Share

CHAPTER 16

“NARINIG MO ‘YON?”

Natigilan ako nang umabot sa pandinig ko ang mahihinang kaluskos at pagkadurog ng mga tuyong dahon sa hindi kalayuan. Paano kung may ibang taong nakarinig sa usapan namin ni Yiel? Pakshet! Patay ako nito.

“Wala naman. Ang alin ba?”

“May kumaluskos sa bandang iyon,” sabay turo ko sa isang puno ng narra na malapit sa kinatatayuan namin.

Napayapos sa mga braso si Yiel at tiningnan ang puno. “Ano ba ‘yan, Kath! Ki-tanghali, eh, kung ano-anong naririnig mo.”

“Hindi. May narinig talaga ako…”

“Hay naku! Halika na nga. Hindi ka naman gutom para mag-imagine riyan ng kung ano-ano.”

Napatingin ulit ako sa puno. Hindi ako maaaring magkamali, parang may tao talaga roon. Lalapitan ko sana para i-check. Pero marahan na hinampas ni Yiel ang bumper ng kotse ni Joan dahilan ng pagkakatigil ko.

“Ano ka ba, Kath! Halika na! Baka hinahanap na tayo sa loob. Naka-lock itong mga kotse kaya safe na. Wala naman sigurong carnapper sa village na ito, ‘di ba?”

“Titingnan ko lang saglit
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status