Simpleng buhay, simpleng pamilya, simpleng mga pangarap ang binuo namin ni mama sa lugar na ito. Hindi ko man nakita ang papa ko bago niya kami iwan, naging maayos naman ang buhay namin dahil sa pag sisikap ni mama."Star anak papunta ako sa bayan ngayon, huwag kang lalabas ng bahay naiintindihan mo ba?" Wika ni mama habang dala dala ang basket na pag lalagyan niya ng mga bibilhin niya. Tumango lang ako sa kaniya at agad naman siyang umalis.Tahimik akong nakatanaw sa malaking bintana ng kubo namin, habang nakangiti kong pinag mamasdan ang mga puno at dahon na sumasayaw sa hangin." Nakakainip naman, siguradong mamaya pa uuwi si mama." Bulong ko Umalis ako sa kinauupuan ko at nakapag desisyon na lumabas ng kubo, gusto ko na mag libot libot muna dito sa kileyo siguro naman mamaya pa uuwi si mama dahil medyo may kalayuan din ang bayan dito.Masaya akong nag lalakad habang pinipitas ang mga bulaklak na nadadaanan ko, siguradong matutuwa si mama kapag binigyan ko siya ng mga bulaklak.Sa
Read more