Lahat ng Kabanata ng Ang Pinakamamahal na Mrs. Fudd: Kabanata 11 - Kabanata 20
1204 Kabanata
Kabanata 11 Malabato
Hah, ang lakas rin ng loob niya. Napakaraming babae sa North City na nais makipagtalik kay Heaton. ‘Di rin mabibilang ang gustong maging babae niya. Pero si Verian lang ang may lakas ng loob na sabihing gusto niyang maging si Mrs. Fudd.Saan naman nanggaling ang kumpyansa niya sa sarili?“Tama naman na pagkukulang ko nga ang isang asawa. Pero napakaraming babae na gustong mapangasawa ako. Ano naman ang karapatan mo para makipag-negotiate sa akin, let alone makipagdeal?”Sumagot si Verian bago pa maibaba ni Heaton ang tawag. “Bilang nagpa-interview ka para lang makahanap ng asawa, ibig sabihin lang nun na may pressure mula sa pamilya mo tungkol sa pagpapakasal. Tatanggapin ko ang isang fake marriage. Pagkatapos nun ‘di na kita gagambalain.”Isang fake marriage?Walang emosyon pero bahagyang kumibot ang labi ni Heaton. ‘Interesting din ang babaeng ‘to.’Pinigilan ni Verian ang kaba niya at nagsalita mula nang wala siyang marinig na sagot mula kay Heaton. “Kung magpapakasal ka sa ib
Magbasa pa
Kabanata 12 Monty bilang Mommy ni Little Jelly Bean
Nanginginig ang mga mata ni Verian. Nakatuon ang mga mata niya sa painting na may title na ‘A Family of Three’.“Jelly Bean, pakiramdam mo ba lonely ka?”Ipinatong ng bata ang baba niya sa kanyang kamay habang kumikislap ang malaki at itim niyang mga mata. Seryoso siyang tumango at malungkot na nagsabi, “Yes! Walang friends si Jelly Bean at ‘di rin ako binibisita ni mommy dahil nasa Mars siya! Yung mommy ni Cherry maganda mag-braid ng buhok araw-araw, gusto ko rin ng mommy na tutulong sakin mag-braid ng hair ko!”‘Di mapigilan ni Verian na ngumiti. Inangat niya ang kamay niya para haplusin ang ulo ng little munchkin, “Maikli ‘yung hair ni Jelly Bean, mahirap i-braid ang maikling buhok.”Sumimangot si Little Jelly Bean. Para siyang pinagtaksilan nang sumagot ito, “Ginagawang maikli ni daddy yung hair ko kasi walang marunong magbraid ng hair ko. ‘Di marunong magbraid si daddy. Daddy is stupid.”Natawa nang malakas si Verian. Pumasok sa isip niya ang itsura ni Heaton na sinusubukang
Magbasa pa
Kabanata 13 Paghihiganti
Sa president’s office sa Fudd’s building.Napahawak si Kush sa ilong niya at nagtatakang nagtanong matapos ibaba ni Heaton ang tawag, “Boss, pinagkakatiwalaan mo ba talaga kay Miss Mont para iwan si Little Jelly Bean sa kanya? Kahit na naitagong mabuti ang pagsilang kay Little Jelly Bean sa nakaraang tatlong taon, marami pa ring mga tao ang nagbanta na kikidnapin si Little Jelly Bean.”Kalmado lang na naupo sa itim na executive chair niya si Heaton. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa mesa at pinagtagpo ang mga daliri. “Gusto kong gamitin ang pagkakataon para malaman ang intensyon niya. Ginagawa niya ba ‘to para sa pera o talagang clueless siya?”…Busog na busog si Little Jelly Bean pagkakain sa KFC. Tila lumaki ang tiyan niya at nag-burp pa ito.Kumuha ng tissue si Verian at pinunasan ang labi niya. “Busog ka na? Tara na?”Nag-ring ang cellphone ni Verian bago pa sila makatayo. Si Heaton Fudd ang nasa caller ID.Sinagot niya ang tawag. Malinaw ang boses ng lalaki at nakakagay
Magbasa pa
Kabanata 14 Isang Lalaki at Isang Bata ang Humingi ng Pagkain sa Kanya
Mukhang kalmado sa labas at in love ang itsura ni Verian habang nakatingin ito kay Heaton. Sa katotohanan, mabilis ang tibok ng puso niya sa kaba. Kapag inalis ni Heaton ang kamay niya at itinanggi ang relasyon nila sa harap ni Wanelle at Jensen, baka magpakain na lang siya sa lupa. Tumulong naman si Little Jelly Bean – inunahan niyang magsalita si Heaton gamit ang cute at malambing niyang boses. “Daddy, uwi na po tayo! Ayaw namin ni Monty sa kanya!”Nakatuon lang ang mga mata ni Heaton sa magandang mukha ni Verian. May munting bakas ng panunukso sa mga malamig niyang tingin. Inangat niya ang kamay niya para makaalis sa kapit ni Verian. Halos tumalon ang puso ng babae at sumama ang kutob niya…‘Di niya inaasahan na sa susunod na sandali ay may naramdaman siyang bigat sa balikat niya –Niyakap ng mahabang braso ni Heaton si Verian at Little Jelly Bean at may marahang ngiti sa mukha nito.“Sige. Umuwi na tayo.”Nataranta si Verian. Sa kabila ng pagkagulat nina Jensen at Wanell
Magbasa pa
Kabanata 15 Resulta ng DNA Test
Fudd Family Mansion.Nang dalhin ni Kush Xavier ang DNA report sa mansyon, si Nancy Xander lang ang nakita niya sa sala sa baba.“Director Xander, nakauwi na po ba si Boss?”Sumilip si Nancy sa yard. “Wala pa ‘yung sasakyan niya, baka sinundo niya muna si Little Jelly Bean. Assistant Kush, may kailangan ka ba?”Hawak ni Kush ang isang brown paper file sa kamay niya at nagdahilan na lang siya. “Ah wala naman po. Isang document lang na kailangang personal i-review ni boss. Dadalhin ko na lang po sa study niya.”Umalis din si Kush matapos iwan ang DNA report sa study. Pagkatapos nun, pumunta si Nancy sa study ni Heaton at binuksan ang brown paper file at nakita niya ang DNA maternity test report. [The result of the comparison between the DNA of Verian Mont and Cherie Fudd showed a similarity of 99 percent.]Nanginig ang mga mata ni Nancy nang makita ang litrato ng babae sa profile. Tunay ngang ina ni Little Jelly Bean ang nakabangga niyang babae nung isang araw?Naglaho siya nang
Magbasa pa
Kabanata 16 Pinahalagahan Lamang Dahil Sa Anak
Kinaumagahan nang may namumukhaan si Verian na itim na Maybach na papasok sa harap ng kindergarten nang siya ay dumating.Ang matipunong lalaki ay nakasandal sa kanyang sasakyan na para bang may hinihintay.“Mr. Fudd?”Inaninag ni Heaton gamit ang kanyang maiitim na mata ang maganda nitong mukha. Saka ang kanyang manipis na labi ay bumukas ng kaunti. “Ms. Mont, sumama ka. Kailangan nating mag usap.”Mag-usap?Hindi mapakali si Verian ng sumakay siya sa sasakyan. Katulad ng dati ay kalmado ang itsura ni Heaton at inilapag niya ang kasunduan sa harap nito. Walang pagbabago ang tono ng kanyang boses. “Basahin mo. Kung wala nang problema ay pirmahan mo na.”Nalilito si Verian. Natuon ang kanyang atensyon sa kasunduan sa harap niya. Kaysa sabihin na ito ay isang kasunduan, mas mabuti pa na tawagin itong kasulatan para ibenta ang kanyang sarili.Ngunit ang mga batayan ay higit na nakaka engganyo: ang Mont Family Mansion ay hindi na magigiba, at ito ay mapupunta sa kanyang pangalan.
Magbasa pa
Kabanata 17 Ang Pagpapakilala Sa Kanyang Pamilya
Dumiretso ang Maybach sa loob ng bakuran ng Fudd Family Mansion at dahan dahang tumigil sa damuhan. Pinisil ni Verian ang namamawis niyang kamay. Medyo kinakabahan siya. Kahit pa siya at si Heaton ay nagkasundo na nagpapanggap lamang na mag asawa, nagkaroon siya ng pakiramdam na para ba siyang isang “hindi kaaya ayang asawa na makikipagkita sa kanyang mga in-laws.”Pinangunahan ni Heaton ang paglabas sa sasakyan. Nang makita niya pa rin si Verian sa loob ng sasakyan, kinatok niya ang bintana. “Gusto mo bang buhatin kita palabas ng sasakyan?”Huminga ng malalim si Verian , binuksan ang pinto, at lumabas sa sasakyan. Kinagat niya ang kanyang labi at sinabing, “Kinakabahan ako, ‘yung pamilya mo ba… Madali ba silang pakisamahan?”Gusto talaga niyang itanong kung kapareho ba niya ang kanyang kapamilya na mahirap pakitunguhan ngunit hindi siya nagtangka pa.Naisip niya na dahil mahirap pakisamahan si Heaton, marahil ganoon din ang kanyang mga kapamilya. Marahil ay hindi rin maganda
Magbasa pa
Kabanata 18 Ang Mahirap na Pakikipagkasundo sa Hipag
Sa loob ng kwarto, ang halimuyak ng amber gris ay naamoy sa hangin. Tanong ng matanda habang hawak ang kanyang tungkod, “Iyong babae ba talagang iyon ang totoong nanay ni Little Jelly Bean?”Inabot ni Heaton ang resulta ng DNA kay John Fudd, “Kung hindi ka naniniwala, maari mo itong tingnan ng maigi. Ito ang resulta ng DNA test.”Kinuha ni John ang resulta at sa unang tingin ay nakita agad niya ito. Ang pagkakapareha ay 99 porsyento. Ibig bang sabihin nito na… Si Verian talaga ang tunay na ina ni Little Jelly Bean?Tumango-tango ang matanda na para bang sumasang ayon. “Dahil siya nga ang totoong ina ni Little Jelly Bean. Wala akong problema sa pag-iisang dibdib ninyo. Pero ang pinagmulan ni Ms. Mont ay hindi natin alam at hindi ako kampante. Sa panahong iyon, bakit niya naisipang maging surrogate... ”Inabala ni Heatong ang sagot ng matanda, pagkatapos ay ang kanyang labi ay tumikom, “Hindi mahalaga ang background niya, ang importante ay kaya niyang alagaan siLittle Jelly Bean nan
Magbasa pa
Kabanata 19 Talaga Bang Natutuwa Ka Sa Ganito?
"Hipag, sabihin nalang natin na hindi ko narinig ang sinabi mo. Kung sabagay, ikaw ay hipag lang ni Heaton habang-buhay.”Pagkatapos sabihin ang mga ito ay hindi niyang maiwasang ngumiti.Tumayo si Nancy sa kanya kinalalagyan at ang kanyang mukha ay nag iba ng kulay. Inilubog niya ang kanyang kuko sa kanyang mga palad. Kahit pa siya ang hipag ni Heaton, kung espesyal naman ang tingin sa kanya ni Heaton, hindi kailanman makapagbibigay ng pangamba si Verian Mont kay Nancy kahit pa siya ang asawa ni Heaton. …Lumabas si Verian sa banyo sa kanyang high heels at pinuntahan si Heaton.Kinuha niya ang pagkakataong ito at sinabi, “Gabi na, pwede mo ba akong ihatid muna pauwi?”Tinitigan ng maitim na mata ni Heaton ang babae, na nagbigay dito ng kilabot sa kanyang likod. Pagkatapos nito ay madali niyang sinabi, “Huwag ka munang umuwi, dito ka lang, ihahatid kita bukas para makapagimpake ka ng gamit”“Heaton Fudd… Kailangan ko ng oras para makapag ayos.”“Hm?”Tinignan ng malamig
Magbasa pa
Kabanata 20 Pina-imbestigahan mo ba ako?
“Pinaimbestigahan mo ba ako?”Suot ang puti nyang damit, lumabas si Verian sa CR. Ang kanyang mukha ay medyo namula. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit namula, kung galing ba sa init ng singaw o sa kahihiyan.Kung paano tumingin ang lalaki sa kaniya ay mas lalo pang lumala, mas lalo pang namula ang maliit na mukha ni Verian.“Kung hindi kita pinaimbestigahan, paano ako magiging kampante na iuwi sa bahay at makatabi ka sa kama?”Ang kanyang boses ay walang emosyon, at tunog na walang pakielam at may katarayan, pero ng marinig ni Verian ang “makatabi ka sa kama”, ay biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso.Ngumuso ang kaniyang mga labi at mahinahong tinanong. “ Dahil pinaimbestigahan mo ako nang mataimtim President Fudd at alam mo na ako ay nag-kaanak sa iba, bakit mo ako pinili?”Ang lalaki ay kalmado at seryosong nakatingin sa kanya. “Dahil ikaw ay nagbigay ng buhay sa isang bata at ikaw ay mas lalong magiging matiyaga at mapagmahal pa sa mga bata. Hindi ako naghahanap ng
Magbasa pa
PREV
123456
...
121
DMCA.com Protection Status