Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
View MoreNASA sala si Joaquin sa bagong tirahan ni Luna at kanina pa nakabantay si Monique sa kanya. Ang balingkinitang babaeng may malagong buhok at maiksing pananamit ay nakatayo sa pinto ng kwarto ni Luna at binabantayan siya. Nakahalukipkip ito at panay ang tapik ng talampakan sa sahig.Nilinga niya ang paligid. Hindi na siya nag-aksayang maupo sa monoblock na in-offer ni Luna kaninang pagdating niya. Nakatayo lang siya sa gitna ng sala na walang kalaman-laman.Tumikhim siya. “Is there anything else you need?” tanong niya sa dalawang babae.Sumilip si Luna mula sa loob ng kwarto nito. “Sorry, just a bit more. Inaayos ko lang itong dala mong folding bed. Salamat pala ulit, ha?”“No problem. And I’
SA HULI AY hindi na pinatawag ni Clip si Romano kay Monique. Tama nang si Monique lang ang nakakaalam kung ano ang estado niya sa buhay.Instead, she called Mr. Blue.“It’s been a while,” bungad ng kabilang linya.Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil kasama niya sa sala na hindi mukhang sala si Monique. Lumabas siya ng bahay para makausap ng maayos ang lalake.“Do you need anything?” tanong pa ni Mr. Blue.“I’ve fallen hard enough to need your help, Mr. Blue,” piping wika niya. Nahihiya siya pero kakapalan na niya ang kanyang mukha. She only needed a folding bed and a few pillows to last the night. Bukas na bukas din ay isasama ni
HINDI MALAMAN NI CLIP kung ano ang mararamdaman nang makita si Monique na bumaba mula sa isang hindi pamilyar na sasakyan. Siniyasat niya kung sino ang driver pero hindi niya kilala ang nagmamaneho. Binuksan ni Monique ang pinto ng backseat at tumambad sa kanya ang maraming kagamitan sa bahay na hindi niya alam kung saan nito pinagkukukuha.
SABUNOT AT SAMPAL ang abot niya nang makauwi siya sa bahay nila. Hindi niya maintindihan kung paano nahanap ng Papa niya ang marijuana na tinago niya bago siya umalis ng bahay. Hindi niya inaasahang uuwi agad ito. Sa pagkakaalam niya ay matagal bago ito makabalik. Baka nagkwento ang kapitbahay nilang magaling sa tagpong nakita kanina nang may dumating na naka-motor at nag-abot ng maliit na plastik sa kanya.&nb
“ARE YOU STILL THERE?” ang tanong ni Mr. Blue kay Clip. Kasalukuyang nasa parmasya si Clip at bumibili ng gamot para sa sakit niya sa ulo. Pumipintig ang magkabilang gilid ng ulo niya. Sa kaiiyak niya siguro ito, wala pa siyang mahabang tulog. Kausap niya pa rin ang musikero sa kabilang linya.
“HEY, BABY GIRL,” tawag kay Clip ng lalakeng kapaparada lang ng motor bago ito bumaba mula roon. KASALUKYANG NAGME-MERIENDA ANG tatlo sa 7-11. Laman na naman sila ng convenience store. Si Clip ay tumitingin na naman ng makakain. They skipped brunch and went straight to merienda. Wala halos laman ang tiyan niya kundi ice cream at soy milk na nailabas niya kaninang nag-CR siya. Baka nga dinner na nila ito dahil mamayang gabi na ang alis nila. It WAS TWELVE THIRTY in the afternoon and their classmates were flooding them text messages asking where the hell they were. Ilang oras pa lang nakakatulog si Clip. Pagkatapos nilang mag-7-11 para kumain ng ice cream ay nag-check in sila sa isang motel at nag-share sa iisang kwarto na may tatlong kama.The Wayward Daughter Chapter 9
The Wayward Daughter Chapter 8