Bumalik sa sarili si Sharon. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya, at namumula ang mga tainga. Mabilis siyang yumuko at kinagat ang kaniyang mga labi. Naiinis siya.Nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso si Simon nang makita ang reaksyon nito. Muli, naamoy niya ang bagong nagmumula sa katawan nito na matagal na niyang gustong maamoy ulit.Nag-iba ang pagtitig niya rito at naging mapanuri.Hindi na katulad ng dati ang eksena nilang dalawa. Sa isang iglap, mayroong mga yabag na papalapit sa kanila."Shar, nakuha mo na ba ang mga gamot?" Si Riley at Sebastian ay kanina pa naghihintay sa ward, kaya nagdesisyon si Riley na hanapin si Sharon nang mapansin na natatagalan ito.Pinigilan ni Sharon ang emosyong namumuo sa kaloob-looban niya. 'Masama ito, paano ko nakalimutan ang anak ko?""Oo, nakuha ko na. Kumusta si Sebastian?""Medyo mabuti na siya, pero sabi ng dokto ay kailangan niya pa ring uminom ng gamot." Tiningnan ni Riley ang matangkad at seryosong lalaki sa tabi niya. Kuminang an
Magbasa pa