Lahat ng Kabanata ng Pag-ibig Ko'y Sayo Magpakailanman: Kabanata 11 - Kabanata 20
757 Kabanata
Kabanata 11
Gusto kong makipag-date. Sa katunayan, nais kong may magmahal sa’kin. Sa sobrang desperada ko ay kuntento na ako sa isang taong magpapanggap na mahal ako.Dahil kaunting oras na lang ang natitira sa’kin.Wala akong intensyong sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay.Nginitian ko siya at sinabing, “Wala ka nang paki do’n.”Bumalik ako sa kotse ko at nagsimulang magmaneho ulit. Nagulat ako, binuksan ni Dixon ang pinto at pumasok habang umaandar ang kotse, sobrang delikado ng kanyang ginawa. Malakas kong tinapakan ang preno at hindi ko mapigilang sigawan siya, "Nababaliw ka na ba? Maaari kang masaktan!"Walang bakas ng takot sa kanyang mukha. Tinitigan ko siya nang may pagmamalasakit. Sasabihin ko na sana sa kanya na bumaba sa aking kotse nang sinabi niya, "Mahal mo pa ba ako?"Parang siyang nagtatanong, pero naisip kong alam niya na ang sagot.Walangya! Sa loob ng tatlong buwan, magpapakasal siya sa iba, pero nakaupo siya sa aking kotse at tinatanong kung mahal ko pa ba siya.“
Magbasa pa
Kabanata 12
Nakatingin sa akin ang mga mata ni Dixon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang mga kilos niya.“Bakit ba siya nagpapanggap na may malasakit siya sa’kin? Divorced na kami…”Hinila ko ang aking kamay sa kanyang palad, sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa’yo. Lagi kong hinangad ang pag-ibig. Dahil mayaman ako, naisip ko na baka pwede na lang na makabili ako ng pag-ibig gamit ang pera ko. Anyway, hindi naman ‘to ang unang beses na may ginawa akong ganito."Huminto ako nang isang segundo habang nakatingin ako sa kanyang malilinaw na mga mata, pagkatapos ay sinabi, "Ipinagpalit ko ang Shaw Corporations para sa ating kasal. Ngayon ay nakikipagpalitan lamang ako ng pera para sa pag-ibig."“Eh ‘di i-date natin ang isa’t-isa.”Sa sobrang gulat ko ay nahulog ang purse ko sa sahig. “Anong sinabi mo?”Ide-date kita at magpapanggap na mahal kita. Ibibigay ko lahat at aalagaan ka na parang ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Papasa
Magbasa pa
Kabanata 13
Matagal na kaming magkakilala ni Summer, bago ko pa man makilala si Dixon Gregg, kaya alam niya ang feelings ko sa simula pa lang.Alam niya na meron lamang akong isang password para sa lahat at ito ay nauugnay sa araw nang una kong makilala si Dixon.Ika-27 ng Disyembre, 2009. ‘Yon ang unang araw na nahulog ang mga niyebe.“Carol, namumutla ka na. ‘Wag mong piliting ngumiti.”“Hindi naman. Palagay ko ay sobrang lamig lang.”Medyo mas matagal akong nakipag-chikahan sa kanya sa tea house tapos umalis na. Habang pauwi na ako sa bahay, may hindi na pamilyar na numero ang tumawag sa akin.Sinagot ko ang phone at tinanong, "Sino ‘to?"“Ako ‘to, si Mrs. Gregg. Si Gwen Worth.”Nanuya ako at sinabing, “Hindi pa kayo kasal.”Huminto si Gwen nang isang segundo at patuloy na sinabi nang malakas, "Alam ko. Ganito ko lang talaga tawagin ang sarili ko. Ako dapat ang naging asawa ni Dixon at inagaw mo ang titulong ‘to mula sa akin sa loob ng tatlong taon. Caroline Shaw, hinintay ko siya at pinanood k
Magbasa pa
Kabanata 14
Hindi na madalas umulan ng niyebe sa Wu City nitong mga nakaraang araw. Sa halip, naging normal ang pag-ulan. Inilagay ko ang aking phone sa tenga at narinig ang banayad na reklamo ni Dixon. "Bumubuhos ang ulan dito sa labas. Basang-basa ako. Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?"Nang pakinggan ko siya nang mabuti, naririnig kong parang medyo malungkot siya.Lumingon ulit ako sa aking kwarto, “Bakit mo ‘ko pinuntahan?”“Caroline, nakalimutan mo ba na ako na ang boyfriend mo ngayon?”So naaalala niya pa nga…“Akala ko pinagsisihan mo eh.” sabi ko.“Bakit? Kasi hindi kita tinatawagan?”Sinabi kong oo nang may mababang boses at may pagkadismaya."Silly girl. Hindi ba sinabi ko sa’yo na may aayusin akong company affairs? Kung walang lang sanang ibang importanteng magaganap sa mga susunod na buwan sa kumpanya, hindi na ako umalis sa piling mo." Huminto si Dixon at sinabi sa isang banayad na boses, "Pero kung may kailangan akong puntahan, sasama ka sa’kin."Halos matunaw ang puso ko sa kany
Magbasa pa
Kabanata 15
Katawa-tawa lang si Dixon. Hindi tatagal ang aming relasyon ng higit dalawang buwan. Pagkatapos ng dalawang buwan, siya ay ikakasal sa ibang babae, at ngayon ay tinatanong niya ako kung mahal ko siya?Isa pa, ang aming dalawang-buwan na relasyon ay isang akto lamang para sa aming dalawa.Nagmistulang charity para sa’kin.Inikot ko ang mga braso ko sa leeg niya at sinabing, "Alam ko. Alam mo yun. Ang pamilya Shaw ay mayaman at makapangyarihan. Syempre pinili ko na magpakasal sa sa’yo noon dahil mahal kita."Simula sa umpisa’t hanggang sa dulo, hindi ko itinago ang katotohanang minahal ko siya.Nang marinig niya ‘yon, ngumiti si Dixon. Mahigpit niya akong hinawakan sa kanyang mga braso at marahang hinaplos ang aking likuran gamit ang kanyang palad, nakangiti sa mahinang tinig, "Caroline, mahal kita."Natigilan ako at tumingin sa kanya nang hindi makapaniwala.Makalipas ang ilang sandali, napagtanto ko na sinabi niya nga pala na magkukunwaring siyang mamahalin niya ako, makikipag-date siy
Magbasa pa
Kabanata 16
Inabot lamang ng ilang minuto ang kanilang pag-uusap.Lumabas saglit si Dixon, pero sa kanyang pagbalik, mukha siyang nag-aalala.Walang magawa siyang tumingin sa akin.Marahan kong tinanong, “Anong nangyari?”Bumuntong-hininga siya at sa halip ay tinanong ako, “Aalis ako sa madaling panahon. Gusto mo sumama sa’kin?”Napagtantuan ko at tinanong siya, “Dahil ba ‘to kay Gwen Worth?”Pinikit ni Dixon ang kanyang mga mata at sinabing, “Nasaktan siya gawa ng isang car accident.”Matiyaga kong tinanong, “Kaya ka babalik para alagaan siya?”Nanahimik si Dixon, pero ang kanyang agad na pag-alis ang nagsilbing sagot sa tanong ko.Bago siya umalis, pinaalala ko sa kanya, “Pinagkasunduan natin ‘to. Sa panahon ng ating relasyon, hindi mo siya pwedeng makita. ‘Di mo ba naalala ‘yon?”Sinabi niya sa malaming boses, “Alam ko, kaya gusto kong…”“Hingiin ang aking permiso?”“Bakit kaya naiisip niya na papayag ako?”“Dixon, ‘pag umalis ka, tapos na tayo.”Tinigil ko ang palabas, tumayo at ngumiti, “Hind
Magbasa pa
Kabanata 17
Mukhang gulat na gulat si Dixon, na para bang may naramdaman siyang bumabagabag sa puso niya. Tinanong niya nang pabulong, “Anong ang nawala sa’yo matapos mong magpalaglag dalawang taon na ang nakakalipas?”Alam kong narinig niya ito nang malinaw at walang rason para ulitin ko pa."Pakawalan mo na si Summer. Meron din siyang mahal na naghihintay sa kanya. Isisi mo na lang ‘to sa palaaway na pagu-ugali ni Gwen. Tingnan mo lang ang ginawa niya walong taon na ang nakakaraan, malalaman mo kung ano ang nagawa niya. Kinuha niya palayo ang kasintahan ng isang tao. Ngayon, si Summer ay simpleng gumaganti lamang. Dagdag pa, may sinabi si Gwen na hindi kanais-nais para magawa ni Summer ‘to. Ang iyong kasintahan ay hindi kailanman kasing inosente tulad ng iniisip mo. Matapos kong tumigil saglit, sarkastiko kong sinabi, "Mali ako. Ikaw si Dixon Gregg, kaya mo gawin ang lahat. Alam mo lahat ng nagawa ng iba. Ngayon inii-indulge mo na lang siya."Sumimangot si Dixon at walang pakialam na sinabi, “Ba
Magbasa pa
Kabanata 18
“Magpanggap tayong hindi tayo nakipag-date sa isa’t isa.”Nais niyang bawiin ang kanyang pagmamahal sa akin, naisip niya pa nga na ito ay pineke. Nagbigay ako ng isang sumukong ngiti. "Hmm, ‘yan ang eksaktong iniisip ko.""Caroline, pumayag ako sa divorce noon dahil may utang ako kay Gwen na kasal at nais kong bayaran siya. Hindi ko kailanman balak na saktan ka kaya humihingi ako ng paumanhin at andito lang ako kung kailangan mo ng tulong. ""Parang meron ka pa ring nagtatagal na damdamin para sa dati mong asawa?" Ngumisi ako at pinaalalahanan siya. "Walang dapat pagsisihan. Hindi mo ako mahal at iyon ‘yon, walang pagsisisi tungkol dito. Huwag mong sabihin sa akin na nagsisisi ka pagkatapos ng divorce natin, at nagsisimula kang magkaroon ng damdamin para sa akin, at higit sa lahat ang pag-aalinlangan kung mahal mo pa rin si Gwen! Kung ganoon, Dixon, nakakaawa ka. "Saglit na nag-atubili si Dixon bago tumugon. "Caroline, hindi mo na kailangang gumamit ng napakapanirang tono. Inaamin ko,
Magbasa pa
Kabanata 19
Ilang araw na akong sinasamahan ni Henry at inaalagaan niya ako nang mabuti. Tinanong ko siya isang araw, "Kailan ka babalik sa S City?"Tumawa siya. “Gusto mo na ba akong umalis?”“Natatakot akong magalit si hipag.”“Bata pa ‘yang hipag mo, kaya lagi niya naman akong inaaway tungkol sa mga maliliit na isyu.”Ang aking hipag ay mas bata sa akin at nabalitaan ko na ang tungkol sa kanya dati. Para talaga siyang isang dominanteng babae.Gayunpaman, hindi siya ‘yong tipo na walang dahilan o lohika.Ang kanyang mga mapagmataas na pag-uugali ay hindi basta-basta lumilitaw!Ang mga taong tulad ni Gwen Worth ay walang pag-asa laban sa kanya dahil hindi siya ang tipo na dapat abalahin tungkol sa mga hindi importanteng bagay. Sa gayon, bihirang makasama ni Henry ang kasalungat na kasarian.Sa kabilang banda, nakaramdam ako ng kawalang interes sa mga ganoong character.Ang aking kawalang-malasakit ay nagagawang magamit ng iba sa akin.Sumagot ako, "Kuya, dapat mas madalas mong pagbigyan ang aking
Magbasa pa
Kabanata 20
Tutol si Henry sa pag-alis ng Wu City ngunit walang tigil ko siyang pinilit at nagmatigas na tumayo sa pintuan pagkatapos niya ako ihatid pabalik sa bahay. Sinuri niya ang matigas kong kinatatayuan at bumuntong hininga. "Talagang tinataboy mo na ako?"Kaunti na lamang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko at ang aking bestie, si Summer, ay nakabilanggo pa.Sa totoo lang, nalulungkot ako na makita siyang umalis.Gayunpaman, sobrang daming tawag ang kanyang natatanggap kamakailan.Nag-aalala ako sa mga responsibilidad na iniwan niya sa bahay at hindi ko nais na maging hadlang pa.Bukod dito, hindi ko gusto na masaksihan niya ang pagkawala ko sa mundo.Yumuko ako at isinantabi ang kanyang pag-aalala. “Oo, kailangan ko din ng oras na mapag-isa.”“Hindi pa ba sapat ang siyam na taong mag-isa ka?”Nagulat ako nang mapagtantuan kong ngayong tao ang ika-siyam na anibersayo ng pagkamatay ng aking mga magulang.Sobrang bilis lumipas ng mga nakaraang taon na wala akong nagawang ikabubuti ng sarili k
Magbasa pa
PREV
123456
...
76
DMCA.com Protection Status