Endless Affection

Endless Affection

By:  Princerandell  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 Mga Ratings
25Mga Kabanata
2.4Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Zach mismo ang nag-umpisa ng laro sa pagitan nilang tatlo. Siya mismo ang nagpahamak sa sarili. Ang akala niya'y sa pamamagitan ni Zayra ay maibabalik niya sa kaniyang piling ang pinakamamahal niyang babae na si Mageline. Nang una'y umayon ang lahat sa plano ngunit 'di nagtagal, bigla na lamang lumihis ang lahat sa ibang direksyon. Marami siyang nalaman na katotohanan na alam niyang magiging dahilan ng pagkasira nilang lahat. Alam niyang kapag ipinagpatuloy niya pa ang pakikipaglaro kay Zayra ay siya lang din ang mahihirapan. Handa niya pa rin bang sabayan ang laro kahit na alam niyang sakit lang sa puso ang dulot nito? O titigil na lamang siya? Dahil sa patibong na ginawa niya'y siya mismo ang nahulog dito.

view more
Endless Affection Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Princerandell
This is an amazing book. I love this so much.
2021-05-03 15:11:38
0
user avatar
Princerandell
This was amazing book.
2021-05-03 15:11:04
0
25 Kabanata
Prologue
              PARANG pinagbagsakan ng langit at lupa si Zach nang makita niyang kasama ng babaeng minamahal niya ang itinuturing niyang matalik na kaibigan.                Pagkatapos ng isang masayang araw na kasama si Zayra ay napalitan ito ng hindi kaaya-ayang wakas. Wala siyang maramdaman kundi galit at pagkamuhi sa dalawa.                Kasabay ng malakas na ulan ay ang pag-amin din ni Zayra na planado ang lahat ng nangyari. Ni wala na siyang maramdaman nang marinig niya ang lahat ng iyon sa bibig ng taong pinagkatiwalaan niya — sa bibig ng taong unti-unti niya nang nagugustuhan.                Hindi niya alam na siya pala ang napaglaruan dahil ang akala ni Zach ay siya ang nasa itaas ng laro ngunit mali siya.       
Magbasa pa
Chapter One: When Will You Love Me?
              “WHEN will you love me?” I asked her nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay.               Tumingin lamang siya sa akin at nginitian ako nang may halong paglalambing. Napairap ako sa kawalan nang makita ko ang damit niyang wala na sa ayos at para bang nanggaling siya sa isang malakas na bagyo, napakagulo ng itsura niya.               Unti-unti siyang lumapit sa akin at nang marating niya na ang puwesto ko'y niyakap niya ako nang mahigpit pagkatapos ay dinampian niya ako ng halik sa pisngi.               Kapag alam niyang nagdududa na naman ako'y ganito palagi ang kaniyang ginagawa. Alam ko na may iba sa kaniya, alam kong may iba siya, pero bakit tila nagiging bulag ako sa katotohanan? Bakit tila hindi ko na maaninag ang totoo sa kasinungaling
Magbasa pa
Chapter Two: Amethyst Ring
              PAGKAMULAT na pagkamulat ng aking mata'y hinanap ko kaagad ang aking cellphone. Kinapa ko ang ilalim ng aking unan at nakahinga ako nang maluwag nang makuha ko na ito.               Tiningnan ko ito at gulat na gulat ako sa napakaraming missed calls ni Bliz. Napaisip ako kung tungkol saan ang sasabihin niya kaya tinawagan ko siya pabalik, pagkatawag na pagkatawag ko pa lang ay agad niya na 'yong sinagot.                “Where have you been?! Anong oras na! Nandito na ako kanina pa!”                Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula kay Bliz.                Agad akong nataranta nang maalala ko ang napag-usapan namin. Tumayo ako sa higaan, hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung ma
Magbasa pa
Chapter Three: Let's End This
              MAY naramdaman akong mainit na katawan na yumakap sa akin na naging dahilan ng aking paggising.               “Baby, I'm sorry. Gising na.” Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Mageline. Nakita ko na naman ang napakaganda niyang mukha.               “Baby.” I hugged her. Miss na miss ko na siya nang sobra. Napangiti ako dahil tila napakaganda ng umaga lalo't ang mukha ni Mageline ang bumungad sa akin.               “Puwedeng makahingi ng kaunting pera? Kasi kailangan na ni mama ng gamot, hindi pa kasi ako sumisuweldo,” pagpapaliwanag niya. Tiningnan ko siya sa mga mata at nginitian.                Ayos lang sa akin kahit na gaano pa kalaking halaga ang hingiin niya
Magbasa pa
Chapter Four: I Made a Plan
              NAKAHIGA lang ako buong maghapon. Tinatawagan ako ni Bliz pero hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, nakailang missed calls na siya pero kahit isa ro'n ay hindi ko nagawang sagutin. Alam ko naman ang sasabihin at itatanong niya sa akin.                Hindi ako makapaniwalang tinanggihan ako ni Mageline. Ibibigay ko naman ang lahat sa kaniya basta pakasalan niya lang ako, kahit lokohin niya pa ako, okay lang sa akin basta nasa tabi ko siya.                Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Mageline pero walang sumasagot. Inulit ko 'yon nang ilang beses at natuwa ako dahil may sumagot na.                “Mageline, let's talk. Please,” bungad ko sa kaniya. May narinig akong bumuntong hininga.  &nbs
Magbasa pa
Chapter Five: She Agreed
               PINAPUNTA ako ni Zayra sa lugar na 'to. Hindi ko alam pero ang weird dahil puro bungo ang nakikita ko at may mga sapot ng gagamba. Piling ko tuloy halloween na.                “What's your order, sir?” tanong sa akin ng waiter na itim na itim sa suot niya. Tiningnan ko ang menu at kakaiba ang mga pangalan ng pagkain nila rito.                “Vampire blood, please.” 'Yon na lang ang na-order ko dahil hindi ko rin alam kung masarap ba ang mga pagkain dito. Umalis na 'yong waiter at maya-maya pa ay dumating na 'yong order ko.                Kulay pulang juice. Ang cool dahil pulang-pula ito, nagmimistulang parang dugo talaga. Sinubukan ko itong tikman at namangha ako sa taglay na sarap ng lasa nito.  &
Magbasa pa
Chapter Six: She Lied to Me
              DALA-DALA ko ang itim na bulaklak na ito habang nakatayo pa rin ako hanggang ngayon sa harapan ng bahay nina Mageline. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya at halos isang oras na akong nakatayo rito pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.               Sinubukan ko na rin na tawagan ang number niya pero walang sumasagot.                “Mageline! Mageline, please may ibibigay lang ako. Mageline,” paulit-ulit na tawag at sigaw ko sa kaniya. Naghintay pa ako ng ilang oras at tinatawagan din ako ni Bliz pero hindi ko 'yon sinasagot. Isinantabi ko si Bliz dahil mas mahalaga si Mageline.               Mayamaya pa ay may nagbukas na ng pinto nila at sa wakas hindi na ako maghihintay nang ilang oras pa rito. Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay nakita
Magbasa pa
Chapter Seven: I Cried Because of You
              “YO te quiero con todo mi corazon.” Nagsasanay kami ngayon ni Zayra dahil ang sabi niya sa akin ang gusto raw ni Mageline ay ang mga lalaking marunong magsalita ng Spanish.               “Iyan! Tama! Ang galing mo!” Pumalakpak siya at pinaghahampas niya ako.                “Tumigil ka nga! Mamaya pinag-tri-trip-an mo na naman ako,” saad ko sa kaniya kaya nag-iba bigla ang ekpresyon ng kaniyang mukha.                “Sure ako.” Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin. Maya-maya pa'y bumalik na siya. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang libro.               “Oh, 'yan, mag-aral ka.” Hinagis niya sa akin ang libro at agad ko 'yong sinalo. 
Magbasa pa
Chapter Eight: I Feel Safe
              HINANDA ko na ang aking gitara at inayos kong mabuti ang sarili ko. Ngayon na ang araw na haharanahin ko si Mageline kaya labis akong kinakabahan. Sana sa pagkakataong ito ay mabawi ko na siyang muli.                Tumayo ako at tumingin ako sa salamin. Tinititigan kong mabuti ang sarili ko. Sinigurado kong prensintable ang itsura ko at nang makita ko ang hibla ng buhok ko na hindi nakaayos ay agad ko itong sinuklay.                Nang matapos na ako ay sakto namang tumawag si Zayra sa akin. Dinampot ko ang cellphone ko bago sagutin ang tawag niya.               “Nasaan ka na? Nandito ako sa harap ng gate ng bahay mo, bumaba ka na. Bilisan mo!” bungad niya kaya nagmadali akong naglakad pababa sa hagdanan.     
Magbasa pa
Chapter Nine: Cotton Candy
              “BRO, anong problema?” Bliz asked me. Nandito kami ngayon sa coffee shop at hinihintay ko na magbigay siya ng impormasyon tungkol sa lalaking karelasyon ni Mageline.                “May nahanap ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Nabigla naman ako dahil bigla siyang tumahimik sa 'di malaman na dahilan.                “Sorry, bro,” saad niya kaya nahampas ko bigla ang lamesa sa harapan ko. Hindi ko alam pero hindi maaring hindi siya makahanap ng impormasyon tungkol sa lalaking 'yon dahil magaling siya sa mga bagay na ganito. Ilang linggo na ang nagdaraan pero kahit ni katiting, wala akong nalaman.               “Bro, you know me. May itinatago ka ba?” Hindi ko alam pero parang may alam siya sa mga nangyayari. 
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status