Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

By:  MissBangs001  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.7
Not enough ratings
47Chapters
77.0Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Highschool buddies, college girlfriend, at number one supporter siya ni Szellous Veron Dela Vega o mas kilala sa screen name nitong Seve.Mayaman ang pamilya ng lalaki kaya kahit nobya na siya, ay di pa rin siya matanggap ng pamilya nito. Nangako ang lalaki na ipaglalaban siya nito sa pamilya niya ngunit ang di niya inaasahan ay ang pakikipagbalikan nito sa dating nobya. Nalaman na lamang niya na ginamit lang pala siya nito para pagselosin ang dating nobya nito.Umalis siya nang Pilipinas para itago ang pinagbubuntis niya sa pamilya ng lalaki, at sa kanyang pagbabalik isa lang ang nais niya. Ang maghiganti sa mga taong umapi at nagbigay ng poot sa kanyang dibdib.---Limang taon ang lumipas at nagkita sila muli, ngayon ay isa na siyang hinahangaan na Solo Artist at CEO sa isa sa pinakamalaking Entertainment Company.'LJ Entertainment were build to compete with Dela Vega's Entertainment company'at gagawin niya ang lahat para bumagsak ang lalaki na dati niyang hinahangaan.

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
47 chapters
HTBS 01:
•Lilac•"Lilac?"Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ilang taon man ang lumipas ngunit di pa rin niya makakalimutan ang boses ng lalaking minahal niya noon.Mula sa pagkakayuko ay tumingala siya at nakita niya itong nakangiti sa kanya. Walang emosyon niyang pinagmasdan ang binata. Hindi niya kayang makipag-plastikan rito, lalo na at nasasaktan pa rin siya tuwing naiisip ang nabasa niya nang nagdaang araw. Ikakasal na ito sa babaeng, ipinalit sa kanya noon.Umiling siya at di na nagsalita na umiwas rito, wala na siyang balak pa na kausapin ito. Wala na sila dati pa, tinalikuran na siya nito noong mga panahon na kailangan niya ito."Lily sorry," saad nito.Tumibok ng mabilis ang puso niya nang marinig ang sinabi nito. 'Lily', pagak siyang natawa nang marinig muli ang pangalan na tinatawag nito dati sa kanya. Hin
Read more
HTBS 02:
•Lilac•Dala-dala ko ang cake na ginawa ko para sa nag-iisang singer ng buhay ko. twelve years na kaming nagsasama, six years bilang bestfriend, four years bilang mag-jowa, and another two years bilang tagahanga nito. Lalo na at isang sikat na solo artist na si Seve.Matagal na kami, kaya naniniwala ako na mahirap na kaming paghiwalayin, kahit ayaw sa akin ng pamilya niya. Para sa pamilya nito ay isa lang akong guro, di katulad nila na may-ari ng pinakamalaking kompanya.Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa kaya panatag na ako na sa kasalan na kami magtatapos."Honey, nandito na ako!" tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa unit niya. Nangunot ang noo ko nang walang sumasagot sa akin. Mabilis akong nagtungo sa kusina para doon ilagay ang dala kong cake. Pinuntahan ko rin kaagad ang kwarto niya, ngunit dismayado akong napaupo sa kam
Read more
HTBS 03:
•Lilac•"Ma'am, nagtatanong po si Sir Cross, kung ikaw po ba ang pupunta sa audition mamaya."Di ko namamalayan na nakatulala na pala ako, kung di lang nagsalita ang sekretarya ko, sigurado na babalikan ko na naman ang nakaraan na iyon. Ang nakaraan na nakapagpabago sa pananaw ko sa buhay."Yes ako nalang, atsaka pakisabi sa kanya na kailangan ko ang report sa mga schedule ng mga artist.""Copy, ma'am. Iyon lang po ba?" tanong niya.Tumango ako kaagad kaya umalis na ito. Napapikit ako at napahawak sa sentido ko nang bigla itong sumakit, epekto siguro to ng pagpupuyat. Simula ng bumalik kami sa Pilipinas at nakita ko si Seve ay di na ako makatulog ng maayos, dahil napapanaginipan ko ang masasamang alaala ng kahapon."Mommy sakit po head mo? Kiss ko po kayo para mag heal po kayo kaagad."Nagmulat ako ng mata at ang maamong
Read more
HTBS 04:
•Lilac•"PD Kang, salamat po. Mauna na po ako at may iba pa akong appointment sa araw na'to."Tumango naman si PD Kang, kaya mabilis ko nang tinahak ang daan palabas. Ayaw kong makasabayan si Szellous, ngunit di pa ako nakakalahati sa daang tinatahak ko ay narinig ko naman ang boses nito. Tinatawag niya ako para patigilin, kinamot ko ang aking noo sa sobrang inis."Lily, sandali"Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang kamay nito na nakahawak sa kaliwa kong braso. Bumuntong-hininga ako bago siya nilingon, tinaasan ko siya ng kilay nang di ito nagsalita at nakatingin lang sa akin."Anong kailangan mo Szellous? Baka makita na naman tayo ng fiance mo at  sugurin ako. Pakisabi sa kanya na wala akong pakialam sayo, at please lang huwag siyang mag eskandalo, dahil naiinis na ako sa mga reporter na puro pangalan niya ang bukambibig kahit a
Read more
HTBS 05:
•Lilac•Pagkauwi ko sa bahay ay bumungad sa akin ang malapad na ngiti ni Mamay. Alam nito ang relasyon ko kay  Seve, kaya ganito nalang ang reaksyon niya."Anak okay ka lang ba? Umiiyak ka ba? May masakit ba sayo?"Inisang hakbang ko ang distansya namin ni Mamay at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumalabas sa aking bibig, pero nagkakaintindihan kami. Naiitindihan nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon, lumakas ang iyak ko habang nakasubsob sa may dibdib ni Mamay ko."Mamay, hindi pa po ba ako sapat? marami po bang pagkukulang sa akin?" parang bata na tanong ko rito.Hinaplos nito ang aking buhok, para pakalmahin ako ngunit di ko matigil ang bugso ng aking damdamin. Mas masisiraan ako ng bait kapag hindi ko nailabas ang bigat na nakadagan ngayon sa aking dibdib. Hindi ko dapat sinasabi ang
Read more
HTBS 06:
•Lilac•Kanina pa kami dumating sa bahay pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako. Inaamin ko naman na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Seve, at nasasaktan pa rin ako sa tuwing kasama niya ang bago niya."Lilac"Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Trayne. Nagdikit ang kilay ko para intindihin ang sinasabi nito, ngunit wala pa ring pumapasok sa utak ko."Mommy bakit ka po sad? ayaw niyo po ba na kumain ako ng ice cream?"Malungkot na tanong sa akin ni Lucas, umiling naman ako sa kanya at pinatawag ang isa naming kasambahay para paliguan ito at makatulog na pagkatapos."Susunod lang si Mommy, mauna ka na sa kwarto okay? mag-uusap lang kami ng Daddy Trayne mo."Tumango-tango naman kaagad ito, at lumapit kay Trayne para halikan ito sa pisngi. Pagkaalis ni Lucas ay agad naman ito
Read more
HTBS 07:
•Seve•"Anong nangyayari diyan?" rinig kong tanong ni Ezekiel sa mga kaibigan namin. Napasabunot na naman ako ng buhok ko, di ko aakalain na makikita ko si Lilac na may kasamang lalaki at ang malala pa doon ay may anak pa ito. Rinig na rinig ko ang pagtawag sa kanya ng bata na 'Mommy'. Inisang lagok ko ang alak na iniinom bago tumingin sa kanila Sin na nagtatawanan kasama ang nobya nito na si Annaliza. Tinaasan ko ito ng kilay kaya tumahimik naman ito kaagad, ramdam ata ang pagkairita ko."Pare ang ganda pala talaga ni Miss Lilac, kaya maraming lalaki nababaliw dito. Ang sarap pa pakinggan sa tenga ang boses nito."Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Alwin, ngayon lang ba niya nakita si Lilac? Sigurado naman siyang dinala niya rito ang babae noong nobya niya pa lang ito."Di mo nakita yan nang dinala dito ni Seve?"Mabuti nalang at t
Read more
HTBS 08:
•Lilac•"Mommy, wake up po. Tumatawag po si Tito Cross!"Nagising ako dahil sa maliliit na halik sa akin ni Lucas. Malapad itong nakangiti sa harapan ko, ibabalik ko sana ang ngiti nito nang bigla itong nagkunot-noo. Umiling-iling pa ito sabay pinag-krus ang dalawang braso."Mommy ang bad naman po ng may gawa niyang sa iyo."Ako naman ngayon ang napakunot-noo sa sinabi niya. I check myself, para alamin kung ano ang ibig nitong sabihin nang naramdaman ko ang maliit niya daliri sa aking leeg. Damn! nakalimutan ko palang takpan iyon."Mommy, may bite po kayo ng mosquito. Namumula po ang neck niyo, kapag nakita ko po iyon papatayin ko po kaagad, para di na po kayo makagat ulit."Napatawa ako sa sinabi niya, mapapatay pa ata nito ang sariling ama. Ginulo ko ang kanyang buhok bago ito ginawaran ng halik sa pisngi.<
Read more
HTBS 09:
•Lilac•"Anong nangyari sayo Lilac? nakatulala ka na naman, kanina pa kita napapansin may problema ba?"Tiningnan ko si Persephone at ngumiti dito. Nasa mansyon kami ngayon ng mga De Silva, kanina ko pa iniisip ang ginawa ni Szellous sa opisina ko."May iniisip lang ako, salamat nga pala sa pag-invite sa amin dito. Namiss ng anak ko yung mga kalaro niya eh."Tumawa si Persephone at tiningnan ang mga batang nagtatakbuhan. Nanlalaki ang mata ko nang makita na pumasok si Hades, Ezekiel at Craige. Nilingon ko si Persephone, nanlalaki rin ang mata nito na nakatingin sa tatlo. Mabilis itong lumapit kay Hades, napasunod na rin kami sa kanya."Anong ginagawa niyo dito? may iba ba kayong kasama?" agaran kong tanong habang tinatago sa likuran ko si Lucas. Delikado na at baka makita nila ito, tumaas ang kilay ni Hades na tumingin sa akin."Lilac? sino kas
Read more
HTBS 10:
•Seve•"Seve anak tulungan mo naman kami ng daddy mo, malapit ng bumagsak ang negosyo natin. Di namin kayang pigilan ang mga investor na umalis sa kompanya, at di nakakatulong ang ginawa ni Lilac tungkol doon sa bata di niya tayo mauuto. Kamukha daw pwe!"Malungkot akong ngumiti sa harapan ni Mommy, umuwi ako dito para ma-comfort nito. Nakakatawa dahil umaasa ako na sana maramdaman nito ang paghihirap ko ngayon, ngunit puro trabaho ang nasa isip nito."My, pwede po ba bukas nalang yan? masama po ang pakiram—""Ano? Ano ka ba naman Szellous. Paano na tayo kapag bumagsak ang kompanya? Sigurado akong pagtatawanan tayo ng Lilac Jose na iyon, at kapag nangyari iyon sigurado akong magpapakamatay ako."Tumango ako sa sinabi ni Mommy at lumabas na nang bahay. Pupunta pa ako sa opisina, sa totoo lang masama talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nanlalabo ang mata ko haba
Read more
DMCA.com Protection Status