Pakiramdam ni Shane ay totoong himatayin na siya sa pagkakataon na ito dahil tunay na nakakatakot ang nangyayari ngayon. Yumakap siya nang mahigpita at halos itago ang sarili sa pagitan ng katawan ng mga magulang. "Mom, ayaw ko pa pong mamatay!""Honey, ano ang nangyayari, sino ang humahabol sa atin?" Dumoble ang kaba na nadarama ni Tanya at natatakot na rin siya. Hindi na lang ito basta paramdam at pananakot ng taong nagawan niya ng kasalanan."Huwag kayong gumalaw at manatiling naka yuko." Utos ni Troy sa mag ina niya saka kinuha na rin ang baril na laging dala at nasa sasakyan lang. Talagang pinag planuhang tambangan sila ng hibdi pa kilalang tao at doon pa sa makipot na daan at malayo pa sa highway. "Shit!" Napamura si Ronald nang bigla may bumato sa bintana ng sasakyan at nabasag iyon. Ang bato na ginamit ay naka balot sa papel at may sulat iyon. Halos mabingi siya sa tinis ng boses ng dalawang babae at grabe ang hiyaw dahil sa gulat at takot. "Calm down at manatiling naka yuko
Last Updated : 2026-01-11 Read more