“Verian Mont, 21 years old, graduate ng North City University, ‘di pa nagkakarelasyon, malusog…”Sinara ng lalaking katapat niya ang folder matapos basahin ang mga laman nito. Tumaas ang kilay ng lalaki at nagtanong, “Sigurado ka bang gusto mong maging surrogate?”Mahigpit ang kapit ni Verian Mont sa dulo ng damit niya at puno siya ng pag-aalala at kaba. At saka siya sumagot, “Siguradong sigurado, kailangan ko ‘tong pera.”“Magkano ang kailangan mo?”Nagulat ang dalaga at mahinang sumagot, “Sampu…sampung milyon.”Lumalim ang pagkunot ng noo ng lalaki. “Walang dapat makaalam nito. Kaya ‘di ka pwedeng umalis sa lugar na ‘to sa loob ng sampung buwan ng pagbubuntis hanggang sa panganganak. Isa pa, ‘di ka pwedeng kumontak ng kahit sino. Kaya mo bang gawin ‘yun?”Namuti na ang mga kamao ni Verian Mont sa higpit ng pagkakasara niya sa mga ito. Huminga siya nang malalim. Nanginginig siya nang sabihing, “Ipa…ipapangako ko, pero sa isang kundisyon.”“Sabihin mo kung ano ‘yun.”“Pagkapirm
Magbasa pa