Share

Side Story: 20th EGO

CHIHIRO

ABALA ako sa pagliligpit ng mga damit nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakapatong iyon sa mesa at matamlay ko iyong inabot at sinilip kung sino ang kasalukuyang tumatawag.

“Unknown number… Prank call na naman siguro ‘to,” medyo inis kong kausap sa sarili habang hawak ang cellphone sa kaliwa kong kamay at ang kanang kamay ko naman ay may bitbit na T-shirt. Hindi ko sinagot ang unang tawag. Ilang sandali pa ay nag-ring ulit ang cellphone ko. “Na naman?!” reklamo ko nang parehong hindi ko kilalang numero ang tumatawag.

“Sagutin mo, Hirocchi. Malay mo importante iyan,” biglang singit ni Ma-chan nang mapadaan ito sa sala. Napansin niya siguro na hindi ko sinagot ang tawag.

“Pero, Ma-chan…” nag-aalangan kong saad.

“Sige na,” nakangiti niyang sulsol kaya napabuntong-hininga na lamang ako sa pagkatalo.

“Sige po. Sasagutin ko na kapag tumawag ulit,” sabi ko na lang. At hindi ako binigo. Tumawag ulit ang parehong numero sa ikatlong pagkakataon.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status