." Nag-aalalang sabi ni Yohan.

"No thanks." Sagot niya. Ang arte talaga. Aha! Gagawan ko kaya siya ng ininom na luya. Isesearch ko nalang sa YouTube kung paano gawin.

Pagkatapos ng klase ay sinamahan ako ni Yohan hanggang parking lot gaya ng sinabi niya.

"Dito nalang, Yohan. May practice pa kayo. Pupunta akong mall para bumili ng gagamitin. Mag tataxi nalang ako." Sunod-sunod kong sabi. Baka kasi malate siya at pagalitan pa siya ni Teacher V.

"Safe ba ang taxi? Samahan nalang kaya kita?" Nag aalala niyang tanong. Nakita ko kung paano namungay ang maganda niyang mata.

"Oo naman nuh, sige na! Tatawagan kita pagdating kong mall okay? May number ka naman dito sa phone." Pinakita ko ang number niya sa phone ko.

"Sige, basta tawagan mu'ko." Sabi niya habang nakanguso. Tumango ako sakanya at nag paalam na.

Aalis na sana ako papuntang daanan ng sasakyan ng may nagsalita. "Hanep! nagpaalam ka sa kanya pero sa mapapangasawa mo hindi, at tatawagan mo pa talaga ah?" nakita kong ngumisi si Darrel na parang na iinsulto. 

"Wala ka namang pakialam kung ano ang gagawin ko ‘di ba? Ba't parang affected ka?" asik ko habang nakakunot ang noo.

"Pumasok ka sa sasakyan, I'll drive you to the mall." 

"Pero may practice pa kayo." Sabi ko at pumasok sa kotse. 

"Alam ko na naman ang piece ko, hindi ko na kailangan mag practice." Seryoso niyang sabi. Aba! Ang confident ah?

"Puwedi naman akong mag taxi." Pagdadahilan ko.

"Never ride a taxi, Penn. That's not safe." Pinaandar na niya ang makina at pinaharurot ang kotse papuntang mall. Hindi na ako nagpakipot pa. Minsan lang 'to nuh!

.

.

.

.

.

A/N: Happy Reading:)

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rose ann Blando
nganu man ni ui chada na unta Dili pa mahuman......
goodnovel comment avatar
Rose ann Blando
ahayyy Dili ta katiwas
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Special Chapter-Revelation 2

    Darrel's POVWhile listening to the two old man in front of me and drinking some liquor, I suddenly look at Peny's father."'Yung---anak kong 'yun, si Peny. Mahal na mahal ko 'yun." He pointed his finger to me. I was shock. "Kaya ikaw---- 'wag mo siyang sasaktan!" Hindi ako lasing kaya natulala ako habang sinasabi ni Tito sa'kin 'yun. Lalo na't sapol na sapol ako sa sinabi niya, dahil minsan ng umiyak si Peny nang dahil sa'kin at dahil sa nga kagagawan ko. Good thing my Dad defend me. Hindi ako masyadong makapagsalita dahil sa guilt na nararamdaman ko. Lasing na lasing na silang dalawa kaya siguro ganyan ang lumalabas sa mga bibig nila. Napatingin ako babaeng pumasok na nakasuot ng kulay itim na pajama, yeah! She's Peny. Ang ganda niya but i can't say that to her. Inalalayan niya si Tito para tumayo.

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Special Chapter -Revelation

    Darrel POVI was in a 7th grade when I met a very loud girl named Penelope. She always cheer me when i perform in stage. Nagsimula pa lang akong kumanta no'n at siya ang unang fan ko hanggang sa dumami sila. She's the reason why i want to sing. I want to see her beautiful smile while shouting at me."Good morning, classmate." I don't like it when she greeted other people. Gusto ko sa'kin lang. Kaya ng batiin niya ako hindi ako kumibo. I hate her being friendly sa ibang tao at mas lalo akong nagalit dahil napapalapit siya sa bestfriend ko, si Yohan."I told you already, Bro. Kung hindi ka gagalaw ngayon, uunahan na kita." Magkasama kaming tumambay sa parking lot. It was in 8th grade ng aminin niyang gusto niya si Peny. Nauna akong magkagusto saka

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Last Chapter

    Pabalik-balik akong naglakad sa labas ng simbahan, bitbit ang laylayan ng aking wedding gown. Hindi ako mapakali, wala pang Darrel na dumadating. "Peny, Calm down okay? Sisipot siya." Pagpapakalma ni Mom sa'kin."Mom, magkakalahating oras na." Sabi ko na parang maluluha na."'Wag kang umiyak, masisira ang make up mo." Tumango ako."NANDITO NA SIYA! NANDITO NA ANG ANAK KO." Sigaw ni Mommy Jessel.Napaangat ako ng tingin sa paparating na sasakyan lulan si Darrel. Akala ko talaga hindi na siya dadating. Tipid akong ngumiti sa kanya. Nauna pa talaga ang bride sa groom eh.Pag

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 41

    7 Months LaterPitong buwan na pala ang nakalipas. Sana gagraduate na ako ngayong buwan pero hindi na mangyayari 'yon dahil hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral. Wala na akong gana sa lahat. Hindi na din ako lumalabas ng kwarto. Kahit tawagin pa ako nina Mom at Dad. Matagal na 'yon pero nandito pa din ang sama ng loob ko. Nandito pa din ang galit at sakit. Mahal na mahal ko siya. Sobrang miss na miss ko na siya. Noong unang buwan naririnig ko pa ang sigaw niya pero hinayaan ko 'yon upang hindi siya masaktan.Napalingon ako sa pinto ng kwarto dahil sa isang marahan na pagkatok. "Peny,""Go away, Mom! I don't need you!" matigas at galit kong sigaw. Napakasama nila, anong gusto nila? Mamatay si Darrel sa kakabugbog."Peny, kumain kana. Hindi kana masyadong kumakain. Tingnan mo ang sarili mo, pumapayat kana." Nag-aalala niyang usal mula sa labas ng pinto."Eh, ano ngayon?! Wala naman akong pakialam." Hindi ko binubuksan ang p

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 40

    Naka-uwi kagabi si Darrel na humihingal at balisa. Mahigpit niya agad akong niyakap at naghihingi ng paumanhin. Hindi ko naman siya maintindihan. Matagal siyang naligo sa banyo kay nagtaka na talaga ako.Kumatok ako at tinawag siya, "Darrel! Okay ka lang ba diyan? May problema ba?" tanong ko.Ilang segundo ang lumipas at lumabas siya na nakangiti pero kita sa mga mata niyang hindi talaga siya masaya.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "May problema ba?" tanong ko habang direkta siyang tinitingnan sa kaniyang mga mata.Umiling siya, "Wala, wife. Let's sleep. May pasok pa tayo bukas." Tipid akong ngumiti saka naunang humiga sa kama. Nawalan na ako ng ganang kumain. Bakit parang may naaamoy akong kakaiba sa kaniya? Hindi naman siguro siya uminom, 'di ba?Kinaumagahan nagising ako na wala siya sa tabi ko. Hinanap agad siya ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim saka dumeretso sa banyo para maligo. Siguro nagluluto na siya

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 39

    Lumipas ang mga araw."Hubby, kung umuwi kaya tayo mamaya sa bahay? Dalawin natin sila Mom at Dad." Suhestyon ko. Naglalakad kami ngayon papasok sa school. Kagaya lang din ng nakaraang mga araw hindi pa din mawala ang masamang tingin ng ibang estudyante."Hindi ka pa nakakapunta sa bahay 'di ba? Do'n muna tayo umuwi." Oo nga pala, hindi pa ako nakakapunta do'n. Ang alam ko nakatira sila sa Villa Rama. Ang gaganda ng mga bahay do'n pero hindi pa ako nakapasok. Alam na alam ko kasi stalker ako noon."Okay, puwedi din. I-text mo muna ang Mommy't Daddy mo." Sabi ko sa kaniya."Wife, Mommy't Daddy natin." Napangisi ako at napakamot ng ulo."Oo nga, naiilang pa kasi ako eh.""Ang unfair naman tinatawag ko nga ang parents mo na Mom at Dad eh." Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa."Mommy at Daddy nga." Nagdial siya ng phone. Hindi ko naman naririnig."Hi, Mom. Sabihan mo si Dad na uuwi kami di

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status