"Lier!" pagkasabing iyon ay tumalikod ito at lumabas ng unit ni Vince. Si Vince naman imbis na habulin si Xandra ay hindi niya magawa. Nanatili lang siyang nakatayo habang nakatitig sa nakasarang pinto. Hindi niya maintindihan ang sarili, ayaw niyang masaktan si Xandra kaya minabuti niyang iwasan si Veronica para hindi na maulit iyon. Pero nasaktan niya pa rin si Xandra. Nanghihina siyang umupo sa upuan at ginulo ang kaniyang buhok. Simula noong dumating sa buhay niya si Veronica ginulo lang nito ang mundo niya. Ginawa nitong komplikado ang lahat, simula ng araw na nabangga niya ito. Sa party ng papa niya, oo nalaman niyang si Veronica iyon. Hindi na ito nawala sa isip niya, kahit anong gawin niya. Naaalala nito ang mga mata nitong magandang nakatitig sa kaniya, ang mga ngiti nitong nagpapagaan ng damdamin niya. At dahil sa mga mata at ngiting iyon nagawa nga niyang sundan ito hanggang sa condo nito. Noong una hindi niya akalain na sa condong binili pala niya n
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Vince nang makababa na sila sa kotse nito. Alas sais na ng gabi nang makauwi sila galing sa hiking. "Saan? Sa hiking o sa…" sinadyang ibitin ni Veronica ang susunod sanang sasabihin niya, to tease Vince sa pinagsaluhan nila kanina sa tuktok ng bundok.Natawa naman si Vince ng ma-gets ang gustong sabihin ni Veronica, tumawa na rin si Veronica."You can choose kung saan doon," ganting tudyo nito."I think…" "Mga hayop kayo, sinasabi ko na nga ba!" Napatigil silang dalawa at napatingin sa galit na may-ari ng boses. "Xandra," tanging namutawi sa bibig ni Vince ng makita ang nobya na papalapit sa kanila.Rumihestro sa mukha ng lalaki ang gulat at kaba. "What is this all about Vince?!" Mariing tanong ni Xandra sa nobyo ng makalapit. "Xandra, let's go upstairs," anang Vince saka inabot ang braso ni Xandra. Nasa parking lot pa sila ng mga sandaling iyon. May iilang tao na ring nagsidatingan at ang iba ay ang iba paalis. Hindi naman gano'n ka dami pe
Nagising si Vince dahil sa sakit ng ulo na kaniyang naramdaman. Napahilot pa siya sa kaniyang sentido habang nakapikit ang mata. Babangon sana siya ng may maramdamang mabigat sa kaniyang kaliwang braso dahilan para mapamulat siya at nilingon ang katabi. Bumundol ang matinding kaba sa kaniyang puso ng makilala ang babaeng mahimbing na natutulog sa braso niya havang nakayakap sa kaniya. Pinagmamasdan niya ang mala anghel na mukha nito. Inabot niya buhok nito na kumuwala sa mukha nito saka inipit sa likurang bahagi ng tainga ng dalaga. Napatigil siya ng maalala ang nangyari, mula sa parking lot hanggang sa bar. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi niya kuwarto iyon. Muli niyang tiningnan ang mukha ng katabi at naalala ang mainit na yakap at halik nito kagabi. Muli na naman niyang naramdaman ang kaba, lalo na ng tingnan niya ang katawan niya sa ilalim ng kumot. Walang bi isang saplot sa katawan si Veronica at siya. "Shit!" Mura niya.
Nakatingin lang sa kawalan si Veronica habang nakaupo sa silya kaharap ng mesa kung saan naroon ang isang tasa ng kape. Nasa hardin siya ng mga sandaling iyon at hinihintay ang pagdating ng ina-inahan niya. Hindi pa kasi alam nito na umuwi siya sa mansion. Nasa mall raw ang ina at nagsho-shopping kasama ang mga amega nito. Ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon ay ang maaring reaction ni Rafael kapag nalaman nitong siya ang dahilan ng hiwalayan ni Xandra at Vince. Sigurado siyang magugulantang si Rafael oras na malaman niya na may relasyon kami ni Vince. Sigurado siyang siya ang magiging dahilan ng alitan ng mag-ama, sila-sila rin ang magpapatayan, lalo na't hindi lang puso nila ang kalaban nila isa na rin ang pride nila. Napangiti Veronica sa naiisip niya. "Tikman mo ang batas ko Rafael Madrigal!" sigaw ng isip niya. "Veronica…" Awtomatikong napalingon si Veronica sa gawi ng may-ari ng boses. Ngumiti siya rito saka tumayo para makipag beso. "Mommy, I've been wa
CHAPTER 16MABILIS na nilisan ni Leah, ang secretary ni Veronica ang operating room. May binigay kasi siya sa operator ng MGC para i-play mamaya kapag nag-umpisa na ang meeting. Iyon ang utos sa kaniya ni Veronica ng tinawagan siya nito kahapon.Flashback…Sinamahan ni Leah si Rosita sa police station para ereklamo ang pandurokot ni Rafael sa anak niya. Habang naghihintay ay narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone kaya naman dinukot niya ito sa loob ng bag niya at sinagot ang tawag ng makita ang panagalang naka register sa screen ng cellphone niya.“Hello, Maam, nasaan ka? Kumusta kayo?”sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya.Nang marinig naman ni Rosita si Leah ay mabilis niya itong nilapitan.“Si Veronica ba iyan?” Mabilis na tanong nito.Tumango naman si Leah.“Akin na kakausapin ko…”“No Leah, makinig ka muna. I don’t have enough time for this,” anang kabilang linya ng akma na sanang ibibigay nito kay Rosita ang cellphone. “I need to talk to you na walang tao.”NNag
"Pati pagkababae mo ginawa mong pain dahil sa paghihigante mo," anito at unti-unting lumapit sa kama kung nasaan si Veronica. "V-Vince…" "May nangyari na rin ba sa inyo ni Papa?!" Galit na tanong nito. Kagat labing umiling si Veronica saka sunod-sunod na pumatak ang luha niya. "Ah, bakit pa ba ako nagtatanong? Eh sinungaling ka nga pala." Pagkasabing iyon mabilis na hinablot ni Vince ang suot na dress ni Veronica na kinasigaw nito, napunit iyon. Tanging dalawang perasong saplot na lang ang natira na tanging tunatakip sa kaniyang pribadong bahagi ng katawan. Napapikit si Veronica habang yakap ang sarili. "A-ano bang gagawin mo?" Nanginginig ang boses niya ng itanong iyon. Hinablot ni Vince ang kan'yang buhok kaya napatingala siya. Ramdam niya ang sakit sa anit niya pero hindi na siya dumaing pa. "'Wag kang mag-alala, hindi kita papatayin. Pero paparusahan kita," malamig niyang tugon. Siniil niya ito ng halik sa labi, marahas ang bawat galaw niyon. Nanatiling tik
Napabalikwas ng bangon si Vince ng marinig ang ugong ng familiar na tunog ng sasakyan mula sa labas. Kanina pa siya nagising at pinagmamasdan lang niya ang mahimbing na natutulog na si Veronica sa tabi niya. Tumayo siya at sumilip sa bintana. May nakita siyang dalawang kotse sa labas, kotse iyon ng Papa niya. Nakita niya itong lumabas ng kotse na may kasamang mga tauhan. Napakunot noo siya, ang alam niya nahuli ng mga pulis ang papa niya. Pero bakit ito ngayon nandito? Alam niyang hinahanap nito si Veronica. Mabilis siyang lumayo sa bintana at tumungo sa kama kung saan naroon ang natutulog na si Veronica. "Veronica, Veronica." Tinapik niya ang balikat nito para gisingin. Pero wala siyang makitang response rito. "Veron, gising…" pukaw ulit niya. Sa mukha na niya ito tinapik kaya napaungol si Veronica. "Hmm, bakit? I'm still sleepy," anang Veronica na nakapikit pa rin ang mga mata. "Bumangon ka at magbihis nandito si Papa, alam kong ikaw ang sad'ya niya." Pagkarinig ni
"V-Veronica…" "V-Vince!" Sigaw ni Veronica ng makita ang dugo sa dibdib ni Vince na tinagusan ng bala mula sa likod nito. Nanginginig ang mga kamay niya na kinapa ang naghugis tatlong bilog na dugo at unti-unting kumalat iyon sa damit niya. Animo bumagal ang takbo ng oras niya dahil sa nakikita. Lumakas rin ang tibok ng puso niya na halos ikabingi na niya ang lakas niyon. "N-no, no…" Napapaiyak na si Veronica dahil sa nakikita niya. Hindi niya kakayanin kapag nawala si Vince sa kan'ya. Nanatili pa ring nakatayo si Vince sa harap niya, nagsilabasan na rin ang dugo nito sa bibig. Itinaas ni Vince ang kan'yang isang kamay at hinaplos ang mukha ni Veronica. "K-kahit anong gawin mong kasalanan, Mahal pa rin kita," anang Vince. "Vince," napakagat labi si Veronica dahil sa narinig niya kaya niyakap niya si Vince, hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng katawan ni Vince. Napaupo na siya habang yakap pa rin ang duguang lalaki. "No!" Sigaw niya. "Itaas mo a