Favorite Notification

Favorite Notification

By:  YourMissPatatas  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings
27Chapters
3.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Clover ay isang babae na hindi nalalayo ang estado ng buhay sa iba. Gaya ng mga kabataan ngayon ay nahilig din ito sa social media, partikular sa Facebook site. Kabilang din ito sa mga taong naging sikat sa social media dahil halos araw-araw ay humahakot ito ng daang-daang likes. Marami na rin ang sumubok na ligawan siya sa kanyang Facebook account, ngunit palagi niya itong nire-reject. Para sa kanya ang mga lalaking nakilala lang dito ay hindi pwedeng seryosohin, puro landi-landi lang.Pero tila parang nag-iba ang ihip ng hangin at timpla ng kape ng makilala niya si Percy na parang may extended brain orb sa ulo, in short, abnormal, at palaging nanggugulo.Habang tumatagal ang communication nilang dalawa, ang akalang landi lang ay tila ba nag-iba.Is it possible to fall in love in social media?Kung sakali man, may kasiguraduhan kayang magtatagal ang relasyong binuo nila?

View More
Favorite Notification Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2021-10-12 00:55:46
0
user avatar
Im_Chiny 03
Keep writing, author!
2020-09-04 20:00:31
0
27 Chapters
Chapter 1
Ikadalawang linggo ng bakasyon, nakangiting bumangon si Clover sa kama niya at nag-inat. Handang-handa na siyang harapin ang panibagong araw na binigay sa kaniya ng Panginoon. "Good morning, God!" masiglang bati niya habang nakatingin sa itaas. Nakasanayan niya ng batiin ang Panginoon tuwing imumulat niya ang kaniyang mga mata. Everytime she wakes up in the morning, hindi nawawala ang kaniyang ngiti sa labi. Dabil binigyan pa siya ng biyaya upang magising muli, at pagkakataong mag-enjoy sa buhay. Napatingin siya sa kaniyang kanan, makikita roon ang study table niya kung saan nakalagay ang kaniyang cellphone. Mabilis na kinuha niya ito at nag-open ng Facebook. Hindi niya na muna pinansin ang mga notifications at messages dahil magpo-post pa siya. "Good morning, Sunshine! Don't forget to spread your lips. SMILE!" Nakangiti niyang ibinalik ang cell
Read more
Chapter 2
"Cece, nakita mo ba 'yong bagong lipat na lalaki diyan?" tanong ng kaibigan niyang sa Tashia. Hapon na ng maisipan nilang lumabas saglit para bumili ng milktea. Unti-unti ng nagiging kahel ang kalangitan, gusto niya sanang pagmasdan ang papalubog na araw kaso wala namang perfect spot sa lugar nila para pag-puwestuhan. May mga pagkakataon talaga na hindi niya maintindihan si Tashia, minsan sobrang seryoso nito pero minsan madaldal din, tulad ngayon. May hawak-hawak itong matcha flavored milktea, maitim at mahaba ang buhok nito, maputi at may kapayatan. Nasa iisang compound lang sila, madalas niya itong kasamang tumambay sa labas. "Oo," sagot niya bago humigop sa straw ng milktea niyang taro flavored. Ngayon niya lang nakitang nagningning ang mga mata nito, "Talaga? Gwapo ba siya?" Pinagningkitan ng mga mata ni Clover ang kaibigang si Tashia. Hindi na nga niya iniisip ang tungkol sa lalaking iyon kasi lalo lang siyang naco-curi
Read more
Chapter 3
Kung kanina ay nagtatalo ang isip niya niya kung ia-add niya ba ito, ngayon naman ay kung ime-message niya ba. Mukha namang mabait itong tao kaya baka okay lang na i-chat niya. Pipindutin pa sana niya ang messager app ng biglang tumunog ang notification at lumabas ang isang chat head. Percy Wilson: Hi!  Clover Clynn Delgado: Hello.  Percy Wilson: Akala talaga nila mag-jowa tayo. Clover Clynn Delgado: Oo nga e. Mukhang napaniwala natin sila. Hahaha! Percy Wilson: Ang galing mo kasi e.  Clover Clynn Delgado: Oy! Hindi kaya. Hindi ko naman magagawa 'yon kung wala ka.  Percy Wilson: Pa-humble, sige na nga. HAHAHA!  Clover Clynn Delgado: Bye the way napadaan ako saglit sa wall mo. Nakita ko ang laman nito, ang creepy.   Percy Wilson: I'm sorry. Nat
Read more
Chapter 4
Alas otso nang magising muli si Clover. Laking pasasalamat niya na hindi niya napanaginipan ang STICK-O na sinend sa kaniya ni Percy kanina. Isang oras niya ring inisip ang tungkol sa picture na 'yon. Hinihiling na sana hindi niya na lang iyon nakita. Pagka-open niya ng facebook at may nagulat siya ng makitang may 10 unread messages galing kay Percy. Isa-isa niyang itong binasa at napangiti siya dahil doon.Percy Wilson: Hala nag-out!  Percy Wilson: Oyy bata! Nandiyan kapa?  Percy Wilson: Hoyy!  Percy Wilson: Ito naman, biro nga lang 'yon.  Percy Wilson: Bata!  Percy Wilson: Sorry na.  Percy Wilson: Hindi ako matutulog hangga't hindi ka nag-o-online.  Percy Wilson: S
Read more
Chapter 5
Araw ng Sabado, umaga palang ay nagising na si Clover para maglinis ng kaniyang silid. Nitong mga nakaraang araw ay kama nalang ang naayos niya dahil nawili na siya kaka-peysbok. Nakalimutan niyang ayaw na ayaw pala niya sa makalat na lugar. Sinalpak niya ang airpods sa kaniyang dalawang tenga at nagpatugtug ng, "Bad Guy" ni Billie Eilish. She loves music, so much that she cannot live without it. Ito ang bumubuo ng pagkataoo niya. Whenever she is sad, music is there. Maliban sa Ice cream ay ito rin ang nagiging kasangga niya sa kalungkutan. Sumasayaw at kumakantang nagwawalis siya ng sahig. Hindi siya magaling sumayaw, tama lang. Pero kung kantahan lang din ang labanan, hindi siya magpapatalo. "I'm a bad guy... Tororott tororottt tororott~" Giwang diyan, giwang dito ang ginagawa niya. Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa ay naupo muna siya sa upuan na nasa kwarto. Umagang-umaga ay tagatak na ang pawis niya which
Read more
Chapter 6
Sabado ng hapon, habang kumakain ay biglang may naisipang kalokohan si Clover na tiyak gagawin niya mamaya kay Percy."I-prank ko kaya siya?" Nakangiting tugon niya sa sarili.Dali-dali niyang inubos ang pagkaing nasa harap niya at dinampot ang cellphone na nasa mesa. Nag-open siyang Facebook at saktong online pa si Percy. Clover Clynn Delgado: Woii! Percy Wilson: Yes, baby? Clover Clynn Delado: Baby mo mukha mo! Percy Wilson: Ba't napa-chat ka? Clover Clynn Delgado: May sasabihin sana ako, huwag kang mabibigla. Percy Wilson: What is it? Clover Clynn Delgado: Natatakot ako. Baka kasi i-judge mo ako. Percy Wilson: Ano nga kasi iyon?
Read more
Chapter 7
Nagising si Clover dahil sa nakakabulabug na tunog galing sa baba. Sobrang inaantok pa siya kaya tinakpan niya ang kaniyang tenga gamit ng puting unan na ginagamit niya. Pero kahit anong gawin niya ay nakakalusot pa rin ang tunog na iyon. Inis na napaupo siya sa kama, "Nagzu-zumba na naman siya panigurado." Nakalimutan niyang araw pala ngayon ng Linggo. Ibig sabihin narito ang mama niya. Hindi talaga siya nakakatulog ng mabuti kapag day-off nito. "Good morning, God!" bati niya habang nakatingin sa taas.Bumaba siya at doon nakita ang ina sa sala na ginagaya ang mga taong sumasayaw sa screen ng TV. "Gising kana pala, anak," masayang wika nito habang gumigiwang-giwang."Nagising lang naman ako dahil sa lakas niyang music niyo. Sana tinaasan niyo pa ang volume, nahiya pa kayo." Umirap siya at nagsimula ng maglakad papuntang kusina."Ikaw naman. Halika rito, sabayan
Read more
Chapter 8
Pagkatapos maglaba ni Clover ay saglit siyang nagpahinga. Makaraan ng limang minuto ay nag-open na siya ng Facebook. Nakalimutan niyang magpapalit pala sana siya ng profile kahapon. Once a month lang siya kung magpalit ng profile kaya dapat maganda talaga. Pinili niya ang kaniyang picture na naka-brown na cargo pants at isang sleeveless na shirt. Naglagay lang siya ng caption na, 'She's falling, doesn't even know it yet.' Na galing sa lyrics ng Night Changes by One Direction which is her favorite band, bias niya doon si Harry Style. |POSTED|Nasa isang minuto palang ay humakot na agad na ito ng 100 reacts. Dapat nga ay matuwa siya dahil dito ngunit hindi. Biglang nag-poop up ang isang chat head sa screen niya.Percy Wilson: She's falling, doesn't even know it yet? Sino tinutukoy mo diyan? Clover Clynn Delga
Read more
Chapter 9
Alas syete na ng matapos ni Clover ang kaniyang mga gawain . Tinapos niya na lahat ng sa gano'n ay malaya na siyang makakapag-chat kay Percy. Pagka-open niya ng Facebook ay napangiti siya ng malapad ng makitang may chat na ito.Percy Wilson: Hi baby! Clover Clynn Delgado: Bakit ba gusting-gusto mo akong tawaging baby? Percy Wilson: Nagpa-practice na. Clover Clynn Delgado: Confident ka talaga, ano? As if naman papatulan kita. Percy Wilson: Sure ako diyan. Limited edition lang kaya ako. Clover Clynn Delgado: Wala akong pakialam.  Percy Wilson: Siyanga pala. Sabi mo kanina na-miss mo ako. Clover Clynn Delgado: May sinabi ba akong gano'n? Hindi ko matandaan. Percy Wilson: Hindi ba pweding kahit
Read more
Chapter 10
Alas syete ng gabi, oras ng paguwi ng ina ni Clover. Nitong nakaraang Linggo ay hindi na sila nakakapag-usap ng matagal dahil naging busy na rin siya kaka-cellphone. Gusto niya kahit ngayon gabi lang ay makapag-usap man lang sila, pakiramdam niya ang layo na nila sa isa't-isa.Halos kinse minutos din siyang naghintay bago dumating ito na may bitbit na isang itim na bag kung saan nakalagay ang mga gamit nitong pang-opisina. Sinalubong niya agad ito ng isang halik sa pisnge. "Magandang gabi, ma," bati niya."Magandang gabi rin, Cece. Kumain ka na ba?" tanong nito habang hinahawakan ang kaniyang leeg. "Hindi pa ma, hinihintay kita." Kinuha niya ang bag sa ina at binigay naman agad nito."Dati-rati naman, nauuna kang kumain diba?" kunot-noong tanong nito."E, wala nga kasi akong gana kapag walang kasama," sagot niya. Ramdam n
Read more
DMCA.com Protection Status