Share

Chap 2

Katulad ng inaasahan, nang tanungin ang mga babaeng naging biktima ng mga pulisya kung ano ba ang nangyari sa kanila ay iisa lamang ang kanilang sagot; wala silang maalala.

 

‘’Ito na ho iyong kwintas na hinahanap niyo”, wika ko sa matanda. Ngumiti naman ito sa akin at ibinigay na ang pera na tulad ng pinag-usapan.

 

‘’Mabuti’t hindi ka nagalaw ng mga multo sa mansion iha”, dugtong niya. Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya at umalis na.

 

Indeed. There’s no ghost in that haunted mansion but an evil soul reaper!

 

Matapos ang pangyayari sa haunted mansion ay kaagad kong hinanap ang kwintas dahil una sa lahat, iyon naman talaga ang pakay ko.

 

Now, it’s time to execute my original goal. And that is, to find my grandmother’s killer. She was killed when I was 8 years old. Napatitig ako sa hawak kong papel.

 

Anika Sanzes, 38 years old. Blk 4 Lot 2 Kavis Street.

 

She will might be a great help to me. Back then, when I was eight, she used to be a seller of accessories.

 

Madalas siyang nagbabahay-bahay para mang-alok ng paninda niya. Tuwing alas-kwatro ng hapon siya kung mang-alok sa amin ni granny ng paninda niya.

 

Unfortunately, granny died around 4:30 pm.

 

Nagbabakasali ako na may malaman sa kaniyang impormasyon.

 

I knocked three times before a woman opened it for me. 

 

Napakunot-noo siya. ‘’Sino ka? Anong kailangan mo?”, tanong nito.

 

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. ‘’Ako po si Saxira. Ikaw po iyong nagtitinda nung mga accessories noong bata pa ako. Gusto ko lang magtanong kung natatandaan niyo pa ba si Ellena Fullwolxin?”

 

Bahagya siyang napaisip at pagkatapos ay tumingin sa akin. ‘’Hindi ko siya kilala”, sagot nito ngunit alam kong nagsisinungaling lamang siya.

 

‘’Please, I need to find my granny’s killer. I know that you knew about it.''

 

‘’Wala nga akong alam sa sinasabi mo. Ayoko nang magulo ang buhay ko. Namatay na ang anak ko dahil sa impormasyong hinahanap niyo sa akin!”, sigaw nito at ramdam ko ang galit at kalungkutan sa boses niya.

 

Bahagya akong nagulat. ‘’So, may alam po kayo? Nakita niyo po ba ang taong pumatay kay granny?”

 

Napaiwas siya ng tingin at bahagyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata.

 

‘’Meron man o wala. Hindi na iyon importante. Wala na ang anak ko. Pinatay nila ang anak ko!” 

 

Napalunok ako. ‘’S-Sino po ang pumatay sa anak niyo?”

 

‘’Hindi ko alam ngunit malakas ang kutob ko na may kinalaman iyon sa nakita ko nang hapong iyon sa bahay ninyo. Makaaalis ka na”.

 

Akma niyang isasara ang pinto ngunit mabilis ko iyon napigilan. Kailangan ko pa ang impormasyong mayroon siya.

 

‘’Ano po ba ang nakita niyo? Pakiusap, Sabihin niyo po sa akin kung sino ang pumatay sa aking granny. Katulad po ninyo ay naghahanap rin ako ng hustisya. Ipinangangako ko na hindi lamang hustisya ng aking lola ang nakasalalay rito ngunit ang hustisya rin ng inyong anak!”

 

Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya. Umiwas siya sa akin ng tingin ngunit nagsimula na siyang magsalita. ‘’Isang keychain ang ebidensya at nasa akin iyon.”

 

‘’Pwede niyo bang ibigay sa akin? Kailangan kong makita iyong keychain”, pakiusap ko.

 

May kutob na ako kung ano ang itsura niyon ngunit gusto kong makita iyon mula sa kaniya. ‘’Hindi pwede!” ‘’Pakiusap po. Gusto kong makita iyon nang sa gayon may mapanghawakan akong matibay na ebidensya sa taong pumatay kay granny!”

 

She heaved a deep sigh.

 

‘’Hintayin mo ako, kukunin ko lang” Napatango ako at hinintay siya. Pagkabalik niya ay ibinigay na nga niya sa akin ang isang keychain. 

 

Hindi maaari...

 

‘’Itong keychain na ito ang ebidensya. Nakita ko siyang may hawak ng kutsilyo at duguan. Naihulog niya ito sa pagmamadali”

 

Tila nanlambot ako sa aking mga narinig. Hindi maaari.

 

I trusted him. I halted when she said the last words.

 

''Yes. The one who killed your grandmother was your former best friend''.

 

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status