Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

By:  aranew  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
91Chapters
20.1Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.

View More

Latest chapter

    Interesting books of the same period

    Comments
    No Comments
    91 chapters
    Blurb
    Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip.~~~Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang.Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang.Hind
    Read more
    Chapter 1
    The Aisle of Medellin is the longest straight highway in Cebu. A seven and half kilometer highway from Dayhagon to Curva at the heart of sugarcane fields, which the Mangubat owns from the foundation of Medellin until the present age.The green and glorious field is the crown of Don Sebastian Mangubat and Donya Belinda Sanchez-Mangubat. And the little nipa hut at the right portion of the field is the favorite spot of their daughter, Jewel Laine.What she loves in that place is the peaceful ambiance. Nakikita niya sa malayo ang berdeng mga tubo at ang maputing kalsada ng Aisle mula sa loob ng kubo. Pero ang pinakagusto niya ay walang mga taong nag-iistorbo sa kaniyang pagbabasa.Isang 'yong magandang lugar para sa kaniyang mahilig sa pagbabasa. Preskong hangin, awit ng ibon, tahimik na lugar... talagang napaka-"Senyorita Laine! Senyorita! Narito na po ang pinabibili niyong mga libro!"

    Read more

    Chapter 2
    Warning: Language and Theme."Hello?"Umikhim siya. Huminga nang malalim. "Haze?" Tumingin siya sa balkonahe. "Nakauwi ka na ba?""Yep. Anong sadya mo at napatawag ka?"Bumuntonghinga siya at nagpasyang bumangon mula sa kama. Naglakad siya papunta sa balkonahe at lumabas para lumanghap ng sariwang hangin. It was passed 3 A.M. Nagningning sa malayo ang lighthouse na pagmamay-ari ng Mayor ng Medellin. Tanging kuliglig ang naririnig niya sa paligid."Nanaginip ako.""Well, that's normal.""Hindi. I mean, I've dreamed a weird dream."Natawa ang kabilang linya. "Oh, well. What's your dream little girl?"Sumimangot siya. Naisip niya ang nakangising mukha ni Hazel sa harap. "Pwede ba, Haze? Stop drinking, okay? I need someone to talk to tapos ganiyan ka pa?"Natahimik sa
    Read more
    Chapter 3
    Sumilay na ang araw sa silangan nang buhatin siya ni Gideon paakyat sa ibabang bahagi ng pangpang kung nasaan si Gina. Hinanap niya sa paligid si Fransisko pero hindi niya ito nakita. Umikhim siya, ilang minutong nagdalawang-isip bago binuka ang bibig para magtanong."S-Si Fransisko?""Naanod sa ilog. Ipapahanap ko kapag lumiwanag na. Kaya mo bang tumayo?"Napakurap siya, bumaling sa madilim-dilim na ilog pero wala siyang makitang kilos doon."Jewel.""A y-yes, I think so."Dahan-dahan siyang ibinaba ni Gideon. Naramdaman niya ang pagtapak ng paa sa tuyo at malamig na lupa. Inalis kasi ng lalaki ang suot niyang boots kanina at wala siyang lakas nang oras na 'yon para pigilan ito. Hanggang ngayon nga ay ramdam pa rin niya ang panginginig ng kalamnan at ang malakas na tibok ng pusong nagpapahirap sa kaniyang paghinga.Bigla na lang naghubad si Gideon sa harap niya.
    Read more
    Chapter 4
    Nasa labas sila ng Mansiyon at hindi pa nakakapasok dahil nakaantabay sa labas ang kaniyang ama. Madilim ang mukha ng Don nang makita siya nitong parang basang sisiw na walang inahin, pero biglang sinalo ni Gideon ang galit ng ama na para sana sa kaniya."Ako na ang humihingi ng pasensya para kay Jewel, Don Sebastian."Hinintay ni Jewel ang galit ng ama. Ngunit nagulat siya nang ngumiti ito kay Gideon. Napanguso siya.'Unfair talaga! Palagi lang siyang ngumingiti kay Gideon. I didn't even remember the last time he smiled at me!' maktol niya."Ano na naman ang ginawa ng aking unica hija at para siyang sisiw na naligaw dito sa mansiyon?" Bumaling ang ama niya sa kaniya. Pinaningkitan siya nito ng mga mata.Nagbaba na lang siya ng tingin at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Hinayaan niyang si Gideon ang magpalusot para sa kaniya. Total, pinagtanggol na siya nito. Edi lu
    Read more
    Chapter 5
    Takot ang lahat kay Mayor Calixto Olmedo Hernandez. Sa labinlimang taon nitong panunungkulan sa puwesto, tinagurian itong bakal na kamay ng Medellin. Ilang ordinansa ang pinatupad sa Medellin habang nanunungkulan ang naturang Mayor. Kabilang sa ordinansa ang pagbawal sa pananakit sa mga babae at ang pagpapakulong sa mga tao o organisasyong mahuhuling nag-i-illegal logging sa anumang parte ng munisipalidad. Ang nahuhuling lumabag sa ordinansa ay pinapatawan ng parusang pagkakulong o hindi kaya'y binibigyan ng karamtang multa at parusang paglilinis sa isang buong kumunidad. Kaya naman nang makita niya ang seryoso nitong mukha ay halos manginig ang tuhod niya. At nang dumapo ang matalas nitong mga mata sa kaniya ay tinakasan ng kulay ang buong mukha niya. Takot siya rito, dahil minsan na niyang nakita kung paano magalit ang ama ni Gideon sa isang local news. Simula noon ay ayaw na niyang makaharap ang Alkalde.
    Read more
    Chapter 6
    "What? You don't want to marry a Mayor's son?"Nairap siya sa harap ng monitor. "Yes. He told me that he is twenty-nine. I don't want to marry an old man. It's okay sana kung 4 or 5 years older pero 10 years? Come on, Tiara, that's decade gap!""That's awesome, girl. Pagtatawanan ka na naman nina Sheena niyan.""That's it! Siguradong kakalat sa school ang tungkol kay Gideon.""Gideon? What a nice name."Nangunot ang noo niya at tumingin sa screen ng Iphone. Nakita niyang nakangisi si Tiara sa camera, nagbabasa ng libro si Hazel, habang walang tao sa camera ni Gabbi. "Where's Gabbi?"Nagkibit-balikat si Tiara. "Pumunta sa banyo. Wait, Hazel? That's hot. Another erotic book?"Napatingin siya sa camera ni Hazel. Nakadapa ito sa kama at nakikita niya ang cover ng libro na isang naka-topless na lalaki. Nag-a
    Read more
    Chapter 7
    "You may kiss the bride."Humarap siya kay Gideon. Ngumiti ito at hinawakan ang batok niya sabay siil ng isang magaan na halik sa gilid ng labi niya. Humawak siya sa magkabila nitong pisngi at hindi bumitiw hangga't hindi niya nararamdaman ang flash ng camera."Tama na 'yan," narinig niyang sambit ng jugde. Natatawa pa ito nang bumaling siya rito. Pinigilan niya ang sariling umirap."Congratulations, Mr. and Mrs. Hernandez."Nagpalakpakan ang mga taong nasa likuran ng dalawa. Hinawakan siya ni Gideon sa kamay at sabay silang humarap sa mga tao. Nakita niya ang ama at ina na nakangiting pumalakpak sa isang tabi. Nasa gilid ng mga ito ang Alkalde. Bilang lang sa daliri ang mga taong inimbitahan ng Alkalde at ng mga magulang. Ilang kilalang personalidad din ang nakita niya. Pero walang media. Napabuga siya ng hangin. Gusto niya sanang imbitahan ang mga kaibigan pero ayaw ng in
    Read more
    Chapter 8
    Nasa tagong bahagi ng Cansanit ang bahay ni Gideon. Nasa dulo ng isang mahabang peninsula malapit sa Don Virgilio Gonzales. Isa iyong three-storey house na kulay puti ang dingding at asul ang bubong. Malaki ang tarangkahang umiikot sa buong perimeter ng bahay. May malaking garahe sa harap na nasa ilalim ng isang enclosed porch. May patio pa sa gilid malapit sa maliit na pond. Hindi automatic ang gate kaya iginiya siya si Gideon patungo sa maliit na pinto. Hinayaan na muna ng lalaki ang pick-up sa labas ng tarangkahan. Nag-doorbell ito at may lumabas na isang lalaking nasa mid-50s na nakasuot ng sumbrero. Ngumiti ito pagkakita sa kanila. "Sir Manasseh, magandang araw. Ito na ba ang asawa mo, Sir?" "Siya nga, Tang." Nakangiting bumaling ang lalaki sa kaniya. Ibinaba nito ang sumbrero at inilapat sa dibdib sabay yuko sa harap niya. "Ikinagagalak kitang makilala, Ma
    Read more
    Chapter 9
    Isang bilugang mesa ang nadatnan niya sa dining area. Nakaupo si Gideon doon habang nagbabasa ng isang devotional book. Agad siyang naupo sa katapat nitong upuan at napansin niyang lumiko si Tang papunta sa back door."Kuya Tang, sa'n ka po?" tawag niya.Nakangiting lumingon sa kaniya ang matanda. "Tapos na ako Maam Laine. Maghahardin na muna ako para makapagsarinlan kayong mag-asawa."Napatingin siya kay Gideon nang umikhim ito. Nakita niyang bahagyang nakangiti ang lalaki. "May nilutong saging at kamote si Tang." Tinuro nito ang nilagang saging at kamote sa mesa. Umasim ang mukha niya. "Hindi ako kumakain niyan."Tumango-tango si Gideon. "Napansin ko nga sa mansiyon. Di bale, ipagluluto na lang kita ng maruya.""Maruya?"Napangiti si Gideon. Tumayo ito at nagpunta sa kusina. Ilang minuto itong hindi nakabalik. Napanguso siya. Inabot niya
    Read more
    DMCA.com Protection Status